Wednesday, May 29, 2013

San Marino Summer 3

Nakahiga siya sa beach at hindi maiwasang muli ay bagabagin siya ng alaala ni Gerard. Naiisip niya na hindi man lang sila nakapag-usap pagkatapos ng insidenteng iyon. Magtatapos na kasi ang school year at pareho na silang naging abala sa finals. At saka umiwas din siya. Pati sim card, nagpalit siya. Ayaw niya kasing makipag-usap dahil baka kung anu-anong masasakit na salita lang ang masabi niya.

Pero aaminin niya, mahal niya pa rin si Gerard at nami-miss niya. Sa mga ganitong pagkakataon na napakaganda ng kapaligiran, nawi-wish niya na sana magkasama sila.

Napabuntonghininga siya. Tama ba ang ginawa niya? Ang talikuran ito na hindi niya man lang binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag? Heto na naman siya, pinagdududahan ang kanyang naging pasya. Bakit hindi niya na lang kalimutan si Gerard? Sinaktan siya nito. Pinagtaksilan. Huling-huli niya.

Pumikit siya, mariin. Pilit niyang kinaklaro ang kanyang isip. Pinakinggan niya ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Dinama niya ang ihip ng hangin. Nakadama siya ng kapanatagan.

Unti-unti na siyang hinihila ng pagkakaidlip nang maramdaman niya na may taong nakatayo malapit sa kanyang kinahihigaan.

Dahan-dahan siyang nagmulat.

Naroroon ang isang lalaki. Makisig. Maskulado. Hubad-baro. Bata pa ito at sa tantiya niya ay ilang taon lang ang tanda sa kanya.

Sandaling tumigil ang tibok ng kanyang puso at siya ay napasinghap. Nananaginip ba siya?

Ang lalaking nakatunghay sa kanya ay kamukhang-kamukha ni Gerard!

Napabalikwas siya. Subalit bago pa man siya nakapagsalita ay tumalikod na ang lalaki at humakbang palayo sa kanya. Hinabol niya ito ng tingin habang duda pa rin kung namamalikmata lamang siya.

Ganoon ba niya ka-miss si Gerard kung kaya nakikita niya ang mukha nito sa iba?


*** 


Bandang dapithapon, natiyak niya na hindi siya pinaglalaruan ng kanyang guni-guni.

Pagdungaw niya mula sa veranda ng bahay, muli niyang nakita ang lalaki. Kausap ito ni Dolores sa may gate. Nag-aagaw man ang dilim at liwanag, hindi niya maipagkakamali ang features nito na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Nagmamadali siyang bumaba upang mapagmasdan ito nang malapitan. Subalit bago pa man niya narating ang gate, papaalis na ito. Muli, wala siyang nagawa kundi habulin ng tingin ang paglayo nito.

“Tiyang, sino ‘yun?” ang tanong niya.

“Si Lucas.”

Gusto niya pa sanang magtanong tungkol sa lalaki subalit tumalikod na si Dolores upang bumalik sa bahay.

Nang gabing iyon, binagabag siya ng imahe ni Lucas. Hindi ito mawala sa kanyang isip.

Siguro dahil kamukha ito ni Gerard.

Subalit nang paligayahin niya ang kanyang sarili – oo nga at mukha ni Gerard ang nasa kanyang isip – ang maskuladong katawan ni Lucas ang kinatalik niya sa kanyang imahinasyon!

(Itutuloy)

Part 4

Sunday, May 26, 2013

San Marino Summer 2

Mainit ang naging pagtanggap ng mga kamag-anak na sumalubong kay Adrian.  Kaagad siyang dinala sa ancestral house na kung saan nakahanda ang isang masaganang tanghalian. Halos naroroon ang kanilang buong angkan – mga lolo, lola, tiyuhin, tiyahin at mga pinsan – upang siya ay i-welcome.

Nakilala niya ang tiyahin niyang ikakasal, si Rosario, na halos hindi nagkakalayo ang kanilang edad dahil bente-dos anyos lamang ito. Nakilala niya rin ang nakatatandang kapatid ng kanyang ama, si Dolores na sinasabing nag-alaga sa kanya noong huling bumisita sila dito.

Magaan kaagad ang loob niya kay Dolores. Dama niya ang pagka-free-spirited nito. Hindi kagaya ng iba niyang mga tiyahin na medyo mahiyain, napaka-bubbly nito at siya ay asikasong-asikaso.

Napag-alaman niya na hindi sa ancestral house nakatira si Dolores. Mayroon itong sariling bahay sa tabing dagat. Dito niya piniling tumuloy dahil gusto niyang mapalapit sa dagat. Natuwa si Dolores dahil matandang dalaga ito at mag-isa lang sa bahay.

Pagkapananghali ay kaagad na silang nagpaalam. Medyo malayo sa mga kamag-anakan ang bahay ni Dolores. Kinailangan pa nilang bumiyahe sakay ng owner-type jeep. Nadaanan nila ang tinatawag na Long Beach, ang tourist area na kung saan naroroon ang concentration ng mga resort, bar at restaurant. Naisip niya si Dave na nang mga sandaling iyon marahil ay nakahanap na nang matutuluyan.

Ilang sandali pa ay lumiko na sila sa isang niyugan, nilandas nila ang isang baku-bakong daan at maya-maya pa ay tumambad sa kanila ang isang cove na kung saan sa gilid ng bundok ay naroroon at tila inukit ang isang bahay na gawa sa native materials – kawayan, pawid at sawali. Di pangkaraniwan dahil ito ay built-around sa natural na kapaligiran.  Malalaki ang mga bintana na nakukurtinahan ng mga pinagtuhug-tuhog na kabibe. Ang dalawang palapag na bahay ay may veranda sa itaas na nakaharap sa dagat at mistulang bahay-bakasyunan.

“Nagustuhan mo ba ang bahay ko?” ang tanong ni Dolores nang makapasok na sila sa loob.

“Sobrang ganda, Tiyang,” ang sagot niya. “Maaari na akong tumira rito habang-buhay.”

Natawa si Dolores sa sagot niya. “Eksaherado ka naman.”

“Serious ako, Tiyang. Ganito ang dream house ko.”

“Mabo-bore ka lang dito kinalaunan.”

“Bakit, ikaw, Tiyang, nabo-bore ka ba rito?”

“Hindi naman. Nasanay na ako.”

Pinagmasdan niya ang tiyahin at nakita niya na sa kabila ng pagiging mas matanda nito sa kanyang tatay, maganda pa rin ito at mukhang bata sa edad na kuwarenta y dos. Sa kabila ng pagtira sa probinsiya, makikita mong hindi nito pinababayaan ang sarili at maayos ito maging sa pananamit.

Hindi na nagtaka si Adrian kung bakit naiiba ang bahay ni Dolores. Dahil alam niya na sa magkakapatid, naiiba rin ito. Matagal niya nang naririnig sa kanyang ama na si Dolores ang black sheep ng pamilya. Moderno ang pananaw nito at madalas sumuway sa mga magulang nila noon. Kahit tutol ang ama, nag-abroad ito. At pagkaraang mamalagi nang matagal sa ibang bansa, umuwi ito at pumirmi na sa probinsiya. Nagpatayo ng sariling bahay at namuhay mag-isa. Sa kabila ng maraming manliligaw, nanatili itong dalaga hanggang sa tumanda.

Sa kabila ng mga kuwento ng pagiging kakaiba ng kanyang Tiya Dolores, magaan ang loob niya rito. Siguro dahil alam niyang bukas ang isipan nito. At sa isang katulad niya na kakaiba rin dahil sa kasarian niya, pakiramdam niya, may pagkakapareho sila. At sakali mang malaman nito ang lihim niya, naniniwala siyang maiintindihan siya nito.

“Magsu-swimming ka ba?” ang tanong ni Dolores.

“Opo, Tiyang,” ang sagot ni Adrian.

“Huwag mong kalilimutang mag-sunblock. Napakakinis pa naman ng iyong balat.”

Natigilan siya sa sinabi ng kanyang tiyahin.

“Alagaan mo na ang kutis mo habang bata ka pa. Ano bang cream ang gamit mo?”

Gusto niyang malaglag sa kanyang kinauupuan. Dahil sa tanong na iyon, napag-isip siya: alam na ba nito kung ano siya?

Umiwas siya. Hindi iyon ang tamang panahon para sa pangungumpisal niya.

“Magbibihis muna ako, Tiyang.”

“O, sige. Ipaghahanda kita ng meryenda.”

Pumasok na siya sa silid.

Nang magpapalit na siya ng panligo, saka niya napansin na ang nadala niyang swimming trunks ay ang regalo sa kanya ni Gerard. Hindi niya naiwasang muling maisip ang ex-boyfriend. Nagbalik sa kanyang alaala ang tagpong iyon ng kanilang pagkakasira.

***

Alalang-alala siya noon kay Gerard dahil may sakit ito kaya umabsent siya sa huling subject niya at umuwi nang maaga sa boarding house nila. May dala pa siyang pagkain at gamot.

Subalit nagulat siya sa kanyang dinatnan.

Katabi ni Gerard sa kama si Yvonne, ang boardmate nila na may matinding crush dito. Magkayakap na natutulog ang dalawa. Nakadamit naman pareho pero malay ba niya kung katatapos lang nitong mag-ano.

Saklot man ng galit at panibugho ang kanyang puso, tinimpi niya pa rin ang kanyang emosyon. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid, inilapag ang pagkain at gamot sa mesa, binuksan ang cabinet, kinuha ang kanyang maleta at tahimik siyang nag-impake.

Tapos na siyang ayusin ang mga gamit nang sabay na magising ang dalawa. Nagulat si Gerard pagkakita sa kanya. Gayundin si Yvonne. Kaagad na nagkalas sa pagkakayakap ang mga ito.

Hindi siya nagsalita subalit matalim at nanunumbat ang kanyang mga mata.

“It’s not what you think,” ang sabi ni Gerard. “Let me explain.”

Tahimik si Yvonne na hindi niya alam kung dahil sa sindak o sa pagdiriwang ng kalooban.

Tumayo siya, binitbit ang kanyang mga gamit at dumiretso sa pinto.

“Adrian, saan ka pupunta?”

“Tapos na sa atin ang lahat, Gerard. This is goodbye.”

Pinihit niya ang seradura ng pinto at tuluyan na siyang lumabas.

Hindi siya hinabol ni Gerard. 

At nang nasa taksi na siya, saka siya napaiyak. 

(Itutuloy)

Part 3

Friday, May 24, 2013

San Marino Summer


Ang San Marino sa lalawigan ng Quezon ay isang resort town. Tanyag sa pagkakaroon ng white sand beaches na maihahalintulad sa Boracay. Dinarayo ng mga turista lalo na ng mga taga-Maynila dahil accessible at hindi na kailangang mag-eroplano o magbangka. Isang sakay lang ng bus mula Cubao o Pasay, pagkaraan ng apat na oras, naroroon ka na.

Nagpunta si Adrian sa San Marino upang dumalo sa kasal ng kanyang tiyahin na bunsong kapatid ng kanyang ama. Taga-roon kasi ang angkan nila. Nasa ibang bansa ang kanyang ama at dahil hindi makapag-leave sa trabaho ang kanyang ina, siya ang naatasang kumatawan sa kanilang pamilya. At dahil summer naman at wala siyang pasok, pumayag siya dahil gusto niya ring magbakasyon. At makalimot. Dahil bago nagsara ang klase, nag-break sila ni Gerard.

Pagbaba ni Adrian sa bus ay kaagad niyang nalanghap ang simoy ng dagat at nadama ang haplos nito sa kanyang balat. Hindi niya naiwasang ma-excite dahil hindi niya inaasahang gayon kaganda ang lugar, higit na maganda sa mga kuwentong naririnig niya at sa larawang nabuo sa imahinasyon niya. Maituturing na first time niya sa San Marino dahil noong una siyang dinala rito ng kanyang ama, masyado pa siyang bata upang iyon ay maalala.

Kasunod niyang bumaba sa bus si Dave. Kagaya niya ay napangiti ito habang pinagmamasdan ang paligid. Sa kabila ng papatinding tag-init, tila higit na luntian ang mga halaman at puno sa San Marino. Tila higit ding mabulaklak ang mga bogambilya, gumamela at santan na nagbibigay-kulay at rikit sa gilid ng mga daan at sa mismong terminal. 

“Wow, ang ganda nga rito!” ang bulalas ni Dave.

“Oo nga,” ang sang-ayon ni Adrian. “I can’t wait to hang out by the beach.”

Hindi talaga sila magkasama. Nagkatabi lang sila sa bus, nagkakuwentuhan at nagkapalagayang-loob. Bakasyunista si Dave at ngayong summer, napagpasyahan niyang mag-out-of-town nang mag-isa. Gusto niya lang magkaroon ng “me” time ngayong single na uli siya. LDR is not for him kaya nang finally ay matuloy sa States ang kanyang dyowa, nakipag-break siya.

Halos magkasing-edad sila – disiotso si Adrian at bente-uno si Dave. Pareho silang matangkad, payat at guwapo. Pareho rin silang PLU. Hindi na nila kinailangang umamin dahil nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanilang lovelife at mga exes, gumamit sila ng mga panghalip na “he” at “him”. Buong biyahe, nagkaroon sila ng bonding kung kaya pagsapit nila sa San Marino, para na silang mag-best friend.

Subalit tila kaagad din iyong mapuputol. Dahil ngayong nakarating na sila, kailangan na nilang magkanya-kanya.

“Saan ka na papunta niyan?” ang tanong ni Adrian.

“Bahala na,” ang sagot ni Dave. “Maghahanap na lang muna ako ng resort na matutuluyan.”

“Will you be alright?”

“Don’t worry about me, I’ll be fine.”

“If you want, I can ask my relatives if you can stay with us.”

“No,” ang mariing tanggi ni Dave. “I can very well manage on my own. Salamat na lang.”

Saglit na nag-hold ang kanilang tinginan.

“Text-text na lang,” ang sabi ni Dave. 

Tinapik siya nito sa balikat bago umalis.

(Itutuloy) 



Part 2

Sunday, May 19, 2013

Disconnect | Bitiw

A Collaboration 
with CITYBUOY

I stumbled out of the bar looking for a cigarette. I had a bottle in one hand and my phone in the other as my arms felt my pockets for a stick. I was sure I had one left but like most things in my life, my last cigarette eluded me and so I sat on the curb resigned.

You’re only worth your last cigarette, I heard a voice in my ear. Sometimes blog posts come to me like that. You’re only worth the contents of your wallet. You’re only as good as your next project, next blog post, next big thing they expect of you. You’re only as good as your capacity to love and right now honey, you ain’t worth shit.

Just as I was about to spiral into self-pity, I start smelling the familiar scent of tobacco smoke. I look up and see a boy, probably in his early 20s, looking nervous as he stood dangerously close to me. I get up, smile, rest my hand on the wall, our faces close to touching. He hands me a cigarette and we smoke until the pack runs out. We talk shit, our fiction mixing with reality. He tells me he’s in college but with pores like that, I knew he was lying. I told him I was a nursing graduate looking for a job. We bullshit each other some more then he asks if I wanted to go somewhere quiet.

The next morning, I wake up and my head feels like it’s been split into two. The motel room is bright as fuck and it’s a struggle to find my clothes. I locate my underwear near the dresser, my pants near the TV, my shirt balled up between the sheets. College boy is still in bed. I plan my quiet exit.

Forgetting something? I look behind me to find college boy with my wallet. By impulse, my right hand flies to my back pocket. Thank you, I say as I take it from him, my voice hoarse from an entire night of abuse.

Am I gonna see you again? he asks. Or is this one of those things? His voice starts to trail off. I never was good at these things. I could tell he was a good kid. Seemed a little fresh off the boat but workable under different circumstances. He lights up a cigarette then offers me one. I reluctantly accept. I don’t know. This seemed nice. Leave me your number and maybe we could do this again some time.

I smile at him, take deep drags off the cigarette then leave a few bills on the table to pay for the room. In my head, I hear Isaac singing.


There’s really no way to reach me.
There’s really no way to reach me.

Because I’m already gone.

*** 

Ibinuhos ko na lamang sa yosi ang inis at disappointment. Tatlong oras na akong nakatayo sa tapat ng bar na kung saan magkikita kami. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, kung bakit hindi siya sumipot. Since last Saturday, matatamis ang naging palitan namin ng mga mensahe at ang inaasahan ko, magkakaayos na kami ngayong gabi.

Pinitik ko ang yosi. Nagpasya na akong umuwi. Papaalis na ako nang mamataan ko ang isang lalaking papalabas ng bar. Bata pa, halos kasing-edad ko lang. Mukhang lasing na. May hawak-hawak na bote ng beer at may kinakapa sa bulsa. Maya-maya, naupo siya sa bangketa, frustrated ang mukha. 

Muli akong nagsindi ng yosi at siya ay aking pinagmasdan. There was something about him na naka-attract sa akin. Guwapo siya pero hindi iyon ang umagaw ng aking pansin kundi ang kanyang mga matang tila may paninimdim. I wondered kung ano ang sanhi niyon, kung bakit tila nag-iisip siya nang malalim. Kagaya ko rin ba siyang naghahanap at hindi makatagpo ng tunay na pag-ibig?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kinakabahan man, nanaig ang aking kagustuhan na siya ay makilala. Naging aware siya sa aking presence at siya ay napatingala. Nagtama ang aming mga mata at saglit akong nawala sa mga titig niya. Tumayo siya at nginitian ako. Ang lapit-lapit namin sa isa't isa, halos magdikit ang aming mga mukha. Nalanghap ko ang kanyang pabango at ang beer sa kanyang hininga.

Dinukot ko sa aking bulsa ang papaubos ko nang Marlboro Black at inialok sa kanya. May relief akong nakita sa kanyang mga mata habang humuhugot ng isang stick sa hawak kong pakete. Agad siyang nagsindi – may lighter siya – at pagkatapos ng paunang hithit-buga ay napatingin sa akin at muling napangiti. Napangiti na rin ako dahil tila pinag-light up ng yosi ang kanina ay malungkot niyang mukha.

Thanks, ang kanyang sabi. I ran out of cigarettes and I really needed a smoke. Muli siyang humithit na sinundan ng pag-inom ng beer.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Whats your name?” ang tanong niya.

Nagsabihan kami ng pangalan at awkwardly ay nagkamay.

Alone?” Muli, nagtanong siya.

Yeah,” ang aking tugon. “Ikaw?

Im with friends. Theyre inside.

Nagpatuloy ang aming pag-uusap. Nagsabihan kami ng edad. Sabi ko, twenty na ako. Pero ang totoo, eighteen lang. Ayoko rin kasing isipin niya na masyado akong bata dahil ang sabi niya, twenty four na siya, nursing graduate at nag-a-apply sa abroad. Hindi siya mukhang nurse. Mas mukha siyang teacher o call center agent dahil inglesero siya at may accent pa kung magsalita.

Tila biglang naglaho ang pagdaramdam ko kanina sa hindi pagsipot ng aking ka-meet. Ang buong atensiyon ko ay natuon sa kanya. At habang nag-uusap kami, higit siyang naging kaaakit-akit sa aking paningin. Nabuhayan ako hindi lamang ng pag-asa kundi ng pagnanasa. At ngayo
y ini-imagine ko na ang kanyang itsura kapag nakahubad sa kama.

Nang maubos ang yosi sa pakete, tila naubusan din kami ng sasabihin. At bago pa maubos ang mga sandali, ako'y nagbakasakali. Inimbita ko siyang sumama sa akin sa isang lugar na tahimik at maaari kaming magkasarilinan. Hindi siya tumanggi.

Malamig ang silid subalit hindi niyon kayang daigin ang init ng aming mga katawan. Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay kaagad kaming naghubad. We
ve done enough talking at wala nang dahilan upang mag-aksaya pa kami ng oras. Nagyakap kami at nagtagpo ang aming mga labi. Nagdaop ang aming mga katawan at nagkiskisan ang maseselan naming bahagi.

Ginawa ko ang lahat upang siya ay mapaligaya. Nagpaubaya siya. Hindi ko alam kung dahil sa siya ay lasing o dahil sa ako ay gusto niya rin.

Ginising ako ng kanyang mga kaluskos. Nang magmulat ako, nakita kong bihis na siya at naghahanda nang umalis.

Hey, ang sabi ko. Nasa may pinto na siya. Nilingon niya ako, mailap ang mga mata. 

Aalis ka na?”

Hindi siya sumagot.

Inabot ko sa bedside table ang kanyang wallet. “Forgetting something?”

Lumapit siya sa akin.

“Thank you,” ang sabi nang mapasakamay ang wallet.

Saglit kaming nagkatitigan. Hindi ko alam kung dahil sa lighting o sa afterglow subalit sa kabila ng kanyang pagiging disheveled ay tila higit siyang naging makisig sa aking paningin. Pinigil ko ang urge na siya ay muling hagkan at yakapin.

Humugot ako ng yosi sa bagong pakete na binili ko bago mag-check-in. Sinindihan ko iyon at iniabot sa kanya. Tila nag-alinlangan pa siya nang iyon ay kanyang tanggapin. Nagsindi ako ng isa pa para sa akin. Tahimik kami habang sabay na humihithit. Napuno ng usok ang silid at nagmistulang may manipis na ulap sa pagitan namin.

“Magkikita pa ba tayong muli?” ang aking tanong. “O hanggang dito na lamang...?”

Mataman niya akong pinagmasdan. “I don’t know,” ang kanyang sagot.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata. Nagsimula akong makaramdam ng panlulumo.

Iniiwas niya ang kanyang tingin. “This seemed nice. Leave me your number and maybe we can do this again sometime.”

Hindi ako kumibo. Muli, ang pamilyar na pakiramdam ng pagkabigo.

Ngumiti siya sa akin. Dumukot ng pera sa kanyang wallet at inilapag sa side table. “My share for the room,” ang sabi.

Tinungo niya ang pinto. Saglit na tumayo roon, tumingin sa akin na parang hinihintay kung mayroon pa akong sasabihin.

Tahimik pa rin ako, pigil ang anumang emosyon.

Bumitiw siya ng tingin at tuluyan nang umalis.

Naiwan akong nakatitig sa hangin. 

Hindi ko alam kung bakit parang may masakit.

Monday, May 13, 2013

Roadside Inn Cafe 5

Naghapunan sila nang sabay subalit pareho silang tahimik. Kung mayroon man silang naging imikan iyon ay babahagya lamang at tungkol sa ibang bagay na walang kinalaman sa napag-usapan nila, na para bang pareho nilang iniiwasan na iyon ay madugtungan pa at may masaling na mga damdaming hindi na dapat mabuksan.

Hindi na nagulat o nagtaka si Edgar nang sabihin ni Dante na hindi ito mag-o-overnight. Alam niyang hindi iyon ang plano subalit hindi niya ito masisisi kung biglaan mang nagbago. Given their circumstance, magiging awkward na at mas mahirap pa kung magpalipas sila ng gabi sa iisang bubong. What for? Kailangan pa ba nilang pahabain ang break-up drama? Sapat na iyong nag-dinner sila at nagpaka-civil sa sandali ng kanilang paghihiwalay.

Hinanap ni Edgar sa sarili ang malungkot o masaktan subalit hindi niya iyon natagpuan. Kahit na nang magpaalam na sa kanya si Dante at tuluyan nang lumisan. Tinatanaw niya ang paglayo nito ay nananaig sa kanyang kalooban ang katiyakan na tama ang kanyang ginawa. Unfair na magpatuloy sila ni Dante gayong alam niya na hindi niya ito mahal.

Isang sasakyan ang kaagad na pumarada sa parking slot na nabakante ng sasakyan ni Dante. Pinagmasdan ni Edgar ang isang parehang bumaba mula rito. Mga biyaherong pa-Maynila, ang naisip niya, batay sa direksiyong pinanggalingan nito. Isang lalaki at isang babae, halos kasinggulang niya. Ang lalaki ay maitim at pinoy na pinoy samantalang ang babae ay maputi at tsinitang-tsinita. Umakbay ang lalaki sa babae at ang babae naman ay kumapit sa baywang ng lalaki. Obvious na mag-syota sila -- o mag-asawa -- at kahit tila may pagkaligalig sa kanilang mga mukha, hindi maitatangging sila ay masaya. Sa kabila ng pagiging magkaiba ng lahi at itsura. 

Parang sila noon ni Stanley.

Doon nagsimulang makadama ng kirot si Edgar. Hindi para kay Dante kundi para kay Stanley.  

Si Stanley na tunay niyang inibig. Si Stanley na ngayo'y alaala na lamang ng isang nakaraan. 

Masakit, mahapdi ang sugat na muling nabuksan.

*** 

Maghihilom din siya, alam niya. Subalit hindi niya inaasahan na iyon ay magiging daglian.

Nagdadapithapon na naman. Pagkaraang maging abala sa paghahanda ng mga ulam para sa kanyang restaurant, nakadama siya ng pagod kasabay ang muling paggapang ng lungkot. Pilit niyang iwinaksi iyon. Tumulong siya sa pagliligpit sa kusina. Sa paglilinis. Sa paghuhugas. Anything upang malibang ang kanyang isip.

Nagtatanggal siya ng apron nang sumilip si Mercy sa kitchen.

Somebody here to see you, ang sabi.

Parang replay kahapon.

Subalit hindi kagaya kahapon, wala siyang nadamang kabog sa kanyang dibdib. 

Give me a minute, ang sabi niya kay Mercy.

Si Dante ang naisip niyang nagbalik. Naghanda siya upang ito ay harapin. Walang pagbabago sa kanyang desisyon at kung hindi man naging sapat ang pag-uusap nila kahapon, mas makabubuti na ring magkaroon siya ng pagkakataon upang makapagpaliwanag muli at maipaintindi rito kung bakit kailangan niyang gawin iyon. 

Lumabas siya ng kusina. Nakakailang hakbang pa lamang siya patungo sa reception nang siya ay matigilan.

Hindi si Dante ang kanyang nabungarang naghihintay roon.

Kundi si Stanley.

*** 

What are you doing here? Ang bulalas ni Edgar. Today is your wedding day!

Wala nang kasalan, ang sagot ni Stanley. Hindi na tuloy.

What are you saying? Ano'ng nangyari?

The bride ran away.

What???

Gayundin ang groom. But of course, separately!

*** 

Dinala ni Edgar si Stanley sa veranda upang makapag-usap sila nang sarilinan.

Pagdating ko sa Naga, nagkakagulo sila, ang patuloy ni Stanley. Nawawala si Mei, my wife-to-be. Nagtanan. Sumama sa kanyang boyfriend na tinututulan ng mga magulang dahil purong Pinoy. 

Nakikinig lang si Edgar. 

Sa gitna ng kaguluhan, I just walked away. Dahil katulad ni Mei, I just wanted to be free. You see, habang nagda-drive ako papunta roon, nakapag-isip-isip ako. At nakapagdesisyon. Ayoko nang magpakasal. Ayoko nang maging sunud-sunuran sa kagustuhan ni ama. Itakwil man niya ako, tanggalan ng mana, hindi na mahalaga. Ang mahalaga sa akin ay ang maging malaya at maligaya.

Dama ni Edgar ang pag-uumahon sa dibdib ng damdaming hindi niya maipaliwanag.

Kaya naririto ako ngayon, nagbabalik sa'yo. Dahil ikaw lang ang tanging makapagpapaligaya sa akin. After all these years, ikaw lang ang minahal ko. Kung hindi man kita naipaglaban noon, ngayon ay tinatalikuran ko na ang lahat-lahat, pati pamilya ko, alang-alang sa'yo.

Hindi makapagsalita si Edgar. Tila nagbabara ang kanyang lalamunan sa labis na emosyon.

Hinding-hindi na kita iiwan, ang patuloy ni Stanley. “Mahal na mahal kita, Edgar, at nais kong tayo ay magpatuloy. Maaari pa ba?

Napatango na lamang si Edgar habang namumuo ang luha sa mga mata.

Niyakap siya ni Stanley. Mahigpit.

Yumakap na rin siya. At hindi na niya napigil ang pag-iyak.

***    

They had a leisurely dinner afterwards.

Siyanga pala, ang sabi ni Stanley. On my way here, I made a little side trip.

Saan?

Sa Camarines Norte. I checked out the beaches there na nagsisimula nang maging tourist spots.

Oh, yeah?

Yeah. White sand beaches. Comparable to Puerto Galera or Boracay.

Nice.

And I found this beachfront property that's for sale.

Really?

I want you to see it.

Why?

Because I want to buy it... for you.

Natigilan si Edgar, namilog ang mga mata.

Hindi ba't matagal mo nang pangarap ang magkaroon ng sariling beach resort? ang tanong ni Stanley sa kanya.

Yeah... Napatango-tango siya, dahan-dahang napangiti. 

We're going to make it happen. 

Are you serious? Ngiting-ngiti na siya.

Of course I am. I've saved enough. And I think it's a good investment.

I... I don't know what to say.

I just want you to be happy.

I am happy.

I'll do anything to make you happy.” 

Ginagap ni Stanley ang kanyang kamay.

Napatitig na lamang siya rito nang buong pagpapasalamat.


Wednesday, May 1, 2013

Oh Boy! (Repost)

Nasa bakasyon ako nitong nagdaang Sabado kaya hindi ako nakadalo sa closing party ng Bed. Nakalulungkot isipin na tuluyan nang nagdilim ang aandap-andap na ilaw ng lugar na kung saan napakarami kong makukulay na alaala at karanasan. Bilang pamamaalam at paggunita, nais kong ibalik ang isa sa mga kuwento ng aking kabaliwan, noong ang Bed ay buong-ningning pang namamayagpag at ang Malate ay hindi pa nag-aagaw-buhay.

*** 

Pagkaraang mag-perform ng “Waray-waray” at “Where Is My Man” ang mga drag queens as a tribute to Eartha Kitt, balik-hataw sa dancefloor at ledge ang mga tao sa Bed. Kapapasok lang namin dahil napatagal ang inuman at kwentuhan namin sa Silya. Mga 1:30 a.m. na yata yun. Medyo may tama na kami sa beer pero nag-Blue Frog pa kami. Hinay-hinay ako sa pag-sip dahil ayokong tuluyang malasing.

Napasigaw ng “Woohoo!” ang marami kabilang na kami sa pagtugtog ng “Single Ladies” na tila pambansang awit ngayon ng mga bading. Napasayaw na rin kami dahil, come to think of it, lahat kami sa barkadahan nang gabing iyon, single! Uso yata ngayon ang pagiging single kaya ang daming nakaka-relate sa kanta ni Beyonce. Pati na rin sa bonggang choreography.

Mukhang in fighting form ang mga kaibigan ko. Kaagad silang nakapag-connect nang gabing iyon. Pagtingin ko, may mga kasayaw at kabulungan na sila. Napag-iwanan ako.


Kaya umakyat na lang ako sa ledge. At least doon, di halatang mag-isa ako. Siksikan at maraming nagsasayaw. (Napansin ko lang, masyado nang maraming umaakyat at nagsasayaw ngayon sa ledge. Hindi katulad dati na kailangan pang mang-entice ng mga Go-Go Boys para may umakyat.) At dahil hindi na according to beauty (choz!) ang accommodation ngayon sa ledge, I had to elbow my way in para makasingit. At doon, nakilala ko si Dax.

Nasa harap ko siya, nakatalikod sa akin. Sa una’y nagba-brush lamang ang likod niya sa dibdib ko habang nagsasayaw pero kinalauna’y naka-lean na siya sa akin. Patingin-tingin siya at pangiti-ngiti. Maya-maya’y hinahalikan ko na siya sa batok at sa leeg. Hindi nagtagal, magkaharap at magkayakap na kami at sa labi ko na siya hinahalikan.

Hindi masyadong matangkad si Dax pero cute siya. Kamukha siya ng crush ko noon sa college. Mukha siyang bagets pero ang sabi niya, 24 na siya. Gustung-gusto ko ang kapilyuhan sa mukha niya na nagpapatingkad sa boyish appeal niya.

Ang sikip sa ledge kaya hinila niya ako sa sulok malapit sa DJ’s booth. At doon, sa pagmamalikot ng aming mga kamay, natuklasan ko ang nagko-compensate sa kanyang kakulangan sa height at naintindihan ko kung bakit Dax ang tawag sa kanya.

Umakyat kami ni Dax sa itaas. At doon sa sofa, ipinagpatuloy namin ang “getting to know you”. Usap. Halik. Yakap. Haplos. Parang déjà vu ang nangyari. Lalong-lalo na nang magtanong siya sa akin ng “Can you be my boyfriend?”

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako. The last time na sinagot ko ang tanong na yun, napaso ako.

Inimbita niya ako sa bahay niya. Doon na raw ako matulog. It was very tempting. Naisip ko ang mga bagay na maaari kong gawin sa kanya, gawin niya sa akin at gawin namin sa isa’t isa habang magkatabi kami sa kama.

May mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi at may anticipation sa kanyang mga mata habang hinihintay niya ang sagot ko.

Kahit nag-iinit ako sa lambingan (okay, lampungan) naming dalawa, hindi ko alam kung bakit tumanggi ako sa imbitasyon niya. Self-preservation maybe?

Akala ko, tatayo na siya at iiwan ako pero nag-stay siya. Ipinagpatuloy namin ang exploration. We made the most of our limited opportunity. The more I touched him, the more I liked him. (Aaminin ko, I had thoughts of reconsidering his offer.)

Ang bilis ng oras. Bago namin namalayan, nag-uumaga na pala. Nahanap na rin ako ng aking mga friends na nagyayaya nang lumabas.

He joined us for breakfast. Magkadikit kami habang kumakain. Paakbay-akbay at payakap-yakap siya sa akin. Para kaming mag-boyfriend. Sumailalim siya sa interrogation ng aking mga friends na kaagad na nag-assume na nakipag-on na naman ako overnight. Dax answered and acted as if kami na nga. Sumakay naman ako.

Bago kami naghiwalay, he kissed me on the cheek at pinisil niya ang kamay ko.

“Text-text,” ang sabi niya.

“Yup,” ang sagot ko.

Nang makalayo na ang taksing sinakyan niya, saka ko lang na-realize na hindi kami nakapag-exchange numbers.