April showers bring May flowers.
***
Ang sabi ni James, two weeks siya sa Singapore.
Hindi na siya sumama sa Galera dahil gusto niya raw magtipid ng pera. Hindi rin ako sumama dahil, seriously, gusto ko namang magpaka-holy.
Buong Holy Week, text-text kami. Usap din sa phone. Nagkaroon kami ng opportunity na mag-bonding.
Lunes, nag-text siya bago lumipad: “Paalis na ako. I will miss you. See you on the 25th.”
“Enjoy your trip. Ingat,” ang sagot ko.
Noong Miyerkules, April 22, I got a text from him: “I am back. Got so bored. Missed you. Hope to see you soon.”
“Gusto mong magkita tayo tonight?” ang tanong ko.
“I can’t. I am having dinner with this guy I met on the plane.”
***
Buong araw na hindi nag-text sa akin si Daniel.
Inisip ko, baka busy lang. Pero medyo nagtaka ako kasi nasanay na ako sa dalas niyang mag-text mula nang magkakilala kami.
Noong gabi, nag-text ako: “How was your day? Tahimik ka. Na-miss kita.”
No reply.
Nag-“Goodnight!” na lang ako bago nahiga.
Nag-ring ang phone ko.
Si Rich.
“Hey…” ang sabi. “Nagising ba kita?”
“I was about to sleep.”
“Patulog na rin ako. Naisip kitang tawagan. Wala lang, gusto ko lang marinig ang boses mo.”
Napangiti ako.
“I can’t stop thinking about you. Iniisip mo rin ba ako?”
***
Kinabukasan, dalawang text ang na-receive ko mula kay Daniel. Forwarded messages pa.
Love is not how much you see and get
But how much you see and give.
It is not about giving up
But holding on.
Not about how you say I love you
But how you prove it is true.
Napag-isip ako sa pangalawa:
I learned how to love
Without expecting anything in return.
For a while
It felt good.
But it is not enough
I had to stop
Because the more I love the person
The more I lose myself.
Nagmarka sa isip ko ang mga salitang “I had to stop”. May gusto ba siyang sabihin na hindi niya masabi?
***
Kagabi, nananahimik na ako sa bahay nang makatanggap ako ng text.
“Nandito si Rich sa McDo.”
Galing sa friend ko ang text. Lumabas kasi sila ng jowa niya para kumain. (Sila ang kasama ko nang magkasalubong kami ni Rich sa mall noong Martes.)
Tinext ko si Rich to confirm.
“Nasa McDo ka now?”
“Yup. Asan ka?” ang sagot.
“Nasa bahay.”
“How did you know na nandito ako?” ang tanong.
“My friends saw you. Tinext ako.”
Nag-text uli ang friend ko.
“May kasama siya. Cute guy.”
So, tinext ko uli si Rich.
“Who’s with you?”
“Friend,” ang sagot niya.
Tinext ko ang friend ko.
“Sweet ba sila? Mukha bang magka-date?”
Medyo natagalan bago nag-reply ang friend ko.
“Oo.”
15 comments:
OUCH!
waaah! daming nangyari. Sana makag-usap kayo ni Daniel.
tapos na mahal na araw. tama na pasakit ;-)
pati ba naman sa eroplano? bad! hehe
I hope your ok.
"who needs a heart when a heart can be broken"
---- tina turner (what's love got to do with it)
tatlo lang yan sa kwento.... marami pa namang iba... kaya okay lang yan sistah!!!
go....churvah lang
haaaaayyy, ang hirap naman ng ganito... hidni ko alam ang sasabihin ko.
hayy aris.... but I believe in May Flowers..
NAKAKALOKA?
TATLONG LALAKI PINAGSASABAY?
NAKAKALOKA!
Sorry, pero hindi ko talaga magets. Parang tumataya sa bingo.
Sorry, it's not mean. I just felt so AMAZED.
NAKAKALOKAHHHH!
dapat mag compile ka ng mga ganyan at lagyan mo ng title "Bolable Quotes"
ok lnag yan
there are other fish in the sea
My monthsary entry sa Labor Day would show how patterns work in blogspace. :)
Ayus lang yan bro.
sometimes i cant determine if the story is real or just artistically written.
kakaiba ka aris.
we should castrate him soon!
bakit siya ganon? haaaay...
“Patulog na rin ako. Naisip kitang tawagan. Wala lang, gusto ko lang marinig ang boses mo.” - naks naman what a line... hahaha! pero LAHAT magulo nga hahaha! sino ba talaga? ikaw talaga.
Post a Comment