Tuesday, March 31, 2009

My Tarot Card

Makikigaya na rin ako kina Mksurf8, Tristan at McVie. Halata ba na busy ako?

And my tarot card is...



You are The Empress

Beauty, happiness, pleasure, success, luxury, dissipation.

The Empress is associated with Venus, the feminine planet, so it represents beauty, charm, pleasure, luxury, and delight. You may be good at home decorating, art or anything to do with making things beautiful.

The Empress is a creator, be it creation of life, of romance, of art or business. While the Magician is the primal spark, the idea made real, and the High Priestess is the one who gives the idea a form, the Empress is the womb where it gestates and grows till it is ready to be born. This is why her symbol is Venus, goddess of beautiful things as well as love. Even so, the Empress is more Demeter, goddess of abundance, then sensual Venus. She is the giver of Earthly gifts, yet at the same time, she can, in anger withhold, as Demeter did when her daughter, Persephone, was kidnapped. In fury and grief, she kept the Earth barren till her child was returned to her.

What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.


Huy, baka isipin ninyo, effem ako. Hindi ah! LOL!

Monday, March 23, 2009

Crisscross

Malayo pa, natanaw ko na si James na paparating. May kasama siya.

He looked good kahit sa malayo. Kakaiba ang aura niya.

Minahal ko si James at inakala kong mahal niya rin ako pero hindi pala. Tanggap ko na pero aaminin ko, may soft spot pa rin siya sa puso ko.

Natutuwa akong makita siya kaya nakangiti ako habang papalapit siya. Napangiti rin siya nang makita ako.

We hugged. At sa pagkakataong iyon, hinagkan niya ako sa pisngi.

Pagkatapos, ipinakilala niya sa akin ang kasama niya.

“Aris, I would like you to meet Jasper...”

“Hi, Jasper. Nice to meet you.”

“Same here, Aris.”

Nagkamay kami.

Cute chinito si Jasper. Fit ang pangangatawan. Maputi.

Umupo kami at umorder ng beer.

“Matagal na kayong friends?” ang tanong ko, casually.

“No,” ang sagot ni Jasper, nakangiti, sabay tingin kay James.

“Jasper is my boyfriend,” ang sagot ni James, nakangiti, sabay tingin sa akin.

***

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Arvie. Mag-isa lang siya.

Si Arvie na minahal ni James kahit may mahal nang iba.

Nagulat din si James.

Nagkatinginan sila sandali. Arvie kissed him on the cheek.

Na-tense ako dahil nandoon si Jasper.

Kaagad na pinagkilala ni James sina Arvie at Jasper.

“Arvie… this is my boyfriend Jasper,” ang sabi.

May nasilip akong guilt sa mga mata ni James. At hurt sa mga mata ni Arvie.

“Hey, Arvie,” ang bulalas ko. “Asan BF mo?”

“Sinong BF?”

“Si Aussie.”

“Ah, wala na.”

“Anong wala na?”

“Bumalik na sa Australia.”

“So, single ka na uli?”

“Yup. And available.”

“Sayang naman,” ang sabi ko sabay tingin kay James.

***

Siksikan sa club at malayo kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng tao ay sa kanya natuon ang pansin ko.

Nasa bandang likuran siya at nakatingin sa akin.

Nabighani ako sa kanyang gwapong mukha.

Nagtitigan kami. Nag-usap ang mga mata. Matagal.

Ipinagpasiya kong lapitan siya subalit hirap akong makadaan. Naharang din ako ng isang kakilala na sandaling chumika.

Pagtingin ko uli sa kinaroroonan niya, wala na siya.

Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko na siya makita.

“Sayang naman,” ang sabi ko sa sarili.

***

Nagsayaw ako kasama ang mga kaibigan ko.

Naroroon din sina James at Jasper. Magka-partner sila at panay ang yakapan. Ang sweet nila.

Medyo nasobrahan na ako sa beer kaya parang lumulutang ang pakiramdam ko. Masyado akong na-carried away sa pagsasayaw ko sa “I Kissed A Girl”.

At dahil siksikan, nabangga ko ang isang nagsasayaw din. Napasulyap ako sa kanya.

At natigilan.

Ang gwapong nakatitigan ko kanina sa malayo!

Nagkatinginan kami. Nagkangitian.

Sabay pa kaming nag-“Hi”.

Nagharap kami. At nagsayaw.

Bago ko namalayan, magkayakap na kami at naghahalikan.

Katabi namin sa di-kalayuan sina James at Jasper. Naghahalikan din.

***

“Ako nga pala si Andrew,” ang pakilala niya sa akin.

“Ako si Aris,” ang pakilala ko sa sarili habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya. Higit siyang gwapo sa malapitan.

“I like you,” ang sabi niya.

“I like you, too,” ang sagot ko. And I meant it.

“Single ako. Ikaw?”

“Pareho tayo.”

“After tonight, maaari ba tayong mag-date?”

“Sure.” Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

“I want to know you more.”

“Ako rin.”

“And maybe after, we can become boyfriends.”

“That’s an interesting possibility.”

May tumapik sa balikat ko. Si Arvie. Nanghihingi ng yosi.

Ipinakilala ko sa kanya si Andrew.

“Andrew…Arvie. Arvie…Andrew.”

“Hi, Arvie.”

“Andrew... Kumusta ka na?”

May na-sense akong familiarity sa kanilang dalawa.

“Magkakilala kayo?” ang tanong ko.

“Yeah,” ang sagot ni Arvie.

“Hindi mo naman siguro siya ex,” ang sabi ko sa kanya, jokingly.

“No,” si Andrew ang sumagot.

Ngumiti muna si Arvie bago nagsalita.

“Ex siya ni Aussie.”

Thursday, March 19, 2009

Friends And Lovers

Late na nga ako sa napag-usapang oras, ako pa rin ang naunang dumating sa tagpuan. May usapan kami ni AC na magkikita nang maaga. Si AC ang bestfriend ko at katulad ng ipinangako niya sa akin, join siya sa gimik ng barkada ngayong gabi.

Bihira na naming makasama si AC dahil mula nang magka-jowa, umiwas na siya sa anumang maaaring makasira sa kanilang relasyon. Nilayuan niya na ang Malate na mistulang isang pugad ng tukso. Ang kaso, ang bestfriend niya ay isang dakilang temptress (choz!) kaya natukso ko siya ngayong gabi. Masaya ako na katulad ng dati, makakasama namin siya.

Habang umiinom ng una kong bote, pinagte-text ko ang mga kaibigan ko.

“And2 na me. Wer na u?” (Joke. Hindi ako ganito mag-text hehe!)

Kaagad naman silang nag-reply na papunta na.

Isang text ang pumasok na hindi reply dahil hindi siya kasama sa mga tinext ko.

“Malate tonite? Am on my way. San ka?” Si James.

“Here na,” ang reply ko sans any emotion.

“See you.”

“Ok.”

Ilang sandali pa, humahangos na dumating si AC. Napansin ko kaagad how fashionable his outfit was.

“You’re late,” I snapped at him jokingly. I didn’t really mind kung late siya. Ang importante, dumating siya.

“Sorry. Sorry,” ang sabi niya.

“You owe me a beer.”

“You bribed me with beer kaya ako pumunta.”

Beso-beso.

“You look great. I love your outfit.”

“Thanks. You look great yourself.”

Nakaramdam ako hindi lamang ng saya kundi ng sigla sa pagdating ni AC. Miss ko na siyang makasama. Nanumbalik sa aking alaala ang mga escapades namin sa Malate noong single pa siya.

Over bottles of beer, nagsimula kaming magkuwentuhan.

Si James ang inaasahan niyang pag-uusapan namin. Nitong mga nakaraang araw, ilang beses ko rin siyang ginulo sa telepono para lang mag-share tungkol kay James.

"Ayaw ko na siyang pag-usapan," ang sabi ko.

“Bakit?” ang tanong niya.

“I’m over him,” ang sagot ko.

He shrugged his shoulders. Alam na ni AC na mabilis akong bumawi. Baliw man ako sa una, kaagad akong nakababalik sa katinuan.

And we moved on to other topics.

***

Isa-isa nang nagdatingan ang lahat. Everybody was smiling and looking good. Aba, ang dami namin nang gabing iyon. Almost complete maliban kay AX na nalipat ng shift sa call center at kay H na nagmamaganda pa rin at ayaw makasama ang nakaaway na si A. Dumating si A na kasama ang bagong jowa (na pipi yata at hindi nagsasalita; no good housekeeping seal for this one). In the company of my friends, higit akong sumigla. Umaatikabong kwentuhan, lokohan, tawanan, harutan. Good mood lahat at masaya. Buhay na buhay ang barkada.

Ibinuking ni James si M na may jowa na! Inulan ng kantiyaw si M. Bilang ganti, ibinuking din ni M si James na nakipag-date kay Arvie sa Gateway!

“Di ba may jowa si Arvie?” ang tanong ni AC kay M.

“Willing maging number 2 si James. At saka babalik na sa Australia yung jowa ni Arvie,” ang sagot ni M.

Akala ko ba he is not into games at pang-seryosohan siya?

If ever may naramdaman ako nang mga sandaling iyon, disappointment. Mali yata ang naging pagkakakilala ko kay James.

Nagkatinginan na lang kami ni AC.

Que ver.

***

We trooped to the club. I was feeling great. I was feeling free.

We immediately got into the groove pagtapak namin sa dancefloor. We danced to “Poker Face”.

Pakiramdam ko, I was back to my old self. Masaya. Walang drama.

At dahil malaya ang pakiramdam, nagawa ko kaagad na umugnay sa isang napakagandang nilalang.

He looked mediterranean. Deep-set eyes. Long lashes. Thick eyebrows. Matangos na ilong. Luscious lips. Olive skin. At matipunong pangangatawan.

PJ ang kanyang pangalan and he is only 20.

Noong una’y medyo mahiyain pa siya. Akala ko nga hindi siya game. Sinayawan ko siya at nilandi-landi pero hindi siya tumitinag. Just when I was about to give up, bigla niya akong hinalikan sa lips.

Napangiti ako. Ngumiti rin siya. Nagtitigan ang aming mga mata. Niyakap ko siya. At yumakap din siya.

We shared long, lingering kisses. He was aggressive and I was hungry.

Ang sabi niya, it was his first time.

I believed him.

***

Natagpuan ko ang sarili ko na mag-isang umiinom sa Silya.

Kanina lang, kasama ko si PJ. Nag-uusap kami. I wanted to know him better kaya nagyaya akong lumabas. Ok naman siya kaya lang hindi siya masyadong masalita. Maya-maya, tinanong niya ako kung pwede na raw kaming bumalik sa Bed. Hinahanap na raw kasi siya ng mga friends niya.

Nagpaiwan ako. Wala lang, I just realized na kahit attracted ako kay PJ, ayoko na siyang i-pursue. Masyado siyang bata at parang kulang kami sa vibes.

I texted AC para magpasama. Pero hindi siya nagre-reply.

Patuloy ako sa pag-inom. Mag-a-alas-tres na yata nang umaga at punumpuno ng mga gimikero ang bar. Umiinom…nag-uusap… nagkakatuwaan. May kumakanta ng "I Don't Wanna Miss A Thing" sa videoke. I felt right at home.

Iginala ko ang aking paningin.

Natigilan ako sa aking nakita three tables away from me.

***

Pagkakita ko sa kanya, kaagad na nanumbalik ang mga sama ng loob na naranasan ko noong kami pa.

Si FR. My ex from way, way back.

Nandoon siya three tables away from me. At may kasama.

Pilit kong iwinaksi sa aking isipan ang hindi namin magandang nakaraan. Pilit kong sinupil ang anumang emosyon sa aking kalooban.

Pinagmasdan ko siya.

Hindi na siya kasinggwapo na katulad ng aking naaalala. Dati pa rin ang ayos ng buhok niya pero dumami na ang white hair niya. Maganda pa rin ang eyes niya pero may eyebags at dark circles na siya. Payat pa rin siya pero lumaki na ang tiyan niya.

Gusto ko na sanang umalis kaya lang walang ibang daan pabalik sa Bed. Kailangan kong dumaan sa tapat ng mesa niya.

Kailangan ko ng saklolo. Tinext ko uli si AC. No reply.

Nagsindi ako ng sigarilyo. At habang inuubos ko ang beer, nakapag-isip-isip ako. Bakit ko ba siya iiwasan? Ano ba ang dapat kong ikahiya? He has to see me because I feel so good about myself now.

Tumayo ako. Humakbang ako patungo sa kinaroroonan niya.

Bahagya akong tumigil pagtapat sa kanya. Napatingin siya. Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

Look at me now
The girl you once loved
Look at me now
Grown-up but sill in love... Nah!

Bago pa namin nagawang magbatian, nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang anuman.

“Aris…” ang tawag niya.

Para akong walang narinig. Ginandahan ko pa ang lakad ko.

***

Nasalubong ko si AC na papunta sa Silya. Huli na ang pag-rescue niya sa akin.

Pumasok na lang uli kami sa Bed.

May mga humabol sa gimik. Si H na lasing at wala na namang damit (slutty!). Si Ronnie na jowa ni M at first time kong nakilala (I like the guy, mukhang mabait). At si Arvie (na kasama na naman ang jowa niyang nawawala sa sarili).

Nakadikit na naman si James kay Arvie.

"Hot and Cold" played.

Nagsayaw na lang kami ni AC.

***

Nag-text si McVie: “Bed ka?”

“Yup. San ka?”

“Ledge!”

Umakyat ako sa ledge at doon nga, nakita ko si McVie.

Niyakap ko siya.

Kaagad niya akong ipinakilala sa mga kasama niya.

Joaqui.

Tristan.

Mugen.

Napa-Oh-my-God! ako. Mga bloggers na matagal ko nang gustong makilala nang personal!

Si Joaqui na bilib ako sa istilo sa pagsusulat. Isa siya sa pinakauna kong naging kaibigan sa blogging. Feeling close ako sa kanya kasi lagi siyang nagko-comment sa posts ko noong nagsisimula pa lang ako.

Si Tristan na matagal ko nang binabasa dahil sa kanyang madamdamin at matapat na panulat.

Si Mugen na malabis kong hinahangaan dahil ang bawat post niya ay mahusay at marikit na pagkakahabi ng mga salita. Itinuring ko na siyang kaibigan dahil damang-dama ko ang sincerity niya sa bawat palitan namin ng mensahe sa comment box.

Pinagyayakap ko sila nang mahigpit. Nag-uumapaw ako sa galak na finally ay nakita ko sila at nakilala.

“Tonight is bloggers’ night!” ang bulalas ni McVie.

Niyakap ko uli siya bilang pasasalamat sa paglalapit niya sa akin kina Joaqui, Tristan at Mugen.

Masayang-masaya ako at punumpuno ng sigla na nakipagsayaw sa kanila.

It was the perfect time sana para umulan ng confetti.

***

"Easy" was playing in my mind habang nagliliwanag ang paligid at naglalakad kaming magkakaakbay ng barkada papunta sa Silya.

Ang breakfast ay isang importanteng bahagi rin ng aming pagkikita-kita.

Naupo kami at umorder. I was feeling light and happy.

Ang lovebirds na sina M at Ronnie ang naging tampulan ng pansin habang nag-aalmusal. Sweet si Ronnie kaya pink na pink ang mga pisngi ni M sa mga kantiyaw namin.

Si L naman, panay ang pagpapa-cute sa friend ni JG na Paulo raw ang name. Sadly, hindi responsive si Paulo.

Si LW naman, hindi maka-get over sa natuklasan niya na bading din ang bradir ng kanyang ex. Nakita niya itong may ka-kissing sa Bed.

Si Arvie, nasa kabilang mesa at pinagkakape ang adik na jowa para mahimasmasan.

Si AC, panay ang text sa boyfriend niya. Guilty?

Si James na katabi ko, kausap nang kausap sa akin. Ayaw ko nang bigyan ng ibang kahulugan. Friends na lang kami, ok?

Umaga na at kahit walang tulog, up na up pa rin ako. Parang ayoko pang umuwi. Enjoy na enjoy ako sa piling ng mga kaibigan ko.

***

Kagigising ko lang nang tumunog ang cellphone ko. May text message ako.

Si James?!

Binasa ko ang text niya.

“Hi. I miss you.”

Nagulat ako. Biglang nawala ang antok ko.

Kaagad akong nag-reply.

“Hey. I miss you too.”

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Walang sagot.

Naglaro ang mga posibilidad sa isip ko.

Wala pa ring sagot.

Naghintay ako. Matagal.

Then it hit me.

It was a missent.

Aris
Arvie


Magkasunod ang pangalan namin sa phonebook niya.

Nagkamali lang siya ng pindot.

Damn.

Monday, March 16, 2009

Goodbye | Hello

Hindi ko siya papansinin. Hindi ko siya kakausapin. Iiwasan ko na siya.

Ito ang resolve ko sa sarili nang mag-text si M sa akin habang papunta ako sa Malate Sabado nang gabi.

“We’re here na. I’m with LW and James.”

James.

Buong linggong nagdaan, I tried my best to push him out of my mind.

Aaminin ko, gusto ko talaga siya.

Pero parang wala talagang encouragement na magpatuloy ako.

Maaaring nabigyan ko lang ng kahulugan ang mga tingin at kilos niya pero wala talagang big sabihin.

Ok lang. Pwede naman kaming maging friends na lang.

Ayoko nang ilantad ang damdamin ko sa kanya. Nahahalata na nga raw ako sabi ng mga kaibigan ko. Kung nahahalata man niya ako, ayoko nang bigyan ng kumpirmasyon. Mananahimik na lang ako para na rin sa aking self-preservation.

Hindi naman siguro ako mahihirapang magpatuloy.

***

Nakita ko kaagad si James pagdating ko. Kumabog ang dibdib ko pero pilit ko itong sinupil. Nakangiti ako habang papalapit sa kanila. Gusto kong ipakita na ok ako.

I hugged and kissed M and LW. Si James, hug lang. Medyo aloof pa ako, pero sinikap kong maging natural.

And we had the usual chikahan habang nag-iinuman.

Iniwasan ko talagang kausapin si James. Kapag nagsasalita siya, nakikinig lang ako pero wala akong comment or opinion. Kay M at LW lang ako nakikipag-interact.

Then he started talking to me. As in, directly talking to me. He would say: “Aris, alam mo…” or “What do you think, Aris?” Talagang ako ang kinakausap at tinatanong.

Wala na akong choice kundi kausapin siya dahil ayoko ngang ipahalata ang totoong nararamdaman ko at ayoko ring maging bastos.

Before I knew it, nag-normalize na ang sitwasyon. Nawala na ang tensyon sa loob ko at sa pagitan namin ni James.

***

But inside the club, it was another story.

We bumped into Arvie, our prodigal barkada, with his boyfriend na Pinoy-Aussie.

Niyakap namin siya ni M dahil matagal na namin siyang hindi nakikita at nakakasama. LW and James are new to the barkada kaya ipinakilala namin sila kay Arvie.

Doon nagsimulang mag-iba ang kilos ni James. Nahalata ko ang sudden fondness niya kay Arvie.

Kausap siya nang kausap kay Arvie habang ang jowa nito ay nagwawala sa ledge. (Adik ang impression ko sa jowa ni Arvie. May itsura kung sa may itsura pero parang wala sa sarili.) Arvie was very accommodating. Hanggang sa napansin ko, masyado nang malapit ang kanilang mga mukha at katawan para sa isang normal na pag-uusap.

Na-confirm ang kutob ko nang i-chika sa akin ni M ang ibinulong sa kanya ni James. Type niya si Arvie.

“I’m sorry, alam ko crush mo si James but you have to know…” ang sabi pa ni M sa akin.

Sinupress ko ang reaction ko. Pinilit ko pa ring maging poised. Pero sa isip ko, muli kong ni-reaffirm ang aking resolve: Layuan mo na si James. Husto na.

Cold na ako kay James buong gabi. Iniwasan ko na talaga siya. I kissed a boy at wala na akong pakialam kung nakatingin man siya o kung anuman ang isipin niya. Pilit kong nilunod sa mga labi ng kahalikan ko ang aking sama ng loob.

I barely talked to him over breakfast. Alam ko, wala akong karapatang magdamdam pero nasasaktan ako. I tried my best not to let it show.

Sa paghihiwa-hiwalay, niyakap niya ako. Gusto kong umiwas pero dahil sugatan, mahina ako. I clung to him like it was the last.

Goodbye, James.

***

On that same Saturday (March 7), I got to meet in person two blogger friends, Luis (who flew in from Iloilo for the Eraserheads concert) and Yj (with the love of his life, NJ, na sobrang gwapo). Niyakap ko sila na parang mga long-lost sisters dahil masayang-masaya ako na makita at makilala sila. They’re so fabulous! Ang dami naming napagkwentuhan ni Luis. Nanghihinayang lang ako na umalis kaagad si Yj (pero naiintindihan ko, my dear). Salamat sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin na makilala kayo at maging kaibigan. Looking forward sa muli nating pagkikita-kita. I love you, guys!

Related Links:
Eheads…At Si Aris
Mula Silya Hanggang Kama

Friday, March 6, 2009

Pagbabaka-sakali

“Are you alone?” ang tanong niya.

“I’m on my own,” ang sagot ko.

“Need company?”

“Sure.”

Ngumiti siya.

“Sandali lang. Babalikan kita,” ang sabi ko.

“I’ll wait for you here,” ang sabi niya.

Dumiretso na ako ng akyat para pumunta sa restroom.

Pagbaba ko, naroroon siya. Nakatayo sa may punong-hagdan, nakangiti sa akin.

Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin sa dancefloor. “Tara, sayaw tayo.”

Sa saliw ng “Song For The Lonely”, nagsayaw kami.

Nagkataong nasa dancefloor din si AX kasayaw ang jowa niya. Bumulong siya sa akin: “Asan si James? Bakit hindi siya ang kasayaw mo?”

“Bakit mo hinahanap sa akin si James?” ang sagot ko.

“Kahit hindi ka nagsasalita, alam ko. Halata ko.”

“Ang alin?”

“Na gusto mo siya. In fairness, gwapo ang ipinalit mo.”

Ipinakilala ko siya kay Benedict para umiwas sa paglawig pa ng usapan namin.

Kaagad din siyang lumayo.

Pinagmasdan ko si Benedict. At napangiti ako. I should be proud dahil kasayaw ko siya. I should be happy dahil nasa akin ang atensyon niya.

I started feeling great. Naging masigla ang mga galaw ko. Naging maharot. Gayundin si Benedict. Nakangiti siya, hindi lumalayo ang mga mata sa akin.

Maya-maya, magkahawak-kamay na kami. Nag-slow down kami sa pagsasayaw.

Kinabig niya ako papalapit sa kanya. Nagtapat ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga mata. Naglapat ang aming mga labi. Ang halik niya ay parang magaan na dampi at hindi nagmamadali. Napapikit ako at tila nawala sa sensasyong dulot ng kanyang maingat na pagtuklas sa aking bibig.

Dumilat ako sa pagbibitiw ng aming mga labi. Niyakap ako ni Benedict. Yumakap din ako sa kanya.

Over his shoulder, namataan ko si James. Nasa di-kalayuan, nakatingin sa amin. Wala akong mabanaagang ngiti sa kanyang mga mata.

Maya-maya, tumalikod siya at umalis.

Humigpit ang yakap ko kay Benedict. He was so nice and sweet. Nakailang palit na ng tugtog pero parang hindi ko namamalayan. Sa piling niya, nakalimutan ko ang aking kalungkutan. At si James.

***

“We’re here na at Silya,” ang text ni M sa akin.

Umaga na pala at nasa labas na ang mga kaibigan ko.

I invited Benedict to join us for breakfast. Tumanggi siya. “Kailangan ko nang umuwi. May susunduin kasi ako sa airport.”

“Ah, ok.”

“Pero ihahatid na kita sa Silya para makilala ko ang mga friends mo. Ano nga pala ang number mo?”

We exchanged numbers.

Nang ipinakilala ko si Benedict sa mga friends ko, warm sila lahat sa kanya. James was cordial. Nag-shake hands pa sila.

Benedict hugged me bago siya umalis.

Nang wala na si Benedict, medyo kinantiyawan ako ng barkada. Si James, tahimik at hindi nakisali.

We had breakfast. Pareho pa kami ng inorder ni James. Muli naming napagdiskitahan ang videoke.

This time, kumanta na ako. Iniwasan kong tumingin kay James, pero nararamdaman ko, nakatingin siya sa akin.

Kumanta rin siya. “Let Me Be The One”.

Nagtama ang aming mga mata.

Nakaramdam ako ng pagkapaso.

Naghiwa-hiwalay ang barkada na hindi kami nag-uusap.

***

Paggising ko bandang alas-dos nang hapon, tinext ko si Benedict.

“Thanks for the company last night. I had a great time.”

“Ako rin,” ang reply.

“Nanggaling ka na sa airport?”

“Yup.”

“Sino nga pala sinundo mo?”

“My boyfriend.”

Monday, March 2, 2009

Pagbabalik

After a four-week hiatus, I was back in Malate.

I had a tough week. Kailangan kong mag-unwind.

I miss the thump thump. Gusto kong magsayaw.

Miss ko na rin ang Strong Ice at ang woozy feeling.

Makukulit ang mga friends, ayaw akong tantanan.

At higit sa lahat, nakapagpahinga na ako at hindi ko na maalala ang ipinagmaktol ko noong huli kong punta. I remember the boy but I don’t remember the feeling anymore.

Sa dami ng rason, excuses at justifications, ipinagpasiya kong itigil na ang pagmomongha.

And so, I hit the party scene once again.

Pagtapak ko ng Nakpil, nanumbalik ang excitement na nawala noong mga huli kong punta. Masigla ang lakad ko. Feeling nililipad-lipad uli ang buhok ko.

I was happy to see my friends waving at me as I approach them. Nagkakatipon-tipon na sila where else but sa Silya.

Isa-isa ko silang bineso at niyakap. Miss ko sila at naramdaman ko, miss din nila ako.

***

Things have turned a different direction in my absence.

Nag-away sina A at H kaya wala si H.

May jowa na si AX. Ipinakilala sa akin. Nice guy. Tinatakan ko kaagad ng good housekeeping seal.

Break na si LW at ang jowa niya of 6 years. Wala lang, nagkasawaan sila. Sayang naman.

Si LY naman, may bago nang jowa na possessive at conservative daw kaya off-limits ang Malate. Magpapakita rin yun kapag nasakal na.

Si L, bagong straight ang buhok.

At si M. In my absence, he must have assumed the position of Queen Bee. Nagpasimuno siya ng mga pasyal sa mall at nood ng sine sa barkadahan. At never akong inimbita!

At sa mga lakad na iyon, take note, kasama si James. At ang chika sa akin ni A, nagiging close sina M at James! My James!

Kay M lang ako may na-feel na resistance sa pag-appear kong muli. Ok, nag-kiss and hug kami, pero feeling ko, pinaplastik niya ako.

Medyo sinundot ko siya.

“Bakit hindi mo ako inimbita sa mga lakad?”

“Alam ko, busy ka.”

“Sana tinext mo ako.”

“Busy ako eh.”

“Ganon?”

“Yeah.”

“Well, I have news for you, Blair Waldorf…”

Pause for effect.

“Serena van der Woodsen is sooo back!”

***

Before I could say XOXO, biglang dumating si James.

Nag-slow motion ang lahat sa paligid nang magtama ang mga mata namin. Kaagad siyang ngumiti.

“Hey, Aris. You’re here,” ang bati niya.

“James!” was all I could say.

We hugged but did not kiss. Naamoy ko ang Crave na pabango niya.

Umupo siya sa tabi ko.

Lumagok ako ng beer.

Wala akong maisip sabihin.

I tried to be still.

Nagpatuloy ang kuwentuhan, biruan at harutan ng mga kaibigan ko. We ordered more beer. Maya-maya’y nagkayayaan nang mag-videoke.

I wanted to sing “Reaching Out” (na naman?) pero hindi ko mahanap sa Songbook. Nag-pass ako.

Kumanta si James ng “Sana Kahit Minsan”.

Napansin ko, nag-pay attention ang crowd sa kanya. Ganoon kalakas ang karisma niya.

I savored every line habang pinakikinggan ko siya.

Napapabuntonghininga ako sa bawat sulyap niya.

***

In full swing na ang party pagpasok namin sa Bed. Hindi ko alam kung bakit hindi namin kasabay si James. Nagkawatak-watak kasi kami bago pumasok (andaming estasyon along the way) pero sure ako na magkikita-kita uli kami sa loob.

Sabik na sabik ako sa dancefloor kaya sayaw agad ako kesehodang mag-isa.

Maya-maya, isa-isa nang jumoin sa akin ang mga friends ko. At nakita ko na si James na papalapit kasama si A.

Nagsayaw na rin siya.

Group dance muna kami sa simula pero kinalaunan, partner-partner na. At kami ni James ang naging magkapartner.

Humawak ako sa bewang niya. Humawak siya sa balikat ko. Muli, naramdaman ko ang daloy ng kuryente katulad noong huli kaming magsayaw nang ganito. Pero ngayon, mas intense.

Inapuhap ko ng tingin ang kanyang mga mata. Tinitigan ko siya. Nakipagtitigan din siya sa akin.

Napakaganda ng kanyang mga mata. Naalala ko ang sinasabi ni Tyra Banks na “smiling eyes”.

Na-interrupt ang trance ko nang may nag-hello sa akin na kakilala sabay may ibinulong pa. Napangiti ako.

“Friend mo?” ang tanong ni James pag-alis ng kakilala ko.

“Yup,” ang sagot ko.

“Anong sabi?”

“Ang gwapo mo raw. Bagay daw tayong dalawa.”

***

Medyo fleeting ang moment na iyon dahil after a while, nagpaalam siya sa akin at iniwan niya ako.

Matagal siyang nawala. Nanghaba ang leeg ko sa pagtanaw at paghihintay sa kanya.

I kept myself entertained sa pag-inom at pakikipag-sayaw sa iba ko pang friends. Sa sobrang inip, umakyat ako sa ledge. Doon ako nagsayaw. Napakaganda ng vantage point ko dahil maya-maya lang, nakita ko na siya.

Kaagad akong bumaba para puntahan siya. Pero nang papalapit na ako sa kinaroroonan niya, nakita kong papalapit din si M sa kanya. Napahinto ako at pinagmasdan ko sila.

Nag-usap sila. At nagsayaw. Nag-share pa sa pitcher ng drink.

Pinanood ko sila. Matagal.

Mukhang enjoy sila dahil panay ang bulungan at tawanan nila.

Nakaramdam ako ng panibugho.

Lumayo ako.

At lumabas.

***

Natagpuan ko ang sarili ko sa Silya. Kaagad akong binigyan ng Strong Ice ng kaibigan kong waiter. Uminom akong mag-isa.

It was 3:00 am. Tinawagan ko ang bestfriend ko na si AC who was in Tagaytay “honeymooning” with his boyfriend.

“Kailangan ko ng kausap.”

“What’s wrong, gurl?”

“Nothing.”

“Asan ka?”

“Malate.”

“Alam ko. Saan diyan?”

“Silya. Umiinom mag-isa.”

“Is this about James?” Ang galing manghula ni bespren.

“Oo,” ang amin ko. “Hindi ko maintindihan…”

“Ang alin?”

“Siya. Pati sarili ko…”

“Bakit?”

“Basta.”

“Lasing ka ba?”

“Oo.”

“Kaya pala ang gulo mong kausap.”

“Palagay mo, gusto niya rin ako?”

“How will I know?”

“Sana andito ka. O sige na, saka na tayo mag-usap. Bye.”

Pati ako parang naguluhan sa sarili ko sa walang katuturan kong pagtawag kay AC.

Gusto kong mag-confide sa kanya pero gusto ko ring iwasan ang nararamdaman ko.

Ayoko na kasi ng drama.

***

After two bottles, I edged my way back to Bed.

Nadagdagan ang tama ko but I was feeling better.

Sinalubong ako ng “Wow” ni Kylie. It lifted me on top of my emotions.

Habang umaakyat sa stairs, may bumati sa akin. "Hi."

Hinagod ko siya ng tingin. Matangkad. Payat. Guwapo.

“I'm Benedict. What’s your name?”

I smiled at him.

“Ako si Aris.”