Tuesday, June 25, 2013

San Marino Summer 9

Ang simbahang pagdarausan ng kasal nina Rosario at Lucas ay isang chapel on the hill. May one hundred steps na kailangang akyatin upang iyon ay marating. Mula roon ay tanaw ang dagat, dinig ang mga alon sa dalampasigan at dama ang malamig na hihip ng hangin. Ang kapilya ay nasa gitna ng mabulaklak na hardin at naliligiran ng malalabay na mga akasya.

Tila hindi pa rin maka-recover si Adrian sa ipinagtapat ni Dolores. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakisalo ang kanyang Tiya sa boyfriend ng kapatid. Na-guilty rin siya kung bakit nakisawsaw pa siya – feeling niya tuloy ay kay Rosario siya higit na may dapat ipagpaumanhin.

Higit na naging masidhi ang kanyang damdamin nang makita niya si Lucas. Papasok ito ng simbahan. Guwapong-guwapo sa suot na barong. Hunk na hunk. Hindi mo aakalaing ito’y isang mangingisda lamang. Sabagay, sa pagkakaalam niya ay may iniwan din namang kabuhayan ang namayapa nitong ama kung kaya’t mangingisda man ay hindi ito maituturing na mahirap.

Katabi niya sa upuan si Dolores at nang ito ay kanyang sulyapan, kinakitaan niya rin ito ng paghanga sa kaguwapuhan ni Lucas. At pagkalungkot din na pilit nitong ikinukubli.

Papunta si Lucas sa may altar. Kasunod nito ang best man.

Nalipat ang tingin ni Adrian sa best man. At siya ay napamulagat.

Ano ang ginagagawa niya rito?

Si Gerard. Ang kanyang ex-boyfriend.

Gulat na gulat si Adrian. Inakala niyang siya ay namamalikmata lamang. Subalit totoo. Hindi siya maaaring magkamali. Si Gerard nga ang kasunod ni Lucas . Ang best man sa kasal na ngayon ay pumupuwesto na sa may altar upang samahan ang groom sa paghihintay sa bride.

Hindi niya iyon alam. Hindi niya nakita ang pangalan nito sa invitation. Teka, may invitation ba ang kasal? Wala yata. Wala siyang nakita. Maaaring hindi iyon nakasanayan dito sa probinsiya na kung saan kapag ganitong may kasal, imbitado ang lahat, may pasabi man o wala. Gosh! Ni sa hinagap ay hinding-hindi niya inakala na magku-krus dito ang landas nila ni Gerard. Ano ang koneksiyon niya kay Lucas at siya pa mismo ang ginawang best man?

Sinagot ni Dolores ang tanong sa kanyang isipan.

“Bunsong kapatid ni Lucas ‘yang best man. Si Gerardo. Nag-aaral sa Maynila.”

Napatango na lamang si Adrian. Kung alam lang ng kanyang Tiya na mas kilalang-kilala niya si Gerardo. O Gerard. Yun nga lang, ang sabi nito sa kanya’y taga-Quezon ito. Hindi niya alam na mismong sa San Marino pala.

Maya-maya pa ay tumugtog na ang wedding march. Pumihit ang lahat upang panoorin ang bride sa kanyang paglalakad patungo sa altar.

Napakaganda ni Rosario sa kanyang damit pangkasal. Nakangiti ito habang naglalakad sa aisle. Tinatanaw ito ni Lucas na nakangiti rin. Sino ang mag-aakalang ang dalawang ito na larawan ngayon ng labis na kaligayahan ay muntik nang papaghiwalayin ng isang karupukan? 

Mga bata pa’y may espesyal nang pagtitinginan sina Lucas at Rosario. Inakit ko lamang si Lucas. Ginawa ko ang lahat upang siya ay mapaibig at ngayon ay pinagsisisihan ko na ito. Hindi ko maatim na ako mismo ang magdulot ng sakit at dalamhati sa sarili kong kapatid. Ang pakiusap ko lang sa iyo, Adrian, ay ang panatilihin natin itong lihim. Huwag mo rin sana akong husgahan. Labis lang ang aking kalungkutan kung kaya nagawa ko iyon subalit napagtanto kong hindi rin ako magiging masaya kung mayroong masasaktan. 

***

Ang isa pang ikinagulat ni Adrian ay nang mamataan niya sa reception si Yvonne. Si Yvonne! Ang naging sanhi ng kanilang pagkakasira ni Gerard. Bakit pati ang babaeng ito ay naririto?  Napakaliit na ba talaga ng mundo? Obviously ay isinama ito ni Gerard. Ang ibig ba nitong sabihin ay...? Ayaw isipin ni Adrian ang posibleng dahilan kung bakit kasama ngayon ni Gerard si Yvonne. Parang hindi niya iyon matatanggap.

Hindi pa rin siya nakikita ni Gerard. At ni Yvonne. Panay ang kanyang iwas, unsure kung handa na ba siyang makaharap ang ex-boyfriend at ang babaeng sumira sa kanilang relasyon.

Mabuti na lang at malawak ang lugar na pinagdarausan ng reception. Isa iyong pavillion na malapit sa beach. At dahil tila bukas sa lahat ng taga-San Marino ang okasyon, dagsa ang mga tao kung kaya nagawa niya ang mawala sa crowd.

Nag-stay siya sa labas, piniling huwag nang makipagsiksikan sa loob. Ipinagpasya niyang huwag nang makisalo sa pagkain – hindi naman siya gutom – at minabuting mamasyal na lamang sa hardin. Kailangan niya rin ang mapag-isa at makapag-isip-isip. Sa loob lamang ng ilang araw na inilagi niya rito, ang dami nang nangyari. Kailangan niyang limiin ang mga iyon upang maliwanagan ang kanyang isip, gayundin ang kanyang magulong damdamin.

Tumunog ang kanyang cellphone. Dave calling... ang nakita niya sa screen.

Kaagad niya iyong sinagot.

“Nasaan ka?” ang tanong ni Dave.

“Nandito sa kasal ng aking Tiya. Sa reception,” ang sagot niya.

“Nandito ako sa loob. Hindi kita makita. Ang daming tao. Parang fiesta. ”

“What do you mean nasa loob ka? Andito ka sa reception?” Hindi siya makapaniwala.

“Di ba inimbita mo ako? Well, I came.” Nang maikuwento niya si Dave, ipinaimbita ito ng kanyang Tiya Dolores.

“Akala ko ba, ayaw mong pumunta?”

“I changed my mind. Naisip ko, sayang naman ang libreng dinner,” ang pagbibiro pa nito na sinundan ng maiksing tawa.

“Nandito ako sa labas, nagpapahangin.”

“Huwag kang aalis diyan. Pupuntahan kita.”

“Magkita na lang tayo sa may entrance,” ang suhestiyon niya.

“Okay.”

Wrong move. Dahil nang papunta na siya sa may entrance, sino ang makakasalubong niya na papalabas ng reception hall? Walang iba kundi si Gerard!

Pareho silang napatda pagkakita sa isa’t isa. Lalo na si Gerard. At least siya, kahit paano ay may antisipasyon na.

“Adrian!” ang hindi nito napigilang bulalas.

“Gerard, hi!” ang kanyang tugon, pilit nagpapakahinahon, nagpapakatatag.

“What are you doing here?” ang tanong ni Gerard, nakarehistro sa mukha ang pagkagulat.

“This is the wedding of my aunt.”

“What? This is the wedding of my brother.  Huwag mong sabihing...”

“Yeah. This is the wedding of my aunt and your brother. Sila ang nagkapangasawahan.”

“I can’t believe it. Hindi ko alam na taga-rito ang inyong mga kamag-anakan.”

“Hindi ko rin alam na taga-rito ka.”

“Tingnan mo nga naman. Napakaliit ng mundo.”

Patlang.

Hindi iyon natiis ni Gerard. “Kumusta ka na?”

“I’m fine.”

“We need to talk.”

Hindi siya sumagot.

“Tungkol sa nangyari sa atin...”

“Wala kang dapat ipagpaliwanag maliban sa kung bakit naririto si Yvonne. I’ve seen her inside, you know. I guess it would pretty much explain kung ano na ba talaga ang totoo nating estado.”

As if on cue, biglang dumating si Yvonne. Gulat din ito pagkakita sa kanya, higit lalo at magkausap sila ni Gerard.

“What’s going on?” ang nagtataka nitong tanong bago kumapit sa bisig ni Gerard. Possessively. “Hi Adrian,” ang bati nito sa kanya.

“Oh hi, Yvonne,” ang bati rin niya, trying to be nice.

“Kami na ni Yvonne,” ang wala nang paligoy-ligoy pang pag-amin ni Gerard.

Agad agad? Napatingin siya kay Gerard na seryoso ang mukha – at kay Yvonne na nakangiti at parang sinasabing “I won”. Hindi siya nakasagot. Shocked siya. Hurt. Para siyang sinampal at napahiya. Para siyang nanghina.

“I’m sorry, Adrian,” ang dugtong pa ni Gerard. “Pero huwag mong isipin na hindi kita minahal. Na-realize ko lang na hindi ako one hundred percent gay. Bisexual ako. Gusto ko rin ng babae. At sa ngayo’y higit na matimbang sa akin si Yvonne.”

Nag-apuhap siya ng sasabihin subalit wala siyang maisip. Tila hindi niya rin magawang makipag-argue, makipaglaban para sa kanyang posisyon. Eto na at harapan nang sinasabi ni Gerard na ayaw na nito sa kanya. Na hindi na lalaki ang gusto kundi babae na. Bisexual, my foot! Is there such a thing? Nakipagrelasyon ka na nga sa akin noon tapos sasabihin mo ngayon, hindi ka bading?

Siya namang paglapit ni Dave.

“There you are,” ang sabi nito sa kanya.

Tila nahimasmasan siya at naligtas sa tuluyang pagkagupo dahil sa pagdating ni Dave. Kumapit siya rito to steady himself. Kaagad naman siyang inakbayan ni Dave. He felt better at siya ay napangiti.

Nakatingin naman sa kanila sina Gerard at Yvonne, nasa mga mata ang pagtatanong, ang pagtataka – sino ang lalaking ito na basta na lang sumulpot at feeling close – sweet, in fact – kay Adrian?

Bumaling ang tingin ni Adrian kina Gerard at Yvonne.

“Guys,” ang kanyang sabi, “I would like you to meet Dave, my... friend.”

“Boyfriend, actually,” ang mabilis na pagtutuwid ni Dave. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Nagulat man sa sinabi ni Dave, napangiti na rin siya higit lalo nang maramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang balikat.

Ang ekspresyon sa mga mukha nina Gerard at Yvonne? Priceless. Sila naman ang parang sinampal.

Pinangatawanan na ni Adrian ang kanilang pagiging “mag-boyfriend” ni Dave. “Hon, I think we should be going,” ang kanyang malambing na sabi. “You must be hungry. And besides, kanina ka pa gustung-gustong ma-meet ni Tiya Dolores.”

“I would love to meet her and the whole family,” ang pagsakay naman ni Dave.

“It was nice seeing you both,” ang sabi niya kina Gerard at Yvonne. “Goodbye.”

Bahagya nang nakatugon ang dalawa.

At sila ay tumalikod na ni Dave, magkakapit na naglakad patungo sa reception hall.

Bakit mo iyon ginawa?

Na-sense ko lang na iyon ang dapat kong gawin. He’s your ex, right?

How did you know?

Nakita ko ang hurt sa iyong mukha at ang tuwa sa mukha nung girl.

And so?

Isa lang ang ibig sabihin niyon, final na ang inyong break-up at kailangan mo ng lifesaver. That’s why I volunteered.

I didn’t know you are that perceptive.

 I just used my heart to see that’s why I knew.

Well, honey, I don’t know what to say.

(Tatapusin)

Part 10

2 comments:

Anonymous said...

tatapusin? Ang ganda ng istorya! I am not going to leave this page till the next part is posted..great job! kudos, aris! =)

Aris said...

@anonymous: salamat. part 10 is now posted. enjoy! :)