Thursday, October 16, 2008

Sana Ikaw At Ako

The moment I saw you, nakalimutan ko ang tampo ko sa di mo pagsipot sa birthday party ko.

Napakaguwapo mo sa iyong pagkakangiti habang papalapit ako sa kinaroroonan mo. Sa Dencio's Harbor Square natin napagkasunduang mag-dinner.

“Hi, Aris,” ang bati mo kaagad sa akin.

“Hi,” ang bati ko rin.

Naupo ako sa harap mo. Alam ko na hindi maikakaila sa mukha ko ang saya sa muli nating pagkikita.

“Kumusta?” ang tanong ko.

“Mabuti.” Nakangiti ka pa rin nang sumagot ka.

Hinagod ko ng tingin ang iyong mukha na naging laman ng isip ko nitong mga huling araw. Nagtama ang ating mga mata at pakiramdam ko, sandaling tumigil ang ikot ng mundo nang magkatitigan tayo.

Napukaw tayo sa paglapit ng waiter. We ordered.

“Akala ko, hindi ka darating…” ang sabi mo pag-alis ng waiter.

“Akala mo, gagantihan kita?” ang sagot ko. “Of course, I won’t do that to you.”

Muli kang napangiti at nakita ko ang braces sa mga ngipin mo na nagpapatingkad sa sex appeal mo.

“How was your week?” ang tanong mo pagkaraan.

“Busy. Too much work. Ikaw?”

“Work din. The usual boring stuff. Buti na lang we are having this dinner together. Nagkaroon ng highlight ang linggo ko.”

“Really?” Deep inside, kinilig ako pero siyempre hindi ako nagpahalata.

“I was looking forward to this… I want to know you more. Mula nang magkakilala tayo, ngayon lang uli tayo nagkita. Masaya ako na magkasama tayo ngayon.”

“Masaya rin ako,” ang amin ko.

Muling nagtagpo ang ating mga mata. May ibig sabihin ang ating mga titig na hindi masabi ng ating mga bibig.

Hindi nagtagal, dumating ang ating order. Nagpatuloy tayo sa pag-uusap habang kumakain.

Unti-unti kang nagkuwento tungkol sa sarili mo. Mataman akong nakinig. At habang unti-unti kitang nakikilala, higit kitang nagugustuhan.

Nagsiwalat din ako ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Nakinig ka rin. At mula sa mga ngiti at sagot mo, nakaramdaman ako ng affirmation.

Hindi natin namalayan ang paglipas ng oras. Medyo ginabi na tayo nang husto dahil nalibang tayo at nag-enjoy sa ating pag-uusap.

Ayaw ko pang matapos ang gabi. Gusto ko na makasama pa kita nang matagal. At dahil Sabado nang gabi, niyaya kita sa Malate.

Kaagad kang pumayag.

Tahimik tayo sa likod ng taxi. Maya-maya, naramdaman ko ang paggagap mo sa kamay ko. Nag-respond ako sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa kamay mo. Nagkatinginan tayo at nagkangitian. Buong biyahe, magka-holding hands tayo… nagko-communicate kahit hindi nag-uusap.

We joined my friends sa Silya. Our common friend was there at ngiting-ngiti siya sa pagdating natin na magkasama. Naroroon din ang bestfriend ko na dinatnan nating kumakanta sa videoke. Sa kanya ako nag-confide noon tungkol sa’yo kaya napangiti rin siya nang makita tayo.

We ordered beer. Strong Ice sa akin. Red Horse sa’yo. Pagkatapos kumanta ng bestfriend ko, ang common friend naman natin ang kumanta. May spiel pa siya na dedicated daw sa ating dalawa ang kanta niya. Pareho tayong natawa.

Bumulong sa akin ang bestfriend ko. “You look so happy.”

Bumulong din ako sa kanya. “I am happy.”

“Siya na ba?” ang tanong niya.

“I still don’t know,” ang sagot ko. “Maybe.”

“Do you sing?” ang tanong mo sa akin.

Ang bestfriend ko ang sumagot. “Of course. In fact, he’s going to sing for you… I mean, for us… his signature song.”

Naka-cue pala ang isa sa mga kantang paborito kong kantahin sa videoke. Kakantahin sana ito ng bestfriend ko, pero nag-give way siya sa akin.

Pagkatapos kumanta ng common friend natin at mag-flash sa TV screen ang title ng susunod na kanta, inabot sa akin ng bestfriend ko ang mic.

Nakatingin ka sa akin at nakatingin ako sa’yo habang pumapasakalye ang kanta.

At kinantahan kita ng “Reaching Out”.

Damang-dama ko ang bawat linya ng kanta. Swak na swak sa nararamdaman ko at sa gusto kong ipahayag nang mga sandaling iyon. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang appreciation sa ginagawa ko. Nakangiti ka at nakatitig sa akin. Hinawakan mo pa ang kamay ko.

Kilig na kilig ang bestfriend ko at ang common friend natin.

Dahil siguro sa inspirasyong hatid mo, natapos ko nang buong-buo ang kanta na hindi ako sumablay sa mga parteng mataas ang tono.

Iniabot ko sa’yo ang mic pagkatapos kong kumanta. Naka-cue ang song na kakantahin sana ng common friend natin. Pero nagparaya rin siya. Hinayaan niyang ikaw na ang kumanta ng kanta niya.

At kinanta mo ang “So It’s You.”

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang kumakanta ka at nakatingin sa akin. Pakiramdam ko, punumpuno ng pakahulugan para sa akin ang lyrics ng kanta. Sumasapol sa puso ko ang bawat salita na binibigyang-buhay ng tinig mo.

Palihim akong kinukurot ng dalawa kong kaibigan habang kinikilig ako sa pagkanta mo. Panay ang inom ko ng Strong Ice dahil nagpapasimple ako at pilit kong kino-contain ang nag-uumapaw na kaligayahan ko.

Maya-maya, nagdatingan na ang iba pa naming mga kaibigan. I introduced you again but they remembered you from two Saturdays ago. They seemed happy to see you again. And you seemed comfortable in the presence of my friends. Medyo napasiksik ka nga lang sa akin nang konti at tayo’y magkadikit na sa ating pagkakaupo dahil nag-squeeze in sa table natin ang mga bagong dating.

We had two rounds of beer and after, we decided to hit the club. Where else but Bed.

Nakaakbay ka sa akin habang naglalakad tayo patungo sa courtyard. Ang sarap sa pakiramdam ng warmth na hatid ng braso mo sa balikat ko. Wala ka mang sinasabi, nararamdaman ko ang mensahe mo.

It was my happiest moment.

Ngunit pagtapat natin sa Sonata, natigilan ka. Napatitig ka sa isang taong nakatayo sa labas ng bar. Para kang nakakita ng multo.

Tinanggal mo ang pagkakaakbay sa akin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin mo.

Nakatitig din sa’yo ang lalaking iyon na nakatayo sa labas ng bar. Gulat din ang expression sa mukha niya. Kasintangkad mo siya. Maputi. At guwapo.

Para kang ipinako sa kinatatayuan mo. Nanatili akong nakatayo sa tabi mo… nagtataka. Lumapit ang lalaki sa’yo.

“Hey,” ang bati sa’yo ng lalaki.

“Hey,” ang bati mo rin.

“Can we talk?” ang tanong ng lalaki.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang mga sandaling iyon. Nanatili akong nakamasid.

Hindi ka sumagot sa lalaki.

“Please…?” ang pakiusap nito.

Tumingin ka sa akin. Nagtatanong ang mga mata ko.

“Aris, I am sorry. Can you go ahead sa Bed with your friends? I’ll follow…” ang sabi mo.

Nilapitan ako ng common friend natin. Inakbayan ako. Parang alam niya ang nangyayari.

“Ok…” ang tanging nasambit ko. You seemed to be very disturbed by the guy. Ni hindi mo naisipang i-introduce kami.

“Friend, let’s go…” ang hila sa akin ng common friend natin papalayo.

“What happened? Sino yun?” ang tanong ng bestfriend ko.

Ang common friend natin ang sumagot. “His ex!”

“Ouch!” ang spontaneous na reaction ng bestfriend ko sabay tingin sa akin.

Ouch, indeed! I didn’t know what to say.

Just before getting inside Bed, sumulyap ako sa direksyon ng Sonata. At doon natanaw ko kayong nakaupo na sa isang mesa at sinisilbihan ng waiter.

Pagkapasok sa Bed, I immediately hit the dancefloor. “I Just Wanna Fucking Dance” was playing and at that very moment na naguguluhan ako, nalulungkot at nasasaktan, I just wanna really fucking dance!

Habang nagsasayaw, umaasa ako na bigla ka na lang susulpot sa tabi ko. Nakangiti na parang walang nangyari. At makikipagsayaw ka sa akin.

Mapapawi ang kirot sa puso ko. At muli akong magiging masaya.

Pero nakailang palit na ng tugtog at napagod na ako, wala ka pa rin.

Nagyosi ako sa may entrance para abangan ang pagpasok mo… sinuyod ko na rin ng tingin ang paligid para hanapin ka, pero hindi kita makita .

Hindi ko na matiis ang pananabik at paghihintay sa’yo. Lumabas ako ng Bed.

Nagtungo ako sa Sonata.

At ang mesang occupied n'yo kanina ng ex mo ay dinatnan kong bakante na.

Wala ka na.

Naupo ako sa bakanteng mesa.

Umorder ako ng Strong Ice.

At uminom akong mag-isa.

5 comments:

Joaqui said...

:(

Stop na magemote. Let's just freaking dance!!! lol

Anonymous said...

ooops! he did it again. injanero tlaga ang mokong hehehe ;)

Tristan Tan said...

Awww... kinilig pa naman ako. Sigh. Ayan, na-sad naman ako. Tsk Tsk. Ang sama nya! Argghh.

joelmcvie said...

Hindi ba ganoon talaga ang music? Pag in-love na in-love ka, o kaya naman heartbroken, almost all the songs na marinig mo, kahit saan, ay may meaning at parang kinakausap ka? The soundtrack of our lives nga naman.

(Sa music lang talaga ang may-I-comment ako, hahaha.)

Aris said...

@joaqui: korek! isayaw na lang ang broken heart haha! :)

@benzgasm: kainis, di ba? hayyy! :)

@tristan: gagayahin na lang kita. maghahanap ako ng beach boy haha! :)

@mcvie: oo nga. hinihintay ko pa naman yung linyang: "aris...aris... i told you so!" (ala- ms. coco peru sa "trick") hahaha! :)