My dear friend Pao tagged me. Dalawang araw din akong naglista.
25 RANDOM THINGS ABOUT ME
1. Mas gusto ko ang pusa kesa aso. Pero wala akong alagang pusa. Meron akong anim na aso.
2. I collect movies. Kapag may favorite movie ako, I keep more than one copy.
3. My favorite breakfast: tuyo, sinangag at scrambled eggs. Mga paborito kong ulam: salmon head or belly na sinigang sa miso, laing, nilagang baka, dinuguan, kare-kare, itlog na maalat with kamatis, okoy. Iniiwasan kong kumain ng chicken kasi may allergy ako. Mga paborito kong meryenda: pizza, quarter pounder, shawarma, Hero jumbo sausages (may kiosks sila sa mall). Mga paborito kong junk food: potato chips, Classic chicharon (nabibili sa snack exchange ng SM), peanuts. Mga paborito kong beverages: Coke Light or Pepsi Max, Mountain Dew, and lately Fab or Fit N Right. Beer: Strong Ice or Red Horse.
4. Mahilig akong magluto. May collection ako ng recipe books at spices. Nasubukan ko nang maghanda ng mga pagkaing Thai, Malay, Korean, Chinese, Mediterranean at siyempre, Pinoy. Mahilig din akong mag-imbento ng mga dishes. Pangarap ko someday na magkaroon ng isang maliit pero bonggang restaurant sa isang resort by the beach.
5. Dahil sa hilig kong magluto, favorite ko ang mga movies na ito: “Like Water for Chocolate”, “Eat Drink Man Woman”, “Kailangan Kita”.
6. Paborito kong sawsawan ang patis. There was a time na nag-collect ako ng patis. Iba’t ibang klase at tatak ng patis. Patis Malabon, patis Pangasinan, Thai patis, patis Batangas, patis labo. Kulang na lang Patis Tesoro.
7. Napag-tripan ko rin noon ang bumili ng iba’t ibang klase ng longganisa. Vigan, Lucban, Cebu, Hamonado, Rekado, Native. Hindi pa ako nakuntento, gumawa ako ng sarili kong skinless longganisa. Pulos longganisa ang laman ng ref. Halos mapurga kami sa bahay sa kauulam ng longganisa.
8. Hilig ko rin ang gardening pero dahil sa sobrang busy, hanggang pagdidilig na lang ang nagagawa ko ngayon. Hindi na ako nakakapagtanim.
9. Kapag nasa mall, nagbababad ako sa video stores, bookstores at clothes stores. May tendency akong bumili ng masisikip na damit to motivate myself na magpapayat para masuot ko ang mga ito. Ayan tuloy, maraming damit sa cabinet ko na hindi ko pa nasusuot hanggang ngayon.
10. I smoke. Winston Lights. Ilang ulit na akong sumubok na huminto pero bumibigay ako after a while. I learned to smoke para mapalapit noon sa crush ko.
11. I hardly exercise. Diet ang ginagawa ko kapag gusto kong pumayat. Effective na pampapayat sa akin ang pagbabawas ng rice, pagkain lang ng gulay at isda at pag-inom ng maraming tubig. Nagte-take din ako ng C-Lium fiber.
12. Tatlong klaseng lotion ang gamit ko (papalit-palit naman, hindi sabay-sabay): Firming, Aloe Vera/Cucumber (refreshing!) and Cocoa Butter (I just love the smell!). Ay, five pala, kung isasali ang Slimming at Whitening hehe! (Pero hininto ko na ang paggamit sa mga ito kasi mukhang hindi naman effective.)
13. Tatlong sabon lang ang safe kong gamitin: Dove unscented, Ivory, Tender Care. All the rest, may allergic reaction ako. Nung sinubukan ko ang Olay Body, nangati at namantal ako.
14. Beauty essentials: apricot scrub, eye cream, lip balm, moisturizer. Concealer na rin hehe! Hindi rin ako mabubuhay kung walang dental floss at mouthwash.
15. Hate ko ang butiki. Pinaka-nakapandidiring bagay sa akin: ipot ng butiki. Minsan on a trip to Negros, we visited an old house in Silay. Ayokong tumuloy, andaming ipot ng butiki. Diring-diri ako.
16. My dream destination: Santorini, Greece. I started dreaming about visiting this place after watching “Summer Lovers”.
17. Libro na laging nasa bedside table ko: “The Law of Success” by Napoleon Hill.
18. I always pray the rosary before I go to sleep. I also never miss Sunday mass. Palasimba ako kahit ordinaryong araw (kung may time at hindi masyadong busy), kaya sabi nga ng bestfriend ko, para raw akong matandang dalaga.
19. Gusto kong tumira sa Boracay.
20. Multuhin ako. Ilang beses na akong nakakita ng multo pero hindi ako matatakutin. Sa office nga, ilang beses nang may sumusutsot sa akin sa gabi habang mag-isa akong nag-o-overtime pero dedma lang. Mapagod siya sa kasusutsot, di ko siya papansinin.
21. Moreno ako. Dati, gustung-gusto kong pumuti. Pero ngayon, gusto ko na ang kulay ko.
22. Favorite colors ko (sa ngayon) ang brown at green (olive, lime).
23. Noong bata pa ako, ang gusto kong kumot kapag natutulog ako ay kulambo! Gustong-gusto ko ang pakiramdam ng kulambo sa talampakan ko. Akala ko, ako lang ang ganito but I read somewhere na pareho pala kami ni Gladys Reyes. May baon pa nga siyang kulambo kapag may magdamagang shooting. Ngayon di na ako nagkukumot ng kulambo pero nakamedyas ako kapag natutulog.
24. Malabo ang mata ko. Hirap akong mag-text kapag wala akong salamin.
25. I can sing better than I can dance but I love to dance, anyway.
I am tagging Chuck Suarez, Jinjiruks, Joaqui_Miguel, Looking for the Source, Luis Batchoy, Mksurf8, Mugen, Yj. Love you, guys! :)
25 comments:
Haha, pareho nga pala tayong na-tag ni Pao. Grabeh, detailed ang list mo, ha?
Natawa ako dun sa hate mo ang butiki. I'm fascinated sa mga butiki eh. At saka hilig ko rin ang mga fusa. =)
ang alam ko nagpost ako ng ganyan.. around 50 lang. at hanggang 40 lang xa.. pero dahil tag mo me.. go ako jan!
Nyahahahaha.... gusto ko rin yung pakiramdam ng kulambo sa paa. ang sarap...
hmmmmm gagawin ko na ang list ko ngayon at ipopost ko bukas... para nga naman hindi puro si NJ ang laman ng blog ko....
ingats lagi....
@mr scheez: nabasa ko rin ang list mo, friend. it's nice to know more about you. :)
@looking for the source: aabangan ko yan! :)
@yj: talaga? tatlo na tayo nina gladys!
sige, intay ko yan bukas ha?
ok lang na i-blog mo si nj. mahal mo eh! :)
At dahil trip kitang magsulat, sasagutin ko ang iyong tag. (at least mapapahinga ang utak ko sa topic para bukas. Hehehe.
@mugen: thank you. kaabang-abang yan para sa akin at sa napakarami mong readers! :)
buti hindi ako natag..
waahhaahaha
@yffar: now, i'm tagging you, yffar my dear! :)
# 19 gusto ko rin
isang karangalan na ako'y na-tag mo. so gagawin ko. ;-)
ahaha. auko mangako aris na mapopost ko agad siya ang hirap kaya mag isip ng 25 thots.
@mksurf8: sana kapag tumira tayo sa boracay, magkapitbahay tayo. :)
salamat sa pagtanggap. :)
@jinjiruks: no pressure, friend. :)
alright! yehey! hehehe...
natikman mo na friend ang lapid's chicharon? hingi yung M.L. Lapid's ah. Lapid's lang. ang sarap! the best ever! :)
ayoko ng olay soap. ayoko ang feeling na madulas after bath. gusto ko squeeky clean. :)
@pao pielago: ay, gusto ko rin ang lapid's. ang sarap pa ng timpla ng sawsawang suka.
madulas din nga ang dove kaya lang derma-prescribed kaya may i use ko na rin. :)
I love cats din pero hikain ako. heheh... Pramis? Butiki? hehe. kaktuwa naman!
"Mas gusto ko ang pusa kesa aso. Pero wala akong alagang pusa. Meron akong anim na aso">>> kakatuwa naman ito.
gusto mong tumira sa boracay! >>> saya siguro.
im the kulambo king. me baon ako lagi hehehehe
Dream ko rin ang Santorini..
Yung nasa number 1 mo, naguluhan ako ah.. hahaha
I hate kulambo touching my body while I sleep..ehehe..
cheers Aris..
ayee.balik balik. ;0
next week ko na ipost yung akin. ang hirap punuin.:D
gusto ko din matira sa bora! weew
hindi ako mabubuhay ng wlang kumot haha :D
care to xchange links? ;)
@kokoi: gamot daw sa hika ang butiki hehe! :)
@the dong: gusto ko sa boracay mag-retire pagtanda ko. :)
@luis batchoy: uy, apat na tayong members ng kulambo club. :)
@dylan dimaubusan: sana magkita tayo sa santorini kapag nagbakasyon tayo roon! :)
@yas.tolentino: salamat uli sa iyong pagbisita. :)
@chuck suarez: wait ko post mo ha? thanks for accpeting. :)
@kalyo galera: sana maging neighbors tayo. i added you na sa links ko. ingatz. :)
organize kaya tayo ng kulambo party? BYK... bring your own kulambo!
@luis batchoy: good idea. itsura ng pajama party hehe! :)
dali! isabay sa pagluwas ko jan sa manila!
Post a Comment