Wednesday, February 10, 2010

Maybe

Tsinek ko kaagad ang celfone ko pagkagising subalit wala siyang text.

Tinext ko siya subalit natapos na akong maligo at lahat, wala siyang reply.

Nag-wonder tuloy ako. Ang nangyari ba kagabi ay isang panaginip lamang?

***

Unplanned ang gimik namin ng mga kaibigan ko kagabi. Pasado alas-diyes na nang mag-text-text kami. Lahat hindi mapakali at ayaw magmukmok sa bahay on a Saturday evening.

Nakababad na ako sa computer subalit ako ay balisa. Parang tuksong lumalarawan sa aking isip ang Strong Ice… ang patay-sinding mga ilaw… ang siksikang dancefloor… ang ledge. Tila nauulinigan ko rin ang musika na nagpapatibok sa paligid. Higit lalo at nagdesisyon na ang aking mga kaibigan na pupunta sila.

Bandang alas-onse, hindi ko na natimpi ang aking sarili. Bumigay ako sa tentasyon. Nagbihis ako at nagpaganda. Go na rin ako.

When I texted my friends na darating ako, “Yehey!” ang naging reply nila. Nagsimula akong ma-excite dahil gusto ko ang mga spur-of-the-moment na lakad. Mas masaya kapag walang plano. Mas maraming nangyayaring unexpected. Too bad, hindi ko napilit ang bestfriend ko na sumama kasi during that time, nasa spa na sila ng jowa niya. Kumpleto sana kami.

Dumating ako mga 12:30. Naroon na sila at nag-iinuman na. Masigla akong jumoin sa kanila. Nakibahagi kaagad ako sa kwentuhan at tawanan. Dahil masaya kami lahat, nakalimutan naming magbilang ng bote. We just kept on drinking. Dama ko ang paglalaho ng pagod ko at mga alalahanin.

Nagkaroon kami ng pagkakataon to finalize our Galera plans and we were all excited. Ngayon lang kasi kami makakapag-out-of-town na magbabarkada kaya ina-anticipate na namin ang super sayang bonding. Napagkasunduang mga jowa lang (kung meron) ang pwedeng isama. Mental note: Start dieting tomorrow. And maybe find a jowa soon?

Nang malasing kami, lipad na kami sa Bed. We thought about checking out other clubs (para maiba naman) pero umiral ang aming pagiging loyal. Ang sarap ng feeling ko nang mga sandaling iyon. Tamang-tama lang ang tama ko. Gustung-gusto kong sumayaw with my friends. Wala sa isip ko ang lumandi sa boys. Choz!

Subalit wala pang 5 minutes na nagsasayaw kami, may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Pumihit ako upang sinuhin. Hindi ko kilala pero nakangiti sa akin. Cute, kaya nginitian ko rin.

“Hi!” ang sabi.

“Hi,” ang sabi ko rin.

“I’m Michael.”

“Aris.”

At doon nagsimulang higit na maging exciting ang aking gabi.

***

Hinarap ko siya. Hindi lang siya cute. Napaka-cute, as in! Nag-rub-a-dub kaagad ang aking dibdib. Nakalimutan ko ang resolve na hindi ako lalandi. Pati mga friends ko, nakalimutan ko rin as I gyrated in front of him. Aba, palaban ang boylet. Tinapatan ang aking moves. Nagsayaw kami na parang inaakit ang isa’t isa. We got close to each other, so close na nadama ko ang kanyang dibdib at nalanghap ko ang kanyang hininga. At hindi nagtagal, our lips met like it was the most natural thing to happen.

Ang lambot at ang tamis ng kanyang lips. At ang sarap niyang humalik. May magkahalong lambing at aggressiveness.

“Are you alone?” ang tanong niya.

“Yeah. I mean, no. I’m with friends,” para akong nawawala sa sarili habang pinagmamasdan ko siya. He was Mr. Dreamboy personified. And he was mine. Ano bang kabutihan ang nagawa ko to deserve him?

“I am all by myself. Will you stay with me?” ang sabi.

“Of course. Sure. I would love to.” Nasabi ko na yatang lahat ng affirmatives sa sagot ko.

He held me then he started to kiss me again. Gentle at first pero kinalaunan, naging persistent. Gosh, para akong lumutang. Para akong higit na nalasing. Naging oblivious na ako sa paligid. Gumanti rin ako ng yakap at halik.

Nasa ganoong ecstatic akong kalagayan nang may maramdaman akong kumurot sa aking tagiliran. It was one of my friends, inaabutan ako ng beer. I introduced him to Michael.

Bumulong siya sa akin pagkatapos nilang magkamay: “I hate you. Ang guwapo niya.”

I just smiled.

Nagpatuloy kami sa aming ginagawa ni Michael. Sayaw-sayaw. Yakap-yakap. Halik-halik. Hanggang gumapang na ang kanyang mga labi sa aking leeg. Napapikit ako at napaliyad habang dinadama ko ang kiliting abot hanggang sa aking talampakan. Kakaiba siya, he was pushing the right buttons na parang alam na alam niya ang mga kahinaan ko.

Then I invited him to dance on the ledge. Okay, aaminin ko, I was so proud of him at gusto ko siyang ipagmalaki. Kaagad naman siyang pumayag.

Paakyat sa ledge, nadaanan namin ang dalawa ko pang kaibigan. Ipinakilala ko siya. Palihim din akong kinurot ng isa sa kanila na ang ibig sabihin ay: “You’re so lucky I hate you.”

Akala ko, magiging tame kami sa ledge pero hindi iyon ang nangyari. Higit kaming naging mapaglaro at mapangahas. Kasabay sa aming pagsasayaw ay ang maya’t mayang pagtatagpo ng aming mga labi, pagyayakapan at paghaplos sa iba’t ibang bahagi ng aming katawan. Panay din ang aming pagtititigan. I only had eyes for him. Ang iba pang mga mukha sa paligid ay tila hindi ko mabanaagan. He was more than enough for me.

At one point, nagpaalam ako sa kanya na magre-restroom.

“Sasamahan na kita,” ang sabi.

“Are you sure?” ang tanong ko.

“Yeah.”

Hinawakan niya ako sa kamay at siya na mismo ang gumiya sa akin pababa ng ledge. Nakipagsiksikan kami at naki-excuse sa mga nagsasayaw sa danceflor. Dama ko ang kanyang pagka-protective at iyon ay aking na-appreciate. When was the last time na ako ay tinrato nang ganito?

Hindi niya binitiwan ang aking kamay hanggang makaakyat kami sa second floor. At doon sa restroom, humarap kami sa salamin. Pinagmasdan namin ang aming mga sarili sa liwanag. Pinunasan niya ng tissue ang pawis sa aking noo. Medyo inayos niya pa ang aking buhok.

“Do you like what you see?” ang tanong ko. Siguro, naghahanap lang ako ng affirmation. Iniisip ko kasi na baka nagustuhan niya lang ako kanina kasi medyo madilim.

“Very much,” ang sagot na nagpalukso sa puso ko. Dahil ako rin, gustung-gusto ko ang aking nakikita sa harap ng salamin. Higit siyang guwapo at napaka-expressive ng kanyang mga mata. Enough to melt me like butter kapag tinitigan niya ako nang matagal.

At siguro upang ako ay i-assure, niyakap niya ako nang mahigpit at hinagkan sa pisngi. Nanatili akong nakatingin sa reflection namin sa salamin. I may be biased pero bagay na bagay kami sa tingin ko.

On our way down nasalubong namin sa stairs ang ex ko na si H. Nakatingin siya sa amin habang bumababa kami na magka-holding hands. Nginitian ko siya. Lumipat ang tingin niya mula sa akin papunta kay Michael. Tapos bumalik sa akin at tumitig na tila nagtatanong. I could only keep on smiling. I was so happy and proud. Sinalubong ko ang titig ni H na tila nagmamalaki at nagsasabing “Look, sobrang guwapo ng kasama ko. Wala kang sinabi.” Nilagpasan namin siya na hindi man lang ako nag-effort na pagkilalanin silang dalawa. What for?

Bumalik kami sa ledge at doon, muling nagsayaw. Pasingit-singit kaming nag-usap sa gitna ng physical exercise at exploration.

“Lagi ka ba rito?” ang tanong niya.

“Hindi masyado,” ang sagot ko. Charosera. Ang ibig kong sabihin, lately hindi na ako masyadong nagpupunta. “Ikaw?”

“Ngayon na lang uli. After what, six months?”

“Bakit ngayon ka lang lumabas at mag-isa pa?”

“I just decided to snap out of something.”

I was listening intently sa kabila ng maingay na “Bad Romance” ni Lady Gaga.

“Matagal na rin akong nagmukmok dahil sa break-up namin ng boyfriend ko. Kanina lang, bigla kong na-realize, I am over him. Wala na akong nararamdamang hurt. I felt free kaya naisipan kong magpunta rito and be happy ang start living life again.”

“That’s good.” Napangiti ako sa kanyang sinabi.

“Ikaw, may boyfriend ka ba?”

“Would I be here kung meron?”

“So, single ka rin?”

“Yup.”

“So when was the last time na nagka-boyfriend ka?”

“Matagal na rin. Yung seryoso ha!”

“Bakit, meron bang hindi?”

“Meron kasing mga short-term. Do they count? Sa ngayon kasi, I would rather forget them.”

“Bakit naman?”

“Karamihan kasi sa mga naging short-term relationships ko, naipagkamali ko lang na love.”

“So ano yung nagma-matter sa’yo pagdating sa relationships?”

“Kailangan siyempre, makahulugan. Beyond physical attraction. Kailangan may emotional bonding. Acceptance. Appreciation. And the desire to keep it going no matter what.”

“Wow, lalim.”

“Bakit, ikaw ba, ano ang idea mo ng isang makabuluhang relasyon?”

Ngumiti siya. At kiniss niya ako sa lips.

“Ganoon din. Pareho tayo.”

Ngumiti rin ako at niyakap niya ako.

Yumakap din ako sa kanya.

Umusad ang gabi na kaming dalawa lang ang magkasama. Nakadama ako ng kakaibang connection sa pagitan namin. Alam mo yung feeling na para kang naliligaw tapos nakakita ka ng direksiyon? Yung parang nangangapa ka sa dilim tapos may nakita kang liwanag. Basta ganoon ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon. Mahirap ipaliwanag.

Muli akong tumitig sa kanyang mga mata. At pagkaraang mahanap ko roon ang sagot sa aking mga tanong, ako ay nawala. The feeling of being with someone so beautiful and so caring was so overwhelming I just decided to let go and immerse myself in it.

We parted that night na parang ayaw naming maghiwalay. I actually felt sad habang tinatanaw ko ang kanyang pag-alis.

***

Isang oras na ang nakalilipas nang siya ay aking tinext. Bakit wala pa rin siyang reply?

Hindi ako mapakali sa aking pagkakahiga. Nag-iisip. Nagtatanong. Nangangamba. Ang hirap palang maghintay sa wala.

After another hour, I gave up. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kung panaginip man ang nangyari kagabi, dudugtungan ko na lang ito sa aking muling pag-idlip.

Niyakap ko ang aking sarili, dama ang lamig sa aking silid at lungkot ng pag-iisa.

Beep. Beep.

Napapitlag ako. Ang panlulumo ay kaagad napalitan ng pag-asa.

So, anong plano mo sa Valentine?

It was him.

28 comments:

jose stanley said...

Love it. Effortlessly done. Tagos sa puso. The way how you describe love and what a meaningful relationship means, ang galing. swabe. it's true. wiht emotional bonding. acceptance. appreciation. and the desire to keep it on no matter what. That's spell the difference really. I'm proud to say that 5 years na kami and what Ive said really kept up going and stronger, day by day. I've been following your blogs. Read them all. How I wish i cud share my own. Keep it up Aris. My best regards.

Rhodge said...

Goodluck!

Guyrony said...

share your blessings naman! :)

Eli said...

“I am all by myself. Will you stay with me?” ang sabi.

YUN YON EH! jan nagsisimula ang lahat.

Aris said...

@jose stanley: i am happy to know that you are in a successful relationship. congratulations! dinagdagan mo ang rason para patuloy akong maniwala sa love. :)

thank you very much for reading my blog. sana ay palagi kang mag-enjoy. take care always. :)

@rhodge: thanks, rhodge. :)

@guyrony: sure. hehe! :)

@elay: ikaw talaga, li'l bro, dami mo nang natututunan. hehe! :)

citybuoy said...

ang galing galing mo, friend! napakahusay ng pagsulat mo. your timing is perfect. up till the end, akala ko wala na. i'm so happy for u! :D

Darc Diarist said...

happy! :)

lol @ guyrony

Anonymous said...

uyyy, may date sya sa valentines, hahaha!

good luck, friend. and enjoy. see you at Bed soon.

Anonymous said...

uuuuy may date na si aris :D

bunwich said...

naks... tiyempo sa valentines.

ang tagal ko ng hindi nakikita ang bed. hahaha!

Aris said...

@citybuoy: heto na naman ang ating mutual admiration society. hahaha! thanks, nyl. :)

@darc diarist: medyo. kunwari pa ako na hindi masyado. hehe! :)

@john stanley: ikaw din, alam ko meron. hehe! thanks, friend, and see you soon! :)

@thecuriouscat: friend, hwag kang ganyan. ayan tuloy, nagba-blush ako. hahaha! :)

@bunwich: sana nga matuloy. hehe!
punta kayo ni siopao sa bed. :)

Herbs D. said...

kailangan ba talagang valentines ang ityempong magkalove life? pwede namang holy week diba? o halloween, o..diba? hahaha. bitter eh. hahaha

Aris said...

@herbs d.: ikaw kasi, di ka nagpunta sa bed noong saturday. malay mo, nagka-valentine ka rin. hehe! :)

Luis Batchoy said...

One word...

haynakohh

ay, tatlo pala yun...

I bilivinlabs

kaya go! baka nga naman theseset!

Kojin said...

Nice blog entry...right mix of love and (ehem) lust ahehehe...it was so dreamy it made me wish the same situation would befall on me..sa tamang panhon siguro :d

One thing, this line:
Sinalubong ko ang titig ni H na tila nagmamalaki at nagsasabing “Look, sobrang guwapo ng kasama ko. Wala kang sinabi.”...
is so bitchy and fierce!!! I liked it :)

Theo Martin said...

NAkakaloka. dapat ihire ka na ng starcinema sa kamushyhan mo! :)

Anonymous said...

kilig.

Aris said...

@luis batchoy: friend, alam mo naman ako, romantic kaya laging hopeful. :)

@kojin: ay, mataray ba? hindi ba bitter? hahaha! maraming salamat sa pagbabasa at sa appreciation. pinasaya mo ang araw ko. tc. :)

@theo martin: ganon? tse! hehehe! :)

@dodong: uy, kumusta ka na? :)

Anonymous said...

ayos, sakto sa valentines! all the best, friend.

Kokoi said...

huy friend! picture nga nya! heheh.. Can't wait for the next entry. Details, Aris. Details! heheh. Happy V! :)

Aris said...

@maxwell flux: oo nga, friend. sana lang maging memorable. thanks. sana maging masaya rin ang iyong valentine's day! hehe! :)

@kokoi: friend, will keep you posted. pramis. ikaw ha, mukhang alam ko na kung sino ang ka-valentine mo. hindi si ayumi. hehe! nawa'y maging napakaligaya ninyo sa araw ng mga puso! :)

imsonotconio said...

ano nga bang plano mo sa valentines?

VICTOR said...

I hate you, too. LOL.

mickeyscloset said...

haba ng hair aris!! bongga mo talaga! =)) sana mapaextend ko naman ang hair ko gamit ang excess hair mo. hahaha =)) moi! more power!

wanderingcommuter said...

CONGRATULATIONS!!! o ikaw na, aris... IKAW LANG! hahaha

Aris said...

@imsonotconio: dinner. but something went wrong. find out na lang in my new post. :)

@victor gregor: please don't hate me. haha! :)

@mickeyscloset: friend, maiksi na hair ko. hehe! basahin mo na lang ang bagong post ko. :)

@wanderingcommuter: hindi pa napapanahon. hehe! friend, nasa new post ko kung bakit. :)

Al said...

I was so damn late to comment..!!

the other day we were just talking about karma, and look how great this karma is! :-D

jeticool09226378608 said...

kuya aris sama mo naman ako jan baka jan din ako maka hanap ng magmamahal sakin

jet
09226378608