Saturday, October 6, 2012

Roadside Inn Cafe 2

“I should have known,” ang sabi ni Stanley. “That kare-kare. Ikaw lang ang may timplang ganoon.” Nasa terraza na sila, magkaharap sa isang pandalawahang mesa at nagkakape.

“Ganoon pa rin ba ang lasa?” ang tanong ni Edgar.

“Katulad pa rin ng dati. Katulad ng iniluluto mo sa akin noon. ”

“Buti naaalala mo pa.”

“Paano ko malilimutan?”

Nagtama ang kanilang mga mata subalit kaagad ding naglayo.

Patlang.

Sabay silang humigop ng kape -- to fill in the gap at upang madisimula ang kanilang pagka-awkward.

Naglabas ng sigarilyo si Stanley. Inalok niya si Edgar.

Umiling ito. “I don’t smoke.”

“Oh, yeah. Sorry.” Nagsindi si Stanley.

“Itinigil mo na ‘yan noon, di ba?” ang sabi ni Edgar.

“I started smoking again nang maghiwalay tayo,” ang sagot ni Stanley. “Stress. Tension. Depression. I had all the reasons.”

Gustong sabihin ni Edgar: Ako rin naman na-depress nang maghiwalay tayo pero wala akong ginawang self-destructive. Subalit hindi siya umimik at pinanood na lamang si Stanley sa paghithit-buga ng usok.

“And so, how are you?” Muling nagsalita si Stanley.

“I am fine.” Pinilit ni Edgar ang ngumiti. “And you?”

“Okay lang din.”

“So, where are you heading?”

“Naga.”

“Business trip?”

“No. Personal.”

Gustong itanong ni Edgar kung tungkol saan iyon pero naisip niya, personal nga kaya hindi na siya dapat mag-usisa. At saka tila walang balak si Stanley na mag-elaborate dahil muli itong nanahimik.

“So, you own this place,” ang sabi nito pagkaraan.

“Yup,” ang sagot ni Edgar, still trying to be cheerful. “Di ba, ang sabi ko sa’yo noon, pangarap ko ang magkaroon ng sariling restaurant at resort?”

“Uhuh. But… this is not a resort.”

“Well, it’s the next best thing. This is all I can afford. But I cannot complain. It is just like having the real thing. And I am happy.” Tila may hollow ring sa kanyang huling tinuran at naging aware siya roon.

“Good to know that,” ang sabi ni Stanley. Subalit sa mga mata nito ay naroroon ang pagtatanong: But are you really?

 Iniwasan ni Edgar na ipagkanulo ang sarili. “Ikaw, masaya ka ba?” ang maagap niyang sabi.

“No, not really.” Unlike him, may guts si Stanley na aminin ang totoo. “The family business I am managing now is doing well. That makes me happy. But I could be happier, you know… kung tayo pa rin hanggang ngayon.”

Patlang muli.

“May trade-off ang success,” ang sabi ni Edgar pagkaraan. “And in our case, iyon ay ang ating paghihiwalay.”

“Hindi tayo dapat nagkahiwalay.”

“It was bound to happen, alam natin iyon.”

“Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang aking mga magulang sa nangyari sa atin.”

“Hindi mo sila masisisi. Kahit ipilit man natin noon, hinding-hindi magiging katanggap-tanggap sa kanila ang ating relasyon.”

“I should have fought for us.”

“We should have. Pero magagawa ba natin iyon? Magagawa mo ba? Saklaw tayo noon ng kanilang kapangyarihan, lalo na ikaw. Chinese ka at may sarili kayong batas -- whatever it is -- tungkol sa… unconventional relationships. Hindi ka maaaring sumalungat o sumuway.”

“Hindi ko kagustuhan ang nangyari,” ang sabi ni Stanley.

“Hindi ko rin kagustuhan iyon. Subalit nang mabunyag ang ating lihim, pinagbantaan nila ako at tinakot. Kaya lumayo ako. ”

“Pinagbantaan din nila akong itatakwil, tatanggalan ng mana. Ipinadala nila ako sa China. Halos isang taon akong nanatili roon. At nang bumalik ako rito, parang walang nangyari. Ibinigay nila sa akin ang pagpapatakbo ng negosyo. Nalibang ako at nakalimot…” Nag-last hit si Stanley sa kanyang sigarilyo bago niya iyon pinatay sa ashtray. “…Or so I thought. Not until today. I just realized that my feelings for you never went away.”

“Ako rin, Stanley. Ako rin,” ang sa wakas ay nagawang sambitin ni Edgar. “But I guess, kailangan na lamang nating tanggapin na tapos na ang ating relasyon. Maayos na tayo ngayon, tahimik na ang ating mga buhay. Mas makabubuting iwasan na lang nating magulo pa.”

“Bakit, ayaw mo na ba?”

“Ayaw ko nang muling masaktan. Ayaw ko na ring umasa sa isang relasyon na wala rin namang patutunguhan.”

“But what we had was beautiful. Maaari nating ibalik iyon.”

“It was good while it lasted. But it’s over now, Stanley. Ang nakaraan ay nakaraan na. I would rather na huwag na nating dugtungan pa. Maaaring hindi lubos ang kaligayahan natin sa  ngayon but we’ll get by. We did get by, didn’t we?”

Hindi sumagot si Stanley. Nasa mukha ang magkahalong lungkot at pagkabigo na hindi nalingid kay Edgar.

“If we still care for each other,  then well and good,” ang patuloy niya na parang kinukumbinsi hindi lamang si Stanley kundi pati ang kanyang sarili. “Maaari pa rin naman nating ipagpatuloy iyon bilang magkaibigan. Nakapag-move on na tayo at huwag na nating balikan ang nakaraan para wala nang kumplikasyon. Okay naman tayo ngayon sa kanya-kanya nating buhay, di ba?

Hindi man sang-ayon, hindi na nag-insist si Stanley. Tuluyan na lamang siyang nanahimik higit lalo nang maisip niya ang kanyang predicament. Nag-aalok siya ng pakikipagbalikan gayong nakakompromiso na siya at maaaring hindi na niya iyon mapaninindigan.

Tila huli na nga yata ang lahat. Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago. Mas makabubuti nga yatang isara na lamang ang kanilang kabanata at ituring na lamang na isang epilogo ang pagkikita nilang iyon.

***    

Nang magpaalam si Stanley na magpapahinga na, nagpaiwan si Edgar sa terraza. Ni hindi siya tuminag upang ihatid ito sa silid.

Nang mapag-isa, ipinagpatuloy niya ang pagkakape. At siya ay nakapag-isip-isip.

There was something wrong about their conversation. Or rather, there was something wrong about him. Hindi siya lubusang nagpakatotoo. Na may halong  pagkukunwari ang kanyang mga huling sinabi. Na hindi iyon ang tunay na nilalaman ng kanyang puso.

Binagabag siya ng kagustuhang maituwid iyon. Naghanap siya ng excuse.

Nakita niya ang naiwang pakete ng sigarilyo sa mesa. Dinampot niya iyon at siya ay tumayo.

Tumatahip man ang dibdib, binagtas niya ang pasilyo patungo sa silid sa dulo.

(May Karugtong)

Part 3

8 comments:

Anonymous said...

Kakasabik naman ang susunod na kabanata. Parang nakikinikita ko na ang susunod na mangyayari. Drama at intriga dahil sa kumpirmiso ni Stanley. Lalaban kaya sila.

aboutambot said...

I just love it. Tatak Aris talaga.

Thanks Aris.

aboutambot said...

Tatak aris talaga!

amver said...

woah... excited for the next chapter... it seems so real... wihh... :D may twitter ka idol?

citybuoy said...

Iba ka talaga mambitin! Masakit sa puson! haha

BUJOY said...

yih! nasisense ko na ang susunod na eksena. Haha.Namiss ko to, ang magbasa ng blog mo Aris, its been a while din.:)

Anyway heres my new url http://www.akobujoy.blogspot.com/
pinalitan ko lang pero same blog pa din.hope you follow me ulit. thanks!

Aris said...

@citybuoy: sige na nga, dudugtungan ko na kaagad para mawala na ang pananakit na yan. haha! :)

@bujoy: welcome back, bujoy. basta mag-enjoy ka lang sa pagba-backread. na-follow ko na ang bago mong blog at na-update na rin kita sa links. :)

Aris said...

@anonymous: abangan! :)

@aboutambot: thanks a lot. hehe! :)

@amver: sana magustuhan mo rin ang next chapter. sorry, wala akong twitter.