Hindi ko siya papansinin. Hindi ko siya kakausapin. Iiwasan ko na siya.
Ito ang resolve ko sa sarili nang mag-text si M sa akin habang papunta ako sa Malate Sabado nang gabi.
“We’re here na. I’m with LW and James.”
James.
Buong linggong nagdaan, I tried my best to push him out of my mind.
Aaminin ko, gusto ko talaga siya.
Pero parang wala talagang encouragement na magpatuloy ako.
Maaaring nabigyan ko lang ng kahulugan ang mga tingin at kilos niya pero wala talagang big sabihin.
Ok lang. Pwede naman kaming maging friends na lang.
Ayoko nang ilantad ang damdamin ko sa kanya. Nahahalata na nga raw ako sabi ng mga kaibigan ko. Kung nahahalata man niya ako, ayoko nang bigyan ng kumpirmasyon. Mananahimik na lang ako para na rin sa aking self-preservation.
Hindi naman siguro ako mahihirapang magpatuloy.
***
Nakita ko kaagad si James pagdating ko. Kumabog ang dibdib ko pero pilit ko itong sinupil. Nakangiti ako habang papalapit sa kanila. Gusto kong ipakita na ok ako.
I hugged and kissed M and LW. Si James, hug lang. Medyo aloof pa ako, pero sinikap kong maging natural.
And we had the usual chikahan habang nag-iinuman.
Iniwasan ko talagang kausapin si James. Kapag nagsasalita siya, nakikinig lang ako pero wala akong comment or opinion. Kay M at LW lang ako nakikipag-interact.
Then he started talking to me. As in, directly talking to me. He would say: “Aris, alam mo…” or “What do you think, Aris?” Talagang ako ang kinakausap at tinatanong.
Wala na akong choice kundi kausapin siya dahil ayoko ngang ipahalata ang totoong nararamdaman ko at ayoko ring maging bastos.
Before I knew it, nag-normalize na ang sitwasyon. Nawala na ang tensyon sa loob ko at sa pagitan namin ni James.
***
But inside the club, it was another story.
We bumped into Arvie, our prodigal barkada, with his boyfriend na Pinoy-Aussie.
Niyakap namin siya ni M dahil matagal na namin siyang hindi nakikita at nakakasama. LW and James are new to the barkada kaya ipinakilala namin sila kay Arvie.
Doon nagsimulang mag-iba ang kilos ni James. Nahalata ko ang sudden fondness niya kay Arvie.
Kausap siya nang kausap kay Arvie habang ang jowa nito ay nagwawala sa ledge. (Adik ang impression ko sa jowa ni Arvie. May itsura kung sa may itsura pero parang wala sa sarili.) Arvie was very accommodating. Hanggang sa napansin ko, masyado nang malapit ang kanilang mga mukha at katawan para sa isang normal na pag-uusap.
Na-confirm ang kutob ko nang i-chika sa akin ni M ang ibinulong sa kanya ni James. Type niya si Arvie.
“I’m sorry, alam ko crush mo si James but you have to know…” ang sabi pa ni M sa akin.
Sinupress ko ang reaction ko. Pinilit ko pa ring maging poised. Pero sa isip ko, muli kong ni-reaffirm ang aking resolve: Layuan mo na si James. Husto na.
Cold na ako kay James buong gabi. Iniwasan ko na talaga siya. I kissed a boy at wala na akong pakialam kung nakatingin man siya o kung anuman ang isipin niya. Pilit kong nilunod sa mga labi ng kahalikan ko ang aking sama ng loob.
I barely talked to him over breakfast. Alam ko, wala akong karapatang magdamdam pero nasasaktan ako. I tried my best not to let it show.
Sa paghihiwa-hiwalay, niyakap niya ako. Gusto kong umiwas pero dahil sugatan, mahina ako. I clung to him like it was the last.
Goodbye, James.
***
On that same Saturday (March 7), I got to meet in person two blogger friends, Luis (who flew in from Iloilo for the Eraserheads concert) and Yj (with the love of his life, NJ, na sobrang gwapo). Niyakap ko sila na parang mga long-lost sisters dahil masayang-masaya ako na makita at makilala sila. They’re so fabulous! Ang dami naming napagkwentuhan ni Luis. Nanghihinayang lang ako na umalis kaagad si Yj (pero naiintindihan ko, my dear). Salamat sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin na makilala kayo at maging kaibigan. Looking forward sa muli nating pagkikita-kita. I love you, guys!
Related Links:
Eheads…At Si Aris
Mula Silya Hanggang Kama
16 comments:
Nagulat ako sa iyong presence sa BED noong Sabado. As in, sa tinagal tagal akong kinukop ng lugar na iyon, never kong naging teritoryo ang dance-floor nun.
Kung wala sana akong kasama, kung hindi mo sana ako natiyempuhan na nangangarap ng mga oras na iyon, higit na mas nagkaroon tayo ng bond. Hanggang sa muli. Sobrang bubbly ng personality mo pala.
@mugen: maraming salamat sa iyong kabaitan. hanggang sa muli. sinusulat ko na ngayon ang mga kaganapan noong sabado. :)
tsk tsk tsk... mahirap talaga when you're dealing with mixed signals and confused people..ahehe!
makakahanap ka din aris.
aaaaaw, kalungkot naman ang ending with james but i totally agree with lucas.... kung gusto, gusto... wag ng dami pang pasakalye, lalo na kung sureness naman ang pinapakita mo sa kanya... siya pa tong pasweet.... hmmmp
ay naku... you deserve better than that....
and again.... sobrang galak at kaligayahan ang nararamdaman ko na makilala ka in person.... pagkatapos na pagkatapos ng finals ko hahagilapin kita sa silya hehehehe....
d ko ipapabasa kay NJ yung sinabi mo sa post mo... baka lumaki ulo niya... hehehehe
labyu to Aris....
stay safe my friend......
andun ka ba nung march 14 sa bed? andun ako after mag o-bar. haha.
isa lang ang masasabi ko kay james. malandi siya! walang mapapala sa mga malalandi. kaya iwasan na lang.
you're too beautiful to settle for a piece of crap.
ok lang iyon Aris. Tama na ang pantasya kay James. Kung hindi talaga kayo wala namang magagawa. Aba next time sino naman kaya ang mami-meet mo.
@lucas: mahirap talaga lalo na kapag may kahalong emosyon.
maghihintay na lang ako, my friend. hindi na ako maghahanap para maiba naman hehe! :)
@yj: hope to see you soon. ok lang na mabasa ni nj. totoo naman di ba? ingat ka lagi, teh. :)
@pao pielago: yup, nasa bed ako last sat! na-meet ko sina mugen, joaqui and tristan thru mcvie. ansaya-saya! it would have been complete kung nakilala na rin kita.
thanks, my friend. i am ok. sanay na ako sa heartbreak hehe! ingat always. *hugs* :)
@jinjiruks: alam mo naman ako, walang kadala-dala. hihintayin ko na lang ang susunod. hindi na ako maghahanap hehe! :)
ayan naiintindihan na kita aris. labo ko pala talaga.
@the dong: hi dong. adbenturero rin ako, sa iba nga lang larangan hehehe! parang mas gusto ko na lang maging adbenturero katulad mo. mas exciting at mas masaya. :)
thank you, my friend, for always dropping by. god bless. :)
what do you mean maghihintay? wag naman sanang forever..hehe!
sabi nga ni pareng paolo: "the moment we begin to seek love, love begins to seek us. and to save us."
---haha! gasgas na tong comment kong to. hehe!
---
indeed! love and pain are partners. :P
ok lang magmahal at masaktan para mas lalo mong matutunan kung papano magmahal ng totoo when the right one comes along. take care
@lucas: indeed. like the sun and the rain. like day and night. pain is what makes love the sweetest thing. :)
@karomadee: you are very correct. kaya nga ako, ok lang, kahit masaktan i always take the chance hehe. thank you very much for visiting my blog. sana pasyal ka lagi. ingat ka rin always. god bless. :)
hay naku itapon mo na talaga yang James na yan!
uulitin ko ang sinabi ko na sa yo... hindi sya maganda kaya wala syang karapatang magiinarte. gumanda lang sya dahil may nararamdaman ka sa kanya... tse tse nya... heheheheh uy plastic ko oh, samantalang ang saya saya nating naguusap dun nung breakfast... hi mo ko sa mga pabulosang friendships mo... hehehehe
tama si pao friend, you're too beautiful to settle for a piece of crap. find a better crap.
joke!
landi ng ng james na yan! bale friend, dmai pa jan better. i am so sure!
@mksurf8: lol! pagsasawaan ko muna. charing! i'm over him...i think hehe! :)
@luis batchoy: ewan ko ba, gandang-ganda ako sa kanya hahaha! kinukumusta ka rin ng mga friendships. kelan ka raw babalik? :)
@kokoi: hayy, sana nga dumating na siya bago pa mapagod ang puso ko. char! buti ka pa, friend, masaya na uli. :)
Post a Comment