Wednesday, April 1, 2009

April Fool

Kagabi ko lang na-realize na since Sunday, panay pala ang text mo sa akin.

Good Morning.

Nag-lunch ka na?

Ingat always.

Musta araw mo?

Dinner ka muna.

Goodnight.

Panay din ang reply ko pero dahil sobrang busy ako, hindi ko napapansin na textmates na pala tayo. Itinigil ko na rin kasi ang romantic intentions ko sa’yo kaya hindi ko na binigyang kahulugan ang mga text mo.

Pero kagabi, napag-isip ako sa text mo.

Goodnight. See you in my dreams. Mwah!

You wanted to see me in your dreams? Why?

Noong huling labas ng barkada, nag-confide ka sa akin. Break na kayo ni Jasper. Ang bilis naman.

“Masyado siyang demanding. Nag-aaway kami palagi dahil pinagseselosan niya ang trabaho ko. Masyado siyang unreasonable,” ang sabi mo.

Dumating si Arvie at nagulat ako nang kumprontahin ka.

“Bakit hindi ka sumasagot sa mga text ko? Bakit iniiwasan mo ako?”

Tahimik ka lang at hindi nagpaliwag sa kanya.

Pero sa akin, nagpaliwanag ka.

“Iniwanan siya ng boyfriend niya dahil ginamit niya. Alam mo bang matagal na pala siyang walang trabaho? Ayokong ako naman ang gamitin niya.”

***

Nagsasayaw ako sa ledge nang umakyat ka at nakipagsayaw sa akin. Ikinapit mo pa ang mga braso mo sa leeg ko. Ang lapit-lapit ng mukha mo sa mukha ko. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa'yo. Hindi ako nag-initiate ng halik.

Nang gabing iyon, I had a few naughty encounters. Never kitang naisip habang ako ay nakikipaglaro.

Pero nasaksihan mo pala iyon. Sinabi mo sa akin noong palabas na tayo ng club. Habang nakaakbay ka sa akin.

Nakaakbay! Never mo yata akong inakbayan in the past.

You were even telling me na sana iwasan ko na ang makipaglaro. Medyo nagtaka lang ako.

Magkatabi tayo sa almusal. Sa sobrang sikip, magkadikit ang thighs natin.

Noong uwian na, gusto mong sumabay sa akin pero kasabay ko na si LW at walang kasabay si M.

Naghiwa-hiwalay tayong masaya. Hindi sumagi sa isip ko na haluan ng drama.

***

Hi, Aris. Gud pm. Musta?

Nabasa ko ang text mo paggising ko. Nag-reply ako.

Hey. Just woke up. Getting ready for church.

Ingat. Text you later.

Doon nagsimula ang tatlong araw na nating pagiging textmates.

At kagabi nga, napag-isip ako. Strange, kung kelan nag-goodbye na ako, saka ka naman nag-hello. Kung kelan nag-detach na ako, saka ka naman parang nagiging attached.

Alam ko, walang masama kasi barkada tayo.

Pero binubuhay nito ang damdamin ko para sa iyo.

Katulad ngayon… nagsisimula na naman akong makinig sa love songs. Sa gitna ng pagiging abala, ikaw na naman ang laman ng isip ko.

Hindi ko maiwaksi ang romantic possibilities sa ating dalawa. Nangangarap na naman ako.

Ayoko na sana dahil mahirap muling sumakay sa emotional roller coaster.

Pero mahal pa rin kita, aaminin ko.

I know, nagpapaka-gago na naman ako.

***

Maaari mo na kaya akong mahalin ngayon?

17 comments:

. said...

Managinip ka lang. Malay mo, maari mo siyang maabot.

Anonymous said...

kung hindi ka aasa, hindi mangyayari.

bong

Luis Batchoy said...

basta. wag maging vulnerable. masakit marinig pero two words with a question mark kaibigan. "Panakip Butas?" Option F? baka naman option Z na nga eh. Hate to prick your Michale Buble dear friend. naman kasi eh

Yj said...

let him know na.... wala ng pakiramdaman.... huwag ng maghintayan.... ito na ang tamang pagkakataon Aris....

sabay niyong bigyan ng pagkakataon ang mga sarili niyo.... para sa isa't isa...

Jinjiruks said...

Bahala ka kung makikipag-gaguhan ka na naman diyan. Ikaw na naman ang talo sa huli pag nakahanap na naman iyan ng bagong putahe.

Joaqui said...

Proceed with caution... but not too cautious. :) hehehe

Kane said...

Aris,

sometimes, all it takes is one person to wake up and realize he has been seeing the same picture all along.

the question is: Is he seeing you for who you really are or are you realizing he may not be everything you want him to be?


you faithful reader,
Kane

Theo Martin said...

Shet kapatid...hindi ko akalaing naproduce na pala ang queer as folk the philippine version. :)

lucas said...

that's is sad...you have a decision to make aris.

belated happy april fool's! :)

escape said...

I know, nagpapaka-gago na naman ako.>>> i agree with Yj. panahon na yan.

lapitan mo na.

Aris said...

@mugen: kanta na rin ako ng: "if you believe" or "pangarap ka na lang ba?". ano ba yan, puro love songs ang nasa utak ko ngayon hehe! :)

@bong: buti na lang hindi ako nawawalan ng pag-asa. :)

@luis batchoy: yugyugin mo nga ako friend baka sakaling mai-shake off ko na siya totally. :)

@yj: i may just do that the next time we meet. opps, kinakabahan yata ako hehe! :)

@jinjiruks: friend, pinapagalitan mo yata ako. ok lang, nakikinig naman ako sa'yo eh! :)

@joaqui: gusto ko talaga dahan-dahan lang. kaya lang nakakabitin hehe! :)

@kane: alam mo, napag-isip ako sa sinabi mo. i really have to look deeper into myself. i may not really be in love with him but with the IDEA of being in love.
salamat nang marami sa patuloy na pagsubaybay. i added you na sa links ko. :)

@theo martin: uy, favorite ko QAF. masyado naman akong na-flatter sa sinabi mo. dahil dyan, hug kita kapatid. nasa links na rin kita. :)

@lucas: kailangan kong tiyakin sa sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko. isang bagay lang ang sigurado ako: gusto kong maging masaya. ang tanong: siya ba talaga ang makakapagpasaya sa akin? hayyy! :)

@the dong: sa susunod, maglalakas-loob na akong subukan. promise, sir dong. :)

Dabo said...

hindi kita kilala, hindi ko kilala ang guy na tinutukoy mo, pero i suggest just play it cool, you've been in this game before.

Unknown said...

pa add nman jan!

laagan said...

nakakalungkot ang iyong kwento...minsan talaga me mga gusto tayo na di natin nakukuha kahit anong gawin natin...

good luck

Anonymous said...

love na ngang talaga yan. haiz. i really hate fallin in love pero pag anjan na hindi na maiwasan

Anonymous said...

ganun siguro talaga. pag nagmamahal ka hindi ka naman nagiging tanga. alam mo naman yan. nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ka lang talaga. haiz. ang mga nagmamamahal ay nababaliw kung minsan.

Kokoi said...

kalungkot naman to friend!