Friday, June 7, 2013

Pagtataksil

Salin ng akda ni CITYBUOY

Paano ko ba ito sasabihin nang hindi ka sinasaktan? Nagtaksil ako sa iyo kagabi sa pamamagitan ng pakikipag-ulayaw sa mga multo ng dating minamahal. Habang nakatunghay sa mga lumang liham, muli kong binalikan ang mga tagpo ng nakaraan. Mga sulat, mga larawan, mga tiket sa sinehan, mga pinagbalatan ng condom – mga alaalang inipon ko dahil ang pag-ibig ay laging panandalian sa gunita, maligalig at hindi maihahawla.

Inilatag ko ang mga liham sa lapag at habang pinagmamasdan ang mga iyon, naisip ko kung nasaan na kaya ang mga sumulat niyon. Naiisip pa rin ba nila ako? Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang aking sarili. Sinikap kong alalahanin ang dampi ng kanilang mga halik, ang lamyos ng kanilang mga ungol. Hinihipo rin ba nila ang kanilang mga sarili kapag naaalala nila ako?

Lumitaw siya mula sa kawalan. Nang ako ay magmulat, naroroon na siya sa aking harapan, nag-aanyaya, nang-aakit. Hinawakan niya ang aking kamay at ako ay dinala sa kama. May ibinulong siya sa akin, mga salitang ninanais kong marinig mula sa iyo. Naniwala ako sa kanya dahil ang mga salitang iyon ay minsan nang naging totoo. Totoo siya kaya hinayaan ko siyang gawin ang kanyang gusto.

Dinama niya ang mga pamilyar na bahagi ng aking katawan. Naglakbay ang kanyang mga labi mula sa aking tenga, leeg, likod. Marahas niya akong hinaplit kagaya noong ako ay bata pa. Ang lupit ng kanyang kamay ay naghatid sa akin sa alapaap. Sige pa, ang aking pagmamakaawa at ako ay muli niyang sinaktan. Ang bawat hampas ng kanyang palad ay nagpaapoy sa aking balat. Ang bawat latay ay naglapit sa akin sa tunay kong tahanan.

Pinasok ko siya nang buong diin at walang pakundangan. Katulad ng dati ang pakiramdam. At habang ako ay naglalabas-masok sa kanyang katawan, tila nauulinig ko ang isang ritmong pamilyar. Isa iyong awit na minsan ay naging himig ng aking puso. Alam na alam ko pa ang mga titik.

Malapit niya nang marating ang sukdulan. Ramdam ko iyon dahil sa paninigas ng kanyang mga binti. Sinikap kong siya ay sabayan subalit hindi ko magawa. Unti-unti akong tinakasan ng pagnanasa. Naisip ko ang aking mga pagkakamali. Nag-aalumpihit siya at hindi niya napansin ang aking pagkabalisa. Nagsimula akong manlambot. Ang puso at katawan ko ay tila nagkaisa upang ako ay hadlangan sa aking pagpapatuloy.

Subalit pagkaraan, isang bagay na kakatwa ang naganap. Naisip kita. Naisip ko kung ano ang mayroon tayo. Inisip ko ang mga bagay na gusto kong gawin sa iyo at ako ay muling tinigasan. Inisip ko ang buhay na maaari nating pagsaluhang dalawa kung malalagpasan natin ang mga takot. Inisip ko ang iyong mukha, ang bawat gatla na kumikislot sa bawat pag-ayuda ko sa kaangkinan ng multo. Inilipat ko ang iyong mukha, inilapat ko sa kanya ang iyong mga mata, ilong at mga labi mula sa aking gunita.

Inisip kita at naabot ko ang rurok. Sumambulat ako sa kaibuturan ng multo; pumulandit ang aking katas at dinungisan ang mga sulat at larawan sa lapag. Pinulot ko ang mga ito at itinapon sa basurahan. Panahon na upang ibasura ko ang nakaraan. Kahit na pinag-alab ako nito sa mga malalamig na gabi bago ako namahay sa iyong puso, ang bawat pintig ng orasan ay nagsasabing wala nang saysay upang patuloy ko silang kapitan. Binibitiwan ko na sila, mahal. Ipagpaumanhin mo kung inabot ako nang ganito katagal. Hinahayaan ko na silang lumisan upang ikaw ay makapasok nang lubusan.

Hanggang sa muli, ang sabi ng multo habang siya ay nagbibihis.

Wala nang muli, ang aking pangako.

Laging may muli, ang kanyang sabi, nakangiti, bago tuluyang naglaho sa dilim.

4 comments:

Anonymous said...

grabe. nag-iisa ka, frend.


-the geek

Aris said...

@the geek: friend, hindi naman. magaling lang si nyl. :)

citybuoy said...

Thank you for this post. Sobrang natuwa ako sa pagsasalin mo. :)

Aris said...

@citybuoy: salamat sa'yong pahintulot. sana nabigyan ko ng hustisya ang orihinal mong akda. :)