Friday, August 15, 2008

Kumusta Ka

Malayo pa, napansin ko na ang lalaking makakasalubong ko sa mall.

“Gwapo,” ang sabi ko sa sarili.

Matangkad. Maputi. Mahaba ang buhok. May karga siyang bata at may kasamang babae.

Higit siyang gumugwapo habang papalapit nang papalapit. Parang pamilyar siya sa akin.

Nagkasalubong kami. Nagtama ang aming mga mata. Sabay kaming napahinto. Pareho kaming nagulat. Kilala ko siya.

Magkakilala kami.

Magkakilalang-magkakilala.

***

Sex. Yun lang ang dahilan kaya sumama ako kay D sa bahay niya. Nagkakilala kami sa sinehan, last full show.

Akala ko, mag-isa lang siya sa bahay pero kasama niya pala ang tiyahin niya.

“Auntie, si Aris, kaibigan ko. Nasaraduhan siya sa kanila kaya dito muna siya makikitulog,” ang pakilala niya sa akin.

“Good evening po,” ang bati ko kay auntie.

Suplada si auntie. Hindi sumagot. Tumingin lang sa akin.

Pumasok kami sa kwarto ni D. Naghubad kaagad kami.

We started doing it.

Ingat na ingat kaming hindi gumawa ng anumang ingay. Baka makahalata si auntie.

Paulit-ulit kaming nagtalik ni D buong magdamag.

It was good sex.

***

“Magkikita ba tayo uli?” ang tanong niya sa akin pagkatapos.

“Sure,” ang sagot ko.

“Libre ako sa hapon. Panggabi kasi ako sa trabaho. Wala akong pasok kapag Sabado.”

“Saan ka nagtatrabaho?”

“Sa EPZA. Pagawaan ng electronics.”

“Madalas libre din ako sa hapon.”

“Punta ka na lang dito. Wag kang mag-alala, gabi lang nandito si auntie kasi may trabaho siya. Tayong dalawa lang dito sa bahay.”

Napangiti ako.

Napangiti rin siya, may halong kapilyuhan. “Pwede nating ulit-ulitin yung ginawa natin. Pwede pa tayong mag-ingay.”

Natawa ako.

“Ssshh! Baka magising si auntie.”

Maya-maya hinalikan niya ako. Muli kaming nagyakap. Nagdikit ang mga hubad na katawan.

Humirit kami ng isa pang round bago nag-umaga.

***

Isang hapon, bumalik ako sa bahay niya.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto, hinila niya kaagad ako sa loob. Bagong ligo siya at naka-tuwalya lang.

Naghalikan kami ng buong pananabik. Nagyakap ng buong higpit. Ang bango-bango niya.

Tinanggal niya ang kanyang tuwalya. Hinubad ko ang aking mga damit.

Nagsalo kami sa isang mahaba at luxurious na pagniniig.

Doon sa salas, paulit-ulit naming pinakawalan ang init ng aming mga katawan.

It was good, even better than the first.

“Nagugutom ka?” ang tanong niya sa akin pagkatapos. Magkayakap kaming nakahiga sa sofa.

“Medyo,” ang sagot ko. “Tara, kain tayo sa labas.”

“Dito na lang. Ipagluluto kita.”

“Sigurado ka?”

Tumayo siya. Hubo’t hubad siyang naglakad papunta sa kusina. His body was long and lean.

“Ok na sa’yo ang scrambled egg?” tanong niya sa akin.

“Gusto ko yan.”

Naghanda siyang magluto. Napaka-sexy niyang tingnan lalong-lalo na nang magsimula siyang magbate ng itlog. It was a major turn-on.

“Mahilig ka magluto?” ang tanong ko.

“Oo. Pero gusto ko may ipinagluluto.”

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod. “Gusto mo ipagluto rin kita?”

“Gusto ko,” ang sagot niya. Nilingon niya ako upang abutin ng halik ang aking mga labi.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. Hinalik-halikan ko ang kanyang batok at mahabang buhok. I suddenly felt sweet towards D.

Ako naman ang nagluto ng hotdog.

***

“Simpleng buhay lang ang gusto ko,” ang sabi niya sa akin habang nagsasalo kami sa itlog at hotdog.

“Gaano kasimple?” ang tanong ko.

“Basta tahimik, malayo sa gulo, hindi kinakapos. Masaya na ako sa ganoon.”

“Ako rin. Simple lang din ang pangarap ko sa buhay,” ang sagot ko.

“Ano’ng pangarap mo sa buhay?” ang tanong niya sa akin.

“Gusto kong tumira sa isang farm. Malapit sa beach.”

“Parang ganyan din ang gusto ko. Pero sana, kasama ko ang mahal ko.”

“Ako rin naman. Ayokong mag-isa lang ako.”

“Pwede kayang tayo na lang ang magkasama?”

“Pwede. Kapag mahal na natin ang isa’t isa.”

“Malapit na kaya yun?”

“Siguro…”

***

Naging madalas ang pagpunta-punta ko sa bahay ni D tuwing hapon. Siyempre hindi maiiwasan ang sex. Pero habang tumatagal, parang hindi na lamang iyon ang mahalaga sa aming dalawa.

Masaya kami na nagkikita, nagkakasama, nag-uusap. Masaya kaming nagluluto ng pagkain naming dalawa.

Sa bawat pagkakataon na ginagawa namin ito, tumitibay ang bonding naming dalawa. Lumalalim ang aming relasyon.

Parang kami na kahit hindi namin napag-uusapan, kahit walang pormalidad.

Minsan, pagdating ko sa bahay niya, nagulat ako. May mga rose petals sa kama niya.

“Ano ito?”

“Wala lang. Para maiba naman.”

Nagtataka man, napangiti ako.

Hinubaran niya ako. Inihiga niya ako sa kama. Sinimulan niya akong halikan sa buong katawan. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit.

Napakamaalab ng aming naging pagniniig. Damang-dama ko ang kagustuhan niyang paligayahin ako at gawing napaka-espesyal ng mga sandaling iyon para sa akin. Ilang ulit ko ring naabot ang langit.

Nang humupa ang init, may ibinulong siya sa akin.

“I love you,” ang sabi niya habang nakayakap siya.

Napatitig ako sa kanyang mga mata.

“Aris, I love you,” ang ulit niya.

Isang halik ang isinagot ko sa kanya. Pinili kong ipahayag nang tahimik sa pamamagitan ng aking mga labi ang nag-uumapaw ko ring damdamin para sa kanya.

Muli kaming nagpagulong-gulong sa kama. Langhap na langhap ko ang bango ng rosas.

We made love again. This time, it was love, not just sex.

Everything was perfect.

Pero nangyari ang hindi inaasahan…

***

Magkayakap kaming nakahiga sa kama, pareho kaming hubad, nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni D.

Nagulat kami nang makita kung sino ang nakatayo sa pintuan.

Si auntie! Oh my God! Hindi namin namalayan ang kanyang pagdating.

Kitang-kita ko ang shock sa mukha ni auntie sa kanyang nabungaran.

Tutop niya ang kanyang dibdib, hindi siya makapagsalita. Nagmamadali siyang tumalikod at umalis.

Bumangon si D. Nagbihis at sinundan ang kanyang auntie.

Naiwan ako sa kwarto. Hindi ko alam ang aking gagawin. Narinig ko ang kanilang pag-uusap sa labas. Galit si auntie. Nagpapaliwanag si D.

Matagal bago muling pumasok si D sa kwarto.

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata.

“Magbihis ka na. Kailangan mo nang umalis.”

“Paano tayo?”

“Hindi ko alam. Galit na galit si auntie.”

“Magkikita pa ba tayo?”

“Hindi ko alam. Saka na tayo mag-usap.”

Nagbihis ako. Nasa salas si auntie, paglabas ko.

“Layuan mo ang pamangkin ko!” ang bungad niya kaagad sa akin, pasigaw.

“Auntie…” ang saway ni D.

Bakas ang galit sa mukha ni auntie. “Layuan mo siya,” ang ulit niya. “Hindi siya bakla!”

Wala akong maisagot sa kanya.

“Huwag na huwag ka nang babalik dito! Huwag na huwag nang makikipagkita kay D! Kung hindi, ipapa-barangay kita! Ma-eskandalo na tayong lahat dito!” ang banta pa niya.

Tahimik kong tinungo ang pinto. Bago ako tuluyang lumabas, nilingon ko si D.

Nakatingin siya sa akin, may lungkot sa mga mata.

“Aris…” ang tawag niya sa akin.

“Huwag na huwag mo siyang susundan, D! Binabalaan kita,” ang bulyaw sa kanya ng auntie niya.

Hinintay kong lapitan ako ni D pero nanatili siyang nakatayo.

Tumalikod ako at umalis.

“Goodbye, D,” ang bulong ko.

***

Nami-miss ko si D. Hinahanap-hanap ko siya. Gusto ko siyang makita.

Kahit alam kong hindi dapat, nagpasya akong pumunta sa bahay niya. Isang hapon iyon na medyo maulan.

Katok ako nang katok, walang nagbubukas ng pinto.

Hindi ako umalis. Naupo ako sa labas. Ipinasya kong maghintay.

Lumakas ang buhos ng ulan. Inabot ako ng gabi sa paghihintay.

Dumating ang auntie ni D.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” May galit sa kanyang mga mata nang makita ako.

“Gusto kong makita si D.”

“Tigilan mo na siya.”

“Hindi ko kayang gawin. Mahal ko siya!” Kumawala ang damdaming matagal ko nang tinitimpi.

Ngumiti nang sarkastiko ang auntie ni D.

“Nasaan siya?” ang tanong ko.

“Wala na si D. Hindi mo na siya makikita.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Umuwi na siya sa probinsya. Hinding-hindi na siya babalik dito.”

“Ha?”

“Iniwan ka na niya. Tapos na ang relasyon ninyo.”

“Saang probinsya nagpunta si D?”

“Bakit ko sasabihin sa’yo? Para masundan mo? Para guluhin mo? Kaya ko siya pinauwi para matigil ang kahibangan ninyo.”

“Ikaw ang nagpauwi sa kanya?”

“Oo. Dahil kung hindi niya gagawin yun, malalaman ng tatay niya ang tungkol sa inyo. Isusumbong ko siya. Magugulo ang buhay niya.”

Nanlumo ako sa aking narinig.

“Umalis ka na.”

Para akong hindi makakilos.

“Umalis ka na sabi. Kalimutan mo na si D!”

Ang bigat ihakbang ng aking mga paa. Ang bigat dalhin ng aking kalooban. Naglakad ako na parang wala sa sarili. Hindi ko alintana ang malakas na ulan.

***

“Aris…” ang mahina niyang banggit sa pangalan ko.

“D!” ang tawag ko sa pangalan niya.

Pareho kaming hindi makapaniwala na nasa harap namin ang isa’t isa. After all these years.

“Kumusta ka?” ang tanong ko.

“Mabuti. Ikaw?”

“Ok lang.” Dumako ang mga mata ko sa batang karga-karga niya.

“Anak ko,” ang sabi niya.

“Nag-asawa ka na?”

“Siyanga pala,” ang baling niya sa babaeng nasa tabi niya. “Si V. Misis ko.”

“Hi,” Ang bati ko.

“Si Aris, kaibigan ko,” ang pakilala niya sa akin.

Ngumiti si V. Simple lang siya pero maganda.

“Ipinapasyal ko lang sila. Pabalik na kasi kami bukas sa probinsya. Dinalaw lang namin ang auntie ko.”

“Ganoon ba? Doon ka na tumira sa probinsya?”

“Oo. Sa isang farm. Malapit sa beach. Kasama ang mahal ko.” Ngumiti siya.

Ngumiti rin ako pero parang may lungkot na bumalot sa aking dibdib. Tumingin ako sa kanyang mga mata, pilit kong hinahanap ang bakas ng aming nakaraan.

Umiwas ang kanyang tingin. Inakbayan niya si V. “Sige, Aris. Tutuloy na kami.”

“Sige.” Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong itanong. Pero iyon lang ang nasabi ko.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakaakbay siya sa asawa at karga-karga ang anak nila.

Nanatili akong nakatayo sa aking kinaroroonan. Nakatanaw sa kanila habang papalayo.

Kahit minsan, hindi lumingon si D.



15 comments:

Looking For The Source said...

when i read this line...

“Oo. Sa isang farm. Malapit sa beach. Kasama ang mahal ko.” Ngumiti siya.

...naramdaman ko ung sakit.. hindi man ako ung naka-experience ng ganyan.. pero bro, parang ako din nasakatan..

grabe...

but on the brighter side... hell, the sex (or should i say sex's??) was great! hahaha

Aris said...

painful talaga @ lfts. parang dinurog ang puso ko. but you're right, the sex was great! lol!

Anonymous said...

why did he have to state that line? nananadya ba siya? ouch..

Aris said...

ouch talaga! @jamir. nice to know you are reading my blog. sana enjoy ka. :)

Kane said...

Aris,

Alam mo ba... ito ang paborito kong kuwento mo. Dapat isama mo siya sa Must Read.

=)
Kane

Aris said...

@kane: wow, talagang nag-backread ka! at dahil ni-like mo ang kuwentong ito, isasama ko na ito sa must read. miss you, k. see you soon! :)

Seth said...

like ko na din ito ^^

Aris said...

@seth: salamat, seth. :)

Anonymous said...

You made me cry in this story... :-(

Aris said...

@edison: sorry kung pinaiyak kita. sana naibigan mo pa rin. :)

Migz said...

Aris,

Ang ganda nito sobra. Nangarap ako mula sa kwento na ito. Nakaka-iyak.

Thanks for sharing.

P.S. Ngayon ko lang din narinig ang kantang "Kamusta Ka". Nakakaiyak din siya. :( Thanks ulit

Anonymous said...

wow....that was something...!
natuwa ako na nalungkot...
i want to share this story...kung papayag ka. pag posted ang comment ko that means payag ka ha.
:))

June | Life and Spices said...

Nakakalungkot kwento mo Aris ha. Grabe. That dream house. tsk

aboutambot said...

almost done backreading. so far ito ang pinakagusto ko.

matt said...

Started reading your articles today. Sobrang na-hook ako, Aris. This is one of my favorite...

Mukhang makakaya kong basahin lahat today. Hehehe