Palagi ko na siyang nakikita sa Bed at hindi pinapansin. Hindi ko kasi siya type. Medyo mataba, maitim at may pimples. Hindi naman siya pangit. Maganda nga ang kanyang mga mata at matangkad siya. Medyo kulang lang sa dating.
Isang gabing matumal, pinatulan ko siya. Nakipagsayaw ako sa kanya at nakipag-kissing. Ok naman siya. Mabait. Mabango. Maganda ang butt. At dahil medyo libog ako, humantong kami sa kama.
He was shy and submissive. The sex was good but after doing it, malinaw sa akin na hanggang doon lang ang gusto kong marating namin.
He was texting me after that. I was being nice kaya sinasagot ko siya. Nag-imbita siya na muli kaming magkita pero nag-decline ako. Naging panay-panay ang text niya. Nakulitan ako at hindi na nag-reply.
Isang gabing muli ay nasa Bed ako, nagkita kami. Pero sa halip na makipag-connect sa kanya, nakipag-ulayaw ako sa iba. Nakatingin siya sa akin habang ako ay nakikipagsayaw at nakikipag-kissing. May nakita akong hurt at sadness sa kanyang mga mata.
Pagkatapos niyon, hindi ko na siya muling nakita. Hindi na rin siya nag-text. At sa pagdaan ng mahabang panahon, nakalimutan ko na siya.
***
Isang hapon na ako ay nagpapahinga, nanood ako ng pinoy indie sa DVD.
Nagulat ako nang makita ko siya. Noong una, hindi ko kaagad siya nakilala. Pero habang pinapanood ko ang eksena na kung saan nakahubad siya at kita ang magandang puwet niya, natiyak ko na siya nga ang nasa movie.
Nag-iba na ang itsura niya. Pumayat na siya. Pumuti. Ang ganda na ng katawan niya. Ang guwapo na niya at wala na siyang pimples. Hindi ako makapaniwala sa kanyang naging transformation.
Hindi ako pinatahimik ng kanyang imahe. Nanumbalik sa aking alaala ang pagkakataong minsan ay naangkin ko siya. May nabuhay sa aking pagnanasa.
Hiniling ko na sana muli ko siyang makita.
***
Nitong nakaraang Sabado, natupad ang wish ko. Nasa Silya kami ng mga kaibigan ko nang dumaan siya na may mga kasama. Napatda ako sa aking pagkakaupo, manghang nakatingin sa kanya.
Ang guwapo niya na nga! Kakaiba na ang kanyang dating. Kakaiba na rin ang kanyang self-confidence.
Binalot ako ng excitement at pananabik. Subalit dala ng pagkabigla at paghanga, hindi ko nagawang tawagin ang kanyang pansin hanggang makalagpas siya sa kinaroroonan namin. Later, ang sabi ko. Palagay ko naman sa Bed din ang kanilang punta.
I was expecting to see him inside pero nabigo ako dahil umikot-ikot na ako at naghanap pero hindi ko siya nakita.
I immersed myself into the merriment kaya sandali ko siyang nakalimutan.
Subalit sadya yatang nakatakda ang pagtatagpo namin nang gabing iyon dahil nang lumabas na kami ng Bed, nakita ko siyang nakatayo sa labas ng O-Bar.
Napahinto ako sa aking paglalakad at napatitig sa kanya.
Nakita niya ako at siya man ay natigilan din.
Nagtama ang aming mga mata.
Ngumiti ako at nag-uumapaw sa tuwa na binati siya. “Hi!”
Inaasahan ko ang masigla ring pagbati mula sa kanya. I was conceited enough to think na masaya rin siya sa aming pagkikita.
Nasa mga mata niya ang recognition subalit wala ang hinahanap kong init at ningning. Sa halip, isang matipid na ngiti ang kanyang naging tugon sa akin.
“Kumusta ka na?” I pursued.
Napansin ko ang katabi niyang guwapo na nakatingin din sa akin.
“I am okay,” ang maiksi niyang sagot.
Tapos bumaling siya sa katabi niya at ipinakilala sa akin.
“Siyanga pala, boyfriend ko.”
May dagok iyon sa aking dibdib pero hindi ako nagpahalata. Kinamayan ko ang kanyang boyfriend.
I felt awkward. Wala na akong maisip na sasabihin pa kaya nagpaalam na ako sa kanya.
“See you around,” ang sabi ko sabay hakbang ng aking mga paa.
“Sino yun?” ang tanong ng friend ko na umantabay sa akin. Sa kalituhan, hindi ko na siya naipakilala.
“Just a friend,” ang sagot ko.
“Ang guwapo!”
Muli ko siyang sinulyapan. Natanaw ko na nakaakbay sa kanya ang boyfriend niya. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Mukha silang masaya.
Nakadama ako ng panlulumo at panghihinayang, ng pagsisisi at pagkabigo.
Ako naman ang hindi na niya type.
21 comments:
Bakit naman "karma", Aris? Medyo mabigat naman yata yung salitang yun.
Ikaw na rin ang nagsabi:
"malinaw sa akin na hanggang doon lang ang gusto kong marating namin"
Di ba ganyan naman talaga ang buhay? Minsan tayo ang umaayaw, minsan tayo ang inaayawan. Naron na ko, minsan nakakasakit tayo ng damdamin kapag inaayawan natin ang isang tao. Gustuhin man natin o hindi, may hapding kalakip ang anumang pag-ayaw sa kapwa.
Pero sa akin, mas masama kung pinaasa mo siya sa wala nung hindi pa siya kaakit-akit.
Baka "hinayang" ang mas akmang salita.
@rudeboy: actually, agree ako sa'yo. Nag-stick lang kasi sa mind ko ang sinabi sa akin ng friend ko: "hayan, na-karma ka tuloy dahil sa pagmamaganda mo!" true, nanghihinayang talaga ako sa kanya. *sigh!* :)
haayst.
ayun oh...
swak na swak ang title!
ahaha!
medyo nakarelate ata ako...
kasi yung pinakamamahal ko ngayon, dati ako pinakamamahal nya...feel na feel ko yun, pero ngayon... haayst. ewan ko.
natake ko ata sya for granted, ewan ko!
hehe.
pero... sya pa rin ang pinakamamahal ko!
^ - ^
drumama pa ko...
BE POSITIVE!
malay mo...
:P
malay mo dahil sa rejection na inabot niya sa'yo, naging challenge sa kanya to look that good after.
Well, what can I say. It really is true. It happens to all of us, iba't ibang mukha nga lang.
Pero ang saĆ½o ang mas nakakapanghihinayang friend. Hehehe... Pero OK lang yun. Ang karma may karma din.
You had a couple who were better than him for sure :-)
marami pa namang others, make [patol na lang to them
@gege: ang sabi nga, malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa'yo. cheer up, girl. malay natin, padating pa lang yung totoong magmamahal sa atin. o di ba, positive thinking. :)
@bunwich: puwede nga. and he has to thank me for that. sana man lang nag-kiss siya sa akin, di ba? hehehe! :)
@Al: alam mo yun, friend, parang a dose of my own medicine. pero ok lang yun. di kailangang mawalan ng pag-asa. :)
@imsonotconio: korek. you are so tama there, friend. :)
sino siya?hahaha share naman LOL!
@mac callister: share ko siya sa'yo kapag sumikat na. hehe! :)
sabi nga ni bob ong, teka di ko alam yung exact words eh pero parang ang sinasabi nya eh pag may gusto tayo at ayaw sa atin, meron din naman na may gusto sa atin pero ayaw naman natin. ganun lang talaga siguro ang buhay, one way or another.
Aris, aris aris... ang buhay ay sadyang ganyan. Dont be too hard on yourself. It was good while it lasted di ba?
@maxwell flux: sayang nga lang kasi gusto niya naman ako noong una. i should not have judged him because he is not a book. hehe! :)
@luis batchoy: korek, friend. konting emote lang. pero tanggap ko na. thanks. mwah! :)
Hehehe. Tama, at ganun nga naman talaga ang buhay. :-)
Para na rin siguro, tayo ay ma-immune na din sa ganun :-)
@Al: korekness, my friend. :)
oh desire.. must u be so elusive? i'll never completely understand the dynamics of desire. all i know is it can never be forced. don't feel bad aris. it just wasn't the right time.
@citybuoy: anything that has something to do with desire (love, lust, attraction) will always be hard for me to understand. parang sa kabila ng maraming leksiyon at karanasan, wala pa rin akong natututunan. anyway, tuloy pa rin ang buhay. basta, mag-enjoy na lang. hehe! thanks, nyl. :)
perfect na perfect ang song my friend! sayang kasi caterpillar pa lang siya nung nameet mo. ngayong butterfly na siya e, hayaan mo na lang. madami pang caterpillars sa paligid.. heheh... miss u friend! mwah!!!!
nasa huli talaga ang pagsisisi..but it's not your fault, lahat naman tumitingin muna sa panlabas na anyo bago sa loob. it's human nature.. at least natikman mo na sya dba..hehehe :)
aside sa maganda ang puwet niya, wala na bang ibang clue? hahaha
@kokoi: hayaan mo, friend. ngayon alam ko na. sa susunod na makatagpo ako ng catterpillar, aalagaan ko na. hehe! mishu too. :)
@sheen: pero gusto ko uli siyang tikman ngayon. charing! hahaha! :)
@the geek: friend, starlet pa lang kasi siya. kapag sumikat, sasabihin ko sa'yo kung sino siya. hehe! :)
Post a Comment