Wednesday, October 31, 2012

Dedma

Hingal na hingal ako nang makarating sa Malate. 

Buti na lang, na-survive ko ang holdapan sa FX. Putang inang holdaper, pagkatapos kuhanin ang wallet ko at cellphone, inundayan pa ako ng saksak. Buti na lang, nagawa ko ang sumalag. Akala ko nga, nadale na ako. Natumba ako pero mabilis akong nakabangon at nakatakas.

Nagtatakbo ako mula Remedios patungong Nakpil. At dahil malalim na ang gabi, wala na akong dinatnan sa mga kaibigan ko sa tambayan kaya dumiretso na lang ako sa club para sa Halloween party.

Nang nasa may pinto na ako, namputsa, saka ko lang naalala na wala akong pera. Sumimple ako sa VIP entrance, todo ngiti sa guwardiya. Buti na lang hindi ako sinita. Pagkapasok,  kaagad kong hinanap ang mga kabarkada.

Subalit di ko sila makita. Siksikan sa loob at nakailang ikot na ako at akyat-baba, wala talaga sila. Naisip ko silang i-text pero, puta, pati cellphone ko nga pala ay nakuha.

Tumayo na lang muna ako sa isang tabi at nagmasid-masid. Marami ang naka-costume. Ako, di talaga ako nagko-costume. Hassle lang kasi lalo na sa isang katulad ko na nagko-commute. Pero naka-all black naman ako. Shades na lang ang kulang, puwede na akong Matrix o MIB.

Nakaramdam ako ng uhaw. I needed a drink, kahit beer. Kaya lang, wala nga akong pera. Namataan ko ang isang pitsel ng Blue Frog na unattended. Lumapit ako at mabilis na nag-sip. Hindi pa nakuntento, dinampot ko ang isang bote ng Red Horse na unattended din. Sorry, kailangan ko lang iyong gawin. Traumatic kaya ang maholdap lalo na kung pinagtangkaan kang patayin. Kailangan kong makalma sa pamamagitan ng alak.

Nang maubos ko ang beer, I suddenly felt sexy and naughty. Naghanap ako ng malalandi. Sinubukan kong makipag-eye contact sa mga guwapong naroroon pero dedma sila sa aking beauty. Haggard ba ang itsura ko dahil sa nangyari? Dati-rati naman hindi ako nahihirapang kumonek.

Nagsisimula na akong mainis dahil wa epek ang aking mga pagpapapungay nang mamataan ko ang isang maputi at mestisuhing lalaki na naka-costume ng anghel -- with matching pakpak -- na nakatingin at nakangiti sa akin. Bagay sa kanya ang kanyang costume dahil napakaamo ng kanyang mukha. Nginitian ko rin siya at maya-maya pa ay papalapit na siya sa akin.

Handa na sana ako sa isang “heavenly encounter” nang mula sa likuran ay may nag-hello sa akin. Pumihit ako. Isang tall, dark and handsome na naka-costume naman ng demonyo -- may sungay pang umiilaw -- na nakangiti nang mapanukso. Kung ang anghel ay aninag lamang ang matipunong katawan sa kanyang puting roba, ang demonyo naman ay litaw na litaw ang dibdib at abs dahil nakahubad siya at naka-skinny jeans lang. Natagpuan ko ang aking sarili sa pagitan nilang dalawa at ako ay lihim na natawa dahil mistulang pinag-aagawan ako ng mabuti at masama.

Subalit maagap ang demonyo. Kaagad niya akong hinawakan sa kamay at hinila upang sumayaw. Habang papalayo, sinulyapan ko ang anghel at nakita ko na parang nalungkot siya. Akala ko, sa dancefloor lang ang punta namin ng demonyo subalit dinala niya ako sa ledge. At doon, hindi ko na napigilan ang aking sarili. Epekto na rin marahil ng alak, sumayaw ako nang sumayaw na parang wala nang bukas.

Maya-maya, may tumapik  sa aking likod. Nang lingunin ko, aba, ang anghel -- nasa ledge na rin at gustong jumoin sa amin ng demonyo. Dahil pareho ko silang gusto, nag-“threesome” na lang kami. Nagsayaw kaming tatlo at napapikit na lamang ako nang sila ay magsalitan sa pag-angkin sa aking katawan.

Para akong lumulutang sa ligaya subalit kinalaunan ay parang namanhid ang aking pakiramdam. Nagmulat ako at nagtaka dahil wala na sila, naglahong parang bula. Manipis na rin ang tao sa dancefloor at sa ledge ay ako na lang mag-isa.

Ipinagpasya ko na ang umuwi. Paglabas ko sa club, halos wala nang tao sa kalye. Naglakad ako patungo sa Taft. Ewan ko naman kung bakit maagang nagpatay ng ilaw ang mga bar kaya parang ang dilim tuloy ng aking nilalakaran.

Eksaktong pagdating ko sa kanto, may humintong bus dahil may pumara na sasakay. Sumakay na rin ako at naupo sa bandang dulo upang makaiwas sa paniningil ng konduktor. Nakatulog ako at nanaginip -- hindi ko na maalala kung ano. Nang ako ay magising, nakatigil na ang bus sa tapat ng subdivision namin. Nagmamadali akong bumaba at nilakad na lamang ang distansiya patungo sa bahay namin.

Pagdating sa bahay, hindi ko na kinailangang mag-doorbell dahil nakabukas ang gate. Nagulat ako nang makita sa balkonahe ang aking mga kaibigan. Ang mga indiyanerang puta. Ano ang ginagawa nila rito? At mga naka-costume pa! Hmm, baka naman last minute ay nagdesisyon sila na sorpresahin ako at dito na lamang sa bahay mag-Halloween party.

“Mga baklaaa!!!” ang tili ko sa kanila.

Subalit hindi nila ako pinansin. Dedma sila na patuloy sa pag-uusap-usap. Aba, ginu-goodtime yata ako ng mga hitad.

“Tseh! Kung ayaw ninyo akong pansinin, e di huwag, ang sabi ko sabay irap.

Pagpasok ko sa salas, nagtaka ako dahil nakabukas ang lahat ng ilaw. Marami ring bisita. Aba, mukhang may party nga.

Natigilan ako nang makita ko ang kabaong -- natatanglawan ng kandelabra at naliligiran ng mga korona.

“Burol ba ang tema? How ingenious!”

Lumapit ako sa kabaong at sumilip sa loob.

“Oh my God!”

Nagimbal ako at nanghilakbot.

Hindi!!!

Ang nakahiga sa loob ng kabaong ay ako.

Sunday, October 28, 2012

Roommates

A Guest Post
By MARKY FRIAS

“Greg, wait up,” ang sigaw ni Joanna, best friend ko since high school, at nang makalapit ay niyakap ako nang mahigpit. Madalas, napagkakamalan kaming magkarelasyon dahil sa sobrang close namin. Tukso nga ng  mga kaibigan ay perfect match daw kami dahil maganda siya at gwapo naman ako. Sayang nga lang dahil iba ang gusto ko, ‘yung tipong gusto rin niya.

“Ingat sila sa’yo,” ang pabirong bilin niya. “I’ll miss you.”

“I’ll miss you more,” ang sagot ko. At niyakap ko rin siya bago sumakay sa naghihintay na bus.

Mabilis ang naging biyahe kaya nang hapon ding iyon, nakarating ako sa Maynila.
         
*** 

“Haist, grabe ang init!” Tumigil muna ako para magpunas ng pawis. Sa wakas, natagpuan ko rin ang dorm na kanina ko pa hinahanap. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya nagkaligaw-ligaw ako. I grew up in Batangas at doon na rin nag-aral. I had to leave for Manila dahil dito ako nakahanap ng work. Si Josh, cousin ko, just left for Singapore and told me na ako na lang ang pumalit sa kanya sa dorm. Ibinigay niya sa akin ang address at inabisuhan niya ang landlady.

Akmang kakatok na ako sa gate (hindi ko kasi mahanap ang door bell) nang may biglang bumangga sa aking likod. Agad akong napalingon.

Isang lalaking kasinggulang ko. “Excuse,” ang sabi. Nagmamadali niyang binuksan ang gate at pumasok. Magtatanong sana ako subalit biglang… BLAG! Ang lakas ng pagkakasara niya ng gate.

“Ang suplado naman niyon,” bulong ko.

No choice ako kundi kumatok na lamang. Buti na lang at may kaagad ding tumugon. Isang matandang babaeng may maaliwalas na mukha.

“Good afternoon po,” ang bati ko, nakangiti.

“Good afternoon din.”

“Ako po si Greg, pinsan ni Josh. Kayo po ba si Aling Josie?”

“Oo, ako nga. Ikaw ba yung papalit sa kanya? Halika, tumuloy ka na.”

Inilibot ako ni Aling Josie sa kabuuan ng dorm. Isa itong malaking bahay sa loob ng isang compound. May dalawang palapag at may limang kwarto.

“Dito ka sa second floor, doon sa pangatlong kuwarto. Heto ang susi, bahala ka na.”

“Salamat ho, Aling Josie.”

Bitbit ang bag, tinungo ko ang kuwarto. Pagpihit ko sa seradura ng pinto, naka-lock iyon. Bago ko pa nagawang gamitin ang susi na kabibigay lang sa akin, naulingan kong may nagpapatugtog sa loob. Nakalimutan kayang sabihin ni Aling Josie na may makakasama ako sa kuwarto?

Out of respect, marahan kong kinatok ang pinto, pero walang sumagot. Makalipas ang ilang saglit, bumukas iyon. At sa loob ay naroroon ang lalaki kanina sa gate. Ang supladong lalaki na pinagbagsakan ako ng gate!

Siya pala ang roommate ko.

*** 

Natigilan ako at napatingin sa kanya. “Hi,” ang bati ko, trying to be friendly.  

“So, I guess you’re my new roommate,” ang sabi, emotionless. Ni hindi pinansin ang bati ko.

Pumasok ako bitbit ang aking bag. 

“There is your bed, beside the cabinet,” ang muwestra niya sabay talikod at ipinagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit  na nakalatag sa higaan niya.

“Thanks.” Inilapag ko ang bag at sinimulan ko nang mag-ayos ng sariling gamit. Ewan ko pero di ko mapigilan ang magnakaw ng sulyap sa kanya.  Cute sana, suplado lang.

Naalala ko ‘yung dark chocolate na bigay sa akin bago ako umalis na hindi ko nakain sa biyahe. Naisipan kong buksan iyon at ialok kay Mr. Suplado (since hindi ko pa alam ang name niya, iyon ang naisipan kong itawag sa kanya). Mag-aalok na sana ako nang biglang tumunog ang phone niya. Dali-dali niya iyong sinagot sabay labas ng silid. Pagkaalis niya, napansin ko ang iba pang mga nakakalat na gamit sa kama niya at nakita ko ang isang picture. Tatlo sila roon, siya na nakaakbay sa isang girl at isa pang lalaki. Sa ibaba ay may caption ng place at sa likod ay may nakasulat: A special day with my one and only Samantha and my bestfriend Nathan. Buti na lang naisauli ko kaagad ‘yung picture dahil kaagad din siyang bumalik. Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya at tila malungkot.

Nang matapos na ako, naisipan ko munang lumabas para mag-grocery at maging familiar na rin sa lugar. Habang nasa labas, siya ang naiisip ko. Bigla akong na-concern sa pagiging seryoso niya after the phone call. Hindi ko naman ma-explain kung bakit ganoon ang aking nararamdaman.

Pagbalik ko ay napadaan ako sa dining room. Naroroon siya, nakaupo at naghahapunan na. Sa kuwarto na sana ako kakain pero naisipan kong doon na lang din dahil hindi ako sanay kumain nang mag-isa.

“Can I join you?” Medyo nag-aalinlangan kong tanong. Walang sagot. So I took it as a No. Aalis na lang sana ako bitbit ang pagkain ko nang marinig ko ang kanyang tinig.

“Sure.” So, humila ako ng silya at umupo. Tahimik ang paligid dahil wala pang ibang tao. Nakakalahati ko na ang kinakain ko pero napansin ko na halos di pa nabawasan ‘yung sa kanya. Napansin ko rin na tila malalim ang kanyang iniisip. Hindi na ako nakatiis.

“Uhm, is there something wrong?” ang sabi ko. Tumingin siya sa akin na para bang ang ibig sabihin ay… Wala. Para akong napahiya.  At bago pa ako muling makapagsalita, tumayo siya at walang sabi-sabing umalis. May mali ba sa tanong ko?

Pagkakain ay nagpahangin muna ako sa hardin. Nang mapatapat ako sa may balkonahe, napansin ko na may tao roon. Nakita ko siya na nakasandal sa barandilya at nagyo-yosi. Haist, kung may award lang sa pagiging suplado, ino-nominate ko siya. Hands down, tiyak na siya ang mananalo.

Maya-maya pa, umakyat na ako. Kailangan ko nang matulog dahil first day ko sa work kinabukasan. Pagpasok ko sa kuwarto, natutulog na siya. Nag-shower muna ako at nang mahihiga na, nakita ko ang kahon ng dark chocolate sa aking kama. Naisip ko pa ring ibigay iyon sa kanya. Naghagilap ako ng Post-It, dinrowingan ko ng smiley at idinikit sa kahon ng tsokolate bago ko ipinatong sa side table niya. Bahala siya kung tatanggapin niya iyon basta ang mahalaga, nag-effort akong makipagkaibigan sa kanya.

That morning, pagkagising ko, nangiti ako nang mapansin kong wala na ang tsokolate sa table niya. Ewan ko ba pero sobrang naging masaya ako habang naghahanda sa pagpasok sa trabaho.

*** 

Late that afternoon, pagdating ko sa dorm, dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Medyo pagod lang at gusto kong mag-relax. I had a great day, though, on my first day sa office. Mababait ang mga kaopisina ko pati na ang boss ko.

I was pouring hot water, nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Thanks for the chocolate.”

Napalingon ako kaya di ko namalayan ang pag-apaw ng tubig na agad tumapon sa mesa. 

Mabilis siyang kumilos, kinuha ang termos sa kamay ko. “Naku, napaso ka ba?” ang  sabi niya na may concern. Akalain mo ‘yun, tsokolate lang pala ang  katapat para ako ay kanyang pansinin?

“Hindi naman,” ang sagot ko. “Marami pa akong chocolates, kung gusto mo,” ang alok ko pa.

Ngumiti lang siya. Ang cute niya pala kapag nakangiti.

“By the way, I’m Paul,” ang pakilala niya sabay abot ng kamay.

“I’m Greg,” ang sagot ko, nakangiti. Sa wakas, nalaman ko rin ang pangalan niya.

“I’m sorry kung medyo naging aloof  ako sa’yo. I’m not myself nitong mga huling araw.”

“I understand.” Hindi pa rin ako makapaniwala na kinakausap na niya ako. Akala ko kasi, patuloy niya na lang akong dededmahin.
 
Habang nagkukuwentuhan, doon ko lang lubos na napagmasdan si Paul. He’s really cute, kinda boy-next-door ang dating, and he has a set of expressive eyes na di ko mapigilang tingnan. Sinaluhan niya ako sa pagkakape at nagpalitan din kami ng jokes. Aliw na aliw akong pagmasdan siya habang tumatawa o nangingiti.

“I miss my friends back home, lalo na yung best friend ko,” ang sabi ko.

“I miss my girl,” ang kanyang sagot. Suddenly, nag-iba ang mood niya na ikinabahala ko.

“May problema ba?” ang tanong ko na pagbabakasakali lang naman kung gusto niyang mag-share.

He turned to look at me. “I think I’m about to lose her.” Malungkot ang kanyang tinig. Tahimik lang ako at nakikinig. “And it’s all because of my best friend.” Dito na ako medyo nagulat pero pinigil ko ang magsalita.

Maya-maya, napansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. At ilang sandali pa, umiiyak na siya. Niyakap ko siya upang aluin. Subalit tuluy-tuloy ang naging pag-iyak niya. Pinabayaan ko na lamang siyang ilabas ang sama ng loob na para bang kaytagal niyang inipon. “It’s alright. Don’t worry, everything will be fine,” ang sabi ko nang humupa iyon.

Saglit siyang namalagi sa mga bisig ko bago dahan-dahang bumitiw. “Thanks,” ang sabi niya. “Pasensiya na.”

Iyon lamang at nagpaalam na siyang aakyat na.

Naiwan akong magkakahalo ang damdamin at hindi alam kung ano ang iisipin.

*** 

Hindi ko namalayan na naidlip na pala ako sa pagkakaupo sa kitchen. Naalimpungatan na lamang ako nang may tumapik sa akin.

“Huy.” Si Paul, nasa tabi ko. “Ang sarap ng tulog mo. Di ka ba hirap diyan?” Nakangiti siya na parang natatawa. Bigla akong nahiya. Ganoon kasi ako, parang bata (o matanda?) na nagagawang makatulog kahit saan at sa kahit anong posisyon.

“Kanina ka pa ba diyan?” ang tanong ko.

“Hindi naman.”

Tumingin ako sa relos. Naku, past seven na pala nang gabi.

“Tara, kain tayo sa labas,” ang kanyang yaya. Hindi pa man ako nakakatayo, hinihila na niya ako.

Lumabas kami ng bahay na nakapang-opisina pa ako. Siya naman ay nakapambahay na at bagong paligo. Dinala niya ako sa karinderya sa di-kalayuan, malapit sa basketball court.

Siya na ang umorder para sa aming dalawa. “Manang, igado at pinakbet nga. Saka dalawang rice.” Buti na lang di ako pihikan at walang allergy sa bagoong.

“May gusto ka pa ba?” ang tanong niya sa akin.

“Ah, wala na.” Pero actually, meron. Ikaw. Oo, ikaw nga. Natawa ako sa naisip kong iyon pero hind ako nagpahalata. Sinarili ko na lamang ang sayang nararamdaman dahil kasama ko siya.

Nang gabing iyon, mas nakilala ko si Paul. He grew up in Iloilo pero dito na siya sa Maynila nag-college. Youngest siya sa tatlong magkakapadid at pinalaki ng lola since OFW ang nanay niya. Marami kaming pagkakapareho pagdating sa pagkain at hilig katulad ng paglalaro ng badminton at ng online games. Pero may isang bagay na iniwasan ko na mapag-usapan namin. Iyon ay ang tungkol sa kanila ng kanyang girlfriend. Marahil ay dahil ayoko na siyang makitang malungkot uli.

*** 

Isang Sabado, late na ako nakauwi dahil may officemate kaming nag-birthday at nag-treat. Pagpasok ko sa silid, nagulat ako nang may basyong bote ng beer na tinamaan ang pinto. Natumba iyon at gumulong sa paanan ko. Nadatnan kong umiinom si Paul.

“Bakit ka naglalasing?” ang tanong ko habang papalapit sa kanya. “Nakaka-ilan ka na?”

“Tatlo? Apat? Ewan,” ang sagot niya, pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtungga.

Inagaw ko ang bote sa kanya. “Tama na ‘yan. You’ve had enough.”

Pilit niyang binabawi ang bote na nasa kamay ko. “No. Puwede ba, huwag mo akong pakialaman?”

Saglit akong natigilan sa sinabi niya.

“Pabayaan mo ako, Greg. Mind your own business.”

“If you’re doing this because of her, you better stop it. Hindi makakatulong sa problema mo ang pag-inom.”

“Just leave me alone, ok?”

Mabigat man sa loob, I had no choice kundi ang umalis. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kung bakit parang nasasaktan ako. Maya-maya pa, namalayan ko na lamang na tumutulo na ang mga luha ko. Dahil ba iyon sa pag-aalala sa kanya o dahil sa mas malalim na dahilan na hindi ko maamin?

Matagal akong namalagi sa balkonahe upang magpalipas ng oras. Pagbalik ko sa kuwarto, nakahiga na siya at natutulog. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga dahil medyo alanganin ang kanyang posisyon. Kumuha na rin ako ng bimpo at maligamgam na tubig at siya ay pinunasan bago pinalitan ng sando. Pagkatapos ay nahiga na rin ako, patagilid upang siya ay mapagmasdan. Hanggang sa ako ay makatulog.

Madaling araw nang maalimpungatan ako. May nakahiga sa tabi ko. Nagulat ako nang makita ko si Paul. Ano’t naisipan niyang lumipat sa kama ko? Nakikiramdam ako nang bigla siyang tumagilid at yumakap. Nais kong kumalas pero lalong humigpit ang kanyang yakap at ako ay kanya pang tinandayan. Hindi na ako makagalaw kaya nagpaubaya na lamang ako hanggang sa ako ay muling hilahin ng antok.

*** 

“Good morning,” ang mahinang bulong niya sa akin nang ako ay magmulat. Sinabayan niya iyon ng isang yakap na mahigpit.

“I’m sorry about last night,” ang kanya pang sabi. “Promise, di na iyon mauulit.”

Nginitian niya ako at iyon lang talaga ang katapat ng aking naging pagdaramdam na kaagad ding nawala.

“Wait, I’ll get something. Don’t move.” Tumayo siya at umalis. Naiwan akong nagtataka kung ano ba ‘yung kanyang kukunin.

At pagbalik niya, nagulat ako. “Tara, breakfast na tayo,” ang sabi niya, dala ang dalawang cup noodles at sandwiches.

We had breakfast in bed at habang kumakain, para akong nananaginip.

*** 

Sa paglipas ng mga araw, mas naging close kami ni Paul. We did a lot of things together especially during weekends. Naging madalas na rin ang paglabas-labas namin after work. Minsan, nagulat pa ako nang paglabas ko sa office ay naroroon siya sa lobby ng building namin at naghihintay sa akin.

“Bakit nandito ka?” ang tanong ko.

“Bakit, masama bang sunduin kita?” ang sagot niya.

Sobrang naging masaya ako noon dahil sa kanyang ginawa.

Kumain kami sa labas at namasyal sa mall. Napaka-perfect ng moment na iyon.

Sa kabila niyon, pagdating sa dorm, hindi ko pa rin maiwasang sumagi sa aking isip ang tungkol sa kanyang girlfriend.

*** 

A few days before his birthday, I wanted to do something special for him. Buti na lang natutunan ko kay mom kung paano mag-bake na kinalaunan ay naging hilig ko na rin. Nagpaalam ako at nanghiram kay Aling Josie ng mga gamit at nag-improvise na rin. At least, gumagana pa ang kanyang oven. Gumising ako nang maaga at kahit inaantok, since weekday ‘yun, nag-bake ako ng chocolate cake.

“Happy Birthday!” ang bati ko sa kanya pagpasok ko sa kuwarto. Kagigising lang niya at laking gulat niya sa dala kong cake.

“Wow, thank you, Greg,” ang sabi niya na puno ng appreciation.

“Make a wish,” ang sabi ko kahit na walang candle ang cake kasi nakalimutan ko sa pagmamadali.

Sumunod naman siya at pumikit, bumulong at nang magdilat, ginawaran niya ako ng mahigpit na yakap. Tanggal ang lahat ng aking pagod sa pagbe-bake.

That afternoon, sinabi ko sa kanya na may overtime ako. But it was just part of my plan para daanan siya sa office. Umalis ako before five para iwas traffic.

Taka siya nang makita akong naghihintay sa kanyang paglabas. “O, akala ko, later pa ang labas mo,” ang sabi niya.

“Nagpaalam ako at pinayagan, kaya here I am, pinuntahan na kita,” ang palusot ko.

Dumiretso kami sa mall. Nag-coffee muna dahil maaga pa bago ko siya niyayang mag-dinner. May reservation na ako sa Yakimix (sorpresa ko iyon sa kanya) kaya nang mag-suggest siya ng Sbarro, medyo nag-alanganin ako. Naku, mukhang masisira pa yata ang plano ko. “Maaga pa naman, maglakad-lakad kaya muna tayo.”

Buti na lang at pinagbigyan niya ako. Nang mapatapat kami sa Yakimix, agad ko siyang hinila sa loob. Nagulat siya at nagtaka nang sa pagpasok namin ay binanggit ko lang ang aking pangalan sa sumalubong na maitre d’ at hindi na kami pumila. “I have a reservation,” ang sabi ko pa.

Nanlaki ang kanyang mga mata bago napangiti. “Pinlano mo ito, ano?”

Napangiti na rin ako dahil sa kanyang naging reaksiyon. “Surprise!”
  
At pareho kaming natawa. Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa braso ko.

Matatapos na kaming kumain nang biglang matigilan si Paul, nakatuon ang mga mata sa may pinto. Sinundan ko ang tingin niya at ako man ay natigilan din. Sina Samantha at Nathan! (Malinaw pa sa aking alaala ang kanilang mga itsura sa picture.) Magkasama sila at mukhang nagbabalak ding kumain doon. Nakita ko na parang na-disturb at naging uncomfortable si Paul kaya nag-decide na akong hingin ang bill. Eksaktong papalabas kami, papasok naman sila. Sa pagkakasalubong ay walang nangyaring pansinan although nakita kong natigilan din sina Samantha at Nathan pagkakita kay Paul.

Sila yun, di ba? Hindi ko napigilan ang magtanong.

Huh? Napatingin siya sa akin. 

Your girlfriend and your best friend.

Paano mo nalaman?

I saw the picture. At nabasa ko rin ang nakasulat sa likod.

Bumuntonghininga muna siya bago sumagot. “Oo, sila nga iyon.

“Don’t let them ruin your birthday,” ang sabi ko na lang. I hated it na sa dinami-dami ng araw, mangyayari ang pagkikitang iyon sa mismong kaarawan niya pa. 

Tahimik si Paul sa aming muling pag-iikot sa mall. Later on, naisipan naming manood ng last full show. 

Life is a bitch, sabi nga. Dahil paglabas namin ng sinehan, sino ang natanawan ko na muli ay  makakasalubong namin? Samantha and Nathan. Again! Coincidence na naman ba o talagang mapang-asar lang ang tadhana? 

Wala nang iwasang naganap dahil si Samantha na mismo ang lumapit kay Paul.

“Oh, how could I forget. It’s your birthday, right?” May tila himig-pang-iinis sa kanyang tinig. 

“Yup, ” ang sagot ni Paul, pilit ang ngiti.

“So how was it?”

“It was great. No, it was perfect.” Inakbayan ako ni Paul.

Akala ko, hanggang doon na lamang ang awkward moment na iyon pero hindi pala.

Pinukol ako ni Samantha ng masamang tingin. “Siya ba ang dahilan?”

Para akong itinulos sa aking pagkakatayo. I braced for impact.

“What if  sabihin kong oo, siya ang dahilan kung bakit naging napakasaya ng birthday ko?” ang buong ningning na tugon ni Paul.

“Ipinagpalit mo ako sa isang... kagaya niya?” Ouch. Personal na banat iyon sa akin pero hindi pa rin ako makapag-react.

“Why not? I must admit, hindi siya kagaya mo. Matino siya.”

Isang malakas na sampal ang lumatay sa pisngi ni Paul. Agad na lumapit si Nathan upang sawayin si Samantha.

“Thanks, I needed that,” ang sabi ni Paul na parang hindi natinag. “Pero sana noon mo pa ‘yan ginawa para mas maaga akong natauhan sa totoong pagkatao mo.”

“How dare you!” Akmang mananampal uli si Samantha subalit ako na ang sumalag sa kamay niya.

“Sige, subukan mong sampalin uli si Paul,” ang sabi ko nang buong tapang.

Hinila na ni Nathan si Samantha palayo upang hindi na magkaroon pa ng mas malaking  iskandalo.

Shaken pa rin dahil sa nangyari, naupo muna kami sa tapat ng sarado nang Krispy Kreme upang kalmahin ang mga sarili. Matagal kami roon, tahimik at parang walang gustong magsalita.

At dahil nagsisimula nang magpatay ng ilaw ang mall, niyaya ko na siyang umuwi. Deep inside, nalulungkot ako sa nangyari dahil sinira niyon ang importanteng araw sa buhay ni Paul na pinlano ko pa naman upang maging masaya at memorable.

Habang naglalakad papunta sa may sakayan biglang tumigil si Paul at hinawakan ako sa kamay.

“Greg, I’m really sorry for what has happened, and for not telling you that I already broke up with her dahil alam ko na tapos na ang lahat sa amin.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kahit ang daming tanong sa aking isip. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

“Even though I treated you badly at first, you didn’t give up on me. Everytime we’re together, I cannot explain the happiness I feel. Even the simple things we share seems so special.”

Bigla niya akong niyakap kaya tuluyan na akong hindi nakapagsalita.

“Sigurado ako sa nararamdaman ko and I don’t care kung ano man ang sabihin ng ibang tao. I want you to know that… I love you.”

Nananaginip ba ako? Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

“Mahal kita,” ang ulit niya. “Mahal mo rin ba ako?”

“Yes.” Natagpuan ko rin ang aking tinig. “I love you, too.”

“Mula ngayon, ikaw na at ako. And I promise, gagawin ko ang lahat para mapaligaya ka.”

Bumitiw kami sa pagkakayakap. Subalit nanatiling magkahawak ang aming mga kamay nang magpatuloy kami sa paglalakad.

Napakaaliwalas ng gabi. Bilog ang buwan at tila sadyang tinatanglawan ang aming landas. Ang marahang hihip ng hangin ay tila haplos sa aking puso na walang pagsidlan ng galak.

Afterall, that day -- his birthday and the day we became officially together --  was meant to be the happiest and most memorable of our lives.

At hindi ko pinlano iyon.

=== 

Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com.  

Friday, October 26, 2012

Reunion

I felt like a movie star pagpasok ko sa venue. Pinigil ako ng mga potograpo upang kuhanan ng litrato sa backdrop na nagsasabing: “Batch 2002: Ten Years After…” It was a glittering, glamorous affair na kung saan posturado ang lahat nang dumalo.

Nakipagpalitan ako ng hellos, hugs at besos sa mga dating kasamahan. Nakipagkuwentuhan, nakipagtawanan, nakipag-trip down memory lane habang painom-inom ng beer, vodka, tequila at rhum.

Nakikipagsayawan na ako at high na sa epekto ng alak nang ikaw ay dumating. Tinapik mo ako sa balikat habang nakatalikod. At nang ako ay pumihit, ako ay nagulat. Napatitig sa iyong mukha na parang hindi makapaniwala.

“Hey!” ang iyong sabi, nakangiti. At bago pa ako nakahuma, niyakap mo ako, mahigpit.

Yumakap na rin ako at lalong na-high sa init na hatid ng iyong mga bisig. Mabilis na nagbalik ang mga alaala ng ating nakaraan. Sa isang iglap, muling nanariwa ang pangungulila na idinulot ng ating naging paghihiwalay.

“Kumusta ka na?”

“Mabuti. Ikaw?”

Nag-usap tayo nang cordial.

Umusad ang gabi at ako ay hindi na napanatag, sinundan-sundan ka ng mga sulyap habang abala sa pakikipag-sosyalan.

Hindi mo na ako muling nilapitan kaya ang pananabik ko sa iyo ay sinupil ko na lamang. Ipinaalala ko sa sarili: Matagal na tayong tapos, marami na ang nabago, nag-move on ka na at wala na akong dapat asahan.

Nagpasya na akong umalis. Subalit muli tayong pinagtagpo sa may pintuan.

“Are you leaving na?” ang iyong tanong.

“Yeah,” ang aking sagot.

Saglit na nanuot sa akin ang iyong titig.

Muli mo akong niyakap. Mas mahigpit. Mas matagal. Nag-brush ang mga labi mo sa aking pisngi. “You take care always, ok?”

Tumango ako at pilit ngumiti bago kumalas.

Habang nagda-drive pauwi, tinugtog sa radyo ang kanta natin noon.

Hindi ko na napigil ang mga luha ko sa pagpatak.

Monday, October 15, 2012

Meryenda

A Guest Post

Noong bata pa ako, tuwing bakasyon, madalas kaming umuwi ng buong pamilya sa probinsiya. Subalit nang maglaon, dumalang nang dumalang iyon hanggang sa tuluyang mahinto. Ngayon ay bakasyon na naman at binata na ako. Kaga-graduate ko lang sa kolehiyo at dahil sa kawalan ng magawa, naisipan kong umuwi sa probinsiya -- nang mag-isa.

Bakit ko iyon ginawa? Naghahanap ako ng excitement at gusto ko ring mapag-isa. Wala na kasing nakatira sa bahay namin sa probinsiya. Ang lola ko, mula nang mamatay ang aking lolo, ay kinuha na ng aking tiyo sa Maynila. Magiging mag-isa lang talaga ako roon at malaya kong magagawa ang gusto ko. 

Alas-dos na nang hapon nang ako ay makarating. Pagkapasok sa bahay ay agad kong binuksan ang mga bintana. Sumayaw sa liwanag ang nabulabog na alikabok. Namataan ko ang mga sapot sa kisame at dingding. Sa labas ay tila nagpupumilit makapasok ang mga baging na damo. Sa kabila niyon ay may kung anong masaya at magaan sa aking pakiramdam. Siguro ay dahil sa panunumbalik ng mga alaala noong aking kabataan.

Nakarinig ako ng pot-pot mula sa labas, partikular sa tapat ng bahay. Naisip kong meryenda iyon at tama ako dahil kasunod niyon ang sigaw ng naglalako.

“Cheese Donuttt!!!” Pot-pot-pot. 

“Monggo Donuttt!!!” Pot-pot-pot. 

Uy, may choices!

Dahil sa hindi pa ako nanananghali, nakaramdam ako ng gutom. Nagmamadali akong bumungad sa labas upang tawagin ang naglalako. Buti na lang at hindi pa ito masyadong nakalalayo.

Lumapit ang lalaking naglalako, nakangiti. Na-take note ko na bata pa ito at may itsura. Ibinaba niya ang dalang styro box sa may paanan ko at binuksan. Nalanghap ko ang mabango at katakam-takam na halimuyak ng donuts.

“Bagong luto ba yan?”ang tanong ko.

“Opo. Mainit-init pa,” ang sagot niya.

“Alin ba ang cheese at ang monggo?”

“Ah. Yung bilog po, cheese. ‘Yung pahaba, monggo.”

Pahaba? May donut bang pahaba?Ah, meron nga pala sa Mister Donut. Pero sa Dunkin’, wala yata.

“O sige, bigyan mo ako ng dalawang cheese at isang monggo. Magkano ba?”

“Walong piso po ang isa.”

Gamit ang sipit, kinuha niya sa kahon ang aking order at inilagay sa kapirasong brown paper. Natigilan ako nang ibinibigay na niya sa akin iyon. There was something funny sa pagkakaposisyon ng mga donut -- isang pahaba at dalawang bilog -- na hindi ko naiwasang mag-isip ng bastos.

Inabot ko sa lalaki ang bayad -- singkwenta pesos na buo.

Agad siyang nagbilang ng isusukli.

“Keep the change,” ang sabi ko pero parang wala siyang narinig. Patuloy pa rin sa pagbibilang at pagkatapos ay iniabot pa rin sa akin ang sukli. Saglit kaming nagkatitigan.

“Sabi ko, huwag mo na akong suklian,” ang ulit ko.

Nanatili siyang nakatingin sa akin at doon ko siya napagmasdang mabuti. Matangkad, maitim, matipuno. At kahit weather-beaten ang mukha, hindi maitatago ang pagkaguwapo. Makapal ang kilay, medyo madilat ang mga mata na naaadornohan ng malalagong pilik, katamtaman ang ilong at makakapal ang mga labi na likas ang pagkapula. Naka-sando siya at shorts -- jersey na pang-liga -- na bagama’t luma na at kupas, malinis pa ring tingnan sa kanya.

Kinuha ko sa balot ang pahabang donut, isinubo -- hindi ko intensiyong maging suggestive -- at pagkatapos ay marahang kinagat iyon.

Pinanood niya ako na para bang na-amuse siya sa ginawa ko. Nginuya ko ang donut at nalasahan ko. Mmm, yummy! I ran my tongue through my lips.

Nagbaba siya ng paningin sabay dampot sa kanyang styro box.

“Sige po. Maraming salamat.”

Tumango lang ako, hindi pa rin naglalayo ng tingin sa kanya.

Tumalikod siya at akmang aalis na subalit muli siyang bumaling. Sinalubong niya ang aking mga mata.

“Mag-isa ka lang dito?” ang tanong niya.

Isinubo ko muna nang buo ang natitirang donut at pinagpag ang asukal na dumikit sa aking mga labi, bago ako sumagot. “Oo.”

“Ah.” Siya naman ang tumango-tango.

Inayos niya ang pagkakabuhat sa kanyang kahon at inakala kong aalis na siya kaya kumilos na rin ako upang pumasok sa loob. Subalit nagulat ako nang makita kong kasunod ko siya. Natigilan ako at hindi nagawang magsalita. Pagkapasok sa bahay, ibinaba niya ang kahon at ipinatong doon ang pot-pot niya. Isinara niya ang pinto at napaurong ako. May pangamba man sa maaari niyang gawin, agad akong nilukuban ng excitement, ng pagnanasa at nanaig sa akin ang pananabik sa susunod niyang gagawin. Agad siyang nagtanggal ng pang-itaas at pagkatapos ay  hinubo ang kanyang shorts. Tumambad sa akin ang kanyang paghuhumindig.

“Gusto mo bang tikman ang aking pahabang donut?”

Nandilat ang aking mga mata. Hindi ako nakahuma. Napakalaki niyon. Mataba. Kulay-honey. Nabitiwan ko ang balot ng natitira pang donuts dahil sa pagkabigla.

“Gusto mo ba?”

Hindi pa rin ako makapagsalita. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at sinimulan akong halikan. Hindi ko nagawang tumutol. Nadama ko ang mainit niyang mga labi, gayundin ang mainit niyang hininga sa aking pisngi, leeg, balikat, dibdib. Pagkatapos ay hinanap niya ang aking bibig at pilit ibinuka iyon, ipinasok niya ang kanyang dila at siya ay nagdumiin sabay sa pagsipsip. Kinuha niya ang aking kamay at ipinadama ang kanyang erection. Nakakapaso. Pumipintig-pintig. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahang itinulak pababa hanggang sa ako ay mapaluhod sa kanyang harapan.

“Tikman mo na. Gusto mo ‘yan, di ba?”

Hindi na ako sumagot at naging sunud-sunuran na lamang sa kanya. Nilasap ko siya sa aking bibig. Nahirapan ako noong una subalit kinalaunan ay nakagamayan ko na. Maya-maya pa, sinasabayan na niya ang aking pagtaas-baba.

Hinila niya ako patayo at muling hinalikan sa labi. At pagkatapos ay pinatalikod niya ako at niyakap. Hinalikan sa batok at sinimulang hubaran ng pantalon. Ibinaba niya iyon kasabay ng aking brief. Naramdaman ko ang kanyang pagdunggol-dunggol na sinundan ng pagtampal-tampal sa aking puwet.

“Gusto mo yan, ha? Gusto mo yan?”

Hindi ako sumagot. Sa halip ay ipinagdiinan ko sa kanya ang aking katawan.

Saglit siyang bumitiw at nagmamadaling tinungo ang kanyang styro box at may kinuha sa loob. At dahil muli siyang pumosisyon sa aking likod, hindi ko na nakita kung ano iyon. Naramdaman ko na lamang na may ipinapahid siya sa aking madulas at malagkit. Sinalat ko iyon.

“Butter?” ang aking tanong.

“Hindi. Mantekilya,” ang kanyang sagot.

Kumapit siya sa akin, mahigpit, at muling gumiit. Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang dahan-dahang pag-angkin.

“Oh!”Napapikit ako ng mariin at napakagat-labi.

Higit siyang nagdumiin at pinigil ko ang mapasigaw.

“Gusto mo yan, di ba? Gusto mo yan?” ang sabi niya.

Naramdaman ko ang kanyang pagpasok sa akin nang buong-buo.

“Sumagot ka!”ang asik niya.

“Oo! Oo!” At nagpaubaya na ako.

Nagsimula siyang umayuda. At dahil sa panghihina ng aking mga tuhod, ako ay dahan-dahang napaluhod. Kung kaya, pinadapa niya na lamang ako sa sahig at pinaibabawan. Ipinagpatuloy niya ang paglupig sa akin. Maya-maya pa, hinaklit niya ang aking baywang at inangat ang aking katawan hanggang sa ang posisyon ko ay maging on all fours.

Habang kumakadyot from behind, abala ang kanyang kamay sa paghimas at paglamas sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan. Gayundin ang kanyang mga labi sa paghalik sa kung saan-saan.

“Ah...  Masakit....” ang aking anas.

“Hindi...kaya mo yan...” ang kanyang tugon.

Hinanap niya ang aking tagdan at pinaglaruan iyon, marahil upang tulungan akong mapawi ang kirot.

Maya-maya pa ay para na akong idinuruyan. Sinalubong ko ang kanyang bawat ulos.

Bumilis ang kanyang mga kilos, gayundin ang paghimas niya sa akin. Habol namin pareho ang aming mga hininga.

Ilang sandali pa, kami ay nanigas... nanginig... at napasigaw. 

Sabay naming narating ang sukdulan.

***

Matagal na siyang nakaalis ay nakahiga pa rin ako sa lapag. Nakahubad, nakahubo ang pantalon na suspended sa aking mga binti na siya ring dahilan kung bakit parang hindi ako makagalaw. Naging aware ako sa mga mumunting ingay sa kapaligiran -- huni ng mga ibon, tilaok ng manok, kaluskos ng mga dahon. Namataan ko sa aking tabi ang donuts na nabitiwan ko kanina -- luray na sa pagkakabalot sa papel. Marahil ay nadaganan o natapakan namin nang kami ay magpambuno.
 
Maya-maya pa ay dahan-dahan na akong tumayo at tuluyan nang tinanggal ang aking pantalon. Hubo’t hubad akong nagtungo sa banyo.

Binuksan ko ang gripo at isinahod ang balde. Habang nagpupuno ng tubig ay parang natutulala ako. Dama pa rin ng aking katawan ang marahas at masarap na pag-angkin sa akin ng lalaki. Iyon ang aking unang karanasan at hindi ko alam kung ako ay matutuwa o malulungkot.

I felt violated pero bakit parang nagustuhan ko iyon? Kumpirmasyon ba iyon ng pagiging bakla ko?

Gamit ang tabo, nagsimula akong magbuhos ng tubig. Sunod-sunod. Tuluy-tuloy. Na para bang magagawa niyong linisin hindi lamang ang aking katawan kundi pati ang aking isip.

Bakit kailangang mangyari iyon?

Nagsimula akong magsabon.

Bakit ngayon pa?

Kahit balot na ako ng masaganang bula ay patuloy pa rin ako sa pagkuskos.

Bakit?

***

May mental baggage ako na ayaw ko sanang aminin na siyang dahilan ng pagpunta ko rito.

Buntis ang best friend ko at ako ang ama. Nangyari iyon nang hindi sinasadya. Sa isang overnight party, nalasing kami at nakalimot.

She’s keeping the baby, ang sabi niya. Gusto kong pangatawanan ang aking nagawa. Subalit sa nangyaring ito, naguguluhan ako.

Iyon ba talaga ang gusto ko? Iyon ba talaga ang magde-define sa kung ano ako? Mapagtatakpan ba niyon ang tunay na pagkatao ko? Mapagbabago ba ako? At higit sa lahat, magiging masaya ba ako?

Nagsimula akong magbanlaw na parang paghuhugas na rin sa konsensiya ko.

Lumabas ako ng banyo at naglakad nang hubo’t hubad sa bahay kahit na nakabukas pa ang mga bintana. Bakit ako mahihiya kung mayroon mang makakita? Ito ako, walang pagbabalatkayo, at gusto kong maging malaya.

Umihip ang hangin. Bahagya man akong nanginig, hindi ko hinayaang tagusin ako ng lamig.

Sa lapag ay muli kong namataan ang luray na donuts. Pinulot ko iyon, pinagpagan at kinain.

Sa malayo ay may sigaw akong naulinig.

“Cheese Donuttt!!! Monggo Donuttt!!!”

Sapat na iyon upang ako ay muling mag-init.

=== 

Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com. 

Wednesday, October 10, 2012

Abangan


Antolohiya ng mga kuwentong M2M tungkol sa pag-ibig, pagnanasa, pag-iisa at pag-asa. Tampok ang mga akda nina: Michael Juha, Dalisay Diaz, Kenji Oya, BX, Lui Rubio, Dhenxo Lopez, Jon Dmur, Rovi Yuno, Patrice Marco at ng inyong lingkod, Aris Santos bilang guest writer.

 Malapit nang lumabas sa mga bookstores ngayong Oktubre. Abangan!

Saturday, October 6, 2012

Roadside Inn Cafe 2

“I should have known,” ang sabi ni Stanley. “That kare-kare. Ikaw lang ang may timplang ganoon.” Nasa terraza na sila, magkaharap sa isang pandalawahang mesa at nagkakape.

“Ganoon pa rin ba ang lasa?” ang tanong ni Edgar.

“Katulad pa rin ng dati. Katulad ng iniluluto mo sa akin noon. ”

“Buti naaalala mo pa.”

“Paano ko malilimutan?”

Nagtama ang kanilang mga mata subalit kaagad ding naglayo.

Patlang.

Sabay silang humigop ng kape -- to fill in the gap at upang madisimula ang kanilang pagka-awkward.

Naglabas ng sigarilyo si Stanley. Inalok niya si Edgar.

Umiling ito. “I don’t smoke.”

“Oh, yeah. Sorry.” Nagsindi si Stanley.

“Itinigil mo na ‘yan noon, di ba?” ang sabi ni Edgar.

“I started smoking again nang maghiwalay tayo,” ang sagot ni Stanley. “Stress. Tension. Depression. I had all the reasons.”

Gustong sabihin ni Edgar: Ako rin naman na-depress nang maghiwalay tayo pero wala akong ginawang self-destructive. Subalit hindi siya umimik at pinanood na lamang si Stanley sa paghithit-buga ng usok.

“And so, how are you?” Muling nagsalita si Stanley.

“I am fine.” Pinilit ni Edgar ang ngumiti. “And you?”

“Okay lang din.”

“So, where are you heading?”

“Naga.”

“Business trip?”

“No. Personal.”

Gustong itanong ni Edgar kung tungkol saan iyon pero naisip niya, personal nga kaya hindi na siya dapat mag-usisa. At saka tila walang balak si Stanley na mag-elaborate dahil muli itong nanahimik.

“So, you own this place,” ang sabi nito pagkaraan.

“Yup,” ang sagot ni Edgar, still trying to be cheerful. “Di ba, ang sabi ko sa’yo noon, pangarap ko ang magkaroon ng sariling restaurant at resort?”

“Uhuh. But… this is not a resort.”

“Well, it’s the next best thing. This is all I can afford. But I cannot complain. It is just like having the real thing. And I am happy.” Tila may hollow ring sa kanyang huling tinuran at naging aware siya roon.

“Good to know that,” ang sabi ni Stanley. Subalit sa mga mata nito ay naroroon ang pagtatanong: But are you really?

 Iniwasan ni Edgar na ipagkanulo ang sarili. “Ikaw, masaya ka ba?” ang maagap niyang sabi.

“No, not really.” Unlike him, may guts si Stanley na aminin ang totoo. “The family business I am managing now is doing well. That makes me happy. But I could be happier, you know… kung tayo pa rin hanggang ngayon.”

Patlang muli.

“May trade-off ang success,” ang sabi ni Edgar pagkaraan. “And in our case, iyon ay ang ating paghihiwalay.”

“Hindi tayo dapat nagkahiwalay.”

“It was bound to happen, alam natin iyon.”

“Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang aking mga magulang sa nangyari sa atin.”

“Hindi mo sila masisisi. Kahit ipilit man natin noon, hinding-hindi magiging katanggap-tanggap sa kanila ang ating relasyon.”

“I should have fought for us.”

“We should have. Pero magagawa ba natin iyon? Magagawa mo ba? Saklaw tayo noon ng kanilang kapangyarihan, lalo na ikaw. Chinese ka at may sarili kayong batas -- whatever it is -- tungkol sa… unconventional relationships. Hindi ka maaaring sumalungat o sumuway.”

“Hindi ko kagustuhan ang nangyari,” ang sabi ni Stanley.

“Hindi ko rin kagustuhan iyon. Subalit nang mabunyag ang ating lihim, pinagbantaan nila ako at tinakot. Kaya lumayo ako. ”

“Pinagbantaan din nila akong itatakwil, tatanggalan ng mana. Ipinadala nila ako sa China. Halos isang taon akong nanatili roon. At nang bumalik ako rito, parang walang nangyari. Ibinigay nila sa akin ang pagpapatakbo ng negosyo. Nalibang ako at nakalimot…” Nag-last hit si Stanley sa kanyang sigarilyo bago niya iyon pinatay sa ashtray. “…Or so I thought. Not until today. I just realized that my feelings for you never went away.”

“Ako rin, Stanley. Ako rin,” ang sa wakas ay nagawang sambitin ni Edgar. “But I guess, kailangan na lamang nating tanggapin na tapos na ang ating relasyon. Maayos na tayo ngayon, tahimik na ang ating mga buhay. Mas makabubuting iwasan na lang nating magulo pa.”

“Bakit, ayaw mo na ba?”

“Ayaw ko nang muling masaktan. Ayaw ko na ring umasa sa isang relasyon na wala rin namang patutunguhan.”

“But what we had was beautiful. Maaari nating ibalik iyon.”

“It was good while it lasted. But it’s over now, Stanley. Ang nakaraan ay nakaraan na. I would rather na huwag na nating dugtungan pa. Maaaring hindi lubos ang kaligayahan natin sa  ngayon but we’ll get by. We did get by, didn’t we?”

Hindi sumagot si Stanley. Nasa mukha ang magkahalong lungkot at pagkabigo na hindi nalingid kay Edgar.

“If we still care for each other,  then well and good,” ang patuloy niya na parang kinukumbinsi hindi lamang si Stanley kundi pati ang kanyang sarili. “Maaari pa rin naman nating ipagpatuloy iyon bilang magkaibigan. Nakapag-move on na tayo at huwag na nating balikan ang nakaraan para wala nang kumplikasyon. Okay naman tayo ngayon sa kanya-kanya nating buhay, di ba?

Hindi man sang-ayon, hindi na nag-insist si Stanley. Tuluyan na lamang siyang nanahimik higit lalo nang maisip niya ang kanyang predicament. Nag-aalok siya ng pakikipagbalikan gayong nakakompromiso na siya at maaaring hindi na niya iyon mapaninindigan.

Tila huli na nga yata ang lahat. Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago. Mas makabubuti nga yatang isara na lamang ang kanilang kabanata at ituring na lamang na isang epilogo ang pagkikita nilang iyon.

***    

Nang magpaalam si Stanley na magpapahinga na, nagpaiwan si Edgar sa terraza. Ni hindi siya tuminag upang ihatid ito sa silid.

Nang mapag-isa, ipinagpatuloy niya ang pagkakape. At siya ay nakapag-isip-isip.

There was something wrong about their conversation. Or rather, there was something wrong about him. Hindi siya lubusang nagpakatotoo. Na may halong  pagkukunwari ang kanyang mga huling sinabi. Na hindi iyon ang tunay na nilalaman ng kanyang puso.

Binagabag siya ng kagustuhang maituwid iyon. Naghanap siya ng excuse.

Nakita niya ang naiwang pakete ng sigarilyo sa mesa. Dinampot niya iyon at siya ay tumayo.

Tumatahip man ang dibdib, binagtas niya ang pasilyo patungo sa silid sa dulo.

(May Karugtong)

Part 3

Monday, October 1, 2012

Older

Tatlong okasyon lang ang ipinagdiriwang ko sa blog ko. Kapag Disyembre -- Pasko. Kapag Hulyo -- anibersaryo. At kapag Oktubre -- kaarawan ko. 

Kaarawan ko na naman ngayon kaya heto, may special post ako upang muli ay markahan ang araw na ito.

Looking back, nag-iba na ako kumpara sa kung ano ako four years ago. Hindi na ako ngayon maharot at mapaglaro, mas pormal at seryoso na ako (Oh really? Hehe!), hindi na ako ngayon madaling mag-react at mas kontrolado ko na ang emosyon ko. Mas at home na rin ako sa sarili ko.

Napansin ko rin na mas malalim na ang panulat ko (bunsod marahil ng mas malalim na pag-iisip) at mas marami na ako ngayong gustong sabihin (although, gusto ko pa ring i-retain ang estilong magaan at madaling intindihin).

Realization ko lang: It’s more fun to be older dahil mas makabuluhan na ang aking pananaw, mas alam ko na kung ano ang dapat pahalagahan, at mas in-control na ako sa direksiyon ng aking buhay. Sabagay, dapat lang naman dahil ang tunay na essence ng pagtanda ay ang pagkakaroon ng pinagkatandaan. :)