Tuesday, April 7, 2009

Minsan

Kahit masama ang pakiramdam ko at nadaan lang sa Biogesic ang sakit ng ulo, nagpunta pa rin ako sa Malate.

I had a tough week at kailangan kong mag-unwind.

“Last hurrah before Holy Week,” ang text ng mga kaibigan ko.

The Strong Ice made me feel better. Pero ramdam ko pa rin ang pagod at kakulangan sa tulog.

“I should have just stayed home,” ang usal ko sa sarili. “Pero nandito na ako. Try ko na lang mag-enjoy.”

Hindi ako lubusang makasakay sa animated na kuwentuhan ng aking mga kaibigan. Kahit gusto ko ring makipagkulitan, nangingibabaw ang aking pananamlay.

I drank some more to enliven myself.

When we entered the club, the usual flurry and thump thump greeted me. Sinikap kong i-internalize ang music at makibahagi sa mataas na energy ng paligid. Bahagya kong nakalimutan ang aking dinaramdam.

Pero saglit lang. Dahil sa patuloy kong pag-inom ng beer at kinalauna’y zombie, naramdaman ko ang muling pananakit ng aking ulo.

And so I retreated to a corner. I sat down para ipahinga ang sarili. Buti na lang, my friends were gathered around me kaya hindi ko naramdaman na mag-isa ako sa aking misery.

But not for long. Dahil siyempre kailangan din nilang mag-fly away. It’s a party and everybody must circulate.

Including me.

So tumayo ako at sinubukang uminda-indayog sa ledge. Pero nahihilo talaga ako. Kaya kahit na paborito ko ang music at may mga kaaya-ayang nilalang doon, bumaba kaagad ako. Nakakahiya naman kung doon pa ako mag-collapse.

I had to steady myself kaya balik ako sa sulok. Sumandal ako sa dingding. Resigned na ako sa pagiging wallflower nang gabing iyon. Masama talaga ang pakiramdam ko.

Then you came.

Dumaan ka sa harap ko at nagkatinginan tayo. Napahinto ka.

“Hi,” ang sabi mo.

Ngumiti ako at pinagmasdan kita.

Taglay mo ang weakness ko: chinitong mata. Shirtless ka at pawisan. Alam ko na galing ka sa ledge. Isa ka sa mga kaaya-ayang nilalang na nagsasayaw doon kanina.

Walang kaabog-abog, hinapit mo ang aking baywang at hinila ako papalapit sa’yo. Nadiin ako sa mapipintog mong dibdib. Napahawak ako sa matitigas mong muscles.

Niyakap mo ako. Mahigpit. At dahil nanghihina ako, tuluyan na akong kumapit sa’yo.

Hinalikan mo ako. Marahas. At dahil uhaw ako, I sucked hard on your lips.

Naglakbay ang aking mga kamay. Nadama ko ang makinis mong balat at nasalat ko ang iba pang mapipintog na bahagi ng iyong katawan.

Maalab ang mga sandaling iyon. Parang pagsasalin ng lakas.

Kumalas ka sa akin at nagpaalam.

Lumapit sa akin ang kaibigan ko.

“He’s hot, isn’t he?” ang sabi habang tinatanaw ang iyong paglayo.

“Yeah,” ang sagot ko. Medyo breathless pa ako but feeling better.

“I know him,” ang dugtong niya. “I’ve met him before.”

“Really?”

“His name is Renz…”

May pagkahumaling sa kanyang tinig.

“Naka-sex ko na siya minsan. And, oh… it was great!”

9 comments:

Yj said...

friend... huwag sanayin ang sarili na may sakit na at lahat eh gora parin sa rampa... baka kung mapano ka niyan...

tama yan na MINSAN nalang yan ha...

at parang nakinita ko na na ganun ang ending the moment he said hi.... hehehehe sorry.....

Turismoboi said...

woww it was great

Luis Batchoy said...

ingatan ang sarili. naku naman!

Gram Math said...

what a small world, isn't?

Jinjiruks said...

the next time magpopost ka ng entry baka nasa hospital ka na malapit sa Malate sa ginagawa mong iyan. kung kumpleto lang ako ng mga gears eh di sana niyaya kitang mamundok na lang tayo and being one with Nature.

Pao Pielago said...

friend、para kang cellphone na na-instant charge. hehehe. siya ang charger. buti hindi ka nag-overheat. hehehe. im doing well naman here friend. thanks! pag nakabit na internet ko, im back in the scene again. :) ingat ka!

Aris said...

@yj: promise, friend, di na ako gogora kapag sickaloo. ang hirap din kasing mag-project hahaha! :)

@turismoboi: nakaka-excite lalo na't unexpected. :)

@luis batchoy: last na yun, my friend hehe! :)

@gram math: lumiliit na nga yata ang mundo ko hehe! :)

@jinjiruks: promise ha, kapag na-ospital ako, dadalawin mo ako. magkuwentuhan tayo to the max hehe! ay gusto ko yan, nature lover din kasi ako. :)

@pao pielago: muntik na hahaha! ingat ka lagi jan, friendship. miss ko na ang pagbabasa sa mga posts mo. sayang, di man lang tayo nagkita bago ka umalis. :)

karakrus said...

aba naman nang-inggit pa ang friend mo. hehehe. pero gusto mo rin ba siyang maka-SEX???

kokoi said...

kaka-L naman pero parang nawalan ako ng gana nung sinabi ng friend mong "nakasex ko na sya minsan." Di bale, "It was great" naman daw.. hehe