Hiyang-hiya si Adrian kay Dolores. Wala siyang mukhang
maiharap. Napatakbo siya palabas ng bahay. Minarapat niya na lamang ang
tumakas.
Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon, kung bakit
naging ganoon siya kapangahas. At hindi niya rin alam kung bakit pumayag si
Lucas at nagpadala sa kanyang kapusukan. Hindi iyon dapat nangyari. Isang malaking
pagkakamali.
Nagdadapithapon na. At ang araw na papalubog sa dagat ay
kaygandang pagmasdan. Kahit paano’y
kinalmante niyon ang kanyang kalooban. Naglakad siya hanggang sa dulo ng cove,
doon sa batuhan. Tinawid niya iyon at nang siya ay makalipat, muli niyang
nasilayan sa kabila ang mahabang stretch ng puting dalampasigan at doon sa
malayo ay kanyang natanaw ang Long Beach na nagsisimula nang magkabuhay.
Maningning na ang mga ilaw na tila pagkakakulumpon ng mga alitaptap.
Binaybay niya ang tabing-dagat, buo ang desisyong tunguhin
iyon. Wala rin naman siyang ibang mapupuntahan. Hahanapin niya si Dave. Higit
kailanman, ngayon niya kailangan ang kaibigan. Sayang nga lamang at hindi niya
nadampot ang kanyang cellphone, hindi niya tuloy ito matawagan. Bahala na.
Mag-iikot siya. Maglilibot. Kesehodang isa-isahin niya ang mga bar at
restaurant doon, makita niya lang ito.
Mahaba-haba rin ang kanyang nilakad bago niya narating ang
Long Beach. At habang papalapit, hindi niya napigilang mamangha sa kung gaano
kasigla ang bahaging iyon ng beach. Napaka-festive ng atmosphere. May musika na
sa mga bar – chill-out, reggae, trance. Ang mga restaurants naman ay
nagse-set-up na ng mga mesang may candlelight sa dalampasigan. Naglipana ang
mga turista at bakasyunistang naka-beachwear, mamula-mula ang mga balat, na
namamasyal, nagsa-shopping sa mga
souvenir shops o naghahanda na upang mag-dinner.
Natagpuan ni Adrian ang sariling nakahalo na sa crowd. At
pansumandali siyang nalibang sa pagmamasid-masid. What a contrast sa cove ni
Dolores na tahimik at deserted. Dito ay napakasaya, parang walang problema.
Malaya ang mga taong mag-PDA – lalaki at babae, babae at babae, lalaki at
lalaki. Isang pareha ng Koreanong parehong matipuno ang sinundan niya ng tingin
dahil ito ay magka-holding hands.
Habang naglalakad-lakad, umaasa siyang makakasalubong niya si
Dave by chance. Naniniwala siya – nararamdaman niya – na ito ay kanya ring
matatagpuan.
He needed a drink. Papalapit na sana siya sa isang lemonade
stand nang maalala niyang wala pala siyang dalang wallet. Wala siyang pera!
Gosh, paano kung magutom siya later? Kailangan niyang makita si Dave asap.
Napadaan siya sa tapat ng isang bar na kung saan may tatlong kabataang
Amerikanong nag-iinuman. Napatingin siya sa isa sa mga ito dahil hawig nito ang
isa sa mga paborito niyang pornstar. Napansin siya nito at kaagad na nginitian.
Napangiti na rin siya at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang tawagin siya nito.
“Hey,” ang sabi.
Tumayo ito at lumapit sa kanya. Higit niyang nakita ang
resemblance nito kay Sebastian Bonnet, ang paborito niyang Bel Ami pornstar
(Czech si Sebastian pero kamukha siya ng Amerikanong ito, o baka hindi talaga
ito Amerikano).
Nanatili siyang nakatingin dito, nagtataka at nagtatanong ang
mga mata kung bakit siya tinawag.
“Would you like to join us for a drink?” ang sabi ni
“Sebastian”, nakangiti pa rin.
Hindi niya alam ang isasagot, kung papayag ba siya o
tatanggi. Nahihiya siya subalit nauuhaw din siya. At saka hindi niya kayang
i-resist ang mga mata nitong tila nakangiti rin sa kanya. Napatango siya at
napausal ng “Okay”.
Inakbayan siya nito at dinala sa mga kasama.
“I’m Justin, by the way,” ang pakilala ni “Sebastian”. “What
is your name?”
“Adrian,” ang kanyang sagot.
“Nice to meet you, Adrian.” Nakipagkamay sa kanya si Justin.
Ipinakilala ni Justin ang mga kasama at kinamayan din siya ng
mga ito.
Naupo sila.
“Beer?” ang alok sa kanya ni Justin.
“No. Just ice tea.” Hindi siya nakahandang malasing sa piling
ng mga estrangherong ito.
“Are you on vacation?” ang tanong ni Justin pagkaraang
dumating ang ice tea na inorder nito para sa kanya.
“Yeah,” ang kanyang sabi. “But I’m not staying here in Long
Beach. My aunt has a house nearby. That’s where I’m staying.”
“Are you here alone?”
“Not really. I’m supposed to meet a friend who’s on vacation
here,” ang kanyang pagsisinungaling, hoping na makikita niya kaagad si Dave.
Pero paano niya itong mahahanap kung naririto siya at nakikipag-chikahan sa mga
Amerikanong ito?
Nagtuluy-tuloy ang kanilang kuwentuhan. Nalaman niya na
backpackers ang tatlo at kagagaling lang ng mga ito sa Thailand. At pagkagaling
nila rito sa San Marino ay tutuloy sila sa Palawan dahil totoo raw pala na
“It’s more fun in the Philippines”. Nalaman niya rin na ang dalawang kasama ni
Justin ay lovers. At ang mga ito ay nakatakda nang magpakasal sa kanilang
pagbabalik sa Canada. (Yes, Canadians sila at hindi mga Amerikano na katulad ng
kanyang akala.)
Nag-e-enjoy na sana siya sa kuwentuhan at nagsisimula nang
maging at ease sa mga bagong kakilala nang walang anu-ano’y bigla niyang
namataan si Dave. Mag-isa itong naglalakad, di-kalayuan sa bar. Mabilis siyang
napatayo. “Guys, excuse me,” ang mabilis niya ring sabi. At bago pa nakahuma ang
mga foreigners, patakbo na niyang tinungo ang kinaroroonan ni Dave.
“Dave!” ang tawag niya.
Nakatalikod na si Dave at pagkarinig sa pangalan, ito ay
napapihit.
Ang gulat ni Dave pagkakita sa kanya.
“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong nito.
“Pinuntahan talaga kita,” ang sagot niya. Parang gusto niyang
yakapin si Dave dahil sa sobrang tuwa.
“Bakit hindi ka muna nag-text? O tumawag?”
“Biglaan kasi ang naging pagpunta ko rito.”
“Ganoon ba? Tamang-tama. Sabay na tayong mag-dinner.”
Hindi nakasagot si Adrian. Hindi niya masabi kay Dave na wala
siyang pera.
“My treat,” ang dugtong ni Dave.
Napangiti si Adrian. “Ok. But first, kailangan ko munang
magpaalam.”
“Ha? Kanino?”
“Sa mga bago kong kakilala. Mga foreigners sila. Inimbita
nila akong jumoin sa kanila nang mapadaan ako. Halika, ipapakilala na rin
kita.”
7 comments:
. . .i love you kuya aris. . .your the best po. . .
#james.°)
@james: ang sarap namang malaman na may nagmamahal sa'yo. hehe! salamat, james. :)
.... basta ikaw po kuya... patuloy ko pong susupurtahan ang blog nyo...:)
#james.°)
@james: thank you, james. sana palagi kang mag-enjoy. :)
so itutuloy? tsk. nabitin ako. upload na ang next ep please :)
@ester yaje: wish granted. published na ang part 7. thanks, ester. :)
Thanks for writinng
Post a Comment