Sunday, October 28, 2012

Roommates

A Guest Post
By MARKY FRIAS

“Greg, wait up,” ang sigaw ni Joanna, best friend ko since high school, at nang makalapit ay niyakap ako nang mahigpit. Madalas, napagkakamalan kaming magkarelasyon dahil sa sobrang close namin. Tukso nga ng  mga kaibigan ay perfect match daw kami dahil maganda siya at gwapo naman ako. Sayang nga lang dahil iba ang gusto ko, ‘yung tipong gusto rin niya.

“Ingat sila sa’yo,” ang pabirong bilin niya. “I’ll miss you.”

“I’ll miss you more,” ang sagot ko. At niyakap ko rin siya bago sumakay sa naghihintay na bus.

Mabilis ang naging biyahe kaya nang hapon ding iyon, nakarating ako sa Maynila.
         
*** 

“Haist, grabe ang init!” Tumigil muna ako para magpunas ng pawis. Sa wakas, natagpuan ko rin ang dorm na kanina ko pa hinahanap. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya nagkaligaw-ligaw ako. I grew up in Batangas at doon na rin nag-aral. I had to leave for Manila dahil dito ako nakahanap ng work. Si Josh, cousin ko, just left for Singapore and told me na ako na lang ang pumalit sa kanya sa dorm. Ibinigay niya sa akin ang address at inabisuhan niya ang landlady.

Akmang kakatok na ako sa gate (hindi ko kasi mahanap ang door bell) nang may biglang bumangga sa aking likod. Agad akong napalingon.

Isang lalaking kasinggulang ko. “Excuse,” ang sabi. Nagmamadali niyang binuksan ang gate at pumasok. Magtatanong sana ako subalit biglang… BLAG! Ang lakas ng pagkakasara niya ng gate.

“Ang suplado naman niyon,” bulong ko.

No choice ako kundi kumatok na lamang. Buti na lang at may kaagad ding tumugon. Isang matandang babaeng may maaliwalas na mukha.

“Good afternoon po,” ang bati ko, nakangiti.

“Good afternoon din.”

“Ako po si Greg, pinsan ni Josh. Kayo po ba si Aling Josie?”

“Oo, ako nga. Ikaw ba yung papalit sa kanya? Halika, tumuloy ka na.”

Inilibot ako ni Aling Josie sa kabuuan ng dorm. Isa itong malaking bahay sa loob ng isang compound. May dalawang palapag at may limang kwarto.

“Dito ka sa second floor, doon sa pangatlong kuwarto. Heto ang susi, bahala ka na.”

“Salamat ho, Aling Josie.”

Bitbit ang bag, tinungo ko ang kuwarto. Pagpihit ko sa seradura ng pinto, naka-lock iyon. Bago ko pa nagawang gamitin ang susi na kabibigay lang sa akin, naulingan kong may nagpapatugtog sa loob. Nakalimutan kayang sabihin ni Aling Josie na may makakasama ako sa kuwarto?

Out of respect, marahan kong kinatok ang pinto, pero walang sumagot. Makalipas ang ilang saglit, bumukas iyon. At sa loob ay naroroon ang lalaki kanina sa gate. Ang supladong lalaki na pinagbagsakan ako ng gate!

Siya pala ang roommate ko.

*** 

Natigilan ako at napatingin sa kanya. “Hi,” ang bati ko, trying to be friendly.  

“So, I guess you’re my new roommate,” ang sabi, emotionless. Ni hindi pinansin ang bati ko.

Pumasok ako bitbit ang aking bag. 

“There is your bed, beside the cabinet,” ang muwestra niya sabay talikod at ipinagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit  na nakalatag sa higaan niya.

“Thanks.” Inilapag ko ang bag at sinimulan ko nang mag-ayos ng sariling gamit. Ewan ko pero di ko mapigilan ang magnakaw ng sulyap sa kanya.  Cute sana, suplado lang.

Naalala ko ‘yung dark chocolate na bigay sa akin bago ako umalis na hindi ko nakain sa biyahe. Naisipan kong buksan iyon at ialok kay Mr. Suplado (since hindi ko pa alam ang name niya, iyon ang naisipan kong itawag sa kanya). Mag-aalok na sana ako nang biglang tumunog ang phone niya. Dali-dali niya iyong sinagot sabay labas ng silid. Pagkaalis niya, napansin ko ang iba pang mga nakakalat na gamit sa kama niya at nakita ko ang isang picture. Tatlo sila roon, siya na nakaakbay sa isang girl at isa pang lalaki. Sa ibaba ay may caption ng place at sa likod ay may nakasulat: A special day with my one and only Samantha and my bestfriend Nathan. Buti na lang naisauli ko kaagad ‘yung picture dahil kaagad din siyang bumalik. Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya at tila malungkot.

Nang matapos na ako, naisipan ko munang lumabas para mag-grocery at maging familiar na rin sa lugar. Habang nasa labas, siya ang naiisip ko. Bigla akong na-concern sa pagiging seryoso niya after the phone call. Hindi ko naman ma-explain kung bakit ganoon ang aking nararamdaman.

Pagbalik ko ay napadaan ako sa dining room. Naroroon siya, nakaupo at naghahapunan na. Sa kuwarto na sana ako kakain pero naisipan kong doon na lang din dahil hindi ako sanay kumain nang mag-isa.

“Can I join you?” Medyo nag-aalinlangan kong tanong. Walang sagot. So I took it as a No. Aalis na lang sana ako bitbit ang pagkain ko nang marinig ko ang kanyang tinig.

“Sure.” So, humila ako ng silya at umupo. Tahimik ang paligid dahil wala pang ibang tao. Nakakalahati ko na ang kinakain ko pero napansin ko na halos di pa nabawasan ‘yung sa kanya. Napansin ko rin na tila malalim ang kanyang iniisip. Hindi na ako nakatiis.

“Uhm, is there something wrong?” ang sabi ko. Tumingin siya sa akin na para bang ang ibig sabihin ay… Wala. Para akong napahiya.  At bago pa ako muling makapagsalita, tumayo siya at walang sabi-sabing umalis. May mali ba sa tanong ko?

Pagkakain ay nagpahangin muna ako sa hardin. Nang mapatapat ako sa may balkonahe, napansin ko na may tao roon. Nakita ko siya na nakasandal sa barandilya at nagyo-yosi. Haist, kung may award lang sa pagiging suplado, ino-nominate ko siya. Hands down, tiyak na siya ang mananalo.

Maya-maya pa, umakyat na ako. Kailangan ko nang matulog dahil first day ko sa work kinabukasan. Pagpasok ko sa kuwarto, natutulog na siya. Nag-shower muna ako at nang mahihiga na, nakita ko ang kahon ng dark chocolate sa aking kama. Naisip ko pa ring ibigay iyon sa kanya. Naghagilap ako ng Post-It, dinrowingan ko ng smiley at idinikit sa kahon ng tsokolate bago ko ipinatong sa side table niya. Bahala siya kung tatanggapin niya iyon basta ang mahalaga, nag-effort akong makipagkaibigan sa kanya.

That morning, pagkagising ko, nangiti ako nang mapansin kong wala na ang tsokolate sa table niya. Ewan ko ba pero sobrang naging masaya ako habang naghahanda sa pagpasok sa trabaho.

*** 

Late that afternoon, pagdating ko sa dorm, dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Medyo pagod lang at gusto kong mag-relax. I had a great day, though, on my first day sa office. Mababait ang mga kaopisina ko pati na ang boss ko.

I was pouring hot water, nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Thanks for the chocolate.”

Napalingon ako kaya di ko namalayan ang pag-apaw ng tubig na agad tumapon sa mesa. 

Mabilis siyang kumilos, kinuha ang termos sa kamay ko. “Naku, napaso ka ba?” ang  sabi niya na may concern. Akalain mo ‘yun, tsokolate lang pala ang  katapat para ako ay kanyang pansinin?

“Hindi naman,” ang sagot ko. “Marami pa akong chocolates, kung gusto mo,” ang alok ko pa.

Ngumiti lang siya. Ang cute niya pala kapag nakangiti.

“By the way, I’m Paul,” ang pakilala niya sabay abot ng kamay.

“I’m Greg,” ang sagot ko, nakangiti. Sa wakas, nalaman ko rin ang pangalan niya.

“I’m sorry kung medyo naging aloof  ako sa’yo. I’m not myself nitong mga huling araw.”

“I understand.” Hindi pa rin ako makapaniwala na kinakausap na niya ako. Akala ko kasi, patuloy niya na lang akong dededmahin.
 
Habang nagkukuwentuhan, doon ko lang lubos na napagmasdan si Paul. He’s really cute, kinda boy-next-door ang dating, and he has a set of expressive eyes na di ko mapigilang tingnan. Sinaluhan niya ako sa pagkakape at nagpalitan din kami ng jokes. Aliw na aliw akong pagmasdan siya habang tumatawa o nangingiti.

“I miss my friends back home, lalo na yung best friend ko,” ang sabi ko.

“I miss my girl,” ang kanyang sagot. Suddenly, nag-iba ang mood niya na ikinabahala ko.

“May problema ba?” ang tanong ko na pagbabakasakali lang naman kung gusto niyang mag-share.

He turned to look at me. “I think I’m about to lose her.” Malungkot ang kanyang tinig. Tahimik lang ako at nakikinig. “And it’s all because of my best friend.” Dito na ako medyo nagulat pero pinigil ko ang magsalita.

Maya-maya, napansin ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. At ilang sandali pa, umiiyak na siya. Niyakap ko siya upang aluin. Subalit tuluy-tuloy ang naging pag-iyak niya. Pinabayaan ko na lamang siyang ilabas ang sama ng loob na para bang kaytagal niyang inipon. “It’s alright. Don’t worry, everything will be fine,” ang sabi ko nang humupa iyon.

Saglit siyang namalagi sa mga bisig ko bago dahan-dahang bumitiw. “Thanks,” ang sabi niya. “Pasensiya na.”

Iyon lamang at nagpaalam na siyang aakyat na.

Naiwan akong magkakahalo ang damdamin at hindi alam kung ano ang iisipin.

*** 

Hindi ko namalayan na naidlip na pala ako sa pagkakaupo sa kitchen. Naalimpungatan na lamang ako nang may tumapik sa akin.

“Huy.” Si Paul, nasa tabi ko. “Ang sarap ng tulog mo. Di ka ba hirap diyan?” Nakangiti siya na parang natatawa. Bigla akong nahiya. Ganoon kasi ako, parang bata (o matanda?) na nagagawang makatulog kahit saan at sa kahit anong posisyon.

“Kanina ka pa ba diyan?” ang tanong ko.

“Hindi naman.”

Tumingin ako sa relos. Naku, past seven na pala nang gabi.

“Tara, kain tayo sa labas,” ang kanyang yaya. Hindi pa man ako nakakatayo, hinihila na niya ako.

Lumabas kami ng bahay na nakapang-opisina pa ako. Siya naman ay nakapambahay na at bagong paligo. Dinala niya ako sa karinderya sa di-kalayuan, malapit sa basketball court.

Siya na ang umorder para sa aming dalawa. “Manang, igado at pinakbet nga. Saka dalawang rice.” Buti na lang di ako pihikan at walang allergy sa bagoong.

“May gusto ka pa ba?” ang tanong niya sa akin.

“Ah, wala na.” Pero actually, meron. Ikaw. Oo, ikaw nga. Natawa ako sa naisip kong iyon pero hind ako nagpahalata. Sinarili ko na lamang ang sayang nararamdaman dahil kasama ko siya.

Nang gabing iyon, mas nakilala ko si Paul. He grew up in Iloilo pero dito na siya sa Maynila nag-college. Youngest siya sa tatlong magkakapadid at pinalaki ng lola since OFW ang nanay niya. Marami kaming pagkakapareho pagdating sa pagkain at hilig katulad ng paglalaro ng badminton at ng online games. Pero may isang bagay na iniwasan ko na mapag-usapan namin. Iyon ay ang tungkol sa kanila ng kanyang girlfriend. Marahil ay dahil ayoko na siyang makitang malungkot uli.

*** 

Isang Sabado, late na ako nakauwi dahil may officemate kaming nag-birthday at nag-treat. Pagpasok ko sa silid, nagulat ako nang may basyong bote ng beer na tinamaan ang pinto. Natumba iyon at gumulong sa paanan ko. Nadatnan kong umiinom si Paul.

“Bakit ka naglalasing?” ang tanong ko habang papalapit sa kanya. “Nakaka-ilan ka na?”

“Tatlo? Apat? Ewan,” ang sagot niya, pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtungga.

Inagaw ko ang bote sa kanya. “Tama na ‘yan. You’ve had enough.”

Pilit niyang binabawi ang bote na nasa kamay ko. “No. Puwede ba, huwag mo akong pakialaman?”

Saglit akong natigilan sa sinabi niya.

“Pabayaan mo ako, Greg. Mind your own business.”

“If you’re doing this because of her, you better stop it. Hindi makakatulong sa problema mo ang pag-inom.”

“Just leave me alone, ok?”

Mabigat man sa loob, I had no choice kundi ang umalis. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kung bakit parang nasasaktan ako. Maya-maya pa, namalayan ko na lamang na tumutulo na ang mga luha ko. Dahil ba iyon sa pag-aalala sa kanya o dahil sa mas malalim na dahilan na hindi ko maamin?

Matagal akong namalagi sa balkonahe upang magpalipas ng oras. Pagbalik ko sa kuwarto, nakahiga na siya at natutulog. Inayos ko ang kanyang pagkakahiga dahil medyo alanganin ang kanyang posisyon. Kumuha na rin ako ng bimpo at maligamgam na tubig at siya ay pinunasan bago pinalitan ng sando. Pagkatapos ay nahiga na rin ako, patagilid upang siya ay mapagmasdan. Hanggang sa ako ay makatulog.

Madaling araw nang maalimpungatan ako. May nakahiga sa tabi ko. Nagulat ako nang makita ko si Paul. Ano’t naisipan niyang lumipat sa kama ko? Nakikiramdam ako nang bigla siyang tumagilid at yumakap. Nais kong kumalas pero lalong humigpit ang kanyang yakap at ako ay kanya pang tinandayan. Hindi na ako makagalaw kaya nagpaubaya na lamang ako hanggang sa ako ay muling hilahin ng antok.

*** 

“Good morning,” ang mahinang bulong niya sa akin nang ako ay magmulat. Sinabayan niya iyon ng isang yakap na mahigpit.

“I’m sorry about last night,” ang kanya pang sabi. “Promise, di na iyon mauulit.”

Nginitian niya ako at iyon lang talaga ang katapat ng aking naging pagdaramdam na kaagad ding nawala.

“Wait, I’ll get something. Don’t move.” Tumayo siya at umalis. Naiwan akong nagtataka kung ano ba ‘yung kanyang kukunin.

At pagbalik niya, nagulat ako. “Tara, breakfast na tayo,” ang sabi niya, dala ang dalawang cup noodles at sandwiches.

We had breakfast in bed at habang kumakain, para akong nananaginip.

*** 

Sa paglipas ng mga araw, mas naging close kami ni Paul. We did a lot of things together especially during weekends. Naging madalas na rin ang paglabas-labas namin after work. Minsan, nagulat pa ako nang paglabas ko sa office ay naroroon siya sa lobby ng building namin at naghihintay sa akin.

“Bakit nandito ka?” ang tanong ko.

“Bakit, masama bang sunduin kita?” ang sagot niya.

Sobrang naging masaya ako noon dahil sa kanyang ginawa.

Kumain kami sa labas at namasyal sa mall. Napaka-perfect ng moment na iyon.

Sa kabila niyon, pagdating sa dorm, hindi ko pa rin maiwasang sumagi sa aking isip ang tungkol sa kanyang girlfriend.

*** 

A few days before his birthday, I wanted to do something special for him. Buti na lang natutunan ko kay mom kung paano mag-bake na kinalaunan ay naging hilig ko na rin. Nagpaalam ako at nanghiram kay Aling Josie ng mga gamit at nag-improvise na rin. At least, gumagana pa ang kanyang oven. Gumising ako nang maaga at kahit inaantok, since weekday ‘yun, nag-bake ako ng chocolate cake.

“Happy Birthday!” ang bati ko sa kanya pagpasok ko sa kuwarto. Kagigising lang niya at laking gulat niya sa dala kong cake.

“Wow, thank you, Greg,” ang sabi niya na puno ng appreciation.

“Make a wish,” ang sabi ko kahit na walang candle ang cake kasi nakalimutan ko sa pagmamadali.

Sumunod naman siya at pumikit, bumulong at nang magdilat, ginawaran niya ako ng mahigpit na yakap. Tanggal ang lahat ng aking pagod sa pagbe-bake.

That afternoon, sinabi ko sa kanya na may overtime ako. But it was just part of my plan para daanan siya sa office. Umalis ako before five para iwas traffic.

Taka siya nang makita akong naghihintay sa kanyang paglabas. “O, akala ko, later pa ang labas mo,” ang sabi niya.

“Nagpaalam ako at pinayagan, kaya here I am, pinuntahan na kita,” ang palusot ko.

Dumiretso kami sa mall. Nag-coffee muna dahil maaga pa bago ko siya niyayang mag-dinner. May reservation na ako sa Yakimix (sorpresa ko iyon sa kanya) kaya nang mag-suggest siya ng Sbarro, medyo nag-alanganin ako. Naku, mukhang masisira pa yata ang plano ko. “Maaga pa naman, maglakad-lakad kaya muna tayo.”

Buti na lang at pinagbigyan niya ako. Nang mapatapat kami sa Yakimix, agad ko siyang hinila sa loob. Nagulat siya at nagtaka nang sa pagpasok namin ay binanggit ko lang ang aking pangalan sa sumalubong na maitre d’ at hindi na kami pumila. “I have a reservation,” ang sabi ko pa.

Nanlaki ang kanyang mga mata bago napangiti. “Pinlano mo ito, ano?”

Napangiti na rin ako dahil sa kanyang naging reaksiyon. “Surprise!”
  
At pareho kaming natawa. Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa braso ko.

Matatapos na kaming kumain nang biglang matigilan si Paul, nakatuon ang mga mata sa may pinto. Sinundan ko ang tingin niya at ako man ay natigilan din. Sina Samantha at Nathan! (Malinaw pa sa aking alaala ang kanilang mga itsura sa picture.) Magkasama sila at mukhang nagbabalak ding kumain doon. Nakita ko na parang na-disturb at naging uncomfortable si Paul kaya nag-decide na akong hingin ang bill. Eksaktong papalabas kami, papasok naman sila. Sa pagkakasalubong ay walang nangyaring pansinan although nakita kong natigilan din sina Samantha at Nathan pagkakita kay Paul.

Sila yun, di ba? Hindi ko napigilan ang magtanong.

Huh? Napatingin siya sa akin. 

Your girlfriend and your best friend.

Paano mo nalaman?

I saw the picture. At nabasa ko rin ang nakasulat sa likod.

Bumuntonghininga muna siya bago sumagot. “Oo, sila nga iyon.

“Don’t let them ruin your birthday,” ang sabi ko na lang. I hated it na sa dinami-dami ng araw, mangyayari ang pagkikitang iyon sa mismong kaarawan niya pa. 

Tahimik si Paul sa aming muling pag-iikot sa mall. Later on, naisipan naming manood ng last full show. 

Life is a bitch, sabi nga. Dahil paglabas namin ng sinehan, sino ang natanawan ko na muli ay  makakasalubong namin? Samantha and Nathan. Again! Coincidence na naman ba o talagang mapang-asar lang ang tadhana? 

Wala nang iwasang naganap dahil si Samantha na mismo ang lumapit kay Paul.

“Oh, how could I forget. It’s your birthday, right?” May tila himig-pang-iinis sa kanyang tinig. 

“Yup, ” ang sagot ni Paul, pilit ang ngiti.

“So how was it?”

“It was great. No, it was perfect.” Inakbayan ako ni Paul.

Akala ko, hanggang doon na lamang ang awkward moment na iyon pero hindi pala.

Pinukol ako ni Samantha ng masamang tingin. “Siya ba ang dahilan?”

Para akong itinulos sa aking pagkakatayo. I braced for impact.

“What if  sabihin kong oo, siya ang dahilan kung bakit naging napakasaya ng birthday ko?” ang buong ningning na tugon ni Paul.

“Ipinagpalit mo ako sa isang... kagaya niya?” Ouch. Personal na banat iyon sa akin pero hindi pa rin ako makapag-react.

“Why not? I must admit, hindi siya kagaya mo. Matino siya.”

Isang malakas na sampal ang lumatay sa pisngi ni Paul. Agad na lumapit si Nathan upang sawayin si Samantha.

“Thanks, I needed that,” ang sabi ni Paul na parang hindi natinag. “Pero sana noon mo pa ‘yan ginawa para mas maaga akong natauhan sa totoong pagkatao mo.”

“How dare you!” Akmang mananampal uli si Samantha subalit ako na ang sumalag sa kamay niya.

“Sige, subukan mong sampalin uli si Paul,” ang sabi ko nang buong tapang.

Hinila na ni Nathan si Samantha palayo upang hindi na magkaroon pa ng mas malaking  iskandalo.

Shaken pa rin dahil sa nangyari, naupo muna kami sa tapat ng sarado nang Krispy Kreme upang kalmahin ang mga sarili. Matagal kami roon, tahimik at parang walang gustong magsalita.

At dahil nagsisimula nang magpatay ng ilaw ang mall, niyaya ko na siyang umuwi. Deep inside, nalulungkot ako sa nangyari dahil sinira niyon ang importanteng araw sa buhay ni Paul na pinlano ko pa naman upang maging masaya at memorable.

Habang naglalakad papunta sa may sakayan biglang tumigil si Paul at hinawakan ako sa kamay.

“Greg, I’m really sorry for what has happened, and for not telling you that I already broke up with her dahil alam ko na tapos na ang lahat sa amin.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kahit ang daming tanong sa aking isip. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

“Even though I treated you badly at first, you didn’t give up on me. Everytime we’re together, I cannot explain the happiness I feel. Even the simple things we share seems so special.”

Bigla niya akong niyakap kaya tuluyan na akong hindi nakapagsalita.

“Sigurado ako sa nararamdaman ko and I don’t care kung ano man ang sabihin ng ibang tao. I want you to know that… I love you.”

Nananaginip ba ako? Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

“Mahal kita,” ang ulit niya. “Mahal mo rin ba ako?”

“Yes.” Natagpuan ko rin ang aking tinig. “I love you, too.”

“Mula ngayon, ikaw na at ako. And I promise, gagawin ko ang lahat para mapaligaya ka.”

Bumitiw kami sa pagkakayakap. Subalit nanatiling magkahawak ang aming mga kamay nang magpatuloy kami sa paglalakad.

Napakaaliwalas ng gabi. Bilog ang buwan at tila sadyang tinatanglawan ang aming landas. Ang marahang hihip ng hangin ay tila haplos sa aking puso na walang pagsidlan ng galak.

Afterall, that day -- his birthday and the day we became officially together --  was meant to be the happiest and most memorable of our lives.

At hindi ko pinlano iyon.

=== 

Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com.  

12 comments:

JJ Roa Rodriguez said...

That was quite a story... Love it!..

JJRod'z

Aris said...

@jj roa rodriguez: thanks, jj. siguradong masaya si marky dahil nagustuhan mo ang kanyang kuwento. :)

amver said...

nice story... kudos sa guest blogger mu aris... sweet story.. btw i went to malate last sat for the black party... i thought i will see you there ahahahha just wanna see you in person..

Aris said...

@amver: on behalf of marky, thank you. absent ako sa black party last saturday. i decided to just stay home and rest. i hope you had a great time. looking forward din ako to meet you. darating din ang tamang panahon. hehe! ingat always. :)

Carlito said...

Panalo 'to. Ganda ng kwento. :) I wish the best for Greg and Paul. ;)

Aris said...

@carlito: thank you for dropping by. i am glad you enjoyed marky's story. :)

Adventure said...

nice... :)) bitin! hehehe.. cheers!

gheo cute said...

I like the story, I was reading it while am at work nakaakatuwa .

Denzhel said...

Kilig! Sana magkaganyan din ako pag nagwowork na ako.

aloneforeva said...

Cute ng story. May karugtong pa ba?

nekui-demigod said...

ganda astig!

nekui-demigod said...

ganda astig!