Wednesday, May 1, 2013

Oh Boy! (Repost)

Nasa bakasyon ako nitong nagdaang Sabado kaya hindi ako nakadalo sa closing party ng Bed. Nakalulungkot isipin na tuluyan nang nagdilim ang aandap-andap na ilaw ng lugar na kung saan napakarami kong makukulay na alaala at karanasan. Bilang pamamaalam at paggunita, nais kong ibalik ang isa sa mga kuwento ng aking kabaliwan, noong ang Bed ay buong-ningning pang namamayagpag at ang Malate ay hindi pa nag-aagaw-buhay.

*** 

Pagkaraang mag-perform ng “Waray-waray” at “Where Is My Man” ang mga drag queens as a tribute to Eartha Kitt, balik-hataw sa dancefloor at ledge ang mga tao sa Bed. Kapapasok lang namin dahil napatagal ang inuman at kwentuhan namin sa Silya. Mga 1:30 a.m. na yata yun. Medyo may tama na kami sa beer pero nag-Blue Frog pa kami. Hinay-hinay ako sa pag-sip dahil ayokong tuluyang malasing.

Napasigaw ng “Woohoo!” ang marami kabilang na kami sa pagtugtog ng “Single Ladies” na tila pambansang awit ngayon ng mga bading. Napasayaw na rin kami dahil, come to think of it, lahat kami sa barkadahan nang gabing iyon, single! Uso yata ngayon ang pagiging single kaya ang daming nakaka-relate sa kanta ni Beyonce. Pati na rin sa bonggang choreography.

Mukhang in fighting form ang mga kaibigan ko. Kaagad silang nakapag-connect nang gabing iyon. Pagtingin ko, may mga kasayaw at kabulungan na sila. Napag-iwanan ako.


Kaya umakyat na lang ako sa ledge. At least doon, di halatang mag-isa ako. Siksikan at maraming nagsasayaw. (Napansin ko lang, masyado nang maraming umaakyat at nagsasayaw ngayon sa ledge. Hindi katulad dati na kailangan pang mang-entice ng mga Go-Go Boys para may umakyat.) At dahil hindi na according to beauty (choz!) ang accommodation ngayon sa ledge, I had to elbow my way in para makasingit. At doon, nakilala ko si Dax.

Nasa harap ko siya, nakatalikod sa akin. Sa una’y nagba-brush lamang ang likod niya sa dibdib ko habang nagsasayaw pero kinalauna’y naka-lean na siya sa akin. Patingin-tingin siya at pangiti-ngiti. Maya-maya’y hinahalikan ko na siya sa batok at sa leeg. Hindi nagtagal, magkaharap at magkayakap na kami at sa labi ko na siya hinahalikan.

Hindi masyadong matangkad si Dax pero cute siya. Kamukha siya ng crush ko noon sa college. Mukha siyang bagets pero ang sabi niya, 24 na siya. Gustung-gusto ko ang kapilyuhan sa mukha niya na nagpapatingkad sa boyish appeal niya.

Ang sikip sa ledge kaya hinila niya ako sa sulok malapit sa DJ’s booth. At doon, sa pagmamalikot ng aming mga kamay, natuklasan ko ang nagko-compensate sa kanyang kakulangan sa height at naintindihan ko kung bakit Dax ang tawag sa kanya.

Umakyat kami ni Dax sa itaas. At doon sa sofa, ipinagpatuloy namin ang “getting to know you”. Usap. Halik. Yakap. Haplos. Parang déjà vu ang nangyari. Lalong-lalo na nang magtanong siya sa akin ng “Can you be my boyfriend?”

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako. The last time na sinagot ko ang tanong na yun, napaso ako.

Inimbita niya ako sa bahay niya. Doon na raw ako matulog. It was very tempting. Naisip ko ang mga bagay na maaari kong gawin sa kanya, gawin niya sa akin at gawin namin sa isa’t isa habang magkatabi kami sa kama.

May mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi at may anticipation sa kanyang mga mata habang hinihintay niya ang sagot ko.

Kahit nag-iinit ako sa lambingan (okay, lampungan) naming dalawa, hindi ko alam kung bakit tumanggi ako sa imbitasyon niya. Self-preservation maybe?

Akala ko, tatayo na siya at iiwan ako pero nag-stay siya. Ipinagpatuloy namin ang exploration. We made the most of our limited opportunity. The more I touched him, the more I liked him. (Aaminin ko, I had thoughts of reconsidering his offer.)

Ang bilis ng oras. Bago namin namalayan, nag-uumaga na pala. Nahanap na rin ako ng aking mga friends na nagyayaya nang lumabas.

He joined us for breakfast. Magkadikit kami habang kumakain. Paakbay-akbay at payakap-yakap siya sa akin. Para kaming mag-boyfriend. Sumailalim siya sa interrogation ng aking mga friends na kaagad na nag-assume na nakipag-on na naman ako overnight. Dax answered and acted as if kami na nga. Sumakay naman ako.

Bago kami naghiwalay, he kissed me on the cheek at pinisil niya ang kamay ko.

“Text-text,” ang sabi niya.

“Yup,” ang sagot ko.

Nang makalayo na ang taksing sinakyan niya, saka ko lang na-realize na hindi kami nakapag-exchange numbers.

9 comments:

jay-m said...

hi kuya aris. saan ka po nagbakasyon? ikaw po ba yang nasa picture? :)

Aris said...

@jay-m: sa misibis bay. yup, ako nga yang nasa picture. hehe! :)

sin at work said...

aww sayang naman at hindi kayo nakapag-exchange ng numbers! :( di bale, ipagpatuloy mo lang ang pagsuot ng invisible belo at saya tulad ko at for sure eh mare-rewar-dan ang ating efforts sa pagse-self service... este self preservation! lol charot :D

i guess up until now eh sumasagi pa din si Dax sa utak mo every now and then noh? humayo na't hanapin! nyahaha

grabe, magko-close na pala talaga ang Bed? sa posts mo and sa post mo na ito eh it seems na talaga ngang naging part ng buhay mo ang Bed. tara painom ka na at mag-celebrate tayo ng closing nito. charot lang :D

pero medyo nalungkot din ako sa post mo ah, the fact that something's finally closing, at ang mga pagkakakilala sa mga tao na gusto mo pero walang nakuhang paraan para magkakontakan. oh well.

di bale, if God (sorry God lol) closes the (Bed[room]) door, he leaves the (o)bar open. nyahaha open ang oBar at renovated na ito (Ortigas). gow explore mo din lol. :D

tapos pag punta ka isama mo ako, hingi ako sayo ng tips. alam mo naman kasi mahiyain ako. nyahahaha :D

citybuoy said...

Wow may picture mo! hehe

Nabasa ko nga kay Rudie na sarado na Bed. ang sad naman.

Aris said...

@sin at work: carlo!!! nakakatawa ka. talagang if the bedroom door closes, the obar opens. hahaha!

mukhang no choice nga kundi ang mag-migrate na lang sa ortigas. hehe! :)

@citybuoy: nahalungkat ko sa basura. hehe! nakuhanan pala ako ng litrato noon sa lumang bed.

welcome back, nyl. muli nating pasiglahin ang blogspot! hehe! :)

Herbs D. said...

a Bed veteran, i can't help but remember that night whenever you talk about Bed. lol

Aris said...

@herbs d.: hmmm... that night. hehehe! ;)

Anonymous said...

hi.

Aris said...

@anonymous: hello.