Hindi natuloy ang White Party kagabi. At dahil nakaplano na at maganda naman ang panahon, tumuloy pa rin kami. Pero hindi na kami nag-white.
Ang daming tao sa Malate for what was supposedly a regular Saturday. Katulad namin, siguro nakaplano na rin sila at ayaw nang magpaliban o umurong. Ang dami rin sigurong hindi naabisuhan dahil may mga dumating pa rin na naka-outfit.
Two months ding hindi nagkita-kita ang barkada. Last kaming nagsama-sama noong Puerto Galera. Kaya excited ang lahat, reunion pa nga ang tawag nila. Gayunpaman, hindi lahat nakapunta. May tatlong nang-indyan.
Hindi bale, naroroon naman ang key members. Yung mga umabsent, bago lang naming ka-grupo. Siyempre, wala na rin yung mga umalis. That’s right, may mga barkada kami na hindi na namin nakakasama. Dahil tumawid na sa ibang grupo o kaya ay naging exclusive na sa mga dyowa. Ganoon talaga ang buhay, may mga dumarating, may mga umaalis. Pero kami namang mga datihan, buo pa rin at matatag ang samahan.
Masaya na rin, maliban na lang sa ako ay masyadong nalasing. Ano ba yan, every White na lang lagi akong nasosobrahan ng inom. Nagpapapayat ako ngayon (I have already lost 15 pounds, congratulate me!) at bahagi ng diyeta ko ang mag-skip ng dinner. And you know how it is about an empty stomach and beer. And Tanduay Ice. And Rhum Coke. Halos bitbitin na ako ng aking mga friends. And not long after, nagsusuka na ako sa banyo ng Bed.
But that’s getting ahead. Kasi nagkaroon ng unexpected na pangyayari at ito ‘yung real story.
Pagpasok sa Bed, pinilit ko pang magpaka-normal. Nagsayaw-sayaw pa ako. At lumaklak ng zombie! Malaking pagkakamali dahil tuluyan na akong nahilo at napasalampak sa couch. My friends got worried but I assured them I was fine and that they should just go ahead and enjoy themselves. At pagkaalis na pagkaalis nila, ‘yun na, naramdaman ko na… susuka ako. I ambled my way to the restroom.
Putek, may pila sa cubicle! Alangan namang sumuka ako sa urinal o sa lababo. Kaya pinigil ko at nakipila ako. Tiis. Tiis.
Napansin ko ang sinusundan ko. Uy, guwapo. Nakatingin sa akin. At nginitian ako!
Diyos ko, wala ako sa tamang huwisyo upang lumandi. Ang hirap kayang mag-beautiful eyes nang nasusuka. Pinilit ko pa ring ngumiti, albeit awkwardly, kasi nga ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko at ang konsentrasyon ko ay nasa pagpipigil.
Nasa edge na ako at konting-konti na lang bibigay na ako nang bumukas ang pinto ng banyo. Siya na ang susunod at nagulat ako nang mag-offer siya na mauna na ako. Thank God, sensitive siya at naramdaman niya ang predicament ko.
Nagmamadali akong pumasok at hindi ko pa man naisasara ang pinto ng banyo, nagsuka na ako nang nagsuka sa inidoro.
Bigla na lang may naramdaman akong humahagod sa likod ko. Sinaid ko muna ang lahat ng likido sa tiyan ko bago ko inalam kung sino.
Siya pala. Si Guwapo.
“Are you alright?” ang tanong niya.
Tumango lang ako. Hiyang-hiya sa kanya.
Kaagad akong nag-flush. I mumbled a quick thank you at nagmamadali ring lumabas.
Siya naman, pumasok na at nag-lock.
Naghugas ako sa lababo, nagmamadali rin. Ayaw ko na kasing maabutan pa niya. Sabi ko nga, hiyang-hiya ako.
I felt better pero nahihilo pa rin ako kaya bumalik ako sa couch. And before I knew it, nakatulog ako.
Sandali lang naman dahil nang magising ako, kasagsagan pa rin ng party at mas kumapal ang tao.
At hulaan mo kung sino ang namulatan kong nakaupo sa tabi ko at nakamasid. Korek, si Guwapo na nakasaksi ng pagkakalat ko sa banyo. At nakangiti siya sa akin.
Dahil bumuti na rin ang pakiramdam ko, ngumiti na rin ako nang matino at sinalubong ko ang kanyang titig.
Umusog siya palapit sa akin. Masyadong malapit, in fact, na nagdikit na ang mga balikat at hita namin.
“Hi,” ang sabi. Bulong actually, kasi maingay ang music. “I was watching you sleep.”
My God, baka nakanganga ako! Or worse, humihilik. Muli na naman akong parang nahiya sa kanya.
“You were sleeping like a baby,” ang dugtong. “I actually enjoyed watching you.”
Napangiti na lamang ako at muli ko siyang pinagmasdan. Kahit medyo madilim, lutang na lutang pa rin ang features niya na naka-attract sa akin. Payat, matangkad, mabibilog na mga mata, matangos na ilong, mapipintog na mga labi. Naka-braces din siya na dumagdag sa sex appeal niya.
And he has big hands na aking nadama nang magpakilala siya at makipagkamay.
Ang firm ng grip niya at halos balutin ang aking palad. Naughtily, nag-wonder ako kung ano kaya ang pakiramdam niyon kapag sumapo sa butt ko.
Hindi na niya binitiwan ang kamay ko. At ang sumunod na mga pangyayari ay parang panaginip.
We kissed.
We hugged.
We touched.
Gising na gising na ang kamalayan ko habang ginagawa namin iyon. And I was enjoying it. Na habang nagtatagal, parang ayoko nang kami ay magbitiw. I was drawn to him like metal to magnet. Ang sarap-sarap ng feeling. Hindi lang nakaka-turn on kundi nakaka-comfort din.
At kami ay nag-usap.
“Pagkakita ko sa’yo, attracted na kaagad ako,” ang sabi niya.
“I felt the same way,” ang sagot ko. “Masama pa ang pakiramdam ko nun.”
Natawa siya. “Oo nga. Kitang-kita ko nga, pero nagustuhan pa rin kita.”
Ako naman ang natawa. “Buti di ka na-turn off.”
Sumeryoso siya. “There’s something about you na gusto ko. Na kahit magkalat ka pa sa harap ko, hindi mababago.”
Talaga lang, ha? Ayokong maniwala subalit nang tumingin ako sa kanyang mga mata, nakita kong sincere siya at nagsasabi ng totoo.
“Do you believe in love at first sight?” ang sumunod niyang tanong.
Hindi ako nakasagot. Actually hindi, pero dahil sa nangyayari sa amin, parang gusto kong maniwala. Cheesy, I know, pero ganoon talaga ang naramdaman ko.
“Ok,” ang sabi niya. “If you are unsure, we can always find out.”
“Yeah, sure,” ang tangi kong naisagot.
“Maaari ba uli tayong magkita? And let’s see kung saan tayo makakarating.”
“Yeah, sure.” Para akong sirang plaka.
“Strange, pero may nararamdaman akong kakaiba.” Seryoso pa rin siya. “Parang ang tagal ko nang may hinahanap at ngayon, natagpuan ko na.”
Strange nga dahil parang eksaktong sentimyento ko rin ang mga sinasabi niya.
The attraction. The kiss. The embrace. Parang ang lahat ng iyon ay kakaiba nga, hindi lang sa kanya kundi pati sa akin. And the feeling. Nothing like I’ve ever experienced before. Parang bago lahat.
We kissed once again and we spent the rest of the evening doing just that. And also, hugging (our bodies are a perfect fit) and talking (our minds meet).
Kaninang hapon, muli kaming nagkita. At ngayong Linggo, hindi ako nagsimba nang mag-isa. Dininig din sa wakas ang dasal ko na magkaroon na ng kasama.
He has seen me at my worst.
He has watched me sleep.
He asked me to church on our first date.
Huwag nang banggitin pa na pareho kaming suki ng Booksale… na favorite namin ang Lechon Paksiw… na kinilig kami sa “Forever And A Day”.
Siya na nga.
This time, sigurado na ako.
31 comments:
LIKE! =)
Talaga naman Aris. Sana nga natagpuan mo na ang iyong hinahanap na kukumpleto sa iyong makulay na buhay.
Congratulations Aris.
teka lang muna,you lost 150lbs? parang timbang na ng isang tao yun ah.
@akosiian: thanks, ian. :)
@anonymous: salamat. sa ngayon, i feel complete. parang centrum lang. hehe! :)
@bienvenido lim: ay, mali. 15 lbs lang, may sumobrang 0. lasing pa yata ako o masyado lang masaya habang nagta-type. hehe! na-korek ko na. thanks, bien. :)
happy for you, Aris. i wish you guys all the best!
Like! Super Like! Parang love is in the air for most bloggers lately ah :)
Perfect song! You inspired my Monday morning...
nakakayuwa, nainspire ako sa kwento mo and sa song. May we all have a merry week ahead
Ikaw na mahaba ang hair... (wait, i shouldn't be saying that, feeling close? Haha) Pero yun nga, he have seen your worst exterior. I hope everything will be turn out well.
Nice Aris!
Ako nga pala si koro.. just finished reading your whole blog last week.. lol
Anyway, good luck sa new found relationship! Remember that in order for a relationship to last, both side of the party must have fun.
Treasure the good memories both of you are destined to make.
:)
Winnnerrr!! X
naks naman! congratz aris. im so happy for you. :) ingat!
Ariiissssssss!! Sigurado ka naaaaaaa????????????????????
Ang bilisssssssssssssssssssssss
Kane
i like this song...
listening to it made me fall in love again with my partner of 7 years. though sometimes i wonder how it feels like to fall in love with a different person...
but the heart knows...so i let this question go... :)
i hope you find your one great love aris.
regards,
R3b3L^+ion
wow! when you least expect it talaga! :-) sana sya na. good luck
congrats...same din what happen to me last saturday....
Pak Mama!
Achieve na achieve! Hahaha.
Winner ito! Sana ako din. After two years. Please Lord. LOL
kilig! :)
three words for you aris...
1. congrats
2. bestwishes
3. goodluck!
XD
sadyang kay ganda ng silahis sa bukang-liwayway...
aww, nakakakilig. i'm so happy for you aris. sana nga siya na! and love the song!
OMG! White party? Muntik na tayong magkita. Pero di ako umattend. Dapat sana. HAHA
Anyways di ko pa nababasa tong post mo. First few lines palang. HAHA.
Good morning Aris. Getting ready for school :D
wow, that was great. Good luck to both of you.
I like your blog. it's colorful and a fun read. I have one too I hope I can get tips from you on how I can improve it. :) its http://beanythingbutaverage.blogspot.com/
I am super happy for you Aris... Hope that i will be at the same state, after ko mag tapat sa taong gusto ko this week...
why not...
super like... kilig much...
hope that this will be It... you deserve to be happy tamang tama PRIDE MONTH pa naman parang scene sa QAF. so luv it!
goodluck aris...
happy ako para sau.
like!
Super sayang ito... Hindi ako nakapunta...
ang gwapo nmn ni kuya aris dito. hehe.
Post a Comment