Monday, August 31, 2009

Ulam

Bagong salta lang ako noon sa Maynila. Bagong lipat din lang sa lugar na iyon. Malapit iyon sa pinagtatrabahuhan ko kaya doon ako nangupahan ng isang maliit na apartment.

Sa kanto ng kalyeng tinitirahan ko, may isang karinderya. Dumadaan ako roon pag-uwi ko para bumili ng hapunan ko.

Noong unang punta ko sa karinderyang iyon, napansin ko na kaagad siya.

Isa siya sa mga nagbabantay at nagtitinda. Maputi. Matangkad. At guwapo.

Hindi siya boy sa karinderyang iyon. Anak siya ng may-ari.

Siyempre sa kanya ako umorder. Hindi ako makapag-decide kung menudo o mechado.

“Sa palagay mo, alin ang mas masarap sa dalawa?” ang tanong ko na may konting pagpapa-cute.

“Parehong masarap ‘yan,” ang sagot niya na parang dismissive. Aba, suplado.

Kaldereta na lang tuloy ang inorder ko. At napansin ko na habang nagtatakal siya, wala siyang kangiti-ngiti.

Humirit pa ako: “Dagdagan mo naman.”

Hindi siya sumagot. Suplado nga.

Pagdating sa bahay, napansin ko, ang konti ng ulam ko.

***

Dahil convenient para sa akin, doon pa rin ako bumili ng ulam nang sumunod na araw.

Pero wala na ang pagpapa-cute at hirit ko. Basta itinuro ko na lang ang ulam ko at hindi na ako nagsalita. Although, hindi ko pa rin naiwasang tumingin sa kanya. Ang guwapo niya kasi talaga. Hindi siya nababagay magtinda sa karinderya.

Tumingin din siya sa akin pero kaagad ding bumawi. Suplado talaga.

Muli, napansin ko, ang konti ng bigay niyang ulam.

***

On the third day, ganoon uli. Point sa ulam. Walang salita. Ibinalot niya at iniabot sa akin.

Buo ang perang ibinayad ko kaya nagsukli siya.

Nang iniabot niya sa akin ang sukli ko, nag-brush ang mga daliri niya sa palad ko. Sabay kaming nagkatinginan and for a while, we held our glances. Doon ko higit na napansin kung gaano kaganda ang kanyang mga mata.

Ewan ko naman at biglang naglaglagan ang mga barya mula sa kamay ko. Yumuko ako upang damputin ang mga ito. Yumuko rin siya at tinulungan akong pulutin ang mga barya. Muli, nagkatinginan kami. At tila may nabanaagan akong ngiti sa kanyang mukha, sa kanyang mga mata kung hindi man sa kanyang mga labi.

***

Sa ikaapat na araw, nanibago ako dahil pagpasok ko sa karinderya, sinalubong ako ng maaliwalas niyang mukha.

Napangiti tuloy ako pagkakita sa kanya. Nagulat ako nang ngumiti rin siya. Aba, nagbago yata ang ihip ng hangin.

Point ako sa ulam na gusto ko. Nagtakal siya at nagbalot.

Nakangiti siya nang ibigay sa akin ito.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. “Mas ayos kapag nakangiti ka.”

“Ha?” ang sagot niya.

“Gumuguwapo ka lalo,” ang dugtong ko habang inaabot ang bayad ko.

Kitang-kita ko na namula ang mga pisngi niya.

***

I was anticipating na magsusuplado uli siya dahil pinag-blush ko siya sa sinabi ko noong nakaraang araw. Pero nagkamali ako dahil nakangiti siya pagdating ko.

“Hi,” ang bati ko.

“Anong ulam mo ngayon?” ang tanong niya. Aba, chumichika.

Since nagsalita na siya, na-encourage akong kausapin siya. “Anong masarap sa palagay mo?”

“Eto, pochero. Bagong luto.”

“Mukha ngang masarap. Ikaw ba nagluto niyan?”

“Hindi. Nanay ko.”

“Sige, bigyan mo ako niyan.”

Paalis na ako nang magsalita uli siya. “Ano nga pala ang pangalan mo?”

“Ha?” Unexpected iyon.

“Ako si Jepoy,” ang pakilala niya.

“Ako si Aris,” ang sagot ko sabay ngiti nang pagkatamis-tamis.

Pagdating ko sa bahay, napansin ko, madami ang pocherong bigay niya sa akin.

***

On the sixth day, Mahaba-haba na ang conversation namin habang bumibili ako.

“Diyan ka ba sa yellow apartment nakatira?” ang tanong niya.

“Oo, kalilipat ko lang,” ang sagot ko.

“Mag-isa ka lang?”

“Oo. Taga-probinsiya kasi ako.”

“Saan ang probinsiya mo?”

Sinabi ko.

“Uy, tagaroon din ang Nanay ko.”

“Nakapunta ka na ba roon?”

“Minsan lang, noong bata pa ako.”

Hindi ko na maalala kung ano pa ang mga napag-usapan namin basta nagtapos iyon sa ganito:

“Akala ko, suplado ka. Mabait ka pala,” ang sabi ko.

“Mahiyain lang ako. At medyo naaalangan sa’yo,” ang sagot niya.

“Bakit naman?”

“Maporma ka kasi kapag nakapang-opisina ka.”

Natawa ako. “Maporma ka rin naman ah, kahit hindi nakapang-opisina.”

Madami uli ang ulam ko nang gabing iyon.

***

Linggo, wala akong pasok. Lumabas ako ng bahay para pumunta sa supermarket.

Pagdaan ko sa basketball court, nakita ko si Jepoy. Naglalaro. Akala ko hindi ko siya makikita nang araw na iyon kasi wala akong balak na dumaan sa karinderya nila.

Nakita niya rin ako. Kumaway siya. Huminto ako. Lumapit siya.

Naka-sando siya at ang lapad ng balikat niya. Ang laki rin ng braso niya. Naka-shorts siya at ang haba ng legs niya. Pawisan siya pero parang ang bango niya.

“Saan ang punta?” ang tanong niya.

“Mamamalengke. Magluluto ako ngayon.”

“Buti naman. Sarado kami kapag Linggo eh.” Nakangiti siya.

Nag-apuhap ako ng isasagot pero parang wala akong masabi. Ngumiti na lang ako.

“Sige. Ingat,” ang sabi niya bago muling bumalik sa paglalaro.

Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan siya. Outside of the carinderia in his basketball attire, mukha siyang anak-mayaman. Ang kinis niya at namumukod-tangi siya sa mga kalaro niya.

Nang gabing iyon, hindi siya mawaglit sa isip ko. Kahit pumikit ako, nakikita ko ang larawan ng kanyang guwapong mukha, nakangiti sa akin.

***

Monday. Nag-overtime ako. Medyo ginabi ako at hindi pa kumakain kaya pagkagaling sa opisina, dumaan ako sa karinderya.

Gutom ako pero parang mas sabik ako na makita si Jepoy.

Nakangiti siya nang datnan ko. Pakiramdam ko, masaya rin siyang makita ako.

“Akala ko, hindi ka na bibili,” ang sabi. “Ginabi ka yata…”

“Nag-OT kasi ako.” Nakatingin ako sa kanya. Parang nawala ang pagod ko nang masilayan ko ang kakisigan niya.

“Wala nang masyadong ulam…” ang sabi niya.

“Bigyan mo na lang ako ng kahit na ano. At saka rice.”

“Naubusan ka na rin ng rice. Pero may nakasalang na.”

“Naku, paano akong kakain niyan… ”

“Huwag kang mag-alala. Iniin-in na lang.”

Inabot niya sa akin ang ulam na binalot niya. Naramdaman ko ang bahagyang pagdaop ng kamay niya sa kamay ko.

“Ako na ang bahala sa rice mo,” ang sabi. “Dadalhin ko na lang sa bahay mo.”

“Ha?” Napatingin ako sa kanya.

May pilyong ngiti sa kanyang mga labi. May sinasabi ang kanyang mga mata.

“Seryoso ka?” ang tanong ko.

“Oo. Alam ko naman kung saan ka nakatira.”

“Ikaw ang bahala. Nasa third door ako.”

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

***

Napapitlag ako nang marinig ko ang kanyang mga katok.

Binuksan ko ang pinto.

Naroroon siya, nakatayo sa harap ko.

Parang hindi ako makapagsalita. Mesmerized ako sa presence niya.

Inabot niya sa akin ang supot ng kanin pero sa halip na kunin iyon, hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya sa loob.

Isinara ko ang pinto.

Nagtama ang aming mga mata. Nangusap ang aming mga titig.

Nagyakap kami nang buong pananabik. Nagtagpo ang aming mga labi at kami ay nagsalo sa isang masidhing halik.

“Bilisan natin,” ang bulong niya sa akin.

Tinanggal ko ang kanyang T-Shirt. Nasilayan ko ang kanyang hubad na katawan. Walang kasimputi at kasingkinis.

Idinampi ko ang aking mga labi sa kanyang matipunong dibdib. Dinama ko ang kanyang impis na tiyan at matambok na puwet.

Ibinaba niya ang kanyang shorts at inihain niya sa akin ang kanyang sarili.

Napakasarap ng ulam ko nang gabing iyon. At napaka-hefty ng serving.

Sana pala, umorder ako ng extra rice.

50 comments:

Eli said...

whew grabe bigla ko tuloy naalala ung kapitbahay naming ganyang-ganyan din ang ichura un nga lang di jepoy ang pangalan. anu kaya magiging reaksyon ni kuya jepoy (ung blogger) kapag nabasa niya ito hehe. anyway ayun whew, kakaiba nanaman ang naramdaman ko kuya.

Superjaid said...

pareho kami ni kapatid na elay ng naisip, ano kaya ang magiging reaksyon ni kuya jepoy(yung blogger din) dito?hehe anyway, as usual napakaexciting talaga ng buhay mo kuya, intriguing and exciting..ang sarap basahin, ewan ko ba, honestly..dati asiwa ako sa ganito, pero pagdating sa mga kwento mo, natutuwa at naaaliw ako,ewan ko ba..hehe magaling ka lang sigurong magkwento,Ü

mickeyscloset said...

aylabeeet! =) ahaha kinilig aq. sana ako rin.. makaorder ng extra rice! ahahahaxD true to life ba yan? =)

Ming Meows said...

kulang pa sa landi. echos!

Herbs D. said...

bakla. ang galing galing mo talaga magsulat. paturo ngaaaaaa. paturo na rin ng moves hahaha. shet. hanggang dito na ang buhok mo , girl!

Anonymous said...

Hey Aris, this is one of your best efforts. I printed the piece and could not lay it down; had to close my office door so I could get to the ending!!:} Feel ko you must have this effortless charm in you, tulad din ng writing style mo. Salamat Aris. It was really really good. Gene from Houston

MkSurf8 said...

fotah ka friend! gleng gleng nito! ngiting ngiti ako habang binabasa ko to. kaso nag iba ang tingin ko sa menudo/mechado/kaldereta at pochero. at ang choice ng ulam puro SAUCY at MASARSA. hindi DRY!

pero ikaw ba'y parang karinderia na bukas bente kwatro oras? (or something like that). hahaha

gege said...

grabe!
parang gusto ko ng bumili ng ulam nagyon para sa tanghalian kahit 7am pa lang!
napakaswerte mo naman sa karinderia na yan...
true to life po ba ito???

nko!
sana!

:P

joelmcvie said...

ULAM AT KANIN never tasted this good! One of the tastiest blog posts EVER.

It should be nominated for the National Artist Award for Blog Entries, at kahit na ba gagawa ng bagong category si GMA, walang kokontra. LOL

Aris said...

@elay: hmmm... na-curious tuloy ako sa kapitbahay ninyo. :)

@superjaid: salamat naman at napasaya kita sa post na ito. :)

@mickeycloset: someday, oorder ka rin ng extra rice. malay mo, baka isang kaldero pa hehe! salamat sa pagsubaybay. :)

@ming meows: oo nga. mahinhin pa ako nyan. choz! :)

Aris said...

@herbs d.: anuvey, magaling ka ring magsulat. magkaiba lang tayo ng style. :)

@anonymous: hello, gene. salamat uli sa pagtitiyaga at sa papuri. napasaya mo na naman ako sa sinabi mo. :)

@mksurf8: mas masarap kasing ulamin ang saucy! sarsa pa lang ulam na.

friend, huwag mo naman akong pagsabihan ng: "para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!" virgin pa ako, remember? hahaha!

@gege: nakakagutom ba? hehe! i think i want pochero for lunch. with extra rice. :)

Anonymous said...

nice. bitin pero nice, hehe.

Nash said...

hayaan mo na kahit walang rice sulit naman ang ULAM :))

Aris said...

@joelmcvie: coming from the mcvie, hindi ako makapagsalita... nagbabara ang lalamunan ko sa emosyon... at maluha-luha ako sa tuwa! lol! :)

thank you, my friend, for always inspiring me. mwah! :)

Aris said...

@maxwell5587: hello maxwell. thank you very much. tc. :)

Aris said...

@nash: oo nga. hindi pa nakakataba hehe! :)

salamat, nash, sa iyong pagbisita. balik ka ha? ingat always. :)

period said...

salamat po...salamat din kay 'kuya' na nag-guide...

parang mapapasarap ang kain ko ng ulam dahil dito eh!

ahihihi

godspeed

Anonymous said...

napa -huwaw ako sa aking nabasa..

nakakagutom, friend.hahaha...

-geek

Anonymous said...

kailangan pa ba ng kanin 'yan? Panalo ka na sa ulam Aris. Kalabisan na pag may extra rice. hindi ko yata kaya 'yung pahila hila na ginawa mo. alamat ka, diyosa

Aris said...

@period: kilala ko ang "kuya" mo. napakabait nyan. kaibigan ko yan. :)

nakakagana talagang kumain kapag masarap ang ulam hehehe! :)

@geek: ano kaya ang masarap na ulam mamaya? hmmm... makapunta nga sa karinderya. sana guwapo ang nagtitinda. hahaha! :)

@xtian1978ii: pinakiramdaman ko muna. buti na lang tama ang basa ko sa mga signals niya. pinalakas din ang loob ko ng gutom hahaha! :)

Theo Martin said...

Naku grabe itong post na ito. Ang ganda ng pagkakastructure. Basta ang ganda. Kitang-kita mo ang mga pangyayari. Sobrang effective sa kanyang kagustuhang magpalibog ng tao! grabe! Writer ka talaga! :)

MkSurf8 said...

kidding friend! lamko virgin ka e =)

Aris said...

@theo martin: magpalibog? hindi ah. ang purpose ko talaga, mag-stimulate ng hunger. charot! hahaha!

maraming salamat sa appreciation. ayan tuloy, inspired uli ako magsulat. :)

@mksurf8: pareho tayo, friend, di ba? dalisay... busilak... at walang bahid-dungis. hahaha! :)

Jinjiruks said...

hala aris, napatawa na naman ako nang malakas sa post na ito lalo na ang last line. kelangan pa ba ng rice eh busog ka na ata sa ulam mo at may fillings pa sa loob siguro.

at err. jepoy na naman.

Aris said...

@jinjiruks: ay oo, may filling nga. parang bavarian hahaha!

oo nga, ano? katukayo mo na naman. kayo talagang mga jepoy at jeff... hehehe! :)

merman said...

"para kang karinderia na bukas sa lahat ng gustong kumain."

mali. isa kang mamimili na kinakain lahat ng tinda sa karinderia. hehe.

as usual, galeng galeng aris. naaalala ko tuloy ang gwapong asaw ng tindera ng ulam malapit sa apartment. :)

Aris said...

@merman: hahaha! salamat, nagustuhan mo ang kuwento. curious ako diyan sa asawa ng tindera ng ulam malapit sa inyo! :)

Kokoi said...

shet! namiss ko tong BLoG mo a! hehe... sarap ng ulam. gutom tuloy ako... hehehhe..

Pinoy Gay Guy Confidential said...

Aris!

Fantastic post.

I wish the karinderya nearby will have the same menu as yours...

Ingat. :D

Yj said...

nakakagutom friend....:)

Aris said...

@kokoi: kaw din, friend. na-miss ko blog mo. buti na lang balik ka na uli sa sirkulasyon. :)

@pinoy gay guy confidential: hello again. thank you very much. malay natin, baka merong masarap na ulam diyan hehe! you take care too. :)

@yj: tara, mangarinderya tayo hehe! :)

Anonymous said...

siya na ang ULAM KING! hahaha!
bonggang ulam. napakasarap lalo na at pagod ka. hahaha!

me namiss akongbigla. yung masarap ulamin. hahaha!
napapitlag ang kabaklaan ko sa post na ito.

Aris said...

@dilanmuli: hmmm... that's a good one. ulam king. hehe! at sino naman ang na-miss mong masarap ulamin? thanks again sa pagdalaw. ingat. :)

Bi-Em Pascual said...

bakit ba ngayon ko lang nadaanan tong pagka-taray taray na blogelyang itu?! idagdag na sa links yan, dahil mula ngayon, sayo na ko bibili ng ulam!

Aris said...

@baklang maton: hello and welcome aboard. (o di ba, parang stewardess lang hehe!)

idinagdag na rin kita sa links ko. thank you very much for appreciating my blog. tc. :)

Diosa said...

i love this entry, as in! gusto ko kung paano nabigyan ng tuon ang pagdami ng serving ng ulam hanggang sa bumongga na nga!

Sana humigi ka na rin ng gravy mga 3 servings perfect yun! ikalat mo sa katawan nya! hahaha

Aris said...

@diosa: hello, gurl. salamat sa pagbisita. natutuwa ako na nagustuhan mo ang post na ito.

that's a good idea. parang chickenjoy lang na paliliguan ng gravy tapos papapakin hahaha!

sana lagi kang dumalaw. ingat always. :)

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

Aris dear, nalurkey ako ditey sa kwento mo. isa kang nagniningning na veykla! :) klap ako sa yo!

Aris said...

@anufi: hello, sweetie. hindi naman, medyo sinuwerte lang hahaha! :)

Anonymous said...

the best.. hindi ko na kailangang magtake ng antidepression drug.. babasahin ko na lang ito ng paulit-ulit!!

i agree with mcvie. with this you deserve a national artist recognition. lol!

Aris said...

@anonymous: hello. lumulutang ako sa saya dahil sa comment mo. salamat. :)

chips-reloaded said...

hi

Aris said...

@chips-reloaded: hello. :)

The Golden Man from Manila said...

me naalala ako sa isang blog.

ang tunay na lalaki ay umoorder ng extra rice.


lols.....

Aris said...

@the golden man from manila: ay, oo nga. nabasa ko rin yan. kaya lang nakakataba hehe! :)

dada said...

ang cute.......

ayan yung tipo ng ulam na kahit walang kanin at di mo nilulunok ay nakakabusog

Rei Mikazuki said...

Hay nako, nagpa-cute yan para lang dumami ang ulam niya... ahihihi.

Kidding aside, is this for real? I love how the story went. I wonder what happened next?

sweetjhon said...

sobrang cute...sarap maka experience ng ganyang eksena...

Almondz said...

Naks, bigla tuloy akong nagutom.

Aris said...

@almondz: hahaha! mag-e-extra rice ka rin ba? :)