Tinatamad ako kaya nagdesisyon ako na palipasin ang gabi sa panonood ng DVD. Bandang alas-onse, nagbago ang isip ko.
Dali-dali akong nagbihis. 12:30 nasa Malate na ako.
Nasa Silya na ang mga friends ko.
Excited sa pagkukuwento ang mga nag-Puerto Galera. Sa saya ng mga kuwento habang umiinom, nakalimutan namin ang oras. Pasado alas-dos na kami pumasok sa Bed.
“Insomnia” was playing and we danced.
Buhay na buhay ako at masaya habang nagsasayaw kami ng barkada.
Buti na lang nagpunta ako.
***
Hindi sumama sina A at LW sa Bed. Pareho silang may rason kung bakit nagpaiwan sila sa Silya. Si A, pinayagan ng jowa na mag-Malate pero pinagbawalan sa Bed. Si LW, naaksidente sa bisikleta at hirap maglakad dahil nagkasugat-sugat ang tuhod.
After an hour, niyaya ko si AX na puntahan sila dahil gusto kong magpahangin sa labas.
Pinagkuwentuhan nilang tatlo si Lady Gaga at ang mga kagagahan nito sa Galera. Iniwasan kong mag-comment dahil friend namin siya pero na-amuse ako sa kuwento nila.
Hindi ko napansin kanina ang pandededma ni Lady Gaga kay AX. Nag-away pala ang dalawa sa Galera kaya umuwi sila ng Manila na hindi nagkikibuan.
Marami pa akong narinig na off-the-record na kuwento. Higit na makulay sa mga napagkuwentuhan kanina. Nakakainis na nakakatawa.
Buti na lang nagpunta ako.
***
Palabas kami ng Bed ni AX nang makita ko si McVie. And yes, sina Joaqui at Tristan.
Kanina pa pala ako tinetext ni McVie para ipakilala sa iba pang mga bloggers na naroroon din.
Nakilala ko sina AJ, John Stanley at Kane. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sila sa sobrang tuwa at excitement.
Isang malaking karangalan na makilala ko ang tatlo pang maniningning na mga bituin sa blogosphere.
Buti na lang nagpunta ako.
***
Pagbalik namin ni AX sa loob, sumampa ako sa ledge. Gusto ko lang magsayaw.
Naka-dalawang Red Horse kasi ako sa Silya at masaya ang pakiramdam ko. Gusto ko lang i-express ang sarili ko.
Hindi ko inisip maglandi.
Pero siguro good vibes ako nang mga sandaling iyon dahil nagkaroon kaagad ako ng kasayaw. Matangkad, maputi, guwapo. Si Ronald.
Carried away na ako sa “Just Dance” pero restrained siya. Parang hindi kami magkapareho ng groove.
Kaya nang pumartner sa akin ang isa pang guy (si Daniel) at sinabayan ang aking mga galaw, bumigay kaagad ako.
Bumulong sa akin si Ronald: “Pinagpalit mo na ako.”
Pinaglapit ko sila. Sinubukan kong gawing threesome ang aming pagsasayaw. Naglapat ang aming mga katawan. Naglakbay ang aming mga kamay. Nag-overlap ang aming mga yakap. It was sexy and fun.
Pero nang magsimula si Daniel na halikan ako, kumalas si Ronald at nagpaalam.
Naiwan kami ni Daniel at nakalimot. We kissed na parang kami lang ang tao sa ledge. Nakaramdam ako ng kapanatagan sa mga yakap niya. At saka ko na-realize na mas gusto ko siya kaysa kay Ronald.
Hindi siya tumutugma sa ideal ko na chinito, payat at matangkad pero nang magkuwentuhan kami, nakita ko ang kanyang maturity at na-appreciate ko ang malalim niyang personality. Isang arkitekto si Daniel at nakahanda sa isang seryosong pakikipag-relasyon.
Ang emote ko nga kay AX: “Friend, pagod na pagod na ang puso ko pati katawan ko sa paghahanap ng taong magmamahal sa akin at mamahalin ko. Sawang-sawa na ako sa pakikipaglaro at sa pakikipaglokohan. Hindi na ako teen-ager para mag-aksaya ng panahon sa mga flings at one-night stands. Ako lang sa barkada ang palaging single. Kailangan ko nang magkaroon ng seryosong relasyon dahil napapag-iwanan na ako at ayokong maging malungkot for the rest of my life.”
Skeptikal si AX: “Friend, hindi sa Bed natatagpuan ang seryosong relasyon.”
Pero nang bumulong si Daniel bago kami naghiwalay ng “Gusto kitang mahalin at alagaan”, nabuhayan ako ng pag-asa at muling naniwala.
Kaka-text niya lang ngayon habang sinusulat ko ito: “I miss you. When will I see you again?”
Buti na lang nagpunta ako.
25 comments:
asan na si xyrus? ;-)
na miss ko na rin ang bed.
gusto nko rin ang insomnia na yan , at may alam ako na themesong yan... kaso... hehehehehe
meanwhile... tutoong may insomnia talaga ako kasi nocturnal talaga ako.
Maghanda handa, babalik ang batchoy boi sa mayo
buti na nga lang. Sana alagaan ka niya. Abangan ko ang kwento nyo ni daniel.
awwww.i wanna meet the rest of the guyssss tooooo ><
Friend, hindi sa Bed natatagpuan ang seryosong relasyon >> skeptical ang dating.. it may hurt.. but for me, its true..
hope it goes well for you! :)
Aris,
Gusto kitang kurutin noong Sabado at ang harot harot mo na naman! =)
Masaya ako at nakilala na kita. Nakakagulat pala pag nakikita ko na in action ang dating binabasa ko lang. Hehehe. =)
Cut to scene:
"Naiwan kami ni Daniel at nakalimot. We kissed na parang kami lang ang tao sa ledge. Nakaramdam ako ng kapanatagan sa mga yakap niya"
Ladies and gentlemen, Aris strikes again! Hahahaha. =) oist, nololoko lang kita ha.
well, so here's to a new beginning. I hope maging masaya, memorable, and meaningful =)
pesteng insomnia yan.... huhuhuhu
im so happy for you friend..... sana nga siya na.....
hugs....=)
hehe so nagbabasa ka na ba ng architecture na book? lol =) masarap kausap mga archi kasi bukod sa artist sila, at the same time men of science, history, and business.
Hey Aris.
Nice seeing you again. Pagpasok namin, ikaw kaagad ang hinanap namin kasi alam namin na nandoon ka.
Goodluck with this one! :)
Balita ko nga nag-enjoy ang mga bloggers nung gabing yun. Hehehe.
@mksurf8: baka isang araw mag-krus uli ang aming landas. pero may reservation kasi ako. masyado siyang bata.
sana magkita at magkakilala rin tayo nang personal sa bed pag-uwi mo uli ng pinas.
ingat always, my friend. :)
@luis batchoy: pagpunta mo uli sa manila, dance tayo sa "insomnia"! :)
@bampiraako: sana nga. ikukuwento ko na lang kung may karugtong pa.
maraming salamat sa pagbabasa. pasyal ka lagi ha?
i added you to my links. :)
@herbs d.: we will be looking forward to meeting you too! :)
@looking for the source: ang tiyaga ko, friend, noh? parang hindi ako nadadala hehe!
i can only hope for the best. :)
@kane: masayang-masaya ako na nagkakilala tayo last saturday. it was a pleasant surprise and the honor is mine.
sorry, masama talaga ang epekto sa akin ng red horse. nagiging maharot ako hehe!
i hope to see you again soon. take care always and my regards to your bf and friend. :)
@yj: friend, next time tayo naman ang magkikita-kita nina luis. sasayawan natin ang "insomnia" na yan nang bonggang-bongga!
i hope ok ka na. andito lang ako if you want to talk. :)
@dabo: alam mo, may soft spot sa akin ang mga architects. pati na rin ang mapua hehe! isa sa hindi ko malimot-limutan na ex, architecture student sa mapua na sinundan uli ng isa pa. hayy, bakit kaya ganon?
tama ka. masarap sila. kausap. hahaha! :)
@joaqui: siyempre happy ako na nakita ko uli kayo. sana next time makapag-bonding na tayo. as in, makapag-kuwentuhan nang matagal.
thanks, friend. ingat ka palagi. :)
@mugen: i was looking for you nang makita ko sila. sana nandun ka para mas masaya. di bale, marami pa namang next time. :)
naku kuya aris hindi ka pa napapagod sa ganyang mga linya na yan. natural na bolero ang pinoy. sakyan mo na lang.
honga pala how's xyrus?
i've been reading your blog since i don't know when. nakakatuwa mga entries mo! sarap basahin. blog exchange tayo! :D
balang araw magkikita rin tayo ;-)
@jinjiruks: ang tiyaga ko noh? at ang tigas ng ulo! walang kadala-dala. ok lang, ang buhay naman ay pakikipagsapalaran. go lang nang go!
xyrus? hmmm... magkikita rin kami uli. and i hope soon! :)
@jacob: uy, nakakatuwa naman. thank you very much. ganda rin ng blog mo ha! nasa links na kita. please let me know kung ano ang mas preferred mo, jacob or subtlebliss. tc. :)
@mksurf8: pramis yan ha? :)
Oist Aris! Hahaha! O di ba feeling close! Subtle Bliss na lang. Nakakaaliw naman nagreply ka sa kin. Haha! Wala lang tagal ko na rin kasi nakikichismis sa blog mo na toh eh! :D
Here we go again. hehehe Goodluck! ;)
baka arkitek magnet ka. lol =) ingat lagi.
Kahit saan pwede mo makita ang magiging ka-pareha mo. Naka-tadhana na 'yun. Maniwala ka...
@subtle bliss: ok po. salamat uli. :)
@benzgasm: uy, na-miss kita. :)
@dabo: gusto ko yan hahaha! you take care too. :)
@jake: i agree. yan din ang paniwala ko. thank you for dropping by. sana pasyal ka lagi. :)
nice site...ayos dito...
buti nalang dumalaw ako.hehehe
@hari ng sablay: thank you, thank you. sana dalaw ka madalas. ingatz. :)
Dear Aris,
Sinadya kong hindi mag-comment kaagad para...
wala lang!
Anyway, when we saw you and architect kissing on the ledge, ang reaction ko was: "YEHEY! May bagong blog entry na naman si Aris!"
LOL! =)
@joelmcvie: hahaha! yan din ang sabi sa akin nina joaqui at tristan.
thank you for introducing me to the other bloggers. i was so thrilled! :)
pag ganito lagi ang mga entries mo, malamang magkikita na tayo bago magpasko. hehehe...
Post a Comment