Monday, October 27, 2008

Haraiku

As inspired by Joaqui Miguel and Tristan's haikuhan...

***
PAGKIKITA

Nagkatinginan
Saka nagkangitian
Nagkagustuhan.

***
PAGTATAGPO

Tayo'y nagsayaw
At ako ay niyakap
Sabay hinagkan.

***
PAGNINIIG

Bawal na prutas
Tinikman ko’t nilasap
Tamis ng katas.

***
PAGHIHIWALAY

Pusong ulila
Ipinagkatiwala
Ba't pinaluha.

12 comments:

Tristan Tan said...

Ay may comment na ehem?!? ;)

Aris said...

@tristan: nasamid lang! :)

Mr. Scheez said...

Nakigaya ako sa inyo. LOL! =)

Bitin ako sa akin. Parang gusto ko dagdagan. =)

Aris said...

@mr. scheez: ang saya saya naman ng haikuhan! more, mr. scheez! :)

Mr. Scheez said...

Naku, alam mo bang indi pasado sa friend ko na poet yung ginawa ko. Palanca winner pa naman yun. Nakakahiya ako. Huhuhu =(

Aris said...

@mr. scheez: huy, hindi naman. ang mahalaga, maipahayag ang sarili, di ba? basta galing sa puso, maganda! :)

Looking For The Source said...

galing!

Aris said...

@source: sali ka rin! :)

Looking For The Source said...

naku wala akong galing sa mga ganyan...

hanggang basa lang ako. heheh

joaqui_miguel said...

Four haikus? How can I beat that? lol

Great job! :)

Aris said...

@joaqui: your haiku inspired me! :)

Aris said...

@source: ikaw pa. magaling ka kaya! :)