Tuesday, February 16, 2010

Maybe Not

Nagkaroon kami ng pact ng aking mga kaibigan na ide-“date” namin ang bawat isa sa bisperas ng Valentine. Join din ang mga may jowa para aliwin kaming mga single. Kaya kahit may date na ako kinabukasan, go pa rin ako sa Malate Saturday evening to be with my friends. Matagal na namin itong pinlano para huwag naman kaming magmukhang kawawa sa araw ng mga puso. Balak pa nga namin, magpupula kami lahat pero we changed our minds at the last minute kasi medyo nabaduyan kami. Nakakatawa lang kasi nang magkita-kita na kami, lahat ng single, naka-dark colors at ang mga may jowa, naka-bright. Hindi naman kami nag-usap-usap. Halata tuloy kung sino ang masaya at kung sino ang “malungkot”. Ako, naka-brown -- in-between ng dark and bright – maybe because I was on the verge of (and very hopeful about) saying goodbye to singlehood. Well, at least during that time, iyon siguro ang nasa subconscious ko kaya nag-reflect sa naging choice of color ko.

Anyway, habang sumasambulat ang mga fireworks sa kalangitan sabay sa pagpasok ng Chinese New Year, we drowned our sorrows (sorrows daw o!) sa pamamagitan ng beer at mga kuwento. Napagdiskitahan din namin ang videoke. At nang may kumanta ng “I’ll Be”, may nanumbalik na alaala ng isang ex na nagpalungkot sa akin. Kinakanta niya kasi sa akin ito noon at aaminin ko, nasa puso ko pa rin siya hanggang ngayon although tanggap ko na ang nangyari sa amin. Ewan ko kung bakit na-share ko ito kay James without knowing na nalulungkot din pala siya. Nag-share din siya sa akin kung bakit. He had a dinner date Friday night. A thirty-something doctor na nakilala niya through a friend. The dinner went well and he seemed perfect kaya in James’ mind, naglalaro na ang mga possibilities. It was not until they were having coffee nang may inamin ang doktor. He was, in fact, committed and in a ten-year old relationship. “Will you be my number 2?” ang alok pa raw sa kanya. “Ten years na ang relasyon ninyo, bakit naghahanap ka pa ng iba? May problema ba?” ang tanong ni James. “Wala naman. Gusto ko lang magkaroon ng konting excitement sa buhay,” ang sagot. My friend said “No” sabay walk-out. What saddened him was not because the guy he liked was already committed but because the guy wanted to be unfaithful to his partner of many years. Na-disillusion siya at nag-worry para sa kanyang sarili dahil pinapangarap niya at naniniwala siya sa for life na relasyon. Ang tanong niya tuloy ngayon, mali ba na umasa siya na makakatagpo ng isang faithful at pang-ever after na pag-ibig?

To cheer ourselves up, we went to Bed to dance. Desidido akong mag-behave. Iniisip ko si Michael at ang date namin kinabukasan. I would not do anything to spoil it. I stayed close to my friends para walang maging puwang ang temptation. We danced na kami-kami lang but later on, unti-unti na silang nangawala hanggang matagpuan ko ang aking sarili na mag-isa na lang. I stood close to the wall. Ok lang sa akin na maging wallflower nang gabing iyon. Nakuntento akong panoorin ang mga kaibigan ko at magmasid sa mga tao sa paligid. Love was in the air. Napansin ko lang, ang daming nagki-kissing, nagho-holding hands at nagyayakapan. Hindi ko nga lang alam kung mga mag-jowa sila o bagong magkakakilala lamang. But it did not matter. It was just but fitting na mabalutan ng pag-ibig ang paligid dahil Valentine nga. How I wished na naroroon si Michael dahil type ko ring makipagsabayan.

***

Akala ko noong una, namamalikmata lang ako. I strained my eyes para aninagin ang pamilyar na hubog na iyon sa tanglaw ng patay-sinding mga ilaw. I edged my way patungo sa kinaroroonan niya. My heart started beating fast, hindi ko alam kung dahil sa tuwa o dahil sa pangamba. Hindi kasi namin nababanggit sa isa’t isa ang pagpunta sa Bed nang gabing iyon. Ang nakaplano ay ang Valentine dinner namin. Ayoko sanang magkita kami sa lugar na iyon nang hindi inaasahan dahil baka magkaroon pa ng maling interpretasyon, sa panig niya at sa panig ko.

A few steps away from where he was, napahinto ako. It was him! Si Michael nga. Higit na bumilis ang tibok ng aking puso. Pinangibabawan ako ng excitement. Lalapitan ko na sana siya nang may mapansin ako. Hindi siya nag-iisa. May kasama siya na nakaakbay pa habang may ibinubulong sa kanya. Dahan-dahan akong napaurong.

Baka friend, ang una kong naisip. Gayunpaman, ipinagpasiya ko pa ring huwag munang magpakita sa kanya. I retreated in a dark corner habang ang aking mga mata ay hindi lumalayo sa kanya. Mula roon ay pinagmasdan ko siya, sila ng kasama niya.

Patuloy sila sa pagbubulungan. Nagtatawanan pa sila. Normal naman ang mga kilos nila. Nagsasayaw sila habang nagse-share sa isang pitcher ng drink. Bagay na ginagawa naman namin ng aking mga friends. Subalit kinalaunan, may napansin na akong kakaiba.

The guy has wrapped his arms around his neck. At may eye contact na sila. Panay pa rin ang kanilang bulungan pero wala na ang tawanan. Seryoso na ang facial expression nila. Ibinaba ni Michael ang pitcher and his hands went to the guy’s hips. Nagsayaw sila na magkakapit at magkalapit ang mga mukha. May naramdaman akong pagsisikip sa aking dibdib.

Maya-maya, kumalas sila sa isa’t isa. Hinawakan ng guy ang kamay ni Michael at ni-lead ito palayo sa dancefloor. Nakita ko silang nagpunta sa direksyon ng restroom sa ibaba. Tinatambol ang aking dibdib sa magkahalong kutob at panibugho. Pilit kong pinayapa ang aking sarili sa pamamagitan ng makailang ulit na pag-breathe in at pag-breathe out. Pilit kong pinairal ang rason subalit nanaig ang aking emosyon. Kung kaya sa kabila ng takot sa maaari kong matuklasan, ipinagpasiya kong sundan sila.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagkilos. May dread akong nararamdaman subalit gusto ko ring makumpirma o mapasinungalingan ang aking hinala.

At doon sa madilim na sulok sa may restroom, nakita ko sila.

Magkayakap.

Naghahalikan.

Napatda ako sa aking kinatatayuan. Saklot ng matinding pagkabigla, para akong nabingi. Parang namanhid ang aking mukha. Kaagad na gumapang ang kirot sa aking puso.

Saglit na nag-freeze ang lahat habang sinasaksihan ko ang pagguho ng aking pangarap.

Nang mahimasmasan, ipinagpasiya kong harapin ang katotohanan. Lumapit ako sa kanilang kinaroroonan. At hinintay kong mapansin ako ni Michael.

Napamulagat siya pagkakita sa akin. Kaagad siyang bumitiw sa kanyang kahalikan at halos itulak niya ito palayo.

Nakatingin lang ako sa kanya. Punumpuno ng sakit at pagdaramdam ang aking mga mata. Hindi ko na kailangang magsalita dahil naroroon na ang lahat nang gusto kong sabihin sa kanya.

Tumalikod ako upang umalis. Kaagad niya akong hinabol at pinigil.

“Aris, sandali.”

Hinarap ko siya. Bukod sa hinanakit, alam kong may panunumbat din sa aking mga mata.

“He’s my ex. Siya ang ikinukuwento ka sa’yo last time,” ang sabi niya.

“Akala ko, matagal na kayong tapos.” Mababa ang aking tinig nang ako ay sumagot.

“Inimbita niya akong lumabas. Hindi ako nakatanggi.”

“Nagkabalikan na kayo?”

“No. Malungkot lang siya kaya sinamahan ko.”

“I’m sure, napasaya mo na siya ngayon nang husto.”

“Walang ibig sabihin ang nakita mo.”

“Hindi mo na kailangang magpaliwanag.”

“Please, pag-usapan natin ito.”

“Bakit pa?”

“Because I still want you.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo? Mahiya ka sa kasama mo.”

“Ikaw pa rin ang gusto kong makasama bukas.”

“Forget about it.”

“Aris, please…”

Mataman ko siyang tinitigan bago ako muling nagsalita.

“Michael… Just forget about me, ok?”

At tuluyan na akong lumayo.

Nagkukunwari lang akong matatag pero ang totoo, hinang-hina ako. Hinanap ko ang aking mga kaibigan subalit hindi ko sila makita. Everything was a blur. Parang umiikot ang paligid. Parang sasabog ang ulo ko sa ingay. Parang pinipilas ang aking puso.

Nagmamadali ako papunta sa usual spot namin nang matalisod ako. Muntik na akong madapa. Napahawak ako sa isang lalaking nakatayo. Kaagad niya akong inalalayan.

“Are you alright?” ang sabi.

“Yeah.” Pahapyaw ko siyang hinagod ng tingin.

Nginitian niya ako. He was tall and goodlooking.

“You wanna dance?” ang tanong niya sa akin.

Gusto ko sanang tumanggi subalit nang mga sandaling iyon, I was desperate for company.

Pinilit kong ngumiti.

“Sure.”

It felt good when he held my hand patungo sa dancefloor.

***

On Valentine’s Day, nagsimba ako at nagdasal.

Bumili ako ng rose sa isang batang nagtitinda sa labas ng simbahan.

Umuwi ako at nagluto ng dinner.

Inayos ko ang mesa. Inilagay ko ang rose sa vase.

Kumain akong mag-isa.

15 comments:

Kojin said...

The dreamy sequence I once envied might have ended on a sour note, but still, I do hope you had a wonderful valentines day :)

And being alone on Valentines day this year isn't that bad...what with Chinese New year being celebrated the same day, I just wore red and eat home made "tikoy" all by myself :)

Jinjiruks said...

hindi ka ba napapagod aris. paulit-ulit nalang nangyayari sa iyo yan. sirang sira na ang puso mo. hindi ko alam kung paano mo kinakaya ang mga ganyan na nangyayari sa iyo.

Dhon said...

OMG! sakit... pero i am so proud of you na nakaya mo pa after that fall..

Clap Clap..
sana when i go there you can accompany me sa BED.. always wanted to go there! hghehee

bunwich said...

ang sad naman... excited pa naman ako kanina nung nakitang may bagong entry ka.

The Golden Man from Manila said...

i just remembered the lines, would you be my number 2? familiar lines na hindi ko sinasabi ng derecho, pero sila ang mapilit kaya ko natatanong. Humbly speaking, ako honest. I do not want a commitment. Puedeng fubu, friend, basta walang commitment. Because I am committed na. And pinapaalam ko na kanila that I cannot leave my lover. Come what may.

haizz.. tama nga kasabihan, pag nawalan, me papalit. At minsan, yung unexpected ang natutuloy. ewan natin. pero sana.

Happy Valentine's to you, ARis and to all your readers...

Kokoi said...

friend, i wanna hug you right now. pramis! :(

Raiden Shuriken said...

imagine a dreamy sequence, like being cradled in his arms, caressed like a baby, pampered with kisses like a princess, promised heaven and earth; and then...

thrown down a cliff after being stabbed in the back.

ganun ang feeling ko. after reading the twin posts.

its really better to celebrate loving yourself on V-Day!
being alone =/= lonely!

cheers!

citybuoy said...

belated happy valentine's, aris. alam ko alam mo na naman ang gagawin mo. eto nalang mabibigay ko. kahit virtual, i mean it naman. *hugs*

Mark said...

sakit naman nun..ako, i broke up with an ex on a valentine's day. my spouse's(your friend) anniversary date with his ex was a valentine's day too..but we still celebrated it..hehe..stay happy!!

Joeff said...

Dear Aris,
Thank you for the personal email you sent me at work. I was so excited reading your blog last night while I was taking at the same time... I took a personal break to read the entire thing and "boom" another sad story.
I realized that it won't be "akosiaris" if tragic is not part of your article.
This, however, does not mean that I would like to hear sad things from you. I would like just to inform you that this happens to every gay guy in the world; rich or poor, young or old, not so cute or very cute.
Please do continue writing.
Take care

Mark

Mac Callister said...

i feel bad about this, gasgas na ang puso mo sa mga nangyayari seen a lot of posts and ended up like this,maybe try to find guys who dont go to these places,baka andun ang matinong lalake for u,haha nagpayo daw o!

Darc Diarist said...

haist. ah basta, digital ang karma.

hugs for aris!

Al said...

i don't know what to say.. i just posted a comment to your prequel, Maybe, then this.

i'm sorry friend... but haven't it crossed your mind that maybe he was just accompanying his ex?

but even if, i would stand on the same shoes as you :-).. we deserve more than that..

karla said...

hope everything turns out well pero ang galing mo talagang magsulat. and the song! brought back memries. hehe

jeticool09226378608 said...

late na para magcomment pero masakit parang ang sakit , ganyan naman talaga ang buhay ngayon masaya bukas hindi na, kaya dapat habang masaya ka samantalahin mo.