Friday, April 3, 2009

Tagged Again

Luis tagged me. Nahirapan ako kasi isiningit-singit ko lang ang pagsusulat but it was fun. Aaminin ko na, I cheated. I included descriptions from my previous writings. Kung di ko gagawin yun, naku, aabutin ako ng siyam-siyam bago ko ito makumpleto. Ang dami naman kasi at nagkataon pang sobrang busy ako lately. Anyway, for the love of Luis and also for your enjoyment, here goes…

SOMETHING ABOUT 15 DIFFERENT PEOPLE

Kung ang paghalik sa pisngi mo ay pagdampi ng aking mga labi sa rose petals, ang paghalik sa mga labi mo ay paglasap ng aking bibig sa mga hibla ng cotton candy. Nang una kitang matikman umangat ang aking mga paa sa lupa kahit na ako ay nakahiga. Lumutang ako sa malambot na ulap at matamis na pangarap kahit saklot ako ng isang matigas at mapait na realidad.

***

Noong lumalapit ako, lumalayo ka. Hanggang sa napagod ako at lumayo na rin. Pero nang lumayo ako, ikaw naman ang lumapit. Kahit nakakapagod, sige, babalik ako. Baka sakaling magtagpo na tayo.

***

Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin ako sa kanyang mga mata. Doon, nakita ko ang kanyang pangungulila. Doon, nasalamin ko ang sarili kong kalungkutan. Nagyakap kami. Mahigpit. Parang pagkapit sa salbabida. Nagpatianod siya sa agos ng pagnanasa. Nagpalutang-lutang ako sa alon ng pag-asa.

***

Ang pagde-deny niya na malungkot siya ay pagsisinungaling sa kanyang sarili. Umiiwas siya sa anumang involvement na higit sa sex dahil natatakot siyang mabunyag ang kanyang mga insecurities. Pinapaniwala niya ang kanyang sarili na desirable siya, na ang daming nagkakagusto sa kanya, na pinaglalaruan niya lamang ang mga lalaki. Pero ang lahat ng ito ay pagtatakip lamang sa kanyang mga emosyonal at pisikal na kakulangan at pagtatakwil sa tunay niyang sarili na minahal niya lamang dahil sa pagkukunwari.

***

Ang kakulangan niya sa height ay pinupunuan niya ng kayabangan. Naakit ako hindi dahil sa lakas ng kanyang dating kundi dahil sa kanyang kahinaan. Sa mapangahas kong pagdama sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan, naging mapagkumbaba siya at mapagparaya.

***

Una akong nabighani sa kanyang tindig. Stand-out siya habang mag-isang nagsasayaw sa ledge. Lumapit ako at nagkatinginan kami. Parang magnet ang tsinito niyang mga mata. Parang may puwersang humihigop sa akin habang nagtititigan kami. Hanggang sa hindi ko na matiis ang tila pang-aakit niya at inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya. Nalanghap ko ang mabango niyang hininga. At hinalikan ko siya.

***

He must be aware kung gaano ka-expressive ang kanyang mga mata. Tumingin siya nang diretso sa akin at doon nabasa ko ang lungkot, pagkabigo, pag-iisa at iba pang mga bagay na hindi niya masabi. Umiwas ako ng tingin.

***

Parang lumundag ang puso ko nang makita ko siya. Higit siyang maganda sa imahe na nasa aking alaala. Luminous ang kanyang maputing balat na lalong tumitingkad kapag tinatamaan ng mga ilaw. May mapang-akit na ningning ang kanyang mga mata na mababanaagan mo kahit na sa dilim. Nakaramdam ako ng magkahalong kaba at excitement.

***

Nang magkakilala kami sa Bed, inisip ko na pang-isang gabi lang siya.

Pero nagpursige siya. Ang sabi niya, gusto niya ng relationship. Ako, gusto ko rin. That was when I started taking him seriously.

And so I was made to believe na doon na kami papunta. Konting-konti na lang, magiging kami na.

Pero, isang gabi, nagtapat siya sa akin. May mahal siyang iba.

***

Shirtless siya, naka-shorts lang. Mukhang kagagaling niya lang sa pagsu-swimming sa beach. His body is lean, his chest firm and his stomach flat. He has honey brown skin. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya at titigan. He is one beautiful male specimen! I was so engrossed with my admiration nang mapatingin din siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Para akong napaso sa titig ng kanyang chinitong mga mata.

***

Matangkad ka (around 5’10 sa tantiya ko). Chinito ka pero mukhang hindi ka naman Chinese kasi medyo moreno ka. I really have this thing for tall, chinito and moreno guys and you fit the image of my dream guy perfectly. Naka-braces ka pa and I find it very sexy when you smile. I love your long hair and the way it was styled. It opens up your face, highlighting your cheekbones and your clear skin. I also noticed your toned arms and your big hands. I wondered how it would feel like being held tightly by you.

***

Suplado ang first impression ko sa kanya. Noong ipinakilala siya sa grupo, sinubukan ko siyang chikahin pero cold ang response niya na parang hindi siya interesadong makipag-usap sa akin. Eighteen lang siya at masyadong bata para sa age group namin. Sa tingin ko, hindi siya makaka-relate at eventually, aalis din siya para maghanap ng mga ka-edad niya.

Nang sumunod na pagkikita-kita, sinubukan ko uling maging friendly sa kanya, pero yes or no o kaya’y iling o kibit-balikat lang ang mga sagot niya sa tanong ko. Tuluyan na akong nawalan ng gana sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko, hindi ko na siya uli kakausapin. Napapahiya lang ako.

***

Nang magkita kami, parang hindi na siya iba sa akin. Parang ang tagal na naming magkakilala. Walang naging dead air sa halos tatlong oras naming pag-uusap. Malaya akong nagkuwento tungkol sa aking sarili. Kumportable akong naglahad ng mga bagay-bagay na hindi ko karaniwang ibinabahagi sa mga taong unang beses ko pa lang nakikilala. Meeting him finally was like finding a long-lost friend.

***

Muntik ko na siyang minahal. Matagal din na itinangi-tangi ko siya sa aking puso. Ngunit hindi na namin naiangat ang aming relasyon sa susunod na antas. Magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Ipinagpapasalamat ko na hindi siya nawala sa akin dahil alam ko na ang pagpapahalaga namin sa isa’t isa ay panghabang-buhay.

***

Nagpaparamdam ka kung kelan ayaw ko nang may maramdaman sa’yo. Gusto mong makipagkita kung kelan nagbubulag-bulagan na ako sa pang-akit mo. Ginugulo mo ang isip ko kung kelan gusto ko na lang manahimik. Dahil sa pagbabago ng ihip ng iyong hangin, binabagyo na naman tuloy ang puso ko.

14 comments:

Jinjiruks said...

aba bakit gising ka pa. ano ang mechanics ng tag na yan bakit hindi naka indicate mga 15 ex mo ba yan aris?

Mugen said...

Alam mo sa paglagi-lagi ko sa BED, maari na akong gumawa ng mga makabagbag-damdaming episodes gaya ng sa iyo. Hehehe.

dabo said...

speechless ako aris dito! ang galing mo magdescribe ng mga tao..

Theo Martin said...

Mugen, ako pelikula. hahaha ;)

Aris said...

@jinjiruks: took time to post after working overtime. write something about 15 different persons, huwag sabihin kung sino basta i-describe lang. some of them, my exes hehe! :)

@mugen: sige na, friend, sulat ka rin ng mga bed stories. excited akong basahin. punta ka ba later? unahan mo ako ng bati ha? medyo malabo kasi mata ko eh. :)

@dabo: salamat po sa appreciation. ikaw rin naman, magaling magsulat. :)

Aris said...

@theo martin: excited din akong panoorin yan hehe! :)

Yj said...

parang gusto ko i-copy paste dito yang 15 descriptions na yan at ilagay ang mga hula kong INITIALS heheehe parang online game lang hehehehehe

Aris said...

@yj: huwag mo na akong ibuking, friend hehehe! :)

Joaqui said...

Hey Aris!

I missed you in Bed last night. Were you there?

Happy week ahead! :)

lucas said...

iba-ibang tao ba yun? ahehe!

Aris said...

@joaqui: i was there. sayang, di tayo nagkita-kita nina mugen. sa susunod na lang uli. tc. :)

@lucas: opo. may magkakahawig noh? :)

Luis Batchoy said...

at natapos din. alam na alam ko kung alin ako jan, pero ang tanong, anjan nga ba ako hehehehehe

Now show me some lovin and vote for me as RBP's Blog of the week for week 7. Kampanya na toh!
http://www.rainbowbloggers.com/

Aris said...

@luis batchoy: naman. bumoto na rin ako. :)

kokoi said...

napakadescriptive naman nito! how i wish kilala ko tong mga dinescribe mo friend.