Kagabi, muling nagpakita ang multo sa kuwarto ko.
Sa kalaliman ng gabi, ako ay nagising. Nakita ko siyang nakatayo sa may bintana, nakaharap sa akin.
Mariin akong napapikit at umusal ng “I believe in God…”
Pagdilat ko uli, wala na siya.
Ito na ang ikatlong pagpapakita ng multo sa akin.
Kalilipat lang namin dito sa bagong gawang bahay nang una siyang magpakita.
Mahimbing ang tulog ko noon nang bigla akong magising. Tumambad sa akin ang isang anino na nakatayo sa may paanan ng kama ko at nakatunghay sa akin.
Ang una ko kaagad naisip: Napasok kami ng magnanakaw!
Hindi ako gumalaw sa takot na baka kung ano ang gawin ng “magnanakaw” sa akin. Nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kanya. Madilim, hindi ko makita ang kanyang mukha. Ang naaaninag ko lamang ay ang hubog niya.
Matagal ko siyang pinagmasdan.
Habang nakatingin sa kanya, plinano ko sa isip kung ano ang aking gagawin.
Bumuwelo ako at bumalikwas ng bangon. Tinakbo ko ang pinto at binuksan upang makatakas ako palabas. Nilingon ko ang “magnanakaw” sa kanyang kinaroroonan. Ngunit bigla siyang naglaho. Binuksan ko ang ilaw, walang ibang tao sa kuwarto ko kundi ako.
Ang kinatitirikan ng bahay namin ngayon ay dating bakante at madawag na lote sa isang subdivision. Noong ipinapalinis namin ito, may narinig na akong kwento sa mga kapitbahay na noon daw ay may pinatay at itinapon dito.
Hindi ko pinansin ang kuwento. Nakalimutan ko na nga ito. Naalala ko lang uli pagkatapos ng unang pagpapakita sa akin ng multo.
Binalak ko na lumipat sa guest room at iwan ang kuwarto ko pero naisip ko, kuwarto ko ito. May karapatan ako rito. Kung may dapat umalis, hindi ako kundi ang multo.
Mahigit isang buwan ang lumipas bago uli nagpakita sa akin ang multo. Nagising ako at nakita ko siya na nakatayo sa may aparador. Binulungan ko siya: “Umalis ka… Umalis ka rito… Kuwarto ko ito…” Pumikit ako at sinabayan ko ng dasal. Pagdilat ko, mag-isa na lang ako.
Akala ko, iyon na ang huli niyang pagpapakita sa akin. Akala ko dininig niya ang bulong at assertion ko sa teritoryo ko. Matagal na hindi niya ako dinalaw.
Ngunit kagabi, nagpakita uli siya.
Bakit hindi siya matahimik? Bakit pababalik-balik siya? Bakit kung kailan malapit na ang halloween ay saka uli siya nagpakita? Nakiki-uso ba siya?
May takot ako pero pinaglalabanan ko. Mukha namang harmless siya.
Susubukan ko na lang siyang ipagdasal para sa ikatatahimik niya.
At siguro, pabe-bendisyunan ko na rin ang kuwarto ko.
Tuesday, October 28, 2008
Monday, October 27, 2008
Haraiku
As inspired by Joaqui Miguel and Tristan's haikuhan...
***
PAGKIKITA
Nagkatinginan
Saka nagkangitian
Nagkagustuhan.
***
PAGTATAGPO
Tayo'y nagsayaw
At ako ay niyakap
Sabay hinagkan.
***
PAGNINIIG
Bawal na prutas
Tinikman ko’t nilasap
Tamis ng katas.
***
PAGHIHIWALAY
Pusong ulila
Ipinagkatiwala
Ba't pinaluha.
Friday, October 24, 2008
Li'l Bro
Nang sumali sa barkadahan namin si JL, siya yung tipong hindi ko makaka-close.
Suplado ang first impression ko sa kanya. Noong ipinakilala siya sa grupo, sinubukan ko siyang chikahin pero cold ang response niya na parang hindi siya interesadong makipag-usap sa akin. Eighteen lang siya at masyadong bata para sa age group namin. Sa tingin ko, hindi siya makaka-relate at eventually, aalis din siya para maghanap ng mga ka-edad niya.
Nang sumunod na pagkikita-kita, sinubukan ko uling maging friendly sa kanya, pero yes or no o kaya’y iling o kibit-balikat lang ang mga sagot niya sa tanong ko. Tuluyan na akong nawalan ng gana sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko, hindi ko na siya uli kakausapin. Napapahiya lang ako.
Surprisingly, nag-stick si JL sa barkadahan namin. Napansin ko, nag-warm-up na siya sa iba pa naming mga kabarkada. Sa akin lang talaga hindi at mukhang iwas siya. Sa regular na pagsasama-sama naming magkakabarkada tuwing Sabado, nakikipagkuwentuhan siya sa lahat maliban sa akin. Dahil dito, lalo akong nailang sa kanya at tinotoo ko na talaga ang pandededma.
Hindi ko na siya pinansin at kinausap sa mga sumunod na bonding time namin ng barkada.
Isang Sabado nang gabi, kaming dalawa ang naunang dumating sa meeting place. Iiwasan ko sana siya kaya lang wala naman akong ibang matatambayan kaya no choice ako kundi ang maki-share sa mesa niya.
“Hi, JL,” ang pamamlastik ko.
“Hi, Aris,” ang sagot niya. Mabuti naman at in-acknowledge niya ang pambabati ko.
Umorder ako ng beer. Napansin ko na hindi pa siya umiinom kaya inalok ko siya.
“No, thanks,” ang tanggi niya.
So, uminom akong mag-isa. Ang awkward ng moment naming dalawa. Magkaharap kami sa isang mesa pero hindi kami nag-uusap. Ayokong mag-initiate ng conversation, baka mainis lang ako. Lihim kong wini-wish na sana dumating na ang iba pa naming mga kabarkada.
Matagal kaming tahimik at halos ayaw magtinginan. At dahil mukhang matatagalan pa bago may dumating sa aming mga kabarkada, hindi ko natiis na hindi siya kausapin. Umiral ang aking pagka-Ms. Congeniality.
“Kumusta ka?” ang opener ko.
“Medyo hindi ok.” Aba, milagro, sumagot. At hindi simpleng “ok lang” na inaasahan ko. Mukhang may problema ang isnabero.
“Bakit naman?” ang follow-up ko siyempre.
“Heartbroken ako…” ang sagot, seryoso.
“Uhuh…” After acknowledging what he said, natigilan ako. Hindi ako sure kung dapat kong i-pursue ang pagtatatanong.
Pero nagpatuloy siya. “Somebody I really like… na akala ko gusto rin ako, just texted me kanina... Nakipag-commit na siya sa iba.” Nakatingin siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Naramdaman ko na kailangan niya ng karamay...ng makakausap…ng makikinig sa kanyang hinagpis. I decided to make myself available.
I ordered a beer for him. Alam ko na magiging madali sa kanya ang paghahayag ng kanyang saloobin kung umiinom siya.
“Who is this guy?”
“Somebody I met in a bar. Matagal na. He is a doctor. I have this thing for older guys, you know… He is the perfect one for me. ”
“Is he cute?”
“Yeah.”Ipinakita niya sa akin ang picture nila ni Doc sa celfone niya.
“Uy, ang sweet nyo ah,” ang comment ko. “Mukha kayong mag-jowa.”
“We dated a number of times at ok naman kami. Sweet siya sa akin. Akala ko nga, magiging kami na. Pero ayaw niya sa bata. The guy he is in love with – na jowa niya na ngayon – is older than him. He thinks we are just wrong for each other dahil sa age difference namin.”
“Mahal mo ba siya?”
“Oo,” ang walang kagatol-gatol niyang pag-amin.
“I am so sorry to hear that…”
“It makes me sad na nauwi sa wala ang lahat. Akala ko mahal niya rin ako. Dahil sa mga ipinakita niya sa akin, naniwala ako na special ako sa kanya… na may feelings din siya sa akin. Pero mali pala ako.”
Mababakas sa tinig ni JL ang hurt na dinaramdam niya.
I tried my best to console him. Kahit hindi ako sigurado kung makakatulong ba at makagagaan sa dinadala niya ang sasabihin ko, I still gave it a shot.
Ang sabi ko sa kanya: “JL, you’re still young. Nagsisimula ka pa lang i-explore ang pakikipag-relasyon. Marami talagang stumbling blocks sa una. Maraming lessons to be learned. Kapag nadapa ka, kailangang bumangon ka. Kapag nasaktan ka, kailangan magawa mong i-manage ang pain. You have to move on… you should not give up. You have to love yourself more and be aware of who you are… of what you’ve got. You are one good looking guy. Guwapo ka. I am sure, maraming nagkaka-crush sa’yo. Enjoy the attention and be more responsive. Alam ko, darating ang tamang tao sa tamang panahon. Mamahalin ka niya the way you deserve to be loved.”
Nakatingin sa akin si JL. Maya-maya, ngumiti siya. Parang nagliwanag ang kanyang mukha.
“Thank you,” ang sabi niya sabay taas ng beer niya.
Sabay kaming uminom.
I suddenly felt at ease. Siguro dahil sa beer o sa maiksing interaction namin ni JL, parang biglang nawala ang dingding sa pagitan namin.
“I am sorry kung hindi ako masyadong naging friendly sa’yo…” ang sabi niya pagkaraan.
“Hindi nga ba?” ang pagkukunwari ko.
“Naiilang ako sa’yo eh. Parang ayaw kong maging close sa’yo…”
“Huh? Why is that?”
“Maniniwala ka ba? Because you remind me so much of Doc. Ayokong maging fond sa’yo kasi ayokong maging unfaithful sa kanya. Crazy thought, noh? Kaya iniwasan talaga kita.”
“W-what…?” Medyo confused ako sa sinabi niya.
“When we were introduced, ang impression ko sa’yo, mabait ka. I immediately liked you and your sunny personality. Kinontra ko lang ang sarili ko kasi, ewan ko, parang feeling ko, magkakasala ako kay Doc kapag naging nice ako sa’yo.”
“That’s…weird.”
“I know. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon ang naisip ko. Siguro dahil masyado akong in love sa kanya kaya distorted akong mag-isip.”
“Magkaiba ang boyfriend sa friend. Pwede mo silang mahalin nang sabay na walang conflict.”
“I hope we can still be friends…”
“Friends naman talaga tayo, di ba? Pwede rin tayong maging magkapatid, kung gusto mo.” I smiled at him.
Hindi ko inaasahan, niyakap niya ako. “Thanks, big bro.”
I hugged him back. “No problem, li’l bro.”
We toasted and drank.
After another round of beer, para na kaming sina Shawie at Juday.

Friday, October 17, 2008
Emote
Mula nang mag-disappear ka, hindi ka na uli nagparamdam.
Hindi ka na uli nag-text.
Nabalitaan ko na lang mula sa common friend natin: Nagkabalikan na kayo ng ex mo.
Noong iniwan ko kayo sa Sonata para mag-usap, you kissed and made up.
And then you made out.
Sumama ka na pala sa kanya habang ako ay parang tangang naghihintay sa’yo sa Bed.
Sa harap ng isang bakanteng mesa, pilit kong nilunod sa Strong Ice ang magkakahalong damdamin: sakit, galit at lungkot.
It felt like a roller coaster mishap. After the thrill and excitement, I fell hard and I was broken.
***
Last night after finally telling our story, hindi ako kaagad nakatulog.
Nanariwa ang alaalang pilit kong sinu-suppress nitong mga nagdaang araw.
Naiisip pa rin kita. Ayokong aminin sa sarili ko na in-love ako sa’yo. No. No. No.
You just caught me off-guard kaya ako nagkakaganito.
I was at my most vulnerable nang pinukol mo ako ng atensyon kaya sapul na sapul ako.
I will be fine, I know.
***
By nature, masokista yata talaga ang tao.
Nasasaktan na nga ako sa alaala mo, pinatugtog ko pa ang “Somewhere Down The Road” ni Barry Manilow.
Pinakinggan ko nang paulit-ulit na parang gusto ko na higit pang masaktan.
Bawat linya ng kanta, bawat sinasabi ay parang patungkol sa akin at sa ating dalawa. Tumitimo sa puso.
“Hindi ba ganoon talaga ang music? Pag in-love na in-love ka, o kaya naman heartbroken, almost all the songs na marinig mo, kahit saan, ay may meaning at parang kinakausap ka?” -- Joel McVie
Para akong maiiyak. Pero pinigil ko.
I pressed STOP.
Husto na ang emote.
Ayoko na.

Thursday, October 16, 2008
Sana Ikaw At Ako
The moment I saw you, nakalimutan ko ang tampo ko sa di mo pagsipot sa birthday party ko.
Napakaguwapo mo sa iyong pagkakangiti habang papalapit ako sa kinaroroonan mo. Sa Dencio's Harbor Square natin napagkasunduang mag-dinner.
“Hi, Aris,” ang bati mo kaagad sa akin.
“Hi,” ang bati ko rin.
Naupo ako sa harap mo. Alam ko na hindi maikakaila sa mukha ko ang saya sa muli nating pagkikita.
“Kumusta?” ang tanong ko.
“Mabuti.” Nakangiti ka pa rin nang sumagot ka.
Hinagod ko ng tingin ang iyong mukha na naging laman ng isip ko nitong mga huling araw. Nagtama ang ating mga mata at pakiramdam ko, sandaling tumigil ang ikot ng mundo nang magkatitigan tayo.
Napukaw tayo sa paglapit ng waiter. We ordered.
“Akala ko, hindi ka darating…” ang sabi mo pag-alis ng waiter.
“Akala mo, gagantihan kita?” ang sagot ko. “Of course, I won’t do that to you.”
Muli kang napangiti at nakita ko ang braces sa mga ngipin mo na nagpapatingkad sa sex appeal mo.
“How was your week?” ang tanong mo pagkaraan.
“Busy. Too much work. Ikaw?”
“Work din. The usual boring stuff. Buti na lang we are having this dinner together. Nagkaroon ng highlight ang linggo ko.”
“Really?” Deep inside, kinilig ako pero siyempre hindi ako nagpahalata.
“I was looking forward to this… I want to know you more. Mula nang magkakilala tayo, ngayon lang uli tayo nagkita. Masaya ako na magkasama tayo ngayon.”
“Masaya rin ako,” ang amin ko.
Muling nagtagpo ang ating mga mata. May ibig sabihin ang ating mga titig na hindi masabi ng ating mga bibig.
Hindi nagtagal, dumating ang ating order. Nagpatuloy tayo sa pag-uusap habang kumakain.
Unti-unti kang nagkuwento tungkol sa sarili mo. Mataman akong nakinig. At habang unti-unti kitang nakikilala, higit kitang nagugustuhan.
Nagsiwalat din ako ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Nakinig ka rin. At mula sa mga ngiti at sagot mo, nakaramdaman ako ng affirmation.
Hindi natin namalayan ang paglipas ng oras. Medyo ginabi na tayo nang husto dahil nalibang tayo at nag-enjoy sa ating pag-uusap.
Ayaw ko pang matapos ang gabi. Gusto ko na makasama pa kita nang matagal. At dahil Sabado nang gabi, niyaya kita sa Malate.
Kaagad kang pumayag.
Tahimik tayo sa likod ng taxi. Maya-maya, naramdaman ko ang paggagap mo sa kamay ko. Nag-respond ako sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa kamay mo. Nagkatinginan tayo at nagkangitian. Buong biyahe, magka-holding hands tayo… nagko-communicate kahit hindi nag-uusap.
We joined my friends sa Silya. Our common friend was there at ngiting-ngiti siya sa pagdating natin na magkasama. Naroroon din ang bestfriend ko na dinatnan nating kumakanta sa videoke. Sa kanya ako nag-confide noon tungkol sa’yo kaya napangiti rin siya nang makita tayo.
We ordered beer. Strong Ice sa akin. Red Horse sa’yo. Pagkatapos kumanta ng bestfriend ko, ang common friend naman natin ang kumanta. May spiel pa siya na dedicated daw sa ating dalawa ang kanta niya. Pareho tayong natawa.
Bumulong sa akin ang bestfriend ko. “You look so happy.”
Bumulong din ako sa kanya. “I am happy.”
“Siya na ba?” ang tanong niya.
“I still don’t know,” ang sagot ko. “Maybe.”
“Do you sing?” ang tanong mo sa akin.
Ang bestfriend ko ang sumagot. “Of course. In fact, he’s going to sing for you… I mean, for us… his signature song.”
Naka-cue pala ang isa sa mga kantang paborito kong kantahin sa videoke. Kakantahin sana ito ng bestfriend ko, pero nag-give way siya sa akin.
Pagkatapos kumanta ng common friend natin at mag-flash sa TV screen ang title ng susunod na kanta, inabot sa akin ng bestfriend ko ang mic.
Nakatingin ka sa akin at nakatingin ako sa’yo habang pumapasakalye ang kanta.
At kinantahan kita ng “Reaching Out”.
Damang-dama ko ang bawat linya ng kanta. Swak na swak sa nararamdaman ko at sa gusto kong ipahayag nang mga sandaling iyon. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang appreciation sa ginagawa ko. Nakangiti ka at nakatitig sa akin. Hinawakan mo pa ang kamay ko.
Kilig na kilig ang bestfriend ko at ang common friend natin.
Dahil siguro sa inspirasyong hatid mo, natapos ko nang buong-buo ang kanta na hindi ako sumablay sa mga parteng mataas ang tono.
Iniabot ko sa’yo ang mic pagkatapos kong kumanta. Naka-cue ang song na kakantahin sana ng common friend natin. Pero nagparaya rin siya. Hinayaan niyang ikaw na ang kumanta ng kanta niya.
At kinanta mo ang “So It’s You.”
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang kumakanta ka at nakatingin sa akin. Pakiramdam ko, punumpuno ng pakahulugan para sa akin ang lyrics ng kanta. Sumasapol sa puso ko ang bawat salita na binibigyang-buhay ng tinig mo.
Palihim akong kinukurot ng dalawa kong kaibigan habang kinikilig ako sa pagkanta mo. Panay ang inom ko ng Strong Ice dahil nagpapasimple ako at pilit kong kino-contain ang nag-uumapaw na kaligayahan ko.
Maya-maya, nagdatingan na ang iba pa naming mga kaibigan. I introduced you again but they remembered you from two Saturdays ago. They seemed happy to see you again. And you seemed comfortable in the presence of my friends. Medyo napasiksik ka nga lang sa akin nang konti at tayo’y magkadikit na sa ating pagkakaupo dahil nag-squeeze in sa table natin ang mga bagong dating.
We had two rounds of beer and after, we decided to hit the club. Where else but Bed.
Nakaakbay ka sa akin habang naglalakad tayo patungo sa courtyard. Ang sarap sa pakiramdam ng warmth na hatid ng braso mo sa balikat ko. Wala ka mang sinasabi, nararamdaman ko ang mensahe mo.
It was my happiest moment.
Ngunit pagtapat natin sa Sonata, natigilan ka. Napatitig ka sa isang taong nakatayo sa labas ng bar. Para kang nakakita ng multo.
Tinanggal mo ang pagkakaakbay sa akin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin mo.
Nakatitig din sa’yo ang lalaking iyon na nakatayo sa labas ng bar. Gulat din ang expression sa mukha niya. Kasintangkad mo siya. Maputi. At guwapo.
Para kang ipinako sa kinatatayuan mo. Nanatili akong nakatayo sa tabi mo… nagtataka. Lumapit ang lalaki sa’yo.
“Hey,” ang bati sa’yo ng lalaki.
“Hey,” ang bati mo rin.
“Can we talk?” ang tanong ng lalaki.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang mga sandaling iyon. Nanatili akong nakamasid.
Hindi ka sumagot sa lalaki.
“Please…?” ang pakiusap nito.
Tumingin ka sa akin. Nagtatanong ang mga mata ko.
“Aris, I am sorry. Can you go ahead sa Bed with your friends? I’ll follow…” ang sabi mo.
Nilapitan ako ng common friend natin. Inakbayan ako. Parang alam niya ang nangyayari.
“Ok…” ang tanging nasambit ko. You seemed to be very disturbed by the guy. Ni hindi mo naisipang i-introduce kami.
“Friend, let’s go…” ang hila sa akin ng common friend natin papalayo.
“What happened? Sino yun?” ang tanong ng bestfriend ko.
Ang common friend natin ang sumagot. “His ex!”
“Ouch!” ang spontaneous na reaction ng bestfriend ko sabay tingin sa akin.
Ouch, indeed! I didn’t know what to say.
Just before getting inside Bed, sumulyap ako sa direksyon ng Sonata. At doon natanaw ko kayong nakaupo na sa isang mesa at sinisilbihan ng waiter.
Pagkapasok sa Bed, I immediately hit the dancefloor. “I Just Wanna Fucking Dance” was playing and at that very moment na naguguluhan ako, nalulungkot at nasasaktan, I just wanna really fucking dance!
Habang nagsasayaw, umaasa ako na bigla ka na lang susulpot sa tabi ko. Nakangiti na parang walang nangyari. At makikipagsayaw ka sa akin.
Mapapawi ang kirot sa puso ko. At muli akong magiging masaya.
Pero nakailang palit na ng tugtog at napagod na ako, wala ka pa rin.
Nagyosi ako sa may entrance para abangan ang pagpasok mo… sinuyod ko na rin ng tingin ang paligid para hanapin ka, pero hindi kita makita .
Hindi ko na matiis ang pananabik at paghihintay sa’yo. Lumabas ako ng Bed.
Nagtungo ako sa Sonata.
At ang mesang occupied n'yo kanina ng ex mo ay dinatnan kong bakante na.
Wala ka na.
Naupo ako sa bakanteng mesa.
Umorder ako ng Strong Ice.
At uminom akong mag-isa.

Saturday, October 11, 2008
Sana Ikaw Pa Rin
Kahit panay ang palitan natin ng text messages mula nang magkakilala tayo, hindi pa rin ako nakatitiyak kung saan nga ba tayo patungo.
You are sweet but safe. Pahapyaw kang sumagot sa mga leading questions ko. Hindi mo pinapatulan ang mga pambubuyo ko upang ma-draw out ko ang tunay na damdamin mo.
Medyo nagho-hold back din tuloy ako. Pinipigil kong i-reveal ang tunay na nararamdaman ko dahil baka mapahiya lang ako.
Sabi ko nga sa common friend natin: “Kailangan ko ng encouragement para magpatuloy ako.”
Ang sagot niya: “He has been very encouraging mula nang magkakilala kayo. Huwag kang manhid.”
And so, I decided to pursue. Nagkataon, magbi-birthday ako and I was treating my close friends to dinner. I decided to invite you.
You were hesitant at first but eventually, you said yes.
Pero hindi ka dumating.
I was disappointed.
Sabi ng common friend natin, nagbago raw isip mo. “Gov siya tonight with his friends.”
Mas pinili mo na magpunta ng Gov kesa um-attend ng party ko? You did not even bother to text me.
Since it was a Saturday, we went to Bed after dinner. While dancing and celebrating, naiisip kita. Alam ko na nasa dancefloor ka rin nang mga sandaling iyon, sa Government nga lang. Sino kaya ang kasayaw mo? Naiisip mo rin kaya ako?
I decided to give up on you. Hurt ako sa pagbale-wala mo sa invitation ko. Sana nag-decline ka na lang kesa nang-indian.
Two days after, you texted me. Nagso-sorry ka sa di mo pagsipot sa birthday dinner ko. You were trying to explain yourself.
Hindi ako nag-reply. Inis pa rin ako sa’yo.
Pero bandang gabi, hindi kita natiis. Nag-reply ako sa text mo.
Akala ko, hindi ka sasagot. Kasi antagal kong naghintay hanggang sa makatulog ako.
Pero kinabukasan, paggising ko, may text ka sa akin.
Ang sabi mo: “How about dinner? Just the two of us.”

Subscribe to:
Posts (Atom)