with CITYBUOY
I stumbled out of the bar looking for a cigarette. I had a bottle in one hand and my phone in the other as my arms felt my pockets for a stick. I was sure I had one left but like most things in my life, my last cigarette eluded me and so I sat on the curb resigned.
You’re only worth your last cigarette, I heard a voice in my ear. Sometimes blog posts come to me like that. You’re only worth the contents of your wallet. You’re only as good as your next project, next blog post, next big thing they expect of you. You’re only as good as your capacity to love and right now honey, you ain’t worth shit.
Just as I was about to spiral into self-pity, I start smelling the familiar scent of tobacco smoke. I look up and see a boy, probably in his early 20s, looking nervous as he stood dangerously close to me. I get up, smile, rest my hand on the wall, our faces close to touching. He hands me a cigarette and we smoke until the pack runs out. We talk shit, our fiction mixing with reality. He tells me he’s in college but with pores like that, I knew he was lying. I told him I was a nursing graduate looking for a job. We bullshit each other some more then he asks if I wanted to go somewhere quiet.
The next morning, I wake up and my head feels like it’s been split into two. The motel room is bright as fuck and it’s a struggle to find my clothes. I locate my underwear near the dresser, my pants near the TV, my shirt balled up between the sheets. College boy is still in bed. I plan my quiet exit.
Forgetting something? I look behind me to find college boy with my wallet. By impulse, my right hand flies to my back pocket. Thank you, I say as I take it from him, my voice hoarse from an entire night of abuse.
Am I gonna see you again? he asks. Or is this one of those things? His voice starts to trail off. I never was good at these things. I could tell he was a good kid. Seemed a little fresh off the boat but workable under different circumstances. He lights up a cigarette then offers me one. I reluctantly accept. I don’t know. This seemed nice. Leave me your number and maybe we could do this again some time.
I smile at him, take deep drags off the cigarette then leave a few bills on the table to pay for the room. In my head, I hear Isaac singing.
There’s really no way to reach me.
There’s really no way to reach me.
Because I’m already gone.
Ibinuhos ko na lamang sa yosi ang inis at disappointment. Tatlong oras na akong nakatayo sa tapat ng bar na kung saan magkikita kami. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, kung bakit hindi siya sumipot. Since last Saturday, matatamis ang naging palitan namin ng mga mensahe at ang inaasahan ko, magkakaayos na kami ngayong gabi.
Pinitik ko ang yosi. Nagpasya na akong umuwi. Papaalis na ako nang mamataan ko ang isang lalaking papalabas ng bar. Bata pa, halos kasing-edad ko lang. Mukhang lasing na. May hawak-hawak na bote ng beer at may kinakapa sa bulsa. Maya-maya, naupo siya sa bangketa, frustrated ang mukha.
Muli akong nagsindi ng yosi at siya ay aking pinagmasdan. There was something about him na naka-attract sa akin. Guwapo siya pero hindi iyon ang umagaw ng aking pansin kundi ang kanyang mga matang tila may paninimdim. I wondered kung ano ang sanhi niyon, kung bakit tila nag-iisip siya nang malalim. Kagaya ko rin ba siyang naghahanap at hindi makatagpo ng tunay na pag-ibig?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kinakabahan man, nanaig ang aking kagustuhan na siya ay makilala. Naging aware siya sa aking presence at siya ay napatingala. Nagtama ang aming mga mata at saglit akong nawala sa mga titig niya. Tumayo siya at nginitian ako. Ang lapit-lapit namin sa isa't isa, halos magdikit ang aming mga mukha. Nalanghap ko ang kanyang pabango at ang beer sa kanyang hininga.
Dinukot ko sa aking bulsa ang papaubos ko nang Marlboro Black at inialok sa kanya. May relief akong nakita sa kanyang mga mata habang humuhugot ng isang stick sa hawak kong pakete. Agad siyang nagsindi – may lighter siya – at pagkatapos ng paunang hithit-buga ay napatingin sa akin at muling napangiti. Napangiti na rin ako dahil tila pinag-light up ng yosi ang kanina ay malungkot niyang mukha.
“Thanks,” ang kanyang sabi. “I ran out of cigarettes and I really needed a smoke.” Muli siyang humithit na sinundan ng pag-inom ng beer.
Nakatingin lang ako sa kanya.
“What’s your name?
Nagsabihan kami ng pangalan at awkwardly ay nagkamay.
“Alone?” Muli, nagtanong siya.
“Yeah,” ang aking tugon. “Ikaw?”
“I’m with friends. They’re inside.”
Nagpatuloy ang aming pag-uusap. Nagsabihan kami ng edad. Sabi ko, twenty na ako. Pero ang totoo, eighteen lang. Ayoko rin kasing isipin niya na masyado akong bata dahil ang sabi niya, twenty four na siya, nursing graduate at nag-a-apply sa abroad. Hindi siya mukhang nurse. Mas mukha siyang teacher o call center agent dahil inglesero siya at may accent pa kung magsalita.
Tila biglang naglaho ang pagdaramdam ko kanina sa hindi pagsipot ng aking ka-meet. Ang buong atensiyon ko ay natuon sa kanya. At habang nag-uusap kami, higit siyang naging kaaakit-akit sa aking paningin. Nabuhayan ako hindi lamang ng pag-asa kundi ng pagnanasa. At ngayo’y ini-imagine ko na ang kanyang itsura kapag nakahubad sa kama.
Nang maubos ang yosi sa pakete, tila naubusan din kami ng sasabihin. At bago pa maubos ang mga sandali, ako'y nagbakasakali. Inimbita ko siyang sumama sa akin sa isang lugar na tahimik at maaari kaming magkasarilinan. Hindi siya tumanggi.
Malamig ang silid subalit hindi niyon kayang daigin ang init ng aming mga katawan. Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay kaagad kaming naghubad. We’ve done enough talking at wala nang dahilan upang mag-aksaya pa kami ng oras. Nagyakap kami at nagtagpo ang aming mga labi. Nagdaop ang aming mga katawan at nagkiskisan ang maseselan naming bahagi.
Ginawa ko ang lahat upang siya ay mapaligaya. Nagpaubaya siya. Hindi ko alam kung dahil sa siya ay lasing o dahil sa ako ay gusto niya rin.
Ginising ako
ng kanyang mga kaluskos. Nang magmulat ako, nakita kong bihis na siya at
naghahanda nang umalis.
“Hey,” ang sabi ko. Nasa may pinto na siya. Nilingon niya ako, mailap ang mga mata.
“Aalis ka na?”
“Aalis ka na?”
Hindi siya
sumagot.
Inabot ko sa
bedside table ang kanyang wallet. “Forgetting something?”
Lumapit siya sa
akin.
“Thank you,”
ang sabi nang mapasakamay ang wallet.
Saglit kaming
nagkatitigan. Hindi ko alam kung dahil sa lighting o sa afterglow subalit sa
kabila ng kanyang pagiging disheveled ay tila higit siyang naging makisig sa
aking paningin. Pinigil ko ang urge na siya ay muling hagkan at yakapin.
Humugot ako
ng yosi sa bagong pakete na binili ko bago mag-check-in. Sinindihan ko
iyon at iniabot sa kanya. Tila nag-alinlangan pa siya nang iyon ay kanyang tanggapin. Nagsindi ako ng isa pa para sa akin. Tahimik kami habang sabay na
humihithit. Napuno ng usok ang silid at nagmistulang may manipis na ulap sa pagitan
namin.
“Magkikita pa
ba tayong muli?” ang aking tanong. “O hanggang dito na lamang...?”
Mataman niya
akong pinagmasdan. “I don’t know,” ang kanyang sagot.
Sinalubong ko
ang kanyang mga mata. Nagsimula akong makaramdam ng panlulumo.
Iniiwas niya
ang kanyang tingin. “This seemed nice. Leave me your number and maybe we can do
this again sometime.”
Hindi ako
kumibo. Muli, ang pamilyar na pakiramdam ng pagkabigo.
Ngumiti siya
sa akin. Dumukot ng pera sa kanyang wallet at inilapag sa side table. “My share
for the room,” ang sabi.
Tinungo niya
ang pinto. Saglit na tumayo roon, tumingin sa akin na parang hinihintay kung
mayroon pa akong sasabihin.
Tahimik pa
rin ako, pigil ang anumang emosyon.
Bumitiw siya ng
tingin at tuluyan nang umalis.
Naiwan akong nakatitig
sa hangin.
Hindi ko alam kung bakit parang may masakit.
Hindi ko alam kung bakit parang may masakit.
16 comments:
naalala ko tong story na to ni citybuoy. hindi ko nahulaan na ikaw pala yung irereprise niya.
ang galing nyong dalawa:))
When I first read this, I hardly recognized my own story. I am so amazed at how you breathed your art into this and made it your own.
It was such a pleasure and honor to collab with you, Aris. Sa uulitin ha! At sana hindi taon nanaman ang abutin!
@mots: hello mots. matagal na namin itong binabalak ni nyl. ngayon lang natuloy. at sana masundan pa.
natutuwa ako na nagustuhan mo ang aming ginawa. maraming salamat sa iyong pagbisita. :)
@citybuoy: sa sobrang galing mong magsulat, ano pa nga ba ang mangyayari kundi ang ma-inspire ako ng mga kuwento mo.
salamat sa pagkakataong ito. kung hindi ako nagkakamali, napag-usapan natin ito sa poolside party ni yj noon pang 2011. hahaha! ganoon na katagal, ngayon lang nangyari.
sana masundan pa ito. at sana sa susunod, magawa ko pa nang mas mahusay. :)
My gosh, Aris. Ang talas ng memorya mo! Oo, that was two years ago. Sana di abutin ng 2 years yung next collab natin.
Ituloy natin yung plano ha. Naeexcite ako. Lakas maka-artist!
@citybuoy: excited din ako. we'll do it again soon! umaapaw na ako ngayon sa ideas. :)
Nice one there! ang galing! :) - jv
Oooh. Nyete nakarelate ako. Nyahaha!
Neeeeext puhleeeez! Hehe.
@jv: thanks, jv. i'm glad you liked it. :)
@johnny boy: pinaplano na namin ni nyl ang susunod. sana magawa namin kaagad. hehe! thanks, johnny boy. :)
ayos to ahh. so defensve both yung character mo at character ni citybuoy?
@phioxee: hello, phioxee. welcome to my blog. parehong umiiwas masaktan o magpakita na nasasaktan yung dalawang characters. hehe! :)
This is beautiful. Really.
Sent you an e-mail.
See you soon.
Rovi.
nice story. remarkable. relative to many.
pwede din bang maki collaborate?
@rommel bondoc: thank you, rommel.
surely. send me a story. :)
@rovi: thanks, rovi. see you. :)
I so love it...
@angel: thank you. :)
Post a Comment