Gayunpaman, hindi niya naiwasang pagmasdan si Dolores habang
naghahanda ng almusal. Pilit niyang hinahanap ang bakas ng “drama” ng nagdaang
gabi subalit normal ang mga kilos nito na parang walang nangyari. Naisip na
lang ni Adrian: matapang at matatag na babae ang kanyang Tiya Dolores. Wala
siyang dapat ipag-alala. Kaya nitong dalhin ang sarili.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpaalam sa kanya si
Dolores.
“Kailangan kong samahan ang Tiya Rosario mo. Dalawang araw na
lamang bago ang kanyang kasal. May mga dapat pa kaming ayusin.”
“Gusto n’yo bang samahan ko kayo, Tiyang?” ang tanong ni
Adrian.
“Huwag na,” ang sagot ni Dolores. “Lakad-babae ito. Unless bored ka na rito sa bahay at kailangan mong lumabas.”
“Naku, Tiyang, hindi ho. Sa ganito kagandang lugar, paano
naman ako mabo-bore. Mamasyal lang ako sa dagat at mag-swimming, hindi ko na
mamamalayan ang oras.”
“Kung gayon, iyon na lang ang iyong gawin habang wala ako.
I-explore mo na rin ang beach sa kabila ng mga batuhan.”
Pagkaalis ni Dolores ay iyon nga ang kanyang ginawa. Lumabas
siya ng bahay ng naka-shorts at sleeveless. Sa loob ng shorts ay suot-suot niya
ang swimming trunks na bigay ni Gerard just in case maisipan niyang
mag-swimming. May dala rin siyang tubig at pocketbook.
Maaga pa at hindi pa masyadong mainit ang araw. Malamig ang
hihip ng hangin at banayad ang mga alon sa dalampasigan. Iginala niya ang
paningin upang muli ay pagmasdan ang kariktan ng kapaligiran. Huminga siya nang
malalim. Gumaan ang kanyang pakiramdam at nalimot niya ang lahat. Tila nabura
ang lahat ng kanyang mga pag-aalala at agam-agam sa buhay.
Nagsimula siyang maglakad-lakad sa dalampasigan at nang
marating niya ang dulo ng cove, inakyat niya at tinawid ang batuhan. Sa kabila
niyon ay tumambad sa kanya ang mas mahabang stretch ng beach. At doon sa
una-unahan na medyo malayo-layo rin ay natanaw niya ang sinasabing Long Beach
na kung saan naroroon ang mga turista. Naisip niya, maaari niya palang marating
iyon basta’t tuntunin niya lang ang dalampasigan. Naisip niya rin ang kasiyahan
doon ng mga bakasyunista, lalo na sa gabi na kung saan buhay na buhay ang mga
bars at magdamagan ang party. At higit sa lahat, naisip niya si Dave. Kumusta
na kaya si Dave? Nag-e-enjoy ba ito sa bakasyon? May nakilala na kaya itong
bagong kaibigan? Hindi niya alam kung bakit parang na-miss niya si Dave.
Sinubukan niya sanang bagtasin ang dalampasigan upang
marating ang Long Beach – baka by chance ay magkita sila roon ni Dave – subalit
habang nagtatagal ay nararamdaman niya ang papatinding sikat ng araw. At dahil
wala naman talaga iyon sa kanyang balak, ipinagpasya niya na lamang ang
bumalik. Muli niyang tinawid ang batuhan at nang marating ang cove, naupo siya
sa lilim ng isang mayabong na puno ng Talisay.
Binuklat niya ang librong dala, doon sa pahina na kung saan
nakaipit ang bookmarker niya. Pagkakita sa bookmarker ay muli na naman niyang
naalala si Gerard dahil si Gerard din ang may bigay niyon sa kanya. May
dedication pa sa likod. “To my one and only. Happy reading!” My one and only, hmp! Nalungkot siya
sa muling pagkaalala kay Gerard at sa nangyari sa kanila. Isinaisantabi niya
iyon sa kanyang isip. Sinimulan niya ang magbasa.
Bago niya namalayan ay mataas na ang araw. Sa tantiya niya ay
pasado alas-dose na. Subalit hindi siya nakakaramdam ng gutom. Sa halip ay
inaantok siya. Isinara niya ang libro at siya ay pumikit. Sandali siyang
naidlip at nang magising ay mga bandang alas-dos o alas-tres na. Nag-swimming
muna siya at nang magsawa ay saka niya ipinagpasyang umuwi na.
Tahimik ang bahay. Ibig sabihin, hindi pa umuuwi si Dolores.
Nag-shower siya at nagbihis. Nasa kusina siya at naghahanda nang makakain nang
may marinig siyang mga katok sa pinto. Inisip niya kaagad na si Dolores iyon
kaya dali-dali siyang nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at siya ay nagulat.
Dahil naroroon sa kanyang harapan, nakatayo ang isang lalaking kaagad na
nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.
Si Lucas.
Si Lucas na kamukha ng ex-boyfriend niyang si Gerard.
Hubad-baro at nakalantad ang matipunong pangangatawan. Masyadong mababa ang
shorts na maong na halos lumitaw na ang bulbol. Kulay tanso ang balat na
makinis at makinang sa tama ng liwanag dahil basa si Lucas at tila kaaahon lang
sa dagat.
“Si Dolores?” ang tanong nito sa kanya.
“Umalis siya,” ang sagot niya.
Hinagod siya ng tingin ni Lucas.
“Ikaw ang pamangkin niya?”
“Oo. Ako si Adrian.”
Hinintay ni Adrian na magpakilala rin si Lucas subalit
nanatili itong tahimik.
“Ikaw si Lucas,” ang hindi niya natiis sabihin.
“Paano mo nalaman ang aking pangalan?”
“Itinanong ko kay Tiya Dolores.”
Nagtama ang kanilang mga mata.
“Halika, tumuloy ka muna,” ang yaya ni Adrian. “Naghahanda
ako ng meryenda.”
Pumasok si Lucas subalit hindi naupo. Nang makitang nagpapalaman
siya ng isa pang sandwich, sinansala siya nito.
“Huwag ka nang mag-abala. Hindi ako nagugutom. Si Dolores
talaga ang aking sadya. Maaari ko ba siyang hintayin?”
“Hindi ko alam kung ano’ng oras siya darating. Baka mainip
ka. Kung gusto mo, magbilin ka na lang sa akin.”
Hindi sumagot si Lucas, tila nag-iisip.
“Hindi bale na lang,” ang sabi, pagkaraan. “Babalik na lang
ako.”
Tumalikod ito at humakbang papalapit sa pinto.
“Hintay,” ang pigil sa kanya ni Adrian.
Huminto si Lucas at pumihit.
Lumapit si Adrian. Subalit sa halip na magsalita ay napatitig
siya kay Lucas.
Sinalubong ni Lucas ang kanyang mga mata. Kung ang kanyang mga titig ay parang nasasabik, ang mga titig naman nito ay parang nang-aakit. Kakapiraso lang ang espasyong nasa pagitan nila. Langhap ni Adrian ang simoy-dagat sa hubad na katawan ni Lucas. Dama niya ang mainit na singaw nito.
Sinalubong ni Lucas ang kanyang mga mata. Kung ang kanyang mga titig ay parang nasasabik, ang mga titig naman nito ay parang nang-aakit. Kakapiraso lang ang espasyong nasa pagitan nila. Langhap ni Adrian ang simoy-dagat sa hubad na katawan ni Lucas. Dama niya ang mainit na singaw nito.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kanyang kapangahasan.
Gumalaw ang kanyang kamay at dinama ang matipunong dibdib ni Lucas. Sinalat-salat
ang mga utong.
Bumaba ang kanyang kamay. Hinaplos ang mapipintog na six-pack.
Si Lucas ay hindi tuminag at nagpaubaya lamang.
Dumako ang kamay ni Adrian sa tiyan ni Lucas. At pagkaraang
sundan ang happy trail mula sa pusod ay tuluyan na niyang dinukot ang nasa loob
ng shorts. Hinawi ang bulbol at sinapo ang ari na nagsisimula nang tumigas.
Binalot niya iyon ng kanyang palad. Halos hindi magpang-abot
ang dulo ng kanyang mga daliri. Ramdam niya ang
init at pagpintig-pintig ng mga ugat. At dahil naghuhumindig na iyon, sumikip
na ang shorts at hindi na siya makabuwelo sa paghimas. Dali-dali niyang
tinanggal ang butones, ibinaba ang zipper at hinubo iyon. Umigkas ang
ari ni Lucas nang makawala sa pagkakakulob. Parang dalag iyon na kaagad niyang
dinakma at magkasalit, magkatuwang na pinaglaruan ng mga kamay.
Napakadyot si Lucas, napasandal at napakapit sa dingding.
Hindi na napigil ni Adrian ang pagnanasang lubusan itong maangkin. Hinagkan niya ito sa dibdib. Sinipsip at kinagat-kagat ang mga
utong. Dinilaan ang tiyan, ang pusod, ang bulbol. Nalanghap niya ang halimuyak
ng ari nito. Hinimod niya muna iyon bago isinubo. Namuwalan siya subalit hindi sumuko. Maya-maya pa, nagbababa-taas na ang kanyang
ulo.
Nabalisa si Lucas. Napapikit at napaliyad. Napasabunot sa
kanyang buhok. Muli itong napakadyot sabay sa ritmo ng kanyang pag-urong-sulong.
Sarap na sarap ito – gayundin siya – at tila nahihibang na at malapit nang maabot
ang rurok.
Nasa ganoon silang kalagayan nang biglang bumukas ang pinto.
Napapitlag sila at mabilis na nagkalas.
Nakatayo si Dolores sa may pintuan. Tutop ang dibdib. Sindak sa
nabungaran.
4 comments:
PAK!!!
@angel: abangan! hehe! :)
I enjoyed readingg your post
God bleess
Post a Comment