Wednesday, April 22, 2009

Ulan Sa Tag-Init

Bago pa lang nagdirikit
At hindi pa sumisilab
Ang tag-tuyot sa aking dibdib
Dumating na
Ang maagang tag-ulan.

Bago pa lang nagniningas
At hindi pa nag-aalab
Ang tag-init sa aking kaibuturan
Dumating na
Ang maagang tag-lamig.

Pinawi ang pagsisindi
At ang sana ay pag-aapoy
Ng tigang na damdamin
Na ngayon ay hinahaplit
Ng basang hangin.

Inapula ang pagliliyab
At ang sana ay pagkatupok
Ng katawang mapusok
Na ngayon ay dinidilig
Ng sariwang tubig.

Maagang dumating ang ulan
At dinampian ang paghuhumindig
Ng aking pag-ibig
Na ngayon ay nanginginig
At tigmak sa pananabik.

***

Kung kailan nagsisimula na uli akong magmahal, parang biro ng tadhana na kami ay muling pagtagpuin ni Rich.

Lumukso ang puso ko pagkakita sa kanya. Nagyakap kami sa gitna ng mataong mall.

Limang taon na ang nakakaraan nang iwan niya ako dahil nangibang-bansa siya.

“Nagbabalik na ako,” ang sabi niya sa akin. “Will you take me back?”

Hindi ako sumagot pero humigpit ang yakap ko sa kanya.

Sa mahabang panahong nagdaan, hindi siya nakalimutan ng puso ko.

Naguguluhan ako.

14 comments:

Turismoboi said...

hehehehe

Luis Batchoy said...

kelan kaya ako maguguluhan tulad nyan?

bampiraako said...

waaah. goodluck! may the best love wins! hehe.

Daniel or Rich?

Jinjiruks said...

i'm with you Luis, kelan rin kaya ako maguguluhan nang kagaya ni Aris. mas playboy ka ba kesa sa amin.

Herbs D. said...

ayeee. parang Orosa-Nakpil Malate ang drama ha! i lveeeee et. :)

*hugs*

Aris said...

@turismoboi: nangingiti ka... :)

@luis batchoy: as if naman hindi ka pa naguluhan nang ganyan. :)

@bampiraako: napapabuntonghininga na lang ako hehe! :)

@jinjiruks: hindi. salawahan ako kaya laging sawi. char! :)

@herbs d.: nagiging drama queen na yata ako. *hugs* :)

escape said...

dito ka talaga magaling. lupit sa storya.

Joaqui said...

Oh no! Choose wisely. hehehe

Yj said...

feeling ko kailangan mo na ng tulong sa pagja-judge....

yung tipong panel... tapos tatanungin sila isa-isa... ano ba ang kaya mong gawin for Aris... tapos kailanga may demo... hihihi

nasisiraan na ako ng ulo....

tinamaan ako sa tula friend....

Anonymous said...

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una." - Bob Ong..

ayan. talagang hinanap ko pa yang quote na yan sa bahay ko para lang masabi sayo yan.

new to ur site. :D hehehe.. yun lang masasabi ko :DDD hehehee.. kaya mag-ingat ka!

MkSurf8 said...

poor Aris! when it rains, it pours!

Benzgasm said...

hay... na-miss ko talaga ang mga kabog na drama sa buhay ni Aris! hahaha ;)

Kokoi said...

kaloka to friend!

Anonymous said...

naks naman in love. bakit ka naguguluhan kung mahal mo siya gogogo! wag mong hayaang mawala pa siyang ulit at pagsisihan mo.