Monday, February 22, 2010

Left Out

Axel texted: “Guys, I’m bringing over my new partner. Utang na loob, huwag n’yo siyang okrayin.”

Natawa ako. Naalala ko ang kanyang past jowa na ipinakilala sa amin. Hindi naman namin inokray. Si Axel ang inokray namin kaya lang, yung jowa pala ang tinamaan.

Ganito kasi yun. Dumating si Axel na nakakawindang ang outfit. Black shirt na may mga kung anik-anik na silver trimmings, itsurang makikipag-compete sa shiny disco ball. Ang jowa naman, pormal-pormalan ang damit.

Hindi nakatiis ang barkada. Pinintas-pintasan ang outfit ni Axel. As in, lait to the max. Mapang-asar kasi si Axel kaya hindi namin pinalampas ang pagkakataon para makaganti. Pangiti-ngiti lang si Axel habang salitan kami ng mga friends sa pang-ookray sa suot niya. Tahimik naman ang jowa.

At nang makuntento na kami, saka ako binulungan ni Axel. Ang may-ari ng shirt na suot niya ay ang jowa. Nakipagpalit lang siya para iligtas ang guy sa panlalait namin.

Gosh, namutla ako. At nang ipaalam ko sa barkada ang kuwento sa likod ng mahiwagang damit, lahat gustong matunaw sa hiya.

Ayun, after that night nag-break na sila. No, hindi naman kami ang naging dahilan. Umalis na kasi papuntang Dubai ang jowa para doon mag-work.

***

Nagulat ako sa text ni Axel kasi last Saturday lang habang pinag-uusapan namin ang pagpunta sa Galera, ang sabi niya pa sa amin nina James at Basil: “Buti na lang, single tayo. Mag-e-enjoy tayo nang husto!” sabay kantiyaw kina Ace at Arnel: “Sorry, guys. Kailangan n’yong mag-behave kasi may mga jowa na kayo.” At ang dugtong pa: “Kaya ayoko munang magka-jowa, sagabal sa gimik.”

Puwes, kinain niya ang sinabi niya. Dahil, heto, pagkaraan ng ilang araw, may jowa na siya. Dati-rati, kapag may prospect si Axel, nagte-text pa siya sa akin para patingnan ang Facebook o Friendster sabay tanong ng: “What do you think?”. Kaya bago ko pa makilala, may idea na ako kung ano ang itsura. Pero itong bagong jowa, nagulat ako rito dahil wala siyang kakibo-kibo. Basta biglang may jowa na lang siya at ipapakilala sa amin nang gabing iyon.

Lahat kami nakatanggap ng “Do not okray” text kaya habang naghihintay kami sa pagdating nila, kinukundisyon na namin ang aming mga sarili na magpakabait. Kailangan naming bumawi sa kapalpakan namin last time. Lahat kami na-surprise sa biglaang pagkakaroon ni Axel ng jowa. Oh well, ganoon talaga, unexpected minsan ang pagdating ng taong magpapatibok sa iyong puso at magpapabago sa iyong pananaw.

Natahimik kami pagdating nila. Bongga ang jowa. Guwapo, bata at sociable. Hindi man lang naasiwa sa grupo. Siyempre, hindi maiiwasan ang question and answer portion. Gusto namin siyang makilala bilang bahagi ng pag-welcome namin sa kanya. Pormal-pormalan ang Axel. Hindi magulo at mapang-asar. Hindi kami sanay kaya kahit paano may mga sundot kami sa kanya. “Huy, Axel, hindi bagay sa’yo ang demure.” Na sinegundahan ng jowa: “Sige na, be yourself. Hindi naman magbabago ang tingin ko sa’yo.” Oh, di ba, ang sweet?

Bagay na nag-endear sa amin kay Rommel. Rommel nga pala ang name niya. Ako, personally, gusto ko siya para kay Axel. Marami na rin kasi akong nakilala sa mga jowa ni Axel noon na yung iba, hindi nakilala ng barkada. Kay Rommel ko lang nakita na pumormal nang ganito si Axel. Alam ko na mapapatino ni Rommel ang kaibigan ko. Well, it’s about time na magpakatino na siya dahil ang dami niya na ring naging paglalaro in the past. And most importantly, gusto ko na rin siyang maging happy. At sa pagtaya ko sa mga kilos at pananalita ni Rommel, palagay ko ito na ang magpapaligaya sa kanya.

“So, is he joining us in Galera?” ang tanong ko.

“Siyempre naman,” ang sagot. “Sorry, guys, tatawid na ako sa grupo ng mga may jowa. Kayong tatlo na lang ang pwedeng rumampa.” Na ang pinatutungkulan ay ako, si James at si Basil.

“Kung ganoon, happiness kami,” ang sabi ni Basil.

“Happiness din naman ang magka-jowa. Try n’yo,” ang sabi ni Axel.

“After Galera na lang. Hahaha!” ang sagot ni James.

Well, kinain din ni James ang sinabi niya. Dahil bago natapos ang gabi, nagkaroon ng hindi inaasahang pagbabago sa takbo ng kapalaran niya. But that is getting ahead of the story.

Anyway, may friend si James na nag-join sa amin. Si Warren. Chika sila nang chika na parang private ang topic nila. Kahit katabi ko si James, hindi ko maulinigan ang pinag-uusapan nila or maybe hindi lang ako interesado.

Nang pumasok kami ng Bed, sumama si Warren. Sa loob, nagkawalaan kami. Ako lang at si Axel ang nag-stay sa usual spot. But since may kasama siyang jowa, may sariling mundo sila kaya para na rin akong mag-isa. Nakipag-flirt na lang ako sa mga cutie para ma-entertain. Umakyat din ako sa ledge para makipagsayaw sa isang shirtless guy na pang-macho dancer ang mga moves. Hindi nagtagal, nainip ako. Bumalik ako sa spot namin pero pati sina Axel at Rommel, wala na roon. So, hinanap ko ang mga friends.

That was when I saw James.

Nasa isang sulok siya at masyadong cozy with a guy. Nasa tabi nila si Warren. It turned out na ang guy na ito ay kaibigan pala ni Warren at iminatch niya kay James. Ito pala ang pinagbubulungan nila earlier sa Silya.

From the looks of it, mukhang nagkakamabutihan sina James at ang guy. Magkadikit sila at magkahawak pa habang nag-uusap. At nakatingin sila sa mga mata ng isa’t isa.

Na-distract sila ng presence ko. James introduced me to the guy. Hindi nag-register sa akin ang name pero nag-register sa akin ang kanyang itsura. He was handsome. Matangkad. Maganda ang katawan. Model ang arrive. Bagay sila ni James.

We clasped each other’s hand and said “Hi.” James was smiling. Kitang-kita ko sa kanya na masaya siya.

Kaagad din akong nagpaalam at umalis.

I sat in a corner and lit a cigarette.

May tumabi sa aking bagets at nakisindi. He chatted me up. I knew he was interested but I did not make a move. Not that he was bad looking but I just felt tired. He lingered until he finished his cigarette.

I stayed there just listening to the music hanggang sa numipis ang tao.

I saw Maynard and Luigi (they were not with us earlier) at niyaya na nila akong lumabas.

Pagdaan namin sa may Sonata, naroroon sina James and the guy. Itsurang may namamagitan na sa kanila dahil magkayakap sila habang nag-uusap. Kasama nila si Warren.

Ito palang sina Warren at Maynard ay may nakaraan. Before I knew it, nakalapit na si Maynard kay Warren at naglalandian na ang dalawa.

Kami na lang ni Luigi ang dumiretso sa Silya upang mag-breakfast.

Maya-maya, dumaan si James sa table namin at nagpaalam sa akin. “Sorry, friend, I cannot join you anymore,” ang sabi. “Gusto niya kasi akong ihatid pauwi.”

Nginitian ko si James. “It’s ok. I understand.”

“Text kita mamaya.” He hugged me and kissed me on the cheek bago siya nagmamadaling umalis.

Halfway through breakfast, tumunog ang celfone ni Luigi.

“Hello? Yeah. Who’s this?” ang kanyang sagot. “Oh, Xavier. Yeah. Where are you? Silya ako. Andito ka rin?” Luminga-linga siya. “Yeah, I saw you na. Yeah, sure. I’ll finish eating lang tapos pupuntahan kita. Ok, bye.”

Excited siyang tumingin sa akin pagkababa ng kanyang celfone. “Friend, I just got an invitation na mag-sleep over sa bahay ng crush ko.”

“Talaga?”

Shucks, hindi ko inaasahan ito.”

“Asan siya?”

“Ayun, o,” sabay turo sa isang guy na nakaupo sa kabila.

“Hmmm… cute.”

”Sorry, hindi na kita masasabayan sa pag-uwi,” ang sabi niya, apologetic.

“No problem,” ang sagot ko. “Bilisan mo na at baka mainip siya.”

Tinapos lang namin ang pagkain at kaagad na siyang umalis.

Nagliliwanag na nang maglakad akong mag-isa papunta sa Taft.

***

Habang sinusulat ko ito, nag-text si Basil.

“Sorry, hindi na ako nakapagpaalam kagabi. You see, I met this guy…”

Ok.

Ang dugtong pa: “Friend, I think I’m in love.”

Oh.

Maya-maya, si James naman ang nag-text.

“Nandito ako ngayon sa Gateway. Manonood kami ng movie. Tapos, dinner.”

“Kayo na ba?” ang tanong ko.

“Mukhang doon na kami papunta.”

Sigh.

Mukhang ako na lang ang single pagpunta namin sa Galera.

Nakaka-pressure.

18 comments:

bunwich said...

ipag no-novena kita, don't worry.

Bi-Em Pascual said...

anu ber, wag ma-pressure... di na ba masaya ang galera pag walang kasama? kung ikaw lang ang solo na maggagalera, maghanap ka dun. dami jan teh.. or isama mo un isa sa mga kinembular mo b4...

citybuoy said...

haay friend. ayus lang yan. dun ka na mamingwit! :D

why don't u pull a janina.. no i don't feel einy preyshurr right now!

wanderingcommuter said...

i find axel very sweet... hihihi!

huwag ka mag alala. we've been there ove rthe weekends at mukhang madaming single duon, including ourselves. hehehehe!

Ming Meows said...

ok rin naman mag-isa sa galera pang minsan minsan. manawagan ka na lang sa mga bloggers dyan na available at pwedeng sumama sayo.

gauxves said...

ahahaha... circumstances nga naman..

Jinjiruks said...

dahil sa pressure na yan kaya tingnan mo. kung anu nangyayari. kakamadali. maling tao ang napili. hehe.

Unknown said...

eh nakaranas na ako na inokray eh.. naku sarap talaga tapakan yung gumawa. kaya lng ate ko.. hehehehehe

The Golden Man from Manila said...

ngayon ko lang na realize sa kwento mo na pressured pala ang single. Maybe I was "double" ever since graduating from college, kaya I never felt the pressure.

nonetheless, when the right guy comes, he is just there. Only Fate can intervene. And when she does, I hope both of you make the right moves.

Ciao!

Joeff said...

hahhaha...
ok lang yan Aris. If you want ako date mo.hahha

Unknown said...

Here's to being fierce and single.

Kaya yan. :)

imsonotconio said...

and so what if ur single?

the geek said...

friend, nakakastress ang pressure and that's the last thing you need when going to galera.

makinig ka kay ewik! hahaha

Cayy Cayy said...

Geez, antagal kong hindi nakadalaw dito
anyway, okay lang naman maging single, un lang, magisa ka lang na nakakaramdam ng emptiness sa barkada. haaay. in the right time makakatisod ka rin jan, wait mo lang :D

Anonymous said...

Malay mo naman, nasa Galera pala ang kapalaran mo.

Kampai!

Luis Batchoy said...

friend magsimba ka. Isasama kita one time text mo ko. Sa MCC QC. Lam mo kasi... mukhang di na rin ako single... I actually found someone na din... pero... baka maudlot na naman kaya di ko muna iboblog. =)

Kane said...

Aris!!! Nakakagulat, I'm also writing an entry about the struggles of being single (including yung napag iiwanan ka). And yes, I do get how you feel.

There were also times when you were the one in a relationship. Pana-panahon, i guess? =)

Kane

VICTOR said...

There are (still) many fishes in the sea. Dala ka ng lambat pagpunta mong Galera. :D