Friday, October 24, 2008

Li'l Bro

Nang sumali sa barkadahan namin si JL, siya yung tipong hindi ko makaka-close.

Suplado ang first impression ko sa kanya. Noong ipinakilala siya sa grupo, sinubukan ko siyang chikahin pero cold ang response niya na parang hindi siya interesadong makipag-usap sa akin. Eighteen lang siya at masyadong bata para sa age group namin. Sa tingin ko, hindi siya makaka-relate at eventually, aalis din siya para maghanap ng mga ka-edad niya.

Nang sumunod na pagkikita-kita, sinubukan ko uling maging friendly sa kanya, pero yes or no o kaya’y iling o kibit-balikat lang ang mga sagot niya sa tanong ko. Tuluyan na akong nawalan ng gana sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko, hindi ko na siya uli kakausapin. Napapahiya lang ako.

Surprisingly, nag-stick si JL sa barkadahan namin. Napansin ko, nag-warm-up na siya sa iba pa naming mga kabarkada. Sa akin lang talaga hindi at mukhang iwas siya. Sa regular na pagsasama-sama naming magkakabarkada tuwing Sabado, nakikipagkuwentuhan siya sa lahat maliban sa akin. Dahil dito, lalo akong nailang sa kanya at tinotoo ko na talaga ang pandededma.

Hindi ko na siya pinansin at kinausap sa mga sumunod na bonding time namin ng barkada.

Isang Sabado nang gabi, kaming dalawa ang naunang dumating sa meeting place. Iiwasan ko sana siya kaya lang wala naman akong ibang matatambayan kaya no choice ako kundi ang maki-share sa mesa niya.

“Hi, JL,” ang pamamlastik ko.

“Hi, Aris,” ang sagot niya. Mabuti naman at in-acknowledge niya ang pambabati ko.

Umorder ako ng beer. Napansin ko na hindi pa siya umiinom kaya inalok ko siya.

“No, thanks,” ang tanggi niya.

So, uminom akong mag-isa. Ang awkward ng moment naming dalawa. Magkaharap kami sa isang mesa pero hindi kami nag-uusap. Ayokong mag-initiate ng conversation, baka mainis lang ako. Lihim kong wini-wish na sana dumating na ang iba pa naming mga kabarkada.

Matagal kaming tahimik at halos ayaw magtinginan. At dahil mukhang matatagalan pa bago may dumating sa aming mga kabarkada, hindi ko natiis na hindi siya kausapin. Umiral ang aking pagka-Ms. Congeniality.

“Kumusta ka?” ang opener ko.

“Medyo hindi ok.” Aba, milagro, sumagot. At hindi simpleng “ok lang” na inaasahan ko. Mukhang may problema ang isnabero.

“Bakit naman?” ang follow-up ko siyempre.

“Heartbroken ako…” ang sagot, seryoso.

“Uhuh…” After acknowledging what he said, natigilan ako. Hindi ako sure kung dapat kong i-pursue ang pagtatatanong.

Pero nagpatuloy siya. “Somebody I really like… na akala ko gusto rin ako, just texted me kanina... Nakipag-commit na siya sa iba.” Nakatingin siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Naramdaman ko na kailangan niya ng karamay...ng makakausap…ng makikinig sa kanyang hinagpis. I decided to make myself available.

I ordered a beer for him. Alam ko na magiging madali sa kanya ang paghahayag ng kanyang saloobin kung umiinom siya.

“Who is this guy?”

“Somebody I met in a bar. Matagal na. He is a doctor. I have this thing for older guys, you know… He is the perfect one for me. ”

“Is he cute?”

“Yeah.”Ipinakita niya sa akin ang picture nila ni Doc sa celfone niya.

“Uy, ang sweet nyo ah,” ang comment ko. “Mukha kayong mag-jowa.”

“We dated a number of times at ok naman kami. Sweet siya sa akin. Akala ko nga, magiging kami na. Pero ayaw niya sa bata. The guy he is in love with – na jowa niya na ngayon – is older than him. He thinks we are just wrong for each other dahil sa age difference namin.”

“Mahal mo ba siya?”

“Oo,” ang walang kagatol-gatol niyang pag-amin.

“I am so sorry to hear that…”

“It makes me sad na nauwi sa wala ang lahat. Akala ko mahal niya rin ako. Dahil sa mga ipinakita niya sa akin, naniwala ako na special ako sa kanya… na may feelings din siya sa akin. Pero mali pala ako.”

Mababakas sa tinig ni JL ang hurt na dinaramdam niya.

I tried my best to console him. Kahit hindi ako sigurado kung makakatulong ba at makagagaan sa dinadala niya ang sasabihin ko, I still gave it a shot.

Ang sabi ko sa kanya: “JL, you’re still young. Nagsisimula ka pa lang i-explore ang pakikipag-relasyon. Marami talagang stumbling blocks sa una. Maraming lessons to be learned. Kapag nadapa ka, kailangang bumangon ka. Kapag nasaktan ka, kailangan magawa mong i-manage ang pain. You have to move on… you should not give up. You have to love yourself more and be aware of who you are… of what you’ve got. You are one good looking guy. Guwapo ka. I am sure, maraming nagkaka-crush sa’yo. Enjoy the attention and be more responsive. Alam ko, darating ang tamang tao sa tamang panahon. Mamahalin ka niya the way you deserve to be loved.”

Nakatingin sa akin si JL. Maya-maya, ngumiti siya. Parang nagliwanag ang kanyang mukha.

“Thank you,” ang sabi niya sabay taas ng beer niya.

Sabay kaming uminom.

I suddenly felt at ease. Siguro dahil sa beer o sa maiksing interaction namin ni JL, parang biglang nawala ang dingding sa pagitan namin.

“I am sorry kung hindi ako masyadong naging friendly sa’yo…” ang sabi niya pagkaraan.

“Hindi nga ba?” ang pagkukunwari ko.

“Naiilang ako sa’yo eh. Parang ayaw kong maging close sa’yo…”

“Huh? Why is that?”

“Maniniwala ka ba? Because you remind me so much of Doc. Ayokong maging fond sa’yo kasi ayokong maging unfaithful sa kanya. Crazy thought, noh? Kaya iniwasan talaga kita.”

“W-what…?” Medyo confused ako sa sinabi niya.

“When we were introduced, ang impression ko sa’yo, mabait ka. I immediately liked you and your sunny personality. Kinontra ko lang ang sarili ko kasi, ewan ko, parang feeling ko, magkakasala ako kay Doc kapag naging nice ako sa’yo.”

“That’s…weird.”

“I know. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon ang naisip ko. Siguro dahil masyado akong in love sa kanya kaya distorted akong mag-isip.”

“Magkaiba ang boyfriend sa friend. Pwede mo silang mahalin nang sabay na walang conflict.”

“I hope we can still be friends…”

“Friends naman talaga tayo, di ba? Pwede rin tayong maging magkapatid, kung gusto mo.” I smiled at him.

Hindi ko inaasahan, niyakap niya ako. “Thanks, big bro.”

I hugged him back. “No problem, li’l bro.”

We toasted and drank.

After another round of beer, para na kaming sina Shawie at Juday.

12 comments:

Joaqui said...

I also want a big bro. lol

Luis Batchoy said...

kuya nga lang ba... Ahem! Una pa lang alam ko na eh... Na you remind him of someone. Ba't ba andaming mga ganung mga factors pa no? Oh well... good luck sa bro! Hemhem... remember... he likes older guys... huwell...

Aris said...

@joaqui: i want another li'l bro hehe! :)

@luis batchoy: kuya lang talaga. for now. charing! pareho kami ni doc, ayaw sa masyadong bata haha! :)

Anonymous said...

napatawa naman ako, instant big brother ka agad! uy close na sila... iba talaga tama ng beer. Cheers! ;)

Aris said...

@benzgasm: ay, andami nang nangyari after that. we are closer than ever. let's drink to that! :)

Luis Batchoy said...

ay ganun ba? Well pareho kami ni Li'l Bro. Mahilig sa older men... kaya lang ayoko ng kuya...hehehe

Unknown said...

hi aris,

this is so heartwarming...


thanks pala for visiting my site and leaving ur comment. mwah

Aris said...

@ishnavera: hello ishnavera! salamat sa pagbisita mo. honored ako na binasa mo ang blog ko at nag-comment ka pa. mwah! :)

Aris said...

@luis batchoy: ganoon? hehehe! :)

Looking For The Source said...

ms congeniality!

dr phil? ikaw ba yan?

choz!

Aris said...

@source: lol!

Jin said...

I love your blog. I started reading it yesterday. Sinumulan ko from the start talaga after reading the series "DOVE" Hehehe