Friday, June 28, 2013

San Marino Summer 10


Nagsimulang umusad ang bus palabas ng terminal. Kinawayan ni Adrian ang mga kaanak na naghatid sa kanya, lalo na ang kanyang Tiya Dolores. Nakikaway na rin si Dave na nakaupo sa tabi niya. Ilang sandali pa ay nasa highway na sila at pinapanood ang unti-unting paglalaho ng stretch ng beach mula sa bintana.

Mixed ang kanilang feelings – masayang-malungkot – dahil ang San Marino ay naghatid sa kanila ng mga di-inaasahan at di-malilimutang karanasan.

Nang mawala sa view ang dagat at mapalitan iyon ng mga puno ng niyog, lumipat ang tingin ni Dave kay Adrian at siya naman ang mataman nitong pinagmasdan.

Napansin iyon ni Adrian. “Why are you looking at me like that?”

Tila higit na nanuot ang tingin ni Dave.

“I was thinking...”

 “What?”

“Bakit hindi natin totohanin?”

“Ang alin?”

“Ang pagiging... mag-boyfriend.”

Gulat si Adrian, hindi nakasagot. Napatitig siya kay Dave.

Seryoso si Dave nang muling magsalita. “Aaminin ko, noong papunta pa lamang tayo dito, attracted na ako sa’yo. Tinimpi ko lamang iyon dahil ayon nga sa kuwento mo, kaka-break n’yo lang ng boyfriend mo. But I can’t help it lalo na nang magkasama tayo sa Long Beach. Nasabi ko sa sarili ko: This is it. I finally found the person I want to share my life with. Kaya noong kasal ng Tiya mo, our last day in San Marino, I decided to go. I had to claim you for myself at nagkataon ngang natagpuan kita sa isang sitwasyong kailangan mo ng rescue, na magpapatunay na iniwan ka man ni Gerard, may nakahandang magmahal sa’yo. Mahal kita, Adrian. Will you be my boyfriend?”

Napangiti si Adrian. “Are you proposing?”

“Yes. Are you accepting?”

“Pwede ko ba munang pag-isipan?”

Gumuhit ang disappointment sa mukha ni Dave.

Natawa si Adrian. “No, just kidding. The feeling is mutual. Yes, I want us to be boyfriends.”

Nagliwanag ang mukha ni Dave at kaagad na ginagap ang kanyang kamay. “So, simula ngayon, tayo na?”

“Yes. You and me. Boyfriends.”

Napatitig sila sa isa’t isa, walang pagsidlan ng tuwa.

“I love you.”

“I love you, too.”

Kung wala lang sila sa bus, they would have embraced and kissed.

Tuesday, June 25, 2013

San Marino Summer 9

Ang simbahang pagdarausan ng kasal nina Rosario at Lucas ay isang chapel on the hill. May one hundred steps na kailangang akyatin upang iyon ay marating. Mula roon ay tanaw ang dagat, dinig ang mga alon sa dalampasigan at dama ang malamig na hihip ng hangin. Ang kapilya ay nasa gitna ng mabulaklak na hardin at naliligiran ng malalabay na mga akasya.

Tila hindi pa rin maka-recover si Adrian sa ipinagtapat ni Dolores. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakisalo ang kanyang Tiya sa boyfriend ng kapatid. Na-guilty rin siya kung bakit nakisawsaw pa siya – feeling niya tuloy ay kay Rosario siya higit na may dapat ipagpaumanhin.

Higit na naging masidhi ang kanyang damdamin nang makita niya si Lucas. Papasok ito ng simbahan. Guwapong-guwapo sa suot na barong. Hunk na hunk. Hindi mo aakalaing ito’y isang mangingisda lamang. Sabagay, sa pagkakaalam niya ay may iniwan din namang kabuhayan ang namayapa nitong ama kung kaya’t mangingisda man ay hindi ito maituturing na mahirap.

Katabi niya sa upuan si Dolores at nang ito ay kanyang sulyapan, kinakitaan niya rin ito ng paghanga sa kaguwapuhan ni Lucas. At pagkalungkot din na pilit nitong ikinukubli.

Papunta si Lucas sa may altar. Kasunod nito ang best man.

Nalipat ang tingin ni Adrian sa best man. At siya ay napamulagat.

Ano ang ginagagawa niya rito?

Si Gerard. Ang kanyang ex-boyfriend.

Gulat na gulat si Adrian. Inakala niyang siya ay namamalikmata lamang. Subalit totoo. Hindi siya maaaring magkamali. Si Gerard nga ang kasunod ni Lucas . Ang best man sa kasal na ngayon ay pumupuwesto na sa may altar upang samahan ang groom sa paghihintay sa bride.

Hindi niya iyon alam. Hindi niya nakita ang pangalan nito sa invitation. Teka, may invitation ba ang kasal? Wala yata. Wala siyang nakita. Maaaring hindi iyon nakasanayan dito sa probinsiya na kung saan kapag ganitong may kasal, imbitado ang lahat, may pasabi man o wala. Gosh! Ni sa hinagap ay hinding-hindi niya inakala na magku-krus dito ang landas nila ni Gerard. Ano ang koneksiyon niya kay Lucas at siya pa mismo ang ginawang best man?

Sinagot ni Dolores ang tanong sa kanyang isipan.

“Bunsong kapatid ni Lucas ‘yang best man. Si Gerardo. Nag-aaral sa Maynila.”

Napatango na lamang si Adrian. Kung alam lang ng kanyang Tiya na mas kilalang-kilala niya si Gerardo. O Gerard. Yun nga lang, ang sabi nito sa kanya’y taga-Quezon ito. Hindi niya alam na mismong sa San Marino pala.

Maya-maya pa ay tumugtog na ang wedding march. Pumihit ang lahat upang panoorin ang bride sa kanyang paglalakad patungo sa altar.

Napakaganda ni Rosario sa kanyang damit pangkasal. Nakangiti ito habang naglalakad sa aisle. Tinatanaw ito ni Lucas na nakangiti rin. Sino ang mag-aakalang ang dalawang ito na larawan ngayon ng labis na kaligayahan ay muntik nang papaghiwalayin ng isang karupukan? 

Mga bata pa’y may espesyal nang pagtitinginan sina Lucas at Rosario. Inakit ko lamang si Lucas. Ginawa ko ang lahat upang siya ay mapaibig at ngayon ay pinagsisisihan ko na ito. Hindi ko maatim na ako mismo ang magdulot ng sakit at dalamhati sa sarili kong kapatid. Ang pakiusap ko lang sa iyo, Adrian, ay ang panatilihin natin itong lihim. Huwag mo rin sana akong husgahan. Labis lang ang aking kalungkutan kung kaya nagawa ko iyon subalit napagtanto kong hindi rin ako magiging masaya kung mayroong masasaktan. 

***

Ang isa pang ikinagulat ni Adrian ay nang mamataan niya sa reception si Yvonne. Si Yvonne! Ang naging sanhi ng kanilang pagkakasira ni Gerard. Bakit pati ang babaeng ito ay naririto?  Napakaliit na ba talaga ng mundo? Obviously ay isinama ito ni Gerard. Ang ibig ba nitong sabihin ay...? Ayaw isipin ni Adrian ang posibleng dahilan kung bakit kasama ngayon ni Gerard si Yvonne. Parang hindi niya iyon matatanggap.

Hindi pa rin siya nakikita ni Gerard. At ni Yvonne. Panay ang kanyang iwas, unsure kung handa na ba siyang makaharap ang ex-boyfriend at ang babaeng sumira sa kanilang relasyon.

Mabuti na lang at malawak ang lugar na pinagdarausan ng reception. Isa iyong pavillion na malapit sa beach. At dahil tila bukas sa lahat ng taga-San Marino ang okasyon, dagsa ang mga tao kung kaya nagawa niya ang mawala sa crowd.

Nag-stay siya sa labas, piniling huwag nang makipagsiksikan sa loob. Ipinagpasya niyang huwag nang makisalo sa pagkain – hindi naman siya gutom – at minabuting mamasyal na lamang sa hardin. Kailangan niya rin ang mapag-isa at makapag-isip-isip. Sa loob lamang ng ilang araw na inilagi niya rito, ang dami nang nangyari. Kailangan niyang limiin ang mga iyon upang maliwanagan ang kanyang isip, gayundin ang kanyang magulong damdamin.

Tumunog ang kanyang cellphone. Dave calling... ang nakita niya sa screen.

Kaagad niya iyong sinagot.

“Nasaan ka?” ang tanong ni Dave.

“Nandito sa kasal ng aking Tiya. Sa reception,” ang sagot niya.

“Nandito ako sa loob. Hindi kita makita. Ang daming tao. Parang fiesta. ”

“What do you mean nasa loob ka? Andito ka sa reception?” Hindi siya makapaniwala.

“Di ba inimbita mo ako? Well, I came.” Nang maikuwento niya si Dave, ipinaimbita ito ng kanyang Tiya Dolores.

“Akala ko ba, ayaw mong pumunta?”

“I changed my mind. Naisip ko, sayang naman ang libreng dinner,” ang pagbibiro pa nito na sinundan ng maiksing tawa.

“Nandito ako sa labas, nagpapahangin.”

“Huwag kang aalis diyan. Pupuntahan kita.”

“Magkita na lang tayo sa may entrance,” ang suhestiyon niya.

“Okay.”

Wrong move. Dahil nang papunta na siya sa may entrance, sino ang makakasalubong niya na papalabas ng reception hall? Walang iba kundi si Gerard!

Pareho silang napatda pagkakita sa isa’t isa. Lalo na si Gerard. At least siya, kahit paano ay may antisipasyon na.

“Adrian!” ang hindi nito napigilang bulalas.

“Gerard, hi!” ang kanyang tugon, pilit nagpapakahinahon, nagpapakatatag.

“What are you doing here?” ang tanong ni Gerard, nakarehistro sa mukha ang pagkagulat.

“This is the wedding of my aunt.”

“What? This is the wedding of my brother.  Huwag mong sabihing...”

“Yeah. This is the wedding of my aunt and your brother. Sila ang nagkapangasawahan.”

“I can’t believe it. Hindi ko alam na taga-rito ang inyong mga kamag-anakan.”

“Hindi ko rin alam na taga-rito ka.”

“Tingnan mo nga naman. Napakaliit ng mundo.”

Patlang.

Hindi iyon natiis ni Gerard. “Kumusta ka na?”

“I’m fine.”

“We need to talk.”

Hindi siya sumagot.

“Tungkol sa nangyari sa atin...”

“Wala kang dapat ipagpaliwanag maliban sa kung bakit naririto si Yvonne. I’ve seen her inside, you know. I guess it would pretty much explain kung ano na ba talaga ang totoo nating estado.”

As if on cue, biglang dumating si Yvonne. Gulat din ito pagkakita sa kanya, higit lalo at magkausap sila ni Gerard.

“What’s going on?” ang nagtataka nitong tanong bago kumapit sa bisig ni Gerard. Possessively. “Hi Adrian,” ang bati nito sa kanya.

“Oh hi, Yvonne,” ang bati rin niya, trying to be nice.

“Kami na ni Yvonne,” ang wala nang paligoy-ligoy pang pag-amin ni Gerard.

Agad agad? Napatingin siya kay Gerard na seryoso ang mukha – at kay Yvonne na nakangiti at parang sinasabing “I won”. Hindi siya nakasagot. Shocked siya. Hurt. Para siyang sinampal at napahiya. Para siyang nanghina.

“I’m sorry, Adrian,” ang dugtong pa ni Gerard. “Pero huwag mong isipin na hindi kita minahal. Na-realize ko lang na hindi ako one hundred percent gay. Bisexual ako. Gusto ko rin ng babae. At sa ngayo’y higit na matimbang sa akin si Yvonne.”

Nag-apuhap siya ng sasabihin subalit wala siyang maisip. Tila hindi niya rin magawang makipag-argue, makipaglaban para sa kanyang posisyon. Eto na at harapan nang sinasabi ni Gerard na ayaw na nito sa kanya. Na hindi na lalaki ang gusto kundi babae na. Bisexual, my foot! Is there such a thing? Nakipagrelasyon ka na nga sa akin noon tapos sasabihin mo ngayon, hindi ka bading?

Siya namang paglapit ni Dave.

“There you are,” ang sabi nito sa kanya.

Tila nahimasmasan siya at naligtas sa tuluyang pagkagupo dahil sa pagdating ni Dave. Kumapit siya rito to steady himself. Kaagad naman siyang inakbayan ni Dave. He felt better at siya ay napangiti.

Nakatingin naman sa kanila sina Gerard at Yvonne, nasa mga mata ang pagtatanong, ang pagtataka – sino ang lalaking ito na basta na lang sumulpot at feeling close – sweet, in fact – kay Adrian?

Bumaling ang tingin ni Adrian kina Gerard at Yvonne.

“Guys,” ang kanyang sabi, “I would like you to meet Dave, my... friend.”

“Boyfriend, actually,” ang mabilis na pagtutuwid ni Dave. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Nagulat man sa sinabi ni Dave, napangiti na rin siya higit lalo nang maramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang balikat.

Ang ekspresyon sa mga mukha nina Gerard at Yvonne? Priceless. Sila naman ang parang sinampal.

Pinangatawanan na ni Adrian ang kanilang pagiging “mag-boyfriend” ni Dave. “Hon, I think we should be going,” ang kanyang malambing na sabi. “You must be hungry. And besides, kanina ka pa gustung-gustong ma-meet ni Tiya Dolores.”

“I would love to meet her and the whole family,” ang pagsakay naman ni Dave.

“It was nice seeing you both,” ang sabi niya kina Gerard at Yvonne. “Goodbye.”

Bahagya nang nakatugon ang dalawa.

At sila ay tumalikod na ni Dave, magkakapit na naglakad patungo sa reception hall.

Bakit mo iyon ginawa?

Na-sense ko lang na iyon ang dapat kong gawin. He’s your ex, right?

How did you know?

Nakita ko ang hurt sa iyong mukha at ang tuwa sa mukha nung girl.

And so?

Isa lang ang ibig sabihin niyon, final na ang inyong break-up at kailangan mo ng lifesaver. That’s why I volunteered.

I didn’t know you are that perceptive.

 I just used my heart to see that’s why I knew.

Well, honey, I don’t know what to say.

(Tatapusin)

Part 10

Saturday, June 22, 2013

San Marino Summer 8

Pinagpayuhan siya ni Dave: “Talk to your aunt. I-sort out n’yo ang inyong naging problema. Ask forgiveness kung kinakailangan.”

Umuwi siya kinabukasan. Nadatnan niya si Dolores na nagkakape sa veranda. Expressionless ito nang makita siya – hindi galit at hindi rin masaya. If ever, na-sense lang ni Adrian na nagkaroon ito ng relief, marahil dahil sa pagbabalik niya nang safe.

Saglit na katahimikan. Tanging tunog ng wind chimes ang namagitan sa kanila.

“Kumain ka na?” si Dolores ang unang nagsalita.

“Tiyang, I’m sorry,” ang sabi ni Adrian sa halip na sumagot sa tanong.

“Para saan?”

“Para sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon.”

“Bakit kailangan mong humingi ng paumanhin sa akin?”

“Dahil hindi ko iyon dapat ginawa, ang mag-initiate nang ganoon. Hindi ko alam kung ano ang lumukob sa akin, kung bakit natukso ako at nakalimot.”

“Unang kita ko pa lang sa’yo, alam ko na kung ano ka. It’s no big deal sa akin. Tanggap kita at naiintindihan. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin.”

“Pero alam ko rin na may relasyon kayo ni Lucas!”

Hindi nakasagot si Dolores. Napatitig na lamang ito sa kanya.

“Narinig ko noong isang gabi ang inyong pag-uusap,” ang kanyang pagtatapat. “Nasaksihan ko rin ang inyong pagyayakap at paghahalikan. Dapat naisip ko iyon nang tinangka kong makipag-sex kay Lucas. Dapat naisip kong katumbas iyon ng pang-aahas ko sa’yong boyfriend.”

“Pumayag siya. Gusto niya rin iyon. Hindi ikaw lang ang dapat umako sa responsibilidad ng nangyari. At hindi ko siya boyfriend. Hindi maaaring mangyari iyon. Una na ay dahil sa agwat ng edad namin, pangalawa ay dahil may totoo siyang girlfriend. Nakikiamot lang ako sa kanya ng pag-ibig. Wala kaming patutunguhan kaya kailangan na namin iyong putulin.”

“Tiyang, narinig kong sinabi ni Lucas na ikaw ang kanyang mahal. Bakit kailangan ninyong maghiwalay? Bakit hindi ninyo ipaglaban ang inyong pag-iibigan. Kung ayaw n’yo lang mahusgahan dahil sa inyong edad, bakit hindi n’yo iwan ang San Marino at magpakalayo-layo kayo. Sa Maynila ay hindi na big deal ang ganyang relasyon. Lalaki sa lalaki nga ay tanggap na, ‘yan pa kayang sa inyo.”

 “Hindi ganoon kasimple ang kalagayan namin ni Lucas. Gustuhin man namin ay hindi na maaari. At kung iiwan ni Lucas ang kanyang girlfriend para sa akin, ako mismo ang tututol. Hinding-hindi ko iyon mapapayagan.”

“Bakit, Tiyang? Bakit?”

Bumuntonghininga muna si Dolores. Tumingin sa kanya nang diretso. “Kailangan mo nang malaman ang totoo.”

“Ano ang totoo, Tiyang?”

“Si Lucas ang nobyo ni Rosario. Buntis na si Rosario kaya magpapakasal sila ni Lucas.”

(Itutuloy)

Part 9

Tuesday, June 18, 2013

San Marino Summer 7

Nag-dinner by candlelight sila. May background pang chill-out music. How romantic. Perfect sana kung mag-dyowa sila. But they’re just friends.

After dinner ay umorder si Dave ng isang pitcher ng San Marino sling. Ayaw niya sanang uminom subalit paano niya matatanggihan si Dave. Hindi niya inaasahan na sa unang tikim ay magugustuhan niya ang inumin. Hindi ito matapang o mapait na katulad ng kanyang inaasahan. Manamis-namis pa nga, suwabe sa lalamunan at banayad ang kick. No wonder kung bakit famous ang inuming ito sa mga nagpupunta rito.

Ipinagpasya niyang ipagtapat kay Dave ang totoong dahilan kung bakit siya naroroon. Bunsod marahil ng unti-unting pagkalasing kung kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na ikuwento ang mga pangyayari nang walang itinatago – mula sa natuklasan niyang relasyon nina Dolores at Lucas hanggang sa pagkakahuli ni Dolores sa kanila ni Lucas na nagse-sex. Pilit niyang ini-explain ang sarili kay Dave – kung bakit niya iyon nagawa, kung bakit iyon nangyari – subalit pinigilan siya ni Dave.

“Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Likas sa tao ang matukso at magnasa. Higit lalo sa mga kagaya natin – bata, curious, mapusok, impulsive.”

Napatitig siya kay Dave. He felt a certain relief na hindi siya nito hinusgahan, na naintindihan nito ang kanyang pinagdaanan. Dahil doon, siya ay nag-loosen up.

“I also have a confession to make,” ang sabi ni Dave.

Natigilan si Adrian.

“Ako rin naman, may nangyari rin sa akin. I had sex with somebody.”

Napanganga si Gerard. “Really? Nakilala mo rito?”

“Yup. In fact, kilala mo na rin siya.”

“Ano?”

“Si Justin. We had something casual last night. Kaya nga nagulat ako nang ipakilala mo siya sa akin. But it’s nothing serious. No feelings. We both just wanted to get off.”

Natawa na lamang si Adrian. Akalain mo ‘yun?  

He proposed a toast. “To us. At sa iba pang mga kagaya natin. Cheers!”

“Cheers!”

Nagpingkian ang kanilang mga baso at nagpatuloy sila sa pag-inom. Ang bawat lagok ay naghatid sa kanya ng masarap na feeling, ng masarap na tama ng pagkalasing.

Naubos nila ang San Marino sling at pareho na silang malainibay. Bago pa tuluyang malasing ay niyaya na siya ni Dave na umalis.

“Where are we going?”

“Let’s go dancing.”

Tinawag ni Dave ang waiter at madalian itong nagbayad. At pagkatapos ay hinawakan na nito ang kanyang kamay at hinila siya papunta sa Beachcomber, isang bar/club right by the beach na may live DJ na nagpapatugtog ng latest dance mixes. The place is now filling up dahil sa pag-usad ng gabi.

Dumaan sila sa bar at umorder ng tig-isang San Mig Light. Maya-maya pa ay tinugtog ang “Good Feeling” at kaagad silang nagtungo sa dancefloor.

Nagsayaw sila habang umiinom hanggang sa maubos nila ang beer at makadama sila ng kakaibang high. Bunsod marahil ng pagkalasing, nawalan sila ng pakialam at dahil siksikan sa dancefloor, nagkadikit sila, nagkakiskisan. At maya-maya pa, magkayakap na sila. Nagkatitigan sila, nagkangitian.

At dahil parehong bata, curious, mapusok at impulsive, hindi nila napigil ang paglalapat ng kanilang mga labi.

*** 

Nang maghubad si Dave, doon nakita ni Adrian kung gaano kaganda ang katawan nito. Firm ang dibdib at defined ang abs. Napaka-sexy nito dahil maliit ang baywang at matambok ang puwet. Malaman at hindi payat ang mga binti. 

Si Dave ang naghubad ng kanyang damit. At habang hinuhubaran siya, naghahalikan sila. 

Napahawak siya sa likod ni Dave. Nasalat niya ang matigas nitong muscles. Nadama niya ang makinis nitong balat na buong lugod niyang hinimas. 

Yumakap si Dave sa kanya habang patuloy sila sa paghahalikan. Gumapang din ang mga kamay nito at dinama ang mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan. 

Hindi niya alam kung tumutugtog mula sa malayo o nasa isip niya lang, nauulinigan niya ang “Kissing”.

Nang magbitiw sila, dumako ang bibig ni Dave sa kanyang dibdib. Nanghina si Adrian sa bawat flick at sundot ng dila nito. Napapikit siya sa bawat halik at sipsip ng mga labi nito. 

At dahil hindi na niya matagalan ang ginagawa ni Dave, itinulak niya ito sa kama. Napahiga ito. Pumaibabaw siya at sinimulang i-explore ang katawan nito. 

Marahan at maingat na hinalikan ni Adrian si Dave mula leeg pababa sa dibdib… sa tiyan… sa puson. Ninamnam niya ang bawat bahagi ng katawan nito na dinaanan ng kanyang bibig. 

Patuloy ang musika sa kanyang pandinig. Dahil sa himig, nai-imagine niya na nagaganap ang kanilang pagniniig sa tabing dagat kasabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan. 

Napapakapit si Dave sa kanyang ulo at napapasabunot sa kanyang buhok kaya higit niyang pinagbuti ang ginagawa. 

Pagkaraang mahagkan niya ang mga hita nito at binti, siya naman ang pinahiga ni Dave at ginawa sa kanya ang mga ginawa niya. 

Para siyang lumulutang. Dama niya ang pagkabuhay ng mga ugat sa kanyang katawan. Ang bawat dampi ng bibig at hagod ng dila ni Dave ay may hatid na kiliti at sensasyong higit na lumasing sa kanyang kamalayan. 

At pagkatapos, dumapa ito. Tumingin sa kanya. May pag-aanyaya at pagpapaubaya sa mga mata. 

Hindi na kinailangang magsalita ni Dave. 

Naintindihan na niya.




(Itutuloy)

Part 8 

Wednesday, June 12, 2013

San Marino Summer 6


Hiyang-hiya si Adrian kay Dolores. Wala siyang mukhang maiharap. Napatakbo siya palabas ng bahay. Minarapat niya na lamang ang tumakas.

Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon, kung bakit naging ganoon siya kapangahas. At hindi niya rin alam kung bakit pumayag si Lucas at nagpadala sa kanyang kapusukan. Hindi iyon dapat nangyari. Isang malaking pagkakamali.

Nagdadapithapon na. At ang araw na papalubog sa dagat ay kaygandang pagmasdan.  Kahit paano’y kinalmante niyon ang kanyang kalooban. Naglakad siya hanggang sa dulo ng cove, doon sa batuhan. Tinawid niya iyon at nang siya ay makalipat, muli niyang nasilayan sa kabila ang mahabang stretch ng puting dalampasigan at doon sa malayo ay kanyang natanaw ang Long Beach na nagsisimula nang magkabuhay. Maningning na ang mga ilaw na tila pagkakakulumpon ng mga alitaptap.

Binaybay niya ang tabing-dagat, buo ang desisyong tunguhin iyon. Wala rin naman siyang ibang mapupuntahan. Hahanapin niya si Dave. Higit kailanman, ngayon niya kailangan ang kaibigan. Sayang nga lamang at hindi niya nadampot ang kanyang cellphone, hindi niya tuloy ito matawagan. Bahala na. Mag-iikot siya. Maglilibot. Kesehodang isa-isahin niya ang mga bar at restaurant doon, makita niya lang ito.

Mahaba-haba rin ang kanyang nilakad bago niya narating ang Long Beach. At habang papalapit, hindi niya napigilang mamangha sa kung gaano kasigla ang bahaging iyon ng beach. Napaka-festive ng atmosphere. May musika na sa mga bar – chill-out, reggae, trance. Ang mga restaurants naman ay nagse-set-up na ng mga mesang may candlelight sa dalampasigan. Naglipana ang mga turista at bakasyunistang naka-beachwear, mamula-mula ang mga balat, na namamasyal,  nagsa-shopping sa mga souvenir shops o naghahanda na upang mag-dinner.

Natagpuan ni Adrian ang sariling nakahalo na sa crowd. At pansumandali siyang nalibang sa pagmamasid-masid. What a contrast sa cove ni Dolores na tahimik at deserted. Dito ay napakasaya, parang walang problema. Malaya ang mga taong mag-PDA – lalaki at babae, babae at babae, lalaki at lalaki. Isang pareha ng Koreanong parehong matipuno ang sinundan niya ng tingin dahil ito ay magka-holding hands.

Habang naglalakad-lakad, umaasa siyang makakasalubong niya si Dave by chance. Naniniwala siya – nararamdaman niya – na ito ay kanya ring matatagpuan.

He needed a drink. Papalapit na sana siya sa isang lemonade stand nang maalala niyang wala pala siyang dalang wallet. Wala siyang pera! Gosh, paano kung magutom siya later? Kailangan niyang makita si Dave asap.

Napadaan siya sa tapat ng isang bar na kung saan may tatlong kabataang Amerikanong nag-iinuman. Napatingin siya sa isa sa mga ito dahil hawig nito ang isa sa mga paborito niyang pornstar. Napansin siya nito at kaagad na nginitian. Napangiti na rin siya at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang tawagin siya nito.

“Hey,” ang sabi.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. Higit niyang nakita ang resemblance nito kay Sebastian Bonnet, ang paborito niyang Bel Ami pornstar (Czech si Sebastian pero kamukha siya ng Amerikanong ito, o baka hindi talaga ito Amerikano).

Nanatili siyang nakatingin dito, nagtataka at nagtatanong ang mga mata kung bakit siya tinawag.

“Would you like to join us for a drink?” ang sabi ni “Sebastian”, nakangiti pa rin.

Hindi niya alam ang isasagot, kung papayag ba siya o tatanggi. Nahihiya siya subalit nauuhaw din siya. At saka hindi niya kayang i-resist ang mga mata nitong tila nakangiti rin sa kanya. Napatango siya at napausal ng “Okay”.

Inakbayan siya nito at dinala sa mga kasama.

“I’m Justin, by the way,” ang pakilala ni “Sebastian”. “What is your name?”

“Adrian,” ang kanyang sagot.

“Nice to meet you, Adrian.” Nakipagkamay sa kanya si Justin.

Ipinakilala ni Justin ang mga kasama at kinamayan din siya ng mga ito.

Naupo sila.

“Beer?” ang alok sa kanya ni Justin.

“No. Just ice tea.” Hindi siya nakahandang malasing sa piling ng mga estrangherong ito.

“Are you on vacation?” ang tanong ni Justin pagkaraang dumating ang ice tea na inorder nito para sa kanya.

“Yeah,” ang kanyang sabi. “But I’m not staying here in Long Beach. My aunt has a house nearby. That’s where I’m staying.”

“Are you here alone?”

“Not really. I’m supposed to meet a friend who’s on vacation here,” ang kanyang pagsisinungaling, hoping na makikita niya kaagad si Dave. Pero paano niya itong mahahanap kung naririto siya at nakikipag-chikahan sa mga Amerikanong ito?

Nagtuluy-tuloy ang kanilang kuwentuhan. Nalaman niya na backpackers ang tatlo at kagagaling lang ng mga ito sa Thailand. At pagkagaling nila rito sa San Marino ay tutuloy sila sa Palawan dahil totoo raw pala na “It’s more fun in the Philippines”. Nalaman niya rin na ang dalawang kasama ni Justin ay lovers. At ang mga ito ay nakatakda nang magpakasal sa kanilang pagbabalik sa Canada. (Yes, Canadians sila at hindi mga Amerikano na katulad ng kanyang akala.)

Nag-e-enjoy na sana siya sa kuwentuhan at nagsisimula nang maging at ease sa mga bagong kakilala nang walang anu-ano’y bigla niyang namataan si Dave. Mag-isa itong naglalakad, di-kalayuan sa bar. Mabilis siyang napatayo. “Guys, excuse me,” ang mabilis niya ring sabi. At bago pa nakahuma ang mga foreigners, patakbo na niyang tinungo ang kinaroroonan ni Dave.

“Dave!” ang tawag niya.

Nakatalikod na si Dave at pagkarinig sa pangalan, ito ay napapihit.

Ang gulat ni Dave pagkakita sa kanya.

“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong nito.

“Pinuntahan talaga kita,” ang sagot niya. Parang gusto niyang yakapin si Dave dahil sa sobrang tuwa.

“Bakit hindi ka muna nag-text? O tumawag?”

“Biglaan kasi ang naging pagpunta ko rito.”

“Ganoon ba? Tamang-tama. Sabay na tayong mag-dinner.”

Hindi nakasagot si Adrian. Hindi niya masabi kay Dave na wala siyang pera.

“My treat,” ang dugtong ni Dave.

Napangiti si Adrian. “Ok. But first, kailangan ko munang magpaalam.”

“Ha? Kanino?”

“Sa mga bago kong kakilala. Mga foreigners sila. Inimbita nila akong jumoin sa kanila nang mapadaan ako. Halika, ipapakilala na rin kita.”

(Itutuloy)

Part 7

Friday, June 7, 2013

Pagtataksil

Salin ng akda ni CITYBUOY

Paano ko ba ito sasabihin nang hindi ka sinasaktan? Nagtaksil ako sa iyo kagabi sa pamamagitan ng pakikipag-ulayaw sa mga multo ng dating minamahal. Habang nakatunghay sa mga lumang liham, muli kong binalikan ang mga tagpo ng nakaraan. Mga sulat, mga larawan, mga tiket sa sinehan, mga pinagbalatan ng condom – mga alaalang inipon ko dahil ang pag-ibig ay laging panandalian sa gunita, maligalig at hindi maihahawla.

Inilatag ko ang mga liham sa lapag at habang pinagmamasdan ang mga iyon, naisip ko kung nasaan na kaya ang mga sumulat niyon. Naiisip pa rin ba nila ako? Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang aking sarili. Sinikap kong alalahanin ang dampi ng kanilang mga halik, ang lamyos ng kanilang mga ungol. Hinihipo rin ba nila ang kanilang mga sarili kapag naaalala nila ako?

Lumitaw siya mula sa kawalan. Nang ako ay magmulat, naroroon na siya sa aking harapan, nag-aanyaya, nang-aakit. Hinawakan niya ang aking kamay at ako ay dinala sa kama. May ibinulong siya sa akin, mga salitang ninanais kong marinig mula sa iyo. Naniwala ako sa kanya dahil ang mga salitang iyon ay minsan nang naging totoo. Totoo siya kaya hinayaan ko siyang gawin ang kanyang gusto.

Dinama niya ang mga pamilyar na bahagi ng aking katawan. Naglakbay ang kanyang mga labi mula sa aking tenga, leeg, likod. Marahas niya akong hinaplit kagaya noong ako ay bata pa. Ang lupit ng kanyang kamay ay naghatid sa akin sa alapaap. Sige pa, ang aking pagmamakaawa at ako ay muli niyang sinaktan. Ang bawat hampas ng kanyang palad ay nagpaapoy sa aking balat. Ang bawat latay ay naglapit sa akin sa tunay kong tahanan.

Pinasok ko siya nang buong diin at walang pakundangan. Katulad ng dati ang pakiramdam. At habang ako ay naglalabas-masok sa kanyang katawan, tila nauulinig ko ang isang ritmong pamilyar. Isa iyong awit na minsan ay naging himig ng aking puso. Alam na alam ko pa ang mga titik.

Malapit niya nang marating ang sukdulan. Ramdam ko iyon dahil sa paninigas ng kanyang mga binti. Sinikap kong siya ay sabayan subalit hindi ko magawa. Unti-unti akong tinakasan ng pagnanasa. Naisip ko ang aking mga pagkakamali. Nag-aalumpihit siya at hindi niya napansin ang aking pagkabalisa. Nagsimula akong manlambot. Ang puso at katawan ko ay tila nagkaisa upang ako ay hadlangan sa aking pagpapatuloy.

Subalit pagkaraan, isang bagay na kakatwa ang naganap. Naisip kita. Naisip ko kung ano ang mayroon tayo. Inisip ko ang mga bagay na gusto kong gawin sa iyo at ako ay muling tinigasan. Inisip ko ang buhay na maaari nating pagsaluhang dalawa kung malalagpasan natin ang mga takot. Inisip ko ang iyong mukha, ang bawat gatla na kumikislot sa bawat pag-ayuda ko sa kaangkinan ng multo. Inilipat ko ang iyong mukha, inilapat ko sa kanya ang iyong mga mata, ilong at mga labi mula sa aking gunita.

Inisip kita at naabot ko ang rurok. Sumambulat ako sa kaibuturan ng multo; pumulandit ang aking katas at dinungisan ang mga sulat at larawan sa lapag. Pinulot ko ang mga ito at itinapon sa basurahan. Panahon na upang ibasura ko ang nakaraan. Kahit na pinag-alab ako nito sa mga malalamig na gabi bago ako namahay sa iyong puso, ang bawat pintig ng orasan ay nagsasabing wala nang saysay upang patuloy ko silang kapitan. Binibitiwan ko na sila, mahal. Ipagpaumanhin mo kung inabot ako nang ganito katagal. Hinahayaan ko na silang lumisan upang ikaw ay makapasok nang lubusan.

Hanggang sa muli, ang sabi ng multo habang siya ay nagbibihis.

Wala nang muli, ang aking pangako.

Laging may muli, ang kanyang sabi, nakangiti, bago tuluyang naglaho sa dilim.

Tuesday, June 4, 2013

San Marino Summer 5

Kinabukasan ay napagpasyahan niyang manahimik na lamang. Unang-una na, hindi dapat malaman ni Dolores na siya ay patagong nakinig sa usapan nila ni Lucas. Pangalawa, it’s none of his business. Personal na buhay iyon ng kanyang Tiya na hindi niya dapat pakialaman.

Gayunpaman, hindi niya naiwasang pagmasdan si Dolores habang naghahanda ng almusal. Pilit niyang hinahanap ang bakas ng “drama” ng nagdaang gabi subalit normal ang mga kilos nito na parang walang nangyari. Naisip na lang ni Adrian: matapang at matatag na babae ang kanyang Tiya Dolores. Wala siyang dapat ipag-alala. Kaya nitong dalhin ang sarili.

Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpaalam sa kanya si Dolores.

“Kailangan kong samahan ang Tiya Rosario mo. Dalawang araw na lamang bago ang kanyang kasal. May mga dapat pa kaming ayusin.”

“Gusto n’yo bang samahan ko kayo, Tiyang?” ang tanong ni Adrian.

“Huwag na,” ang sagot ni Dolores. “Lakad-babae ito. Unless bored ka na rito sa bahay at kailangan mong lumabas.”

“Naku, Tiyang, hindi ho. Sa ganito kagandang lugar, paano naman ako mabo-bore. Mamasyal lang ako sa dagat at mag-swimming, hindi ko na mamamalayan ang oras.”

“Kung gayon, iyon na lang ang iyong gawin habang wala ako. I-explore mo na rin ang beach sa kabila ng mga batuhan.”

Pagkaalis ni Dolores ay iyon nga ang kanyang ginawa. Lumabas siya ng bahay ng naka-shorts at sleeveless. Sa loob ng shorts ay suot-suot niya ang swimming trunks na bigay ni Gerard just in case maisipan niyang mag-swimming. May dala rin siyang tubig at pocketbook.

Maaga pa at hindi pa masyadong mainit ang araw. Malamig ang hihip ng hangin at banayad ang mga alon sa dalampasigan. Iginala niya ang paningin upang muli ay pagmasdan ang kariktan ng kapaligiran. Huminga siya nang malalim. Gumaan ang kanyang pakiramdam at nalimot niya ang lahat. Tila nabura ang lahat ng kanyang mga pag-aalala at agam-agam sa buhay.

Nagsimula siyang maglakad-lakad sa dalampasigan at nang marating niya ang dulo ng cove, inakyat niya at tinawid ang batuhan. Sa kabila niyon ay tumambad sa kanya ang mas mahabang stretch ng beach. At doon sa una-unahan na medyo malayo-layo rin ay natanaw niya ang sinasabing Long Beach na kung saan naroroon ang mga turista. Naisip niya, maaari niya palang marating iyon basta’t tuntunin niya lang ang dalampasigan. Naisip niya rin ang kasiyahan doon ng mga bakasyunista, lalo na sa gabi na kung saan buhay na buhay ang mga bars at magdamagan ang party. At higit sa lahat, naisip niya si Dave. Kumusta na kaya si Dave? Nag-e-enjoy ba ito sa bakasyon? May nakilala na kaya itong bagong kaibigan? Hindi niya alam kung bakit parang na-miss niya si Dave.

Sinubukan niya sanang bagtasin ang dalampasigan upang marating ang Long Beach – baka by chance ay magkita sila roon ni Dave – subalit habang nagtatagal ay nararamdaman niya ang papatinding sikat ng araw. At dahil wala naman talaga iyon sa kanyang balak, ipinagpasya niya na lamang ang bumalik. Muli niyang tinawid ang batuhan at nang marating ang cove, naupo siya sa lilim ng isang mayabong na puno ng Talisay.

Binuklat niya ang librong dala, doon sa pahina na kung saan nakaipit ang bookmarker niya. Pagkakita sa bookmarker ay muli na naman niyang naalala si Gerard dahil si Gerard din ang may bigay niyon sa kanya. May dedication pa sa likod. “To my one and only. Happy reading!” My one and only, hmp! Nalungkot siya sa muling pagkaalala kay Gerard at sa nangyari sa kanila. Isinaisantabi niya iyon sa kanyang isip. Sinimulan niya ang magbasa.

Bago niya namalayan ay mataas na ang araw. Sa tantiya niya ay pasado alas-dose na. Subalit hindi siya nakakaramdam ng gutom. Sa halip ay inaantok siya. Isinara niya ang libro at siya ay pumikit. Sandali siyang naidlip at nang magising ay mga bandang alas-dos o alas-tres na. Nag-swimming muna siya at nang magsawa ay saka niya ipinagpasyang umuwi na.

Tahimik ang bahay. Ibig sabihin, hindi pa umuuwi si Dolores. Nag-shower siya at nagbihis. Nasa kusina siya at naghahanda nang makakain nang may marinig siyang mga katok sa pinto. Inisip niya kaagad na si Dolores iyon kaya dali-dali siyang nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at siya ay nagulat. Dahil naroroon sa kanyang harapan, nakatayo ang isang lalaking kaagad na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.

Si Lucas.

Si Lucas na kamukha ng ex-boyfriend niyang si Gerard. Hubad-baro at nakalantad ang matipunong pangangatawan. Masyadong mababa ang shorts na maong na halos lumitaw na ang bulbol. Kulay tanso ang balat na makinis at makinang sa tama ng liwanag dahil basa si Lucas at tila kaaahon lang sa dagat.

“Si Dolores?” ang tanong nito sa kanya.

“Umalis siya,” ang sagot niya.

Hinagod siya ng tingin ni Lucas.

“Ikaw ang pamangkin niya?”

“Oo. Ako si Adrian.”

Hinintay ni Adrian na magpakilala rin si Lucas subalit nanatili itong tahimik.

“Ikaw si Lucas,” ang hindi niya natiis sabihin.

“Paano mo nalaman ang aking pangalan?”

“Itinanong ko kay Tiya Dolores.”

Nagtama ang kanilang mga mata.

“Halika, tumuloy ka muna,” ang yaya ni Adrian. “Naghahanda ako ng meryenda.”

Pumasok si Lucas subalit hindi naupo. Nang makitang nagpapalaman siya ng isa pang sandwich, sinansala siya nito.

“Huwag ka nang mag-abala. Hindi ako nagugutom. Si Dolores talaga ang aking sadya. Maaari ko ba siyang hintayin?”

“Hindi ko alam kung ano’ng oras siya darating. Baka mainip ka. Kung gusto mo, magbilin ka na lang sa akin.”

Hindi sumagot si Lucas, tila nag-iisip.

“Hindi bale na lang,” ang sabi, pagkaraan. “Babalik na lang ako.”

Tumalikod ito at humakbang papalapit sa pinto.

“Hintay,” ang pigil sa kanya ni Adrian.

Huminto si Lucas at pumihit.

Lumapit si Adrian. Subalit sa halip na magsalita ay napatitig siya kay Lucas.

Sinalubong ni Lucas ang kanyang mga mata. Kung ang kanyang mga titig ay parang nasasabik, ang mga titig naman nito ay parang nang-aakit. Kakapiraso lang ang espasyong nasa pagitan nila. Langhap ni Adrian ang simoy-dagat sa hubad na katawan ni Lucas. Dama niya ang mainit na singaw nito.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kanyang kapangahasan. Gumalaw ang kanyang kamay at dinama ang matipunong dibdib ni Lucas. Sinalat-salat ang mga utong.

Bumaba ang kanyang kamay. Hinaplos ang mapipintog na six-pack. Si Lucas ay hindi tuminag at nagpaubaya lamang.

Dumako ang kamay ni Adrian sa tiyan ni Lucas. At pagkaraang sundan ang happy trail mula sa pusod ay tuluyan na niyang dinukot ang nasa loob ng shorts. Hinawi ang bulbol at sinapo ang ari na nagsisimula nang tumigas.

Binalot niya iyon ng kanyang palad. Halos hindi magpang-abot ang dulo ng kanyang mga daliri. Ramdam niya ang init at pagpintig-pintig ng mga ugat. At dahil naghuhumindig na iyon, sumikip na ang shorts at hindi na siya makabuwelo sa paghimas. Dali-dali niyang tinanggal ang butones, ibinaba ang zipper at hinubo iyon. Umigkas ang ari ni Lucas nang makawala sa pagkakakulob. Parang dalag iyon na kaagad niyang dinakma at magkasalit, magkatuwang na pinaglaruan ng mga kamay.

Napakadyot si Lucas, napasandal at napakapit sa dingding.

Hindi na napigil ni Adrian ang pagnanasang lubusan itong maangkin. Hinagkan niya ito sa dibdib. Sinipsip at kinagat-kagat ang mga utong. Dinilaan ang tiyan, ang pusod, ang bulbol. Nalanghap niya ang halimuyak ng ari nito. Hinimod niya muna iyon bago isinubo. Namuwalan siya subalit hindi sumuko. Maya-maya pa, nagbababa-taas na ang kanyang ulo.

Nabalisa si Lucas. Napapikit at napaliyad. Napasabunot sa kanyang buhok. Muli itong napakadyot sabay sa ritmo ng kanyang pag-urong-sulong. Sarap na sarap ito – gayundin siya – at tila nahihibang na at malapit nang maabot ang rurok.

Nasa ganoon silang kalagayan nang biglang bumukas ang pinto.

Napapitlag sila at mabilis na nagkalas.

Nakatayo si Dolores sa may pintuan. Tutop ang dibdib. Sindak sa nabungaran.

(Itutuloy)

Part 6

Saturday, June 1, 2013

San Marino Summer 4

Hatinggabi nang maalimpungatan si Adrian. May naulinig siyang mga kaluskos at mahinang anas sa labas. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang silid at siya ay sumilip. Madilim ang buong kabahayan subalit sapat ang liwanag ng buwan upang makita at makilala niya ang dalawang aninong naroroon sa veranda. Si Dolores at – si Lucas! Dis-oras na nang gabi, ano ang ginagawa ni Lucas sa bahay ni Dolores? At ano ang kanilang pinag-uusapan? Bunsod ng curiosity, dahan-dahan siyang lumabas ng silid, halos pagapang na lumapit sa veranda nang hindi namamalayan ng dalawa at nagkubli sa likod ng sofa upang mag-eavesdrop.

“Hindi ka na dapat nagpunta rito,” ang sabi ni Dolores. “Itigil na natin ito.”

“Mahirap para sa akin,” ang sagot ni Lucas. “Hindi ko yata kayang gawin.”

“Hindi na tama. Kailangan na nating putulin ang namamagitan sa atin.”

“Ikaw ang mahal ko, Dolores.”

“Huli na ang lahat.”

“Pinagsisisihan ko kung bakit hindi ako sa’yo naging matapat.”

“Kailangan mo siyang panindigan. Nakahanda akong magparaya.”

“Bakit, hindi mo na ba ako mahal?”

“Mahal kita kaya nakahanda akong magsakripisyo. Huwag na nating guluhin pa ang sitwasyon. Huwag na nating hintayin pang mabunyag ang ating lihim.”

Tila hindi na napigilan ni Lucas ang tinitimping damdamin. Napayakap ito kay Dolores. “Patawarin mo ako, Dolores. Ako ang may kasalanan.”

“May kasalanan din ako. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ito. Alam ko namang...”

Hindi na naituloy ni Dolores ang sasabihin dahil siniil na siya ng halik ni Lucas. Napayakap na rin si Dolores at buong pananabik na tumugon ang mga labi. Matagal silang naghalikan bago nagbitiw.

“Umalis ka na,” ang sabi ni Dolores. “Baka may makakita pa sa atin. Baka magising pa ang aking pamangkin.”

Pigil ang hininga ni Adrian sa kanyang pinagkukublihan, mabilis ang tibok ng puso dahil sa natuklasan  –  may bawal na relasyon sina Dolores at Lucas – at sa takot na mahuli siya ng mga ito sa kanyang paniniktik.

Napapikit siya at nakiramdam na lamang. Maya-maya pa ay narinig niya ang mga yabag pababa ng hagdan. Gayundin ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid ng kanyang Tiya. Matagal muna siyang hindi tuminag at nang tahimik na ang lahat ay saka siya dahan-dahang bumalik sa kanyang silid.

Nahiga siya at matagal na nanatiling gising. Hindi niya naiwasang mabagabag ang isip. Sa natuklasang lihim ng kanyang Tiya – at ni Lucas – ano nga ba ang totoong sitwasyon ng dalawa? Sino ang ikatlong partido sa love triangle nila? At bakit kailangang magparaya ni Dolores gayong siya ang mahal ni Lucas? Bakit hindi niya ipaglaban ang kanilang pag-iibigan? Bakit mas pinipili niya ang masaktan?

Nakatulugan na lamang ni Adrian ang mga tanong at ispekulasyon sa kanyang isipan.

(Itutuloy)

Part 5