Friday, October 26, 2012

Reunion

I felt like a movie star pagpasok ko sa venue. Pinigil ako ng mga potograpo upang kuhanan ng litrato sa backdrop na nagsasabing: “Batch 2002: Ten Years After…” It was a glittering, glamorous affair na kung saan posturado ang lahat nang dumalo.

Nakipagpalitan ako ng hellos, hugs at besos sa mga dating kasamahan. Nakipagkuwentuhan, nakipagtawanan, nakipag-trip down memory lane habang painom-inom ng beer, vodka, tequila at rhum.

Nakikipagsayawan na ako at high na sa epekto ng alak nang ikaw ay dumating. Tinapik mo ako sa balikat habang nakatalikod. At nang ako ay pumihit, ako ay nagulat. Napatitig sa iyong mukha na parang hindi makapaniwala.

“Hey!” ang iyong sabi, nakangiti. At bago pa ako nakahuma, niyakap mo ako, mahigpit.

Yumakap na rin ako at lalong na-high sa init na hatid ng iyong mga bisig. Mabilis na nagbalik ang mga alaala ng ating nakaraan. Sa isang iglap, muling nanariwa ang pangungulila na idinulot ng ating naging paghihiwalay.

“Kumusta ka na?”

“Mabuti. Ikaw?”

Nag-usap tayo nang cordial.

Umusad ang gabi at ako ay hindi na napanatag, sinundan-sundan ka ng mga sulyap habang abala sa pakikipag-sosyalan.

Hindi mo na ako muling nilapitan kaya ang pananabik ko sa iyo ay sinupil ko na lamang. Ipinaalala ko sa sarili: Matagal na tayong tapos, marami na ang nabago, nag-move on ka na at wala na akong dapat asahan.

Nagpasya na akong umalis. Subalit muli tayong pinagtagpo sa may pintuan.

“Are you leaving na?” ang iyong tanong.

“Yeah,” ang aking sagot.

Saglit na nanuot sa akin ang iyong titig.

Muli mo akong niyakap. Mas mahigpit. Mas matagal. Nag-brush ang mga labi mo sa aking pisngi. “You take care always, ok?”

Tumango ako at pilit ngumiti bago kumalas.

Habang nagda-drive pauwi, tinugtog sa radyo ang kanta natin noon.

Hindi ko na napigil ang mga luha ko sa pagpatak.

4 comments:

Anonymous said...

Short but sweet. Bittersweet, actually.

-- Ash =)

Anonymous said...

na-feel ko ang story. na-sad ako.

Cristina said...

Let go. It has been ten years.

Good story, anyway. :)

Eri Perry said...

Ouch!Short pero damang dama.