Sunday, February 28, 2010

Shorts

Nahalungkat ko ang mga ito sa aking draft folder. Mga kuwentong sinimulan kong sulatin pero hindi ko nagawang tapusin. Minsan kasi pasingit-singit lang at paputul-putol ako kung magsulat kaya siguro nawalan ako ng momentum at inspirasyon. Anyway, para hindi masayang, pinagsama-sama ko ang mga ito para makabuo ng isang blog post. Kahit bitin, palagay ko naman mai-enjoy nyo pa rin ang mga kuwentong ito.

===

FRESHMAN

Freshmen Orientation noon sa college nang makilala ko siya. Fourth year ako noon at dahil aktibo ako sa school organizations, isa ako sa mga napiling tumulong sa pagwe-welcome ng mga first year.

Namataan ko siya na tila nawawala at nag-aatubiling tumuloy sa assembly hall. Maputi, payat, Chinese.

Nilapitan ko siya.

“Tuloy ka,” ang sabi ko. “Magsisimula na ang program.”

Tumingin siya sa akin nang may pag-aalinlangan.

Nginitian ko siya. “Ako nga pala si Aris. Ano’ng name mo?”

“Spencer.” Ngumiti rin siya, kimi.

Inakbayan ko siya. “Halika, Spencer, pumasok ka na.”

Giniyahan ko siya sa loob at sinamahan kung saan may mga bakanteng upuan.

“Kung may kailangan ka, lapitan mo lang ako,” ang sabi ko sa kanya.

Muli siyang ngumiti. Napansin ko ang higit na paniningkit ng kanyang mga mata.

Iniwan ko na siya upang i-assist ang iba pang freshmen.

Nang magsimula na ang programa, sumulyap ako sa kinaroroonan niya.

Nakita kong nakatingin din siya sa akin.

***

Two days later nang muli ko siyang makita. Breaktime noon at nagpunta ako sa canteen. Nakita ko siyang kumakain mag-isa.

“Hey,” ang bati ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Wala na ang pagkakimi.

“Dito ka na umupo,” ang imbita niya sa akin.

“Wala kang kasama?” ang tanong ko.

“Wala pa akong friends eh,” ang sagot niya.

Jumoin ako sa kanya.

“Ikaw, bakit mag-isa ka?” ang tanong niya.

“Magkakaiba kasi sked namin ng mga kaibigan ko.”

“Hanggang anong oras ang klase mo?”

“8:30. Ikaw?”

“7:30.”

Pagkatapos ng break, tumayo na kami upang bumalik sa klase.

“Saan ka?” ang tanong ko sa kanya.

“Sa Arts and Sciences,” ang sagot niya.

“Doon din ako.”

Sabay kaming naglakad na parehong nagmamadali.

“Saan ang last class mo?” ang tanong niya.

“Sa Annex.”

Paglabas ko ng klase, bandang 8:30 nang gabi, nagulat ako nang makita ko siyang naghihintay sa labas ng classroom ko.

“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong ko.

“Hinihintay ka,” ang sagot niya.

“Bakit?”

“Sabay na tayong umuwi.”

===

TRIPPER

“Bakit ka ba nakatingin?” ang tanong niya.

“Kasi nakatingin ka rin,” ang sagot ko.

“Akala ko, may gusto ka sa akin…”

“…At saka may gusto rin ako sa’yo.” Prangkahan na, kesehodang magalit siya.

Pero ngumiti siya.

“Jay-Ar…” ang sabi niya sabay abot ng kanyang kamay.

Ngumiti rin ako. “Aris.”

Nagkamay kami.

Nasa may labasan kami ng SM nang mga sandaling iyon at parehong nagyoyosi.

“May hinihintay ka?”

“Oo. Girlfriend ko. Dito siya nagwo-work. Palabas na.”

Alas-nuwebe na kasi nang gabi at nagsasara na ang mall.

“I see.” Hindi siya PLU. May girlfriend eh.

“Ikaw, sino hinihintay mo?”

“Friend ko. Kinukuha lang ang kotse sa parking.”

“Gusto mo bang kunin ang number ko?” ang tanong niya.

“Sige.”

“Text mo lang ako,” ang sabi niya pagkatapos naming mag-exchange numbers.

“Sure.”

“Maaari tayong magkita uli.” May pilyong ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.

Maya-maya, lumabas na ang kanyang hinihintay. Saleslady sa isang boutique. Kaagad na kumapit sa kanyang braso.

Palihim siyang tumingin sa akin habang papaalis sila.

Napangiti na lang ako.

***

Bakit ba ako na-attract sa kanya?

Kasi matangkad siya. Payat. Maputi. Nasa uso ang gupit at damit. Medyo jologs pero guwapo. At pilyo kung makatingin.

Frankly, parang masarap siyang tikman. Iyon lang ang naisip ko habang nakatingin sa kanya.

Malakas ang loob ko dahil na-sense ko na game siya. Hindi nga ako nagkamali, dahil naging responsive siya.

May girlfriend siya? So what? Hindi ko naman siya jojowain. Trip trip lang kung paanong ganoon din siguro ang gusto niya.

Bandang alas-onse nang gabi, hindi ko inaasahan ang text niya.

“Musta? Gising ka pa ba?”

“Yup. Why?” ang reply ko.

“Gusto mo bang magkita tayo ngayong gabi?”

Nakahiga na ako nang mga sandaling iyon pero honestly, horny ako.

“May place ka?” ang tanong ko.

“Meron.”

“Saan ka malapit?”

Sinabi niya ang lugar. Uy, isang jeep lang mula sa amin.

“May Mini-Stop sa kanto namin. Doon tayo magkita,” ang sabi niya.

Nakaligo na ako kaya nagpalit lang ako ng damit at lumabas na ng bahay.

Habang bumibiyahe patungo sa aming tagpuan, hindi ko maiwasang kabahan pero nangingibabaw din sa akin ang excitement. Ayoko nang sagutin ang mga tanong sa isip ko: Bakit siya nakikipagkita sa akin ngayon? Hindi kaya delikado? Basta, inihanda ko na lamang ang sarili ko at pinairal ang tapang ko.

Naroroon na siya pagdating ko, nakatayo sa labas ng convenience store. Nakasando, shorts at tsinelas. Tahimik akong napa-wow sa ganda ng legs niya. Napansin ko rin ang maganda niyang paa. Sumasal lalo ang kaba ko hindi na dahil sa takot kundi sa arousal at anticipation ng mangyayari sa pagtatagpo naming iyon.

Ngumiti siya pagkakita sa akin. Walang sali-salita na giniyahan niya ako papasok sa village nila. Akala ko magta-tricyle kami subalit walking distance lang pala ang tinutuluyan niya.

Isang lumang bahay iyon na ginawang kuwarto-kuwarto at pinauupahan. Tumuloy kami sa kuwarto niya. Pagpasok sa loob, napansin ko ang dalawang double deck.

Umupo ako sa kama.

“Mag-isa lang ako rito ngayon, panggabi kasi ang mga kasama ko sa trabaho. Pasensya ka na, medyo masikip at magulo,” ang sabi.

Naghubad siya ng sando at humarap sa akin. Tumambad ang lean niyang katawan. Lumapit siya sa akin. At dahil nakaupo ako, lumebel ang tiyan niya sa mukha ko. Natakam ako sa kanyang pusod na tila inaalok niya sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili at ito ay aking sinimsim.

===

ROMANTIC

“Will you be mine?” ang tanong niya pagkatapos ng mahaba at makapugtong-hiningang paghahalikan.

“What do you mean?” Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Gusto ko lang makasigurado.

“Maging tayo.”

Ang kaagad kong naisip: Uy, magandang blog entry ito. My readers will be thrilled. In short, hindi ko siya sineryoso.

Pero mukhang seryoso siya dahil hinila niya ako palabas ng Bed. Dinala niya ako sa Silya. Uminom kami at dinigahan niya ako.

“I will take care of you. I will make you happy,” ang sabi.

I was cringing. Hindi ako sanay na nililigawan.

Maya-maya, tinawag niya ang batang nagtitinda ng bulaklak. Bumili siya. At ibinigay sa akin.

Nagulat ako. Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko habang tangan ang rose. Touched ako na masaya na parang nahihiya.

Sa puntong iyon na most vulnerable ako, inulit niya ang tanong.

“Will you be my boyfriend?”

Napa-“Oo” ako.

He kissed me on the lips. Tapos, bumulong siya sa akin ng “I love you.”

Hindi ako sigurado kung nag-“I love you” din ako.

7 comments:

citybuoy said...

shorts kung shorts! nakakabitin! :D

Al said...

nakakabitin nga pero ang sarap gawan ng karugtong sa isipan :-)

bunwich said...

masakit sa puson.. nakakabitin.

Dhon said...

Bitin!...

kakainis ka talaga aris! hehehe

imsonotconio said...

so bitin

Darc Diarist said...

madaya! bitin! hehe

Yj said...

i missed being here.... and i miss you.... matapos lang thesis ko, dance to death na ulit tayo... :)