Wednesday, April 29, 2009

My Top Ten Movies

Friday pa lang, masama na ang pakiramdam ko. Saturday, nilalagnat ako at inuubo kaya nasa bahay lang ako. Napagdiskitahan kong inspeksyunin ang isa sa aking mga cherished possessions – my movie collection. Dito ko naisip na maglista ng aking favorites.

MY TOP TEN SUMMER MOVIES
Y Tu Mama Tambien
Summer Storm
Summer Lovers
Dirty Dancing
Cruel Intentions
Under The Tuscan Sun
The Notebook
How Stella Got Her Groove Back
We Need A Vacation
Camp

MY TOP TEN FEEL GOOD MOVIES
Trick
My Best Friend’s Wedding
A Walk To Remember
Mambo Italiano
Billy’s Hollywood Screen Kiss
The American President
A League Of Their Own
The Object Of My Affection
Music And Lyrics
The Birdcage

MY TOP TEN GAY-THEMED MOVIES
Don’t Tell Anyone
Come Undone
Bishonen
The Trip
Latter Days
Just A Question Of Love
Eternal Summer
Broken Sky
The Wedding Banquet
Rock Haven

Di na ako nag-abala pang magsulat ng sarili kong synopsis or review. Baka mabinat pa ako. Just right click on the titles to watch the trailer or movie clip.

Enjoy!

Friday, April 24, 2009

April Showers

April showers bring May flowers.

***

Ang sabi ni James, two weeks siya sa Singapore.

Hindi na siya sumama sa Galera dahil gusto niya raw magtipid ng pera. Hindi rin ako sumama dahil, seriously, gusto ko namang magpaka-holy.

Buong Holy Week, text-text kami. Usap din sa phone. Nagkaroon kami ng opportunity na mag-bonding.

Lunes, nag-text siya bago lumipad: “Paalis na ako. I will miss you. See you on the 25th.”

“Enjoy your trip. Ingat,” ang sagot ko.

Noong Miyerkules, April 22, I got a text from him: “I am back. Got so bored. Missed you. Hope to see you soon.”

“Gusto mong magkita tayo tonight?” ang tanong ko.

“I can’t. I am having dinner with this guy I met on the plane.”

***

Buong araw na hindi nag-text sa akin si Daniel.

Inisip ko, baka busy lang. Pero medyo nagtaka ako kasi nasanay na ako sa dalas niyang mag-text mula nang magkakilala kami.

Noong gabi, nag-text ako: “How was your day? Tahimik ka. Na-miss kita.”

No reply.

Nag-“Goodnight!” na lang ako bago nahiga.

Nag-ring ang phone ko.

Si Rich.

“Hey…” ang sabi. “Nagising ba kita?”

“I was about to sleep.”

“Patulog na rin ako. Naisip kitang tawagan. Wala lang, gusto ko lang marinig ang boses mo.”

Napangiti ako.

“I can’t stop thinking about you. Iniisip mo rin ba ako?”

***

Kinabukasan, dalawang text ang na-receive ko mula kay Daniel. Forwarded messages pa.

Love is not how much you see and get
But how much you see and give.
It is not about giving up
But holding on.
Not about how you say I love you
But how you prove it is true.

Napag-isip ako sa pangalawa:

I learned how to love
Without expecting anything in return.
For a while
It felt good.
But it is not enough
I had to stop
Because the more I love the person
The more I lose myself.

Nagmarka sa isip ko ang mga salitang “I had to stop”. May gusto ba siyang sabihin na hindi niya masabi?

***

Kagabi, nananahimik na ako sa bahay nang makatanggap ako ng text.

“Nandito si Rich sa McDo.”

Galing sa friend ko ang text. Lumabas kasi sila ng jowa niya para kumain. (Sila ang kasama ko nang magkasalubong kami ni Rich sa mall noong Martes.)

Tinext ko si Rich to confirm.

“Nasa McDo ka now?”

“Yup. Asan ka?” ang sagot.

“Nasa bahay.”

“How did you know na nandito ako?” ang tanong.

“My friends saw you. Tinext ako.”

Nag-text uli ang friend ko.

“May kasama siya. Cute guy.”

So, tinext ko uli si Rich.

“Who’s with you?”

“Friend,” ang sagot niya.

Tinext ko ang friend ko.

“Sweet ba sila? Mukha bang magka-date?”

Medyo natagalan bago nag-reply ang friend ko.

“Oo.”

Wednesday, April 22, 2009

Ulan Sa Tag-Init

Bago pa lang nagdirikit
At hindi pa sumisilab
Ang tag-tuyot sa aking dibdib
Dumating na
Ang maagang tag-ulan.

Bago pa lang nagniningas
At hindi pa nag-aalab
Ang tag-init sa aking kaibuturan
Dumating na
Ang maagang tag-lamig.

Pinawi ang pagsisindi
At ang sana ay pag-aapoy
Ng tigang na damdamin
Na ngayon ay hinahaplit
Ng basang hangin.

Inapula ang pagliliyab
At ang sana ay pagkatupok
Ng katawang mapusok
Na ngayon ay dinidilig
Ng sariwang tubig.

Maagang dumating ang ulan
At dinampian ang paghuhumindig
Ng aking pag-ibig
Na ngayon ay nanginginig
At tigmak sa pananabik.

***

Kung kailan nagsisimula na uli akong magmahal, parang biro ng tadhana na kami ay muling pagtagpuin ni Rich.

Lumukso ang puso ko pagkakita sa kanya. Nagyakap kami sa gitna ng mataong mall.

Limang taon na ang nakakaraan nang iwan niya ako dahil nangibang-bansa siya.

“Nagbabalik na ako,” ang sabi niya sa akin. “Will you take me back?”

Hindi ako sumagot pero humigpit ang yakap ko sa kanya.

Sa mahabang panahong nagdaan, hindi siya nakalimutan ng puso ko.

Naguguluhan ako.

Sunday, April 19, 2009

Buti Na Lang

Tinatamad ako kaya nagdesisyon ako na palipasin ang gabi sa panonood ng DVD. Bandang alas-onse, nagbago ang isip ko.

Dali-dali akong nagbihis. 12:30 nasa Malate na ako.

Nasa Silya na ang mga friends ko.

Excited sa pagkukuwento ang mga nag-Puerto Galera. Sa saya ng mga kuwento habang umiinom, nakalimutan namin ang oras. Pasado alas-dos na kami pumasok sa Bed.

Insomnia” was playing and we danced.

Buhay na buhay ako at masaya habang nagsasayaw kami ng barkada.

Buti na lang nagpunta ako.

***

Hindi sumama sina A at LW sa Bed. Pareho silang may rason kung bakit nagpaiwan sila sa Silya. Si A, pinayagan ng jowa na mag-Malate pero pinagbawalan sa Bed. Si LW, naaksidente sa bisikleta at hirap maglakad dahil nagkasugat-sugat ang tuhod.

After an hour, niyaya ko si AX na puntahan sila dahil gusto kong magpahangin sa labas.

Pinagkuwentuhan nilang tatlo si Lady Gaga at ang mga kagagahan nito sa Galera. Iniwasan kong mag-comment dahil friend namin siya pero na-amuse ako sa kuwento nila.

Hindi ko napansin kanina ang pandededma ni Lady Gaga kay AX. Nag-away pala ang dalawa sa Galera kaya umuwi sila ng Manila na hindi nagkikibuan.

Marami pa akong narinig na off-the-record na kuwento. Higit na makulay sa mga napagkuwentuhan kanina. Nakakainis na nakakatawa.

Buti na lang nagpunta ako.

***

Palabas kami ng Bed ni AX nang makita ko si McVie. And yes, sina Joaqui at Tristan.

Kanina pa pala ako tinetext ni McVie para ipakilala sa iba pang mga bloggers na naroroon din.

Nakilala ko sina AJ, John Stanley at Kane. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sila sa sobrang tuwa at excitement.

Isang malaking karangalan na makilala ko ang tatlo pang maniningning na mga bituin sa blogosphere.

Buti na lang nagpunta ako.

***

Pagbalik namin ni AX sa loob, sumampa ako sa ledge. Gusto ko lang magsayaw.

Naka-dalawang Red Horse kasi ako sa Silya at masaya ang pakiramdam ko. Gusto ko lang i-express ang sarili ko.

Hindi ko inisip maglandi.

Pero siguro good vibes ako nang mga sandaling iyon dahil nagkaroon kaagad ako ng kasayaw. Matangkad, maputi, guwapo. Si Ronald.

Carried away na ako sa “Just Dance” pero restrained siya. Parang hindi kami magkapareho ng groove.

Kaya nang pumartner sa akin ang isa pang guy (si Daniel) at sinabayan ang aking mga galaw, bumigay kaagad ako.

Bumulong sa akin si Ronald: “Pinagpalit mo na ako.”

Pinaglapit ko sila. Sinubukan kong gawing threesome ang aming pagsasayaw. Naglapat ang aming mga katawan. Naglakbay ang aming mga kamay. Nag-overlap ang aming mga yakap. It was sexy and fun.

Pero nang magsimula si Daniel na halikan ako, kumalas si Ronald at nagpaalam.

Naiwan kami ni Daniel at nakalimot. We kissed na parang kami lang ang tao sa ledge. Nakaramdam ako ng kapanatagan sa mga yakap niya. At saka ko na-realize na mas gusto ko siya kaysa kay Ronald.

Hindi siya tumutugma sa ideal ko na chinito, payat at matangkad pero nang magkuwentuhan kami, nakita ko ang kanyang maturity at na-appreciate ko ang malalim niyang personality. Isang arkitekto si Daniel at nakahanda sa isang seryosong pakikipag-relasyon.

Ang emote ko nga kay AX: “Friend, pagod na pagod na ang puso ko pati katawan ko sa paghahanap ng taong magmamahal sa akin at mamahalin ko. Sawang-sawa na ako sa pakikipaglaro at sa pakikipaglokohan. Hindi na ako teen-ager para mag-aksaya ng panahon sa mga flings at one-night stands. Ako lang sa barkada ang palaging single. Kailangan ko nang magkaroon ng seryosong relasyon dahil napapag-iwanan na ako at ayokong maging malungkot for the rest of my life.”

Skeptikal si AX: “Friend, hindi sa Bed natatagpuan ang seryosong relasyon.”

Pero nang bumulong si Daniel bago kami naghiwalay ng “Gusto kitang mahalin at alagaan”, nabuhayan ako ng pag-asa at muling naniwala.

Kaka-text niya lang ngayon habang sinusulat ko ito: “I miss you. When will I see you again?”

Buti na lang nagpunta ako.

Tuesday, April 14, 2009

Pagkakataon

Ang balak ko talaga maaga ako magsisimba pero late na ako nagising. At kahit mainit na ang sikat ng araw na iniiwasan ko sana, humabol pa rin ako sa 10:30 mass.

Sa kabila ng masiglang atmosphere dahil Pasko ng Pagkabuhay, napakainit sa simbahan. Mabuti na lang at ang napuwestuhan ko ay malapit sa electric fan.

Nagsimula ang misa at mataimtim akong nagdarasal nang may naki-excuse at nakiraan sa harap ko upang umupo sa bakanteng espasyo sa tabi ko. Sa aking pagkakayuko, nalanghap ko ang halimuyak niya na bagong paligo. Nag-angat ako ng mukha, sinulyapan ko siya at ako ay natigilan.

Kung gaano ka-fresh ang kanyang amoy ay ganoon din ka-fresh ang kanyang itsura. Para akong nawala sa sarili na napatitig sa kanya. Bata pa siya at napaka-guwapo niya.

Nginitian niya ako. Yumuko akong muli upang ipagpatuloy ang pagdarasal.

Pero distracted na ako. Parang may magnetic energy na hatid ang presence niya sa tabi ko. Pumikit man ako, nakalarawan na sa isip ko ang kanyang itsura.

Soft, shiny, black hair. Makapal na kilay at mahahabang pilikmata. Chinito eyes (na naman!). Cute nose. Mapupulang labi. Makinis at maputing kutis. Kaunting baby fats.

Ang hirap paglabanan ng tukso kahit na nakaharap ako sa altar at nakikinig sa pangaral ng pari. Pasundot-sundot sa aking kamalayan. Padampi-dampi sa aking pandama dahil sa manaka-nakang pagdidikit ng aming mga balikat at pagkikiskisan ng aming mga braso.

Napapabuntonghininga na lamang ako.

Nang nasa bahagi na ng pagkanta ng “Ama Namin”, nagulat ako when he grabbed and held my hand. Nadama ko ang malambot niyang palad.

Bumilis ang tibok ng aking puso nang maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay.

Sinulyapan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Diretso ang tingin niya pero higit na naging madiin ang pressure na iginagawad niya sa aking kamay. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kanya.

Tahimik na nagpambuno ang aming mga kamay sa pagpisil hanggang sa matapos ang kanta at kami ay nagbitiw.

Sa pagsapit ng “Peace Be With You”, nagbatian kami. Nagngitian. Nagtitigan. Kung maaari ko nga lang siyang hagkan katulad ng paghalik sa bawat isa ng mga magkakapamilya sa aming paligid.

Natapos ang misa na may pagpipigil sa aking kalooban. Tinanaw ko siyang papalayo paglabas sa simbahan. Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan.

Tumigil siya sa paglalakad. Lumingon sa aking kinaroroonan.

Napako ako sa aking kinatatayuan. Sa gitna ng hugos ng mga taong katatanggap lang ng bendisyon, nawalan ako ng lakas ng loob upang i-pursue ang blessing na nakangiti, nag-aanyaya at naghihintay sa akin.

***

Later that day, nayaya akong mag-mall ng dalawa kong kaibigan. Pagkatapos maglibot, kumain at magkape, tumuloy kami sa Powerbooks. Nagsisimula nang gumabi at iyon na ang aming last stop. Naghiwa-hiwalay kami sa loob.

I was browsing at the Fiction section nang may tumawag sa pangalan ko.

“Aris…”

Nag-angat ako ng paningin. Nasa harap ko ang isang smartly dressed na babae in her 40’s na kaagad kong nakilala.

“Katrina!” ang bulalas ko.

Officemate ko siya dati (actually, supervisor ko siya) and it has been years nang huli kaming magkita.

Nagbeso-beso kami. Hindi kami close pero ok naman kami. Hindi lang siguro kami nagkaroon ng pagkakataon noon na maging magkaibigan.

“How are you?” ang pangungumusta ko.

“Still connected with the same company. Ikaw?”

I updated her a little about myself.

“You still look the same,” ang sabi niya. “Are you married?”

“No. Ikaw?”

“Single mom pa rin. Pero masaya na ako.”

Gusto kong sabihin: ako rin, masaya na sa pagiging single. Pero bago ako nakapagsalita, nakita ko siya.

The boy from church.

Para siyang isang aparisyon na dahan-dahang nagmula sa likod ng bookshelves at ngayon ay papalapit sa kinaroroonan namin ni Katrina.

Natigilan ako. May sinasabi si Katrina pero hindi ko na narinig dahil inagaw na ang atensyon ko ni church boy. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

Napansin yata ni Katrina na may tinitingnan ako sa likuran niya kaya napalingon siya. Napangiti siya nang makita si church boy.

“Oh, there you are,” ang sabi ni Katrina.

Nagulat ako at nagtaka.

“Aris,” ang baling niya sa akin nang nasa tabi na niya si church boy. “I would like you to meet my son, Xyrus.”

Hindi ako makakibo. Napatda ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanila. Parang na-shock ako.

“Xyrus, this is my former officemate, Aris. Say hello, anak.”

Inabot ni Xyrus ang kamay niya upang makipag-shake hands sa akin.

Muli, nadama ko ang malambot niyang palad. At ang marahang pisil.

Napangiti ako hindi lang dahil pleased ako na makilala siya kundi dahil mangha ako sa pagkakataong iyon.

I tried my best to compose myself. Ipinagpatuloy ko ang pakikipagkuwentuhan kay Katrina at nagkunwari akong hindi apektado sa presence ng anak niya.

Tumingin-tingin ng libro si Xyrus sa di-kalayuan sa amin.

Maya-maya, nagpaalam si Katrina. “May hinahanap nga pala akong recipe. Maiwan na kita, Aris. It was nice seeing you again.”

Tinawag niya ang pansin ni Xyrus. “Anak, I am going to the Cookbook section.”

“I’m staying right here, mom,” ang sagot ni Xyrus.

“Ok.” At umalis na si Katrina.

Naiwan kami ni Xyrus sa lane na iyon ng mga fiction books.

Nagkatinginan kami. Nagkangitian.

Magkatabi kaming nag-browse. Walang imikan. Nagpapakiramdaman.

Siya ang unang hindi nakatiis sa katahimikan.

“So, you and my mom were officemates…” ang sabi niya.

“Yup. She’s older though.” I had to emphasize that.

“I can see that…”

“But that still makes you very young…” ang sabi ko.

“I’m old enough to be allowed beer in Malate.”

Natigilan ako. “Malate? You go to Malate?”

“Yup. And guess what… I’ve seen you there. Once… twice…”

“Huh? Really?”

“Minsan nang nagkatabi ang mga mesa natin sa Silya. Minsan mo na ring nakasayaw ang friend ko sa Bed.”

Gosh, I must really be all over the place. Wala na yata talaga akong mystery.

“Please don’t tell my mom about Malate, ok?” ang sabi niya.

“Don’t worry, I won’t.” I assured him.

Sandali kaming natahimik. Waring parehong nag-aapuhap ng sasabihin.

“I have to go find my mom,” ang sabi niya pagkaraan.

“Will I see you again?” ang tanong ko.

“Sure. I’ll see you in Malate.”

“Bakit doon?”

“Dahil doon, we can be ourselves. Maaari tayong mag-usap na hindi iniisip ang mom ko." At halos pabulong: “Aris, I want to know you better.”

Napangiti ako. “Gusto rin kitang higit na makilala, Xyrus.”

“I’ll see you then.”

Hindi na ako nagtanong kung kailan. Bahala na ang tadhana sa pagtatakda ng pagkakataon upang kami ay muling magkita. Sapat nang assurance ang dalawang ulit na pagku-krus ng aming landas ngayong araw na ito upang ako ay maniwala at umasa na kami ay muling pagtatagpuin.

“Bye, Aris.”

“Bye, Xyrus.”

He gave me a playful wink bago siya umalis.

Wednesday, April 8, 2009

My Tough Ten

I was tagged by Tristan.

***

10. Who is your least favorite blogger and why?

Hindi ko na matandaan ang pangalan. Minsan ko lang siya binasa, hindi ko na binalikan. Masyado siyang mayabang.

9. If there was just one blog that you'll read, what is it?

The McVie Show. I respect the views and I enjoy the humor.

8. Who do you think tells fabricated stories?

Nasa Wordpress siya. Inconsistent ang mga detalye sa kuwento niya bukod sa hindi kapani-paniwala.

7. If there is just one blogger whom you haven't met and would like to meet, who would it be and why?

Jun Lana. Grabe, ang galing niyang magsulat. Idol.

6. If there was one thing that you'd like to write about but cannot (due to real or perceived complications) what would it be?

My heterosexual relationships. Pagtataasan n’yo ako ng kilay, alam ko.

5. Have you had sex with a blogger?

No.

4. Have you had sex with a reader?

No.

3. Who is the most narcissistic/self-absorbed blogger that you know?

Nandito siya sa Blogspot. Siya mismo ang pumupuri sa sarili niya.

2. Who do you wanna sex with?

Tiggah. Carried away ako sa mga litrato niya.

1. Based on how you know this blogger through his (or her) blog, who would you like to be in a serious relationship with?

Mark Xander. Sweet and faithful ang tingin ko sa kanya.

***

I am tagging Pao, Kokoi, Dabo, Yffar.

Tuesday, April 7, 2009

Minsan

Kahit masama ang pakiramdam ko at nadaan lang sa Biogesic ang sakit ng ulo, nagpunta pa rin ako sa Malate.

I had a tough week at kailangan kong mag-unwind.

“Last hurrah before Holy Week,” ang text ng mga kaibigan ko.

The Strong Ice made me feel better. Pero ramdam ko pa rin ang pagod at kakulangan sa tulog.

“I should have just stayed home,” ang usal ko sa sarili. “Pero nandito na ako. Try ko na lang mag-enjoy.”

Hindi ako lubusang makasakay sa animated na kuwentuhan ng aking mga kaibigan. Kahit gusto ko ring makipagkulitan, nangingibabaw ang aking pananamlay.

I drank some more to enliven myself.

When we entered the club, the usual flurry and thump thump greeted me. Sinikap kong i-internalize ang music at makibahagi sa mataas na energy ng paligid. Bahagya kong nakalimutan ang aking dinaramdam.

Pero saglit lang. Dahil sa patuloy kong pag-inom ng beer at kinalauna’y zombie, naramdaman ko ang muling pananakit ng aking ulo.

And so I retreated to a corner. I sat down para ipahinga ang sarili. Buti na lang, my friends were gathered around me kaya hindi ko naramdaman na mag-isa ako sa aking misery.

But not for long. Dahil siyempre kailangan din nilang mag-fly away. It’s a party and everybody must circulate.

Including me.

So tumayo ako at sinubukang uminda-indayog sa ledge. Pero nahihilo talaga ako. Kaya kahit na paborito ko ang music at may mga kaaya-ayang nilalang doon, bumaba kaagad ako. Nakakahiya naman kung doon pa ako mag-collapse.

I had to steady myself kaya balik ako sa sulok. Sumandal ako sa dingding. Resigned na ako sa pagiging wallflower nang gabing iyon. Masama talaga ang pakiramdam ko.

Then you came.

Dumaan ka sa harap ko at nagkatinginan tayo. Napahinto ka.

“Hi,” ang sabi mo.

Ngumiti ako at pinagmasdan kita.

Taglay mo ang weakness ko: chinitong mata. Shirtless ka at pawisan. Alam ko na galing ka sa ledge. Isa ka sa mga kaaya-ayang nilalang na nagsasayaw doon kanina.

Walang kaabog-abog, hinapit mo ang aking baywang at hinila ako papalapit sa’yo. Nadiin ako sa mapipintog mong dibdib. Napahawak ako sa matitigas mong muscles.

Niyakap mo ako. Mahigpit. At dahil nanghihina ako, tuluyan na akong kumapit sa’yo.

Hinalikan mo ako. Marahas. At dahil uhaw ako, I sucked hard on your lips.

Naglakbay ang aking mga kamay. Nadama ko ang makinis mong balat at nasalat ko ang iba pang mapipintog na bahagi ng iyong katawan.

Maalab ang mga sandaling iyon. Parang pagsasalin ng lakas.

Kumalas ka sa akin at nagpaalam.

Lumapit sa akin ang kaibigan ko.

“He’s hot, isn’t he?” ang sabi habang tinatanaw ang iyong paglayo.

“Yeah,” ang sagot ko. Medyo breathless pa ako but feeling better.

“I know him,” ang dugtong niya. “I’ve met him before.”

“Really?”

“His name is Renz…”

May pagkahumaling sa kanyang tinig.

“Naka-sex ko na siya minsan. And, oh… it was great!”

Friday, April 3, 2009

Tagged Again

Luis tagged me. Nahirapan ako kasi isiningit-singit ko lang ang pagsusulat but it was fun. Aaminin ko na, I cheated. I included descriptions from my previous writings. Kung di ko gagawin yun, naku, aabutin ako ng siyam-siyam bago ko ito makumpleto. Ang dami naman kasi at nagkataon pang sobrang busy ako lately. Anyway, for the love of Luis and also for your enjoyment, here goes…

SOMETHING ABOUT 15 DIFFERENT PEOPLE

Kung ang paghalik sa pisngi mo ay pagdampi ng aking mga labi sa rose petals, ang paghalik sa mga labi mo ay paglasap ng aking bibig sa mga hibla ng cotton candy. Nang una kitang matikman umangat ang aking mga paa sa lupa kahit na ako ay nakahiga. Lumutang ako sa malambot na ulap at matamis na pangarap kahit saklot ako ng isang matigas at mapait na realidad.

***

Noong lumalapit ako, lumalayo ka. Hanggang sa napagod ako at lumayo na rin. Pero nang lumayo ako, ikaw naman ang lumapit. Kahit nakakapagod, sige, babalik ako. Baka sakaling magtagpo na tayo.

***

Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin ako sa kanyang mga mata. Doon, nakita ko ang kanyang pangungulila. Doon, nasalamin ko ang sarili kong kalungkutan. Nagyakap kami. Mahigpit. Parang pagkapit sa salbabida. Nagpatianod siya sa agos ng pagnanasa. Nagpalutang-lutang ako sa alon ng pag-asa.

***

Ang pagde-deny niya na malungkot siya ay pagsisinungaling sa kanyang sarili. Umiiwas siya sa anumang involvement na higit sa sex dahil natatakot siyang mabunyag ang kanyang mga insecurities. Pinapaniwala niya ang kanyang sarili na desirable siya, na ang daming nagkakagusto sa kanya, na pinaglalaruan niya lamang ang mga lalaki. Pero ang lahat ng ito ay pagtatakip lamang sa kanyang mga emosyonal at pisikal na kakulangan at pagtatakwil sa tunay niyang sarili na minahal niya lamang dahil sa pagkukunwari.

***

Ang kakulangan niya sa height ay pinupunuan niya ng kayabangan. Naakit ako hindi dahil sa lakas ng kanyang dating kundi dahil sa kanyang kahinaan. Sa mapangahas kong pagdama sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan, naging mapagkumbaba siya at mapagparaya.

***

Una akong nabighani sa kanyang tindig. Stand-out siya habang mag-isang nagsasayaw sa ledge. Lumapit ako at nagkatinginan kami. Parang magnet ang tsinito niyang mga mata. Parang may puwersang humihigop sa akin habang nagtititigan kami. Hanggang sa hindi ko na matiis ang tila pang-aakit niya at inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya. Nalanghap ko ang mabango niyang hininga. At hinalikan ko siya.

***

He must be aware kung gaano ka-expressive ang kanyang mga mata. Tumingin siya nang diretso sa akin at doon nabasa ko ang lungkot, pagkabigo, pag-iisa at iba pang mga bagay na hindi niya masabi. Umiwas ako ng tingin.

***

Parang lumundag ang puso ko nang makita ko siya. Higit siyang maganda sa imahe na nasa aking alaala. Luminous ang kanyang maputing balat na lalong tumitingkad kapag tinatamaan ng mga ilaw. May mapang-akit na ningning ang kanyang mga mata na mababanaagan mo kahit na sa dilim. Nakaramdam ako ng magkahalong kaba at excitement.

***

Nang magkakilala kami sa Bed, inisip ko na pang-isang gabi lang siya.

Pero nagpursige siya. Ang sabi niya, gusto niya ng relationship. Ako, gusto ko rin. That was when I started taking him seriously.

And so I was made to believe na doon na kami papunta. Konting-konti na lang, magiging kami na.

Pero, isang gabi, nagtapat siya sa akin. May mahal siyang iba.

***

Shirtless siya, naka-shorts lang. Mukhang kagagaling niya lang sa pagsu-swimming sa beach. His body is lean, his chest firm and his stomach flat. He has honey brown skin. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya at titigan. He is one beautiful male specimen! I was so engrossed with my admiration nang mapatingin din siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Para akong napaso sa titig ng kanyang chinitong mga mata.

***

Matangkad ka (around 5’10 sa tantiya ko). Chinito ka pero mukhang hindi ka naman Chinese kasi medyo moreno ka. I really have this thing for tall, chinito and moreno guys and you fit the image of my dream guy perfectly. Naka-braces ka pa and I find it very sexy when you smile. I love your long hair and the way it was styled. It opens up your face, highlighting your cheekbones and your clear skin. I also noticed your toned arms and your big hands. I wondered how it would feel like being held tightly by you.

***

Suplado ang first impression ko sa kanya. Noong ipinakilala siya sa grupo, sinubukan ko siyang chikahin pero cold ang response niya na parang hindi siya interesadong makipag-usap sa akin. Eighteen lang siya at masyadong bata para sa age group namin. Sa tingin ko, hindi siya makaka-relate at eventually, aalis din siya para maghanap ng mga ka-edad niya.

Nang sumunod na pagkikita-kita, sinubukan ko uling maging friendly sa kanya, pero yes or no o kaya’y iling o kibit-balikat lang ang mga sagot niya sa tanong ko. Tuluyan na akong nawalan ng gana sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko, hindi ko na siya uli kakausapin. Napapahiya lang ako.

***

Nang magkita kami, parang hindi na siya iba sa akin. Parang ang tagal na naming magkakilala. Walang naging dead air sa halos tatlong oras naming pag-uusap. Malaya akong nagkuwento tungkol sa aking sarili. Kumportable akong naglahad ng mga bagay-bagay na hindi ko karaniwang ibinabahagi sa mga taong unang beses ko pa lang nakikilala. Meeting him finally was like finding a long-lost friend.

***

Muntik ko na siyang minahal. Matagal din na itinangi-tangi ko siya sa aking puso. Ngunit hindi na namin naiangat ang aming relasyon sa susunod na antas. Magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Ipinagpapasalamat ko na hindi siya nawala sa akin dahil alam ko na ang pagpapahalaga namin sa isa’t isa ay panghabang-buhay.

***

Nagpaparamdam ka kung kelan ayaw ko nang may maramdaman sa’yo. Gusto mong makipagkita kung kelan nagbubulag-bulagan na ako sa pang-akit mo. Ginugulo mo ang isip ko kung kelan gusto ko na lang manahimik. Dahil sa pagbabago ng ihip ng iyong hangin, binabagyo na naman tuloy ang puso ko.

Wednesday, April 1, 2009

April Fool

Kagabi ko lang na-realize na since Sunday, panay pala ang text mo sa akin.

Good Morning.

Nag-lunch ka na?

Ingat always.

Musta araw mo?

Dinner ka muna.

Goodnight.

Panay din ang reply ko pero dahil sobrang busy ako, hindi ko napapansin na textmates na pala tayo. Itinigil ko na rin kasi ang romantic intentions ko sa’yo kaya hindi ko na binigyang kahulugan ang mga text mo.

Pero kagabi, napag-isip ako sa text mo.

Goodnight. See you in my dreams. Mwah!

You wanted to see me in your dreams? Why?

Noong huling labas ng barkada, nag-confide ka sa akin. Break na kayo ni Jasper. Ang bilis naman.

“Masyado siyang demanding. Nag-aaway kami palagi dahil pinagseselosan niya ang trabaho ko. Masyado siyang unreasonable,” ang sabi mo.

Dumating si Arvie at nagulat ako nang kumprontahin ka.

“Bakit hindi ka sumasagot sa mga text ko? Bakit iniiwasan mo ako?”

Tahimik ka lang at hindi nagpaliwag sa kanya.

Pero sa akin, nagpaliwanag ka.

“Iniwanan siya ng boyfriend niya dahil ginamit niya. Alam mo bang matagal na pala siyang walang trabaho? Ayokong ako naman ang gamitin niya.”

***

Nagsasayaw ako sa ledge nang umakyat ka at nakipagsayaw sa akin. Ikinapit mo pa ang mga braso mo sa leeg ko. Ang lapit-lapit ng mukha mo sa mukha ko. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa'yo. Hindi ako nag-initiate ng halik.

Nang gabing iyon, I had a few naughty encounters. Never kitang naisip habang ako ay nakikipaglaro.

Pero nasaksihan mo pala iyon. Sinabi mo sa akin noong palabas na tayo ng club. Habang nakaakbay ka sa akin.

Nakaakbay! Never mo yata akong inakbayan in the past.

You were even telling me na sana iwasan ko na ang makipaglaro. Medyo nagtaka lang ako.

Magkatabi tayo sa almusal. Sa sobrang sikip, magkadikit ang thighs natin.

Noong uwian na, gusto mong sumabay sa akin pero kasabay ko na si LW at walang kasabay si M.

Naghiwa-hiwalay tayong masaya. Hindi sumagi sa isip ko na haluan ng drama.

***

Hi, Aris. Gud pm. Musta?

Nabasa ko ang text mo paggising ko. Nag-reply ako.

Hey. Just woke up. Getting ready for church.

Ingat. Text you later.

Doon nagsimula ang tatlong araw na nating pagiging textmates.

At kagabi nga, napag-isip ako. Strange, kung kelan nag-goodbye na ako, saka ka naman nag-hello. Kung kelan nag-detach na ako, saka ka naman parang nagiging attached.

Alam ko, walang masama kasi barkada tayo.

Pero binubuhay nito ang damdamin ko para sa iyo.

Katulad ngayon… nagsisimula na naman akong makinig sa love songs. Sa gitna ng pagiging abala, ikaw na naman ang laman ng isip ko.

Hindi ko maiwaksi ang romantic possibilities sa ating dalawa. Nangangarap na naman ako.

Ayoko na sana dahil mahirap muling sumakay sa emotional roller coaster.

Pero mahal pa rin kita, aaminin ko.

I know, nagpapaka-gago na naman ako.

***

Maaari mo na kaya akong mahalin ngayon?