I flew to the province for the holidays.
Sa waiting area ng airport, nakita ko na siya. Mag-isa, nagbabasa, nagsusulat sa isang leatherbound notebook.
Cute siya kaya panay ang sulyap ko sa kanya. Sa tantiya ko, nasa mid-twenties siya. Simple lang ang ayos niya. Moreno at malakas ang dating kahit walang effort na pumorma.
Nang mag-announce ng boarding, sabay kaming tumayo. Oh, same flight. Iisang probinsya ang destinasyon namin.
Medyo nahuli ako sa pila sa pagsakay at laking gulat ko nang sapitin ko ang 1C na seat assignment ko. Siya ang nakita kong nakaupo sa 1D. Magkatabi kami ng upuan ni cutie!
I caught his eye for a moment. Tipid ko siyang nginitian. Nagbaba naman siya ng tingin.
Naupo ako at nag-seatbelt. Napansin ko na may difficulty siya sa pagkakabit ng seatbelt. Instinctively, kaagad ko siyang tinulungan na parang normal lang. Hindi naman siya nagulat. Nagpaubaya lang. Hindi sinasadyang nag-brush ang kamay ko sa hita niya. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din siya sa akin. Nasilayan ko ang mapuputi niyang ngipin nang ako ay kanyang ngitian.
Nang nagsimulang mag-taxi sa runway ang eroplano, naramdaman ko ang pagdidikit ng aming mga braso na parehong nakapatong sa armrest sa pagitan namin. At nang mag-take-off, naramdaman ko ang bahagyang pagdiin ng braso niya sa braso ko. Nang airbourne na, halos sabay pa kaming sumulyap nang panakaw sa isa’t isa.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagkunwari akong matutulog. Dama ko pa rin ang pagkakadikit ng mga braso namin.
Maya-maya, naramdaman ko na dumikit ang left leg niya sa right leg ko. Hindi ako tuminag. Hanggang tuluyan nang naka-rest ang binti niya sa akin at dama ko na ang bigat nito.
Dumilat ako at sumulyap sa kanya. Nakita kong nakapikit din siya. Napagmasdan ko ang malalago niyang pilikmata. Gayundin ang maganda niyang mukha. Moreno siya pero napakapino ng kutis niya. Napakatatag ng jawbone niya. Lalaking-lalaki ang hugis ng kanyang mukha. His lips are full. At kahit may stubbles siya, mukha pa rin siyang malinis.
Nagulat ako nang bigla siyang dumilat. Nagtama ang aming mga mata at sabay din kaming umiwas. Tumingin siya sa labas ng bintana at ako naman ay sa ibaba. Nasulyapan ko ang legs niya na namumurok sa pantalong maong na suot niya.
Muli siyang pumikit kaya pumikit din ako. Kahit gusto kong matulog, gising ang aking diwa. Distracted ako ng presence niya sa tabi ko.
Naramdaman ko ang unti-unti niyang paghilig sa akin. Hindi ako dumilat at sa halip ay patuloy ko siyang pinakiramdaman. Nadama ko ang siko niya sa aking tagiliran. Gayundin ang balikat niya sa balikat ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Naglaro sa aking imahinasyon ang mukha niya na napakalapit sa mukha ko.
Hindi ko napigilan ang dumilat at hindi nga ako nagkamali. Halos isang dangkal lang ang layo niya sa akin habang nakapikit at wari ay natutulog.
Muli kong in-appreciate ang kanyang mukha na tila higit na gumuwapo sa kanyang pagkakapikit. Sa kabila ng strong features, maamo at mabait ang bukas nito.
Ang paghangang naramdaman ko nang una ko siyang makita ay higit na nadagdagan.
Parang hindi ako makapaniwala na katabi ko siya at nakahilig sa akin. Hindi ko lang nadarama ang kanyang balikat, braso at binti kundi nalalanghap ko pa siya. Napakabango niya. Napaka-masculine ng amoy niya.
He stirred kaya muli akong pumikit. May naramdaman akong pressure galing sa binti niya. Nag-respond ako sa pamamagitan ng pagdiin din ng binti ko sa binti niya. Sabay sa tension, nilukuban ako ng warm feeling dahil sa connection namin.
Kahit nakapikit, naramdaman ko ang paghagod ng kanyang tingin sa akin. Nakakapaso kaya nagmulat ako. Muling nagtama ang aming mga mata. At sa pagkakataong iyon, pareho kaming hindi na umiwas. Nag-usap ang aming mga titig. Higit na nagdumiin ang mga magkakadikit na bahagi ng katawan namin.
Ewan ko kung bakit may pag-aalinlangan ako sa kabila ng kanyang open invitation. Ewan ko kung bakit hindi ko nagawang ngumiti at siya ay kausapin. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang siya ay nakatingin din sa akin.
Maya-maya, bumitiw ang kanyang mga mata. He flipped over his leatherbound notebook na hawak-hawak niya. Una kong nakita sa cover nito ang company logo at ang company name. Tapos, ang pangalan sa ibaba. Mendoza, Karlo. Hinimas-himas ng kamay niya ang kinaroroonan ng pangalan na parang doon niya dinadala ang atensyon ko. Nagpapakilala ba siya? I searched my mind about the company name. Sa pagkakaalam ko, iyon ay isang ship crewing company. Seaman ba siya? Higit na sumidhi ang interes ko sa kanya.
Nagpatuloy ang aming pakiramdaman habang lumilipad. It would have been easier to just say “hi” and talk to him pero parang higit na exciting ang quiet flirting na nagaganap sa amin. Bukod doon, may mga pag-aalala rin ako na baka mali ang basa ko sa actions niya. Na dahil iisang probinsya lang ang patutunguhan namin, baka hindi tama na landiin ko siya. So close to home.
Sa kabila ng pagiging maiksi ng flight na iyon, I took my time. Nagdadalawang-isip kasi ako at nag-aalinlanlangan. Nag-iingat din.
Wala akong nagawang definite move hanggang sa mag-landing ang eroplano. Sa kabila ng atraksiyon ko sa kanya, I decided to just leave it at that. Hindi ko alam kung bakit mas pinili ko na lang ang manahimik. Hindi ko alam kung bakit parang wala akong lakas ng loob upang siya ay i-approach.
Tumayo ako at kinuha ang aking handcarry mula sa overhead bin. Sa rear door ng eroplano ang deplaning. We would be the last to disembark dahil nasa 1st row kami. Nasa likod ko siya at habang hinihintay ko ang paggalaw ng pila sa aisle palabas ng eroplano, naramdaman ko ang pagdikit niya sa akin.
He was pressing his body against mine. I could feel his chest on my back and his crotch on my butt. Muli, may bumalot na warm feeling sa akin dahil sa pagkakadikit ng aming katawan.
Nag-lean ako sa kanya. Nadama ko ang matigas at matatag niyang katawan na tila dumaop sa aking kabuuan.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang dampi ng kanyang mga labi sa aking batok. Ginapangan ako ng kiliti. Nanghina ang aking mga tuhod. Kinabahan ako.
Lilingunin ko sana siya subalit mabilis nang gumalaw ang pila. At dahil nabigla ako sa kanyang ginawa, mabilis ding humakbang ang aking mga paa. Hindi ko alam kung dahil gusto kong umiwas o dahil sa ako ay nataranta.
Namalayan ko na lamang ang aking sarili na naglalakad na sa tarmac patungo sa airport building. Nasa likod ko siya at hindi ko pa rin magawa na siya ay lingunin.
Inapuhap ko siya ng tingin nang nasa loob na kami ng arrival area. Nakita ko siyang nagtungo sa baggage claim. At dahil wala akong checked-in luggage, tuluy-tuloy na ako sa passenger exit. Bago tuluyang lumabas, muli ko siyang sinulyapan. Nakita ko na nakatingin siya sa akin.
Saglit akong naghintay sa aking sundo na kaagad ding dumating. Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ay siya namang labas niya sa arrival gate hila-hila ang isang de-gulong na maleta.
Nagkatinginan kaming muli habang umuusad ang aking sinasakyan. Nag-usap ang aming mga mata. At sabay kaming napangiti.
Siya ang nasa isip ko habang bumibiyahe patungo sa city. Nanghihinayang ako sa pagkakataong pinalampas ko. Nagsisisi ako kung bakit pinairal ko ang aking pagiging torpe. Napabuntonghininga na lamang ako upang pawiin ang pagkainis sa sarili.
***
Nakipagkita ako sa aking straight high school friends nang gabing iyon for a reunion sa isang open-space gimikan na mala-Harbor Square ang ambience. Nakipag-inuman ako sa kanila. Nakipagkuwentuhan. I was one of the boys while joking and laughing with them. I was already on my fourth bottle nang ako ay matigilan. Napatitig ako sa isang lalaki na nakatayo sa di-kalayuan. He was a vision in white. He looked so handsome sa porma niyang pang-gimik. Higit na tumingkad ang moreno niyang kulay sa tama ng liwanag.
It was him.
I felt my heart skip a beat. Hindi ako makapaniwala na naroroon siya, only a few feet away from me.
Tumayo ako na puno ng tuwa, excitement at pananabik. Dedma na sa nagtataka at nagtatanong na tingin ng mga high school friends.
Humakbang ako patungo sa kinaroroonan niya na parang may pakpak ang aking mga paa.
Nakita niya ako at natigilan siya habang papalapit ako.
Nagtama ang aming mga mata. Tila tumigil ang galaw at ingay sa paligid.
Ngumiti ako. Ngumiti rin siya.
“Hi. Remember me?” ang bati ko sa kanya.
30 comments:
Wow naman. sana may karugtong.
Kilig! :)
Bakla ka, I hate you! Haha. Pinakilig mo ko eh dapat serious ako today. Haha. Ano na nangyari?!!?
eeeeeeesh! another kilig post from aris!!!!!!!
ahem...
gusto ko na namang ma-in love!
Mare, wala kang kupas! Pinakandirit mo ang puriit ko sa blog entry na itey! :) Happy fabulosa year to you and more kwentos from you! mWah!
part 2! part 2! part 2!
what are the odds na magkikita kayo ulit? baka meant to be, hehe.
@ming meows: ikukuwento ko rin, pramis. pero huwag muna ngayon hehe! :)
@dhon: hay naku, sinabi mo pa! :)
@tristan tan: hahaha! ayaw mo nun, napasaya kita. abangan ang susunod na kabanata! uwi ka na. mis ka na namin dito. :)
@kokoi: friend!!! musta na? kaw ha, tagal na ng hibernation mo. mis ko na posts mo. :)
@anteros dominion: eherm... hehe! :)
@rod angeles: oo nga, di ba? kaya ako, walang kadala-dala hehe! happy new year sa'yo! :)
@anufi: salamat naman at napasaya kita, mare! all the best for the new year. pramis, patuloy pa rin akong magkukuwento para sa'yo! mwah! :)
@baklang maton: sure, mare. happy new year! nawa'y patuloy kang pagpalain ng panginoon. *hugs* :)
@maxwell: friend, happy new year! inisip ko rin na baka nga itinadhana. ikukuwento ko na lang ang susunod na kabanata hehe! :)
ang galing mo talaga magsulat, kuya aris! hanggang sa dulo, i was biting my fingernails. asan na yung karugtong nito? ASAN NA?! hahaha
nakakabitin...
seriously, had the same experience going to bacolod to attend a college friends wedding.
lo and behold, he's the best man.
@citybouy: binola mo na naman ang kuya mo haha! abangan mo na lang ang part 2. :)
@bunwich: huwaw, that must be exciting! so what happened next? naku, baka magalit si siopao kapag ikinuwento mo hehe! :)
hala! kaasar... lagi kang nambibitin... ahehehe... nawala ang pagod ko after kong mabasa to. Parang gusto ko na lang magsulat ng love story at kumanta ng mga love songs... =)
apie apie nyu yeer sau aris hehehe...
@angel: happy naman ako na napagaan ko ang pakiramdam mo. pabasa rin ng mga love stories mo ha? :)
@dilanmuli: happy new year din sa'yo. all the best! :)
aaaaaaaaaaaay malandi ka....
huwag kang nambibitin at baka buong taon kaming bitin hahahahaha
see you mayora....
ay grabe... bitin!!!
:P
Ooohhhh... Destiny!
Kampai!
@yj: foreplay lang muna hahaha! see you soon, my dear. :)
@gege: sige, itutuloy ko ang kuwento. abangan! hehe. happy new year, gurl! :)
@m2mtripper: mukha nga. hehe! manigong bagong taon sa'yo. :)
wow bitin ako!kilig moments na ito kahit madaling araw dito!
mag post na agad!demanding daw haha
@mac callister: haha! i will. huwag lang pong mainip. :)
Hindi kami sanay makabasa ng ganito kaya tawa kami nang tawa!.. Pero lahat ay may karapatan sumaya. Sana nga ay maging masaya din kayong mga bading.
haha meant to be?
@mga epal: sana maging masaya tayong lahat! :)
@thecurioscat: maybe. hehe! friend, i can't access your blog. temporarily disabled ba?
wow.. can't wait for the story of what happened next...!
Hey Aris,
I started to read your blog like for 6 hours straight while I was taking calls... and I must say, you're good. You're good because you are true to yourself and you are not afraid of sharing your "sad" moments in life. I got to know your friends through you stories... I love the part of "James" moment. I wish to know you like a friend and I would really love to talk to you. You seem very nice and I hope can be friends and go out with your friends with one of your "gimiks".
Well, I just want to tell you that I feel for you and I am hoping that one of these days, you will find that "one-true-someone" in your life.
I hope you can read this comment as well. Do you have a facebook?
Mark
@Al: just hang on, my friend. :)
@mark joefer: hello mark. thank you for the visit and for your kind words. nakakataba naman ng puso at nakaka-inspire. you have no idea kung gaano mo ako pinasaya. i will be looking forward to meet you one day. sorry but believe it or not, wala akong facebook. hope to hear from you again soon. take care always. :)
Nice one! ganda naman ng pagkakasulat
@mr. g: thank you. sana patuloy kang mag-enjoy sa mga isinusulat ko. tc. :)
Post a Comment