Saturday, June 22, 2013

San Marino Summer 8

Pinagpayuhan siya ni Dave: “Talk to your aunt. I-sort out n’yo ang inyong naging problema. Ask forgiveness kung kinakailangan.”

Umuwi siya kinabukasan. Nadatnan niya si Dolores na nagkakape sa veranda. Expressionless ito nang makita siya – hindi galit at hindi rin masaya. If ever, na-sense lang ni Adrian na nagkaroon ito ng relief, marahil dahil sa pagbabalik niya nang safe.

Saglit na katahimikan. Tanging tunog ng wind chimes ang namagitan sa kanila.

“Kumain ka na?” si Dolores ang unang nagsalita.

“Tiyang, I’m sorry,” ang sabi ni Adrian sa halip na sumagot sa tanong.

“Para saan?”

“Para sa nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon.”

“Bakit kailangan mong humingi ng paumanhin sa akin?”

“Dahil hindi ko iyon dapat ginawa, ang mag-initiate nang ganoon. Hindi ko alam kung ano ang lumukob sa akin, kung bakit natukso ako at nakalimot.”

“Unang kita ko pa lang sa’yo, alam ko na kung ano ka. It’s no big deal sa akin. Tanggap kita at naiintindihan. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin.”

“Pero alam ko rin na may relasyon kayo ni Lucas!”

Hindi nakasagot si Dolores. Napatitig na lamang ito sa kanya.

“Narinig ko noong isang gabi ang inyong pag-uusap,” ang kanyang pagtatapat. “Nasaksihan ko rin ang inyong pagyayakap at paghahalikan. Dapat naisip ko iyon nang tinangka kong makipag-sex kay Lucas. Dapat naisip kong katumbas iyon ng pang-aahas ko sa’yong boyfriend.”

“Pumayag siya. Gusto niya rin iyon. Hindi ikaw lang ang dapat umako sa responsibilidad ng nangyari. At hindi ko siya boyfriend. Hindi maaaring mangyari iyon. Una na ay dahil sa agwat ng edad namin, pangalawa ay dahil may totoo siyang girlfriend. Nakikiamot lang ako sa kanya ng pag-ibig. Wala kaming patutunguhan kaya kailangan na namin iyong putulin.”

“Tiyang, narinig kong sinabi ni Lucas na ikaw ang kanyang mahal. Bakit kailangan ninyong maghiwalay? Bakit hindi ninyo ipaglaban ang inyong pag-iibigan. Kung ayaw n’yo lang mahusgahan dahil sa inyong edad, bakit hindi n’yo iwan ang San Marino at magpakalayo-layo kayo. Sa Maynila ay hindi na big deal ang ganyang relasyon. Lalaki sa lalaki nga ay tanggap na, ‘yan pa kayang sa inyo.”

 “Hindi ganoon kasimple ang kalagayan namin ni Lucas. Gustuhin man namin ay hindi na maaari. At kung iiwan ni Lucas ang kanyang girlfriend para sa akin, ako mismo ang tututol. Hinding-hindi ko iyon mapapayagan.”

“Bakit, Tiyang? Bakit?”

Bumuntonghininga muna si Dolores. Tumingin sa kanya nang diretso. “Kailangan mo nang malaman ang totoo.”

“Ano ang totoo, Tiyang?”

“Si Lucas ang nobyo ni Rosario. Buntis na si Rosario kaya magpapakasal sila ni Lucas.”

(Itutuloy)

Part 9

2 comments:

Anonymous said...

.kuya aris next chapter na po. .) loveyoumuch po kuya. .=

#james

Aris said...

@james: thanks again for the love and for dropping by. kisses! :)