Thursday, September 10, 2009

Hiram

Na-meet ko siya sa mall.

Si Marlon.

Nagba-browse ako sa National nang mapansin ko siya.

Matangkad. Matipuno. May libog ang mukha.

Mukha siyang straight kaya lang iba kung makatingin.

Nang sundan sundan niya ako, saka ko napagtanto na kabaro siya.

Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya.

Sabay pa kaming nag-“Hi” kasunod ang requisite na pagpapakilala at pagtatanong ng “Mag-isa ka lang?”

Before I knew it, nagmemeryenda na kami sa Chow King. At nag-uusap.

Bumanggit siya ng tungkol sa sex. Tila gini-gauge niya kung game ako.

Doon ko natiyak na on the prowl siya at naghahanap. Sumakay ako.

Naging malikot ang mga kamay niya sa ilalim ng mesa. Naging responsive ako.

Nang niyaya niya ako sa parking lot (may kotse siya), sumama ako.

Akala ko, magda-drive kami somewhere pero pagkasakay na pagkasakay sa kotse, sinimulan niya akong trabahuhin.

Nagdidilim na sa labas at tinted ang kanyang kotse.

Nagpaubaya ako. Na-excite ako sa danger na mahuli kami ng guwardiya.

Trinabaho ko rin siya. Mabilisan. Hanggang sa pareho kaming makatapos.

“I have to go,” ang sabi niya.

Wham-bang-thank you. “Ok,” ang sagot ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse.

“Number mo nga pala,” ang sabi niya.

Nag-atubili ako pero ibinigay ko rin.

“Text kita,” ang sabi pagkakuha sa number ko.

“Sure.” Bumaba na ako ng kotse.

“Pasensya na, may susunduin pa kasi ako,” ang pahabol niyang sabi.

“Let me guess. Your boyfriend?” ang pabiro kong sagot.

“No. My wife.”

***

Hindi siya nag-text pagkatapos noon. Not that I was expecting him to.

Buwan ang lumipas until one day, November 1 to be exact, nagparamdam siya sa akin. Actually, nag-“Who’s this?” pa ako sa text kasi nakalimutan ko na siya.

“We did it sa parking lot, remember?” He prompted me.

Saka ko lang siya naalala.

“Uy, musta na?” ang reply ko.

“Pwede ba tayong magkita ngayon?”

Undas, walang pasok at wala akong ginagawa sa bahay kaya pumayag ako.

Magkita raw kami sa McDo.

Pagdating ko, nandoon na siya.

Naka-shorts at sando lang. Na-take note ko ang maganda niyang arms at chest. And his legs, huwaw! Nakaramdam ako ng stirrings sa kaloob-looban ko.

Nag-meryenda muna kami at siyempre, nag-usap.

Diniretso niya ako. Horny siya at gusto niyang makipag-sex.

Inaasahan ko na yun. At sa itsura niyang napaka-sexy, tatanggi ba ako?

Isa lang ang kundisyon ko. “Ayoko na sa kotse.”

“Huwag kang mag-alala. Iuuwi kita sa bahay,” ang sabi niya.

“What about your wife?” ang tanong ko.

“Umuwi sila ng anak ko sa probinsya. Dumalaw sa patay.”

“Mag-isa ka lang sa bahay?”

“It’s just you and me, baby,” Ang sagot niya na may pilyong ngiti.

***

Sa isang maliit na townhouse sila nakatira. Kita ang feminine touches sa salas ng bahay nila. Must be the wife.

Kaagad niya akong dinala sa kuwarto nila.

Napansin ko ang wedding portait na nakasabit sa dingding.

Maganda si wife. At napaka-guwapo ni Marlon.

Naghalikan kami. Nagyakap. At naghubad.

Nahiga kami sa kama nilang mag-asawa.

Nagniig kami. Dahan-dahan, almost leisurely.

Naranasan ko ang totoong husay niya. Kakaiba sa unang karanasan ko sa kanya.

Sa tuwing mapapadako ang mga mata ko sa litrato nila, pumipikit na lamang ako.

Nang humupa ang init namin, nag-usap kami.

“Bakit ka nag-asawa?” ang tanong ko.

“Kasi bisexual ako,” ang sagot niya.

“Gusto mo rin ng babae?”

“Kung paanong gusto ko rin ng lalaki.”

“Mahal mo ba ang asawa mo?”

“Oo.”

“Gaano mo siya kamahal?”

“Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sinong lalaki.”

Maya-maya, tumayo siya at nagtungo sa banyo.

Naiwan akong nakahiga sa kama.

Muli kong pinagmasdan ang wedding portrait nila.

“Sorry,” ang bulong ko habang nakatingin sa mukha ng misis niya.

***

A week after, nag-krus muli ang landas namin ni Marlon. Sa Jollibee sa mall na kung saan kami nagkakilala.

Kasama niya si wifey at ang anak nila. Larawan sila ng isang happy family.

Nakita niya rin ako subalit pareho kaming nagkunwari na hindi magkakilala.

Mixed ang feelings ko habang pinagmamasdan sila. Maasikaso si Marlon sa asawa at anak niya. Palangiti si misis at mukhang mabait. Ang cute din ng baby nila.

Nagpasya akong umalis na lang. Nag-restroom muna ako.

Hindi ko inaasahan na susundan ako ni Marlon.

Nagkatinginan kami sa loob ng restroom. Nag-usap ang aming mga mata.

Walang sali-salita, niyakap niya ako at hinalikan. Puno ng pananabik.

Nilabanan ko ang bugso ng aking damdamin. Pilit akong kumawala sa kanya.

Nagmamadali akong lumabas ng restroom.

Pagdaan ko sa mesa nila ng asawa niya, nabangga ko ang stroller ng anak nila. Nalaglag ang bag ng mga dede.

Kaagad kong dinampot ang bag at inabot sa asawa niya.

“Sorry,” ang sabi ko.

“It’s ok,” ang sabi ng asawa niya, nakangiti.

Nilukuban ako ng guilt.

Alam ko na higit pa roon ang dapat kong ihingi ng tawad sa kanya.

32 comments:

Anonymous said...

anong ibig sabihin nito. isa ka ring kabit? hehehe! taray! malamang na makaramdam ka ng guilt. harap-harapan sa asawa niya tapos ganun lang.... sana nagsorry ka. sabihin mo... nagtitikiman kayo ng asawa niya. haha! pero sino ba namana makakatanggi sa isang adonis... pokpok.

Eli said...

actually dapat ung tatay magsorry din, though anjan ka kuya this marlon guy had a choice kung he'll "do it" with you or stick faithfully to his wife. Naalala ko tuloy nung nagpunta ako sa isang debut two weeks ago and haaay basta hahaha..

... said...

Kabeeeeet! Hahaha. You are a good storyteller Aris. Keep it up.

Ming Meows said...

muntik na akong malaglag sa upuan nang binanggit mo ang wife..kaloka ka talaga.

Mugen said...

Ilan na ba ang naka-affair ko na may girlfriend o kaya asawa, isa, dalawa, tatlo? hindi ko sigurado.

Wala rin akong pakialam.

Pero noong nagparamdam ang ex gf ko sa akin at sinabi ng tropa ko na gusto niyang subukan na maging magkarelasyon ulit kami.

Isa lang ang tinaga ko sa sarili.

"Hindi hindi ako gagaya sa mga lalaking nakasex ko na."

<*period*> said...

hindi lang naman po kayo ang may kasalanan eh

ginusto rin nung lalaki

Al said...

Nakakaguilty din naman talaga yun. Pero oo nga naman, kahit siguro ako Aris, i won't say no at first sa isang guy with that description.. hehehe. Pero grabe. That's a crazy one :-)

Herbs D. said...

isa lang siya sa mga taong nanloloko sa asawa nila. tsk tsk tsk.....

ikaw rin kasi. malandi.

caloy said...

ok lang yun. kung walang malandi, wala ding magpapalandi. kasalanan niya yun. malay mo bang maaakit siya sa kagandahan mo diba? hahaha! ayos to! :) nga pala, natagalan ka ata bago ka mag-post ulit? twicw ko inulit yung buong blog mo pero saka ka pa lang nakapag-post. sige. ingats lagi. :)

Superjaid said...

wala ka namang kasalanan kuya, di mo naman alam na may asawa sya, at sya ang lumalapit sayo..Ü

MkSurf8 said...

ang galing naman ng pagkabunngo sa stroller sabay sorry. napaka cinematic!

pansin ko lang mahilig kayo magkita sa fastfood (chowking/mcdo/jollibee). kung gusto mo sya makita ulet, check mo KFC naman.

tc friend ;-) mahirap maging kabit at mangabit. LOL!

citybuoy said...

nice! haha ang hirap naman kung pagkabangga mo, sorry! sabi niya kasi nasa probinsya ka! haha

i like how you told this story. sobrang interesting for me yung mga complicated men. hobby yan ng friend ko, maginterview ng mga ganyang guys. nice post, aris. :D

rudeboy said...

I like this post. Napaka-thought provoking.

Kalimutan muna natin ang sexual orientation. Ikaw ang naging pangatlong anggulo sa isang tatsulok kung saan ang mister ay nagtataksil sa kanyang misis.

Saludo ako na nadala ka ng iyong konsensya kaya kumawala ka sa kanya sa banyo. Pero hindi pa tapos ang salaysayin. Lalayuan mo ba siya ng tuluyan kapag nag-text siya ulit? Hindi ako humuhusga: ito ay isang inosenteng tanong lamang.

Hindi tayo ang una at huling mga taong nakaulayaw ang isang taong may-asawa. Gaya ng sabi ni superjaid, siya ang may-asawa, hindi mo ito alam nung nilapitan ka niya. Pero ngayong alam mo na, biglang nagbago ang lahat, hindi ba?

Magtatapat ako na dati may mga kalaro rin akong pamilyado't kasal. Magkumpare pa sila at naging mag-on sila bago hanggang lumaon ay napagpasyahan na lamang nilang maging fubu at parehong maghanap ng ibang kalaro sa kama.

Tinanong ko sila isang beses kung di ba sila nagi-guilty sa kanilang mga misis. Ito ang sagot nilang pareho:

"Sex lang naman ito."

Doon ko natanto na mas madali ihiwalay ng lalaki ang sex sa love.
Hindi ako nagdududa na sa kanilang puso, tunay nilang minamahal ang kanilang mga misis at anak, at hinding-hindi nila ipagpapalit ang mga ito sa kung sinumang magaling sa kama. Subalit hindi rin ito nagiging balakid sa kanilang pagpaparaos.

Sex lang, pare.

Kung kailangan nating pag-usapan ang kasalanan (as in "fault", not "sin") sa mga eksenang ganito, malinaw na mas matimbang ang kasalanan ng lalaking may-asawa. Subalit kapag nalaman na natin ang totoo, nagkakaroon din tayo ng bahagyang bahid ng sala. Sapagkat alam natin na may isang walang-kamuwang-muwang na tao, nagmamahal at nagtitiwala, na kasalukuyang pinagtataksilan ng ating kayakap.

"Sex lang, pare."

Subalit kung tunay ngang ito'y sex at sex lamang - bakit tayo nag-aatubili?

Salamat sa iyong post at pasensya na sa mahabang komento,

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

Alam mo Aris, hooked ako sa mga posts mo agad. Sa true lang, winner kang magsulat! You already have this distinct voice at very writer ang pagbuo mo ng bawat eksena altho from life itwu. karirin mo na kaya! mag-aral ka ng scriptwriting under kay Ricky Lee, I'm sure milya milya pa ang mararating mo. Seriously.

Bi-Em Pascual said...

mars nagtatampo na ko ha... mas mahal mo na si aris kesa sa kin.. hehehe... keri lang, ako rin nagbabasa lagi ditey eh... aris pareho tayong kabit. ang kaibahan lang, ako mas matapang pa sa asawa. hihihi... nanunugod ng bahay ang baklang maton!

Anonymous said...

friend, kailangan mo ng gumawa ng libro, compilations ng mga akda mo.

-the geek

Aris said...

@dilan muli: oh well... :)

@elay: na-curious ako sa debut na yan hehe! :)

@mel beckham: thank you, my dear mel. nakaka-inspire naman. :)

@ming meows: salamat sa patuloy na pagsubaybay. *hugs*

@knox galen: korek ka diyan, friend. hindi dapat saktan ang taong minamahal.

@period: nakaka-guilty pa rin. mukha pa namang mabait yung wife.

@al: pero paghupa ng init, doon ka makakapag-isip-isip.

@herbs d.: thank you, samantha jones hahaha! :)

@chicomachine: thank you very much sa pag-a-appreciate ng aking blog. pasensya na, sobrang busy lang lately. isiningit ko lang talaga ang pagsusulat nito. next week hopefully, i will have more time to write. you take care too. :)

@superjaid: li'l sis, i still feel na hindi dapat. ayokong makasira ng relasyon nila.

@mksurf8: eksena, di ba? nagkita na uli kami... sa scott. nag-buy 1 take 1 cheeseburger kami. nagtitipid kasi siya. charing hahaha! korek ka, friend mahirap maging kabit. palagi kang second priority.

@citybouy: complicated men... hmmm. makagawa nga ng chronicles tungkol sa kanila hehe! :)

Aris said...

@rudeboy: nilayuan ko na siya dahil tama ka, kahit nasa kanya ang malaking kasalanan, may bahid din ako ng sala sa pakikibahagi sa kanyang ginagawa. natutuwa ako na ang aking simpleng salaysay ay nakahugot ng isang very insightful na kuro-kuro mula sa iyo. i really appreciate your taking time to post your thoughts. salamat. :)

@anufi: mare, masyado mo naman akong pinasasaya sa papuri mo. natutuwa ako na nabibigyan kita ng kasiyahan sa pamamagitan ng mga sinusulat ko. sige, balang araw, kakaririn natin yan hehe! salamat nang marami. ingat always. *hugs* :)

@baklang maton: wag ka namang magtampo kay anufi. love ko kayo pareho, mare. salamat sa patuloy na pagbabasa. hirap maging kabit noh? kaya minsan talaga, kailangang maging matapang hehe! tc always. mwah! :)

@the geek: friend, salamat sa encouragement. someday... balang araw.... isa ka sa una kong babalitaan. :)

rodangeles said...

sarap basahin, tunay ba ito?

Aris said...

@rodangeles: yup. salamat. sana dalaw ka uli. :)

Anonymous said...

how tsad nman...:(
vry vry tsad story...huhuhu!

Aris said...

@anonymous: sowee, kung nalungkot ka. :)

Yj said...

bad girl!!!! very bad girl!!!!

well at least the sex was great hahahahaha

see you soon... muahz

Anonymous said...

astig talaga si Aris. Pero mas astig ka at d ka na pumayag sa ganung set-up.

Aris said...

@yj: why, thank you. *bow* lol! :)

@xtian1978ii: nakaka-guilty kasi, friend. :)

Unknown said...

I wouldn't dwell on the socio-cultural aspect of your story. It has the balance of giving just the right amount of detail to understand the depth of the storyline and yet refrain from drowning the readers of unnecessary data.

Kudos.

Unknown said...

Verily, it is amazing when someone can take a situation where everyone can relate, create a simple and beautiful story, and not over dramatize or pick biases on the story.

Aris said...

@lanchie: hello, lanchie. welcome to my blog and thank you for the comment and the follow. i am glad you appreciated how my story is told. i hope you will enjoy your every visit. take care. :)

Anonymous said...

Hi Aris. I have come across your blog just this year 2012, and since then I am hooked. I really liked rudeboy's thought-provoking comment, although it made me feel guilty myself. I really liked your blog, reading them makes me feel like being there and experiencing these stories together with the characters. Keep up the good work. - khaki

Almondz said...

Sa isang banda, tinamaan ako. Hindi dahil sa ako yung bumubuo sa tatsulok, kundi ako yung bisexual na may asawa at anak...at.

Magaling kang maglahad aris, i like it. Not the usual storytelling. Keep up the good works. Medyo marami pa akong maeexplore dito sa blog mo hehe.

Aris said...

@anonymous: thanks, khaki. your comment inspires me. :)

@almondz: please feel free to move around. enjoy your exploration. hehe! :)

Kristv said...

Interesting