Monday, March 23, 2009

Crisscross

Malayo pa, natanaw ko na si James na paparating. May kasama siya.

He looked good kahit sa malayo. Kakaiba ang aura niya.

Minahal ko si James at inakala kong mahal niya rin ako pero hindi pala. Tanggap ko na pero aaminin ko, may soft spot pa rin siya sa puso ko.

Natutuwa akong makita siya kaya nakangiti ako habang papalapit siya. Napangiti rin siya nang makita ako.

We hugged. At sa pagkakataong iyon, hinagkan niya ako sa pisngi.

Pagkatapos, ipinakilala niya sa akin ang kasama niya.

“Aris, I would like you to meet Jasper...”

“Hi, Jasper. Nice to meet you.”

“Same here, Aris.”

Nagkamay kami.

Cute chinito si Jasper. Fit ang pangangatawan. Maputi.

Umupo kami at umorder ng beer.

“Matagal na kayong friends?” ang tanong ko, casually.

“No,” ang sagot ni Jasper, nakangiti, sabay tingin kay James.

“Jasper is my boyfriend,” ang sagot ni James, nakangiti, sabay tingin sa akin.

***

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Arvie. Mag-isa lang siya.

Si Arvie na minahal ni James kahit may mahal nang iba.

Nagulat din si James.

Nagkatinginan sila sandali. Arvie kissed him on the cheek.

Na-tense ako dahil nandoon si Jasper.

Kaagad na pinagkilala ni James sina Arvie at Jasper.

“Arvie… this is my boyfriend Jasper,” ang sabi.

May nasilip akong guilt sa mga mata ni James. At hurt sa mga mata ni Arvie.

“Hey, Arvie,” ang bulalas ko. “Asan BF mo?”

“Sinong BF?”

“Si Aussie.”

“Ah, wala na.”

“Anong wala na?”

“Bumalik na sa Australia.”

“So, single ka na uli?”

“Yup. And available.”

“Sayang naman,” ang sabi ko sabay tingin kay James.

***

Siksikan sa club at malayo kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao ay sa kanya natuon ang pansin ko.

Nasa bandang likuran siya at nakatingin sa akin.

Nabighani ako sa kanyang gwapong mukha.

Nagtitigan kami. Nag-usap ang mga mata. Matagal.

Ipinagpasiya kong lapitan siya subalit hirap akong makadaan. Naharang din ako ng isang kakilala na sandaling chumika.

Pagtingin ko uli sa kinaroroonan niya, wala na siya.

Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko na siya makita.

“Sayang naman,” ang sabi ko sa sarili.

***

Nagsayaw ako kasama ang mga kaibigan ko.

Naroroon din sina James at Jasper. Magka-partner sila at panay ang yakapan. Ang sweet nila.

Medyo nasobrahan na ako sa beer kaya parang lumulutang ang pakiramdam ko. Masyado akong na-carried away sa pagsasayaw ko sa “I Kissed A Girl”.

At dahil siksikan, nabangga ko ang isang nagsasayaw din. Napasulyap ako sa kanya.

At natigilan.

Ang gwapong nakatitigan ko kanina sa malayo!

Nagkatinginan kami. Nagkangitian.

Sabay pa kaming nag-“Hi”.

Nagharap kami. At nagsayaw.

Bago ko namalayan, magkayakap na kami at naghahalikan.

Katabi namin sa di-kalayuan sina James at Jasper. Naghahalikan din.

***

“Ako nga pala si Andrew,” ang pakilala niya sa akin.

“Ako si Aris,” ang pakilala ko sa sarili habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya. Higit siyang gwapo sa malapitan.

“I like you,” ang sabi niya.

“I like you, too,” ang sagot ko. And I meant it.

“Single ako. Ikaw?”

“Pareho tayo.”

“After tonight, maaari ba tayong mag-date?”

“Sure.” Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

“I want to know you more.”

“Ako rin.”

“And maybe after, we can become boyfriends.”

“That’s an interesting possibility.”

May tumapik sa balikat ko. Si Arvie. Nanghihingi ng yosi.

Ipinakilala ko sa kanya si Andrew.

“Andrew…Arvie. Arvie…Andrew.”

“Hi, Arvie.”

“Andrew... Kumusta ka na?”

May na-sense akong familiarity sa kanilang dalawa.

“Magkakilala kayo?” ang tanong ko.

“Yeah,” ang sagot ni Arvie.

“Hindi mo naman siguro siya ex,” ang sabi ko sa kanya, jokingly.

“No,” si Andrew ang sumagot.

Ngumiti muna si Arvie bago nagsalita.

“Ex siya ni Aussie.”

23 comments:

MkSurf8 said...

sing it! it's a small world after all (3x). it's small, small world!

Gram Math said...

OMG!!! hahaha, what a small world.
anyway I hope everything will work out fine for the two of you.

karakrus said...

hehehe! bongga naman pala. at least hindi ex ni james diba??? hahaha!

Kane said...

Aris, kamusta? si Kane ito, matagal na akong sumusubaybay sa blog mo. nag comment ako sa iyo nung umpisa ka pa lang nagsusulat.

Nagulat naman ako sa sinabi mo. Minahal mo talaga si James?

Aris said...

@mksurf8: gusto ko magkakahawak-kamay at nagpapaikot-ikot habang kumakanta hahaha! :)

@gram math: ang liit nga ng mundo. at bilog din. thanks. :)

@karakrus: mas nakakagulat yun hehe! :)

@kane: hello, kane. maraming salamat sa pagsubaybay. sana huwag kang magsawa.

i think, minahal ko siya. :)

dabo said...

it's a small world after all!

(well si mksurf8 nagsimula huh)

Pao Pielago said...

bilog ang mundo! ditto karakrus! :)

Kane said...

so, hindi mo na siya mahal? =)

Aris said...

@dabo: join ka na sa hawak-kamay at pag-ikot-ikot habang kumakanta. lol! :)

@pao pielago: mapagbiro ang tadhana. nakakatawa na nakakainis hehe! :)

@kane: mahal pa rin pero as a friend na lang. choz! :)

Yj said...

“So, single ka na uli?”

“Yup. And available.”

“Sayang naman,” ang sabi ko sabay tingin kay James.

PURE EVIL hahahaha i love it....

and the song is really fun... so let's sing it again...

it's a small world after all...

hehehehe who knows ito na sister!!! give it a chance.....

muahz

kokoi said...

galing naman. super liit ng mundo ha! in fairness!

Mugen said...

Ito ang dahilan kung bakit mukhang Government muna ang magiging taguan ko pansamantala. Apparently, malawak ang konesyon ng barkada ni bedboy. Hehehe.

Maari mo ba akong kupkupin sa iyong grupo sakaling magawi ulit ako sa Malate?

Joaqui said...

I'm singing with MkSurf8.

lalalala

hehehe

How are yo Aris?

Aris said...

@yj: hindi yun sinasadya, mare haha!
hmm, let's see... mwah! :)

@kokoi: oo nga, para tuloy gusto ko na namang umabsent. nasisikipan ako. char! :)

@mugen: siyempre naman, friend. huwag ka mag-alala, sasamahan kita. :)

@joaqui: sige, kanta uli tayo nang sabay-sabay. lol! i am doing ok, my friend. sana ikaw rin. :)

Nash said...

bwahahaha shocks ang sakit sa utak ano ba magkakakonekta lahat! pambihirang mundo ito :))

Aris said...

@nash: oo nga, nakakatawa na nakakainis! thanks for dropping by. :)

Turismoboi said...

nice blog

tnx for followring i followed u na rin

Aris said...

@turismoboi: hi. thank you. tc. :)

Benzgasm said...

nyek... i agree, what a small world... :)

Aris said...

@benzgasm: hello. hello. kumusta ka na? :)

lucas said...

ang liit tlaga ng mundo..and i'm impressed how you handle the situation. uhmm..yun lang. hehe!

Anonymous said...

wow! Great true to life story!!! =)

And i guess i know JASPER and specially "ARVIE".....

why?

i'm the filo guy who left Arvie not because i dont love him anymore, its just that, i have no choice but to go back in Sydney and finish my studies.

i reckon if i'm not mistaken, the "aussie" guy from the story is none other than ME!!!

Anonymous said...

I love this game :)