Tuesday, May 10, 2011

Summer’s End

Malakas ang kutob ko na nasa Mikko’s ka nang gabing iyon. Una, dahil taga-Calapan ka. Pangalawa, dahil alam kong umuuwi ka kapag Holy Week at nagpupunta sa Galera.

Sa kabila ng kasiyahan, hindi ko magawang tuluyang magpatianod. Binabalisa ako ng iyong alaala at sa bawat tagay at lagok ng Mindoro Sling, pilit kong inaapuhap sa kaguluhan ang iyong mukha.

At hindi nga ako nagkamali.

Dahil sa likod ng umiindayog na mga katawan at umaalimbukay na usok ng mga sigarilyo, namataan kita. Isang maulap na imahe na noong una ay inakala kong pangitain lamang.

Kahit mayroon nang antisipasyon, nagulat pa rin ako sa biglang bayo ng kaba sa dibdib ko. Lagi namang ganoon, kahit noon. Mere presence mo lang, bumibilis na ang tibok ng puso ko.

At nakita mo rin ako.

Sa pagtatama ng ating mga mata ay tila sandaling tumigil ang musika at nag-slow motion ang paligid. Parang ikaw lang at ako ang naroroon, sa gitna ng banayad na alon ng mga tao.

Sa mga unang bara ng “The Time” ng Black-Eyed Peas, dahan-dahan tayong lumapit sa isa’t isa. At nang magtagpo, nagsayaw tayo sabay sa pagbilis ng tiyempo. Hindi na natin kailangang magsalita, sapat na ang ating mga titig at galaw upang ipahiwatig kung gaano tayo kasaya sa muling pagkikita.

Maya-maya pa, kinuha mo ang aking kamay at ako ay hinila palayo sa magulong lugar na iyon. Naging sunud-sunuran ako sa’yo. Katulad noon, walang pagtatanong at pagtutol.

Dinala mo ako sa dalampasigan na kung saan pinakalma ng mga alon ang aking kalooban. Hinagkan ng tubig ang ating mga paa at naglakad tayo patungo sa direksyon ng batuhan na naging makasaysayan sa atin noon, dalawang taon na ang nakararaan.

“Sino’ng kasama mo?” ang tanong mo.

“Barkada,” ang sagot ko. I was so caught up in the moment na basta ko na lang sila iniwan. “Ikaw?”

“Ako lang mag-isa.”

“Hindi mo siya kasama?”

“Hindi.”

“Kayo pa rin ba?”

“Oo.”

I was hoping otherwise. Masakit malaman na hanggang ngayon matatag pa rin ang inyong relasyon. Who would ever think na mas tatagal pa kayo kaysa sa atin gayong on the rebound ka lang noon?

“Ikaw? Kayo pa rin ba?”

“Hindi na.”

Tumingin ka sa akin pero hindi ka na nagsalita.

Tahimik nating ipinagpatuloy ang paglalakad. Nagpapakiramdaman, nag-iisip. Tila inaapuhap ang susunod na sasabihin. May pag-aalinlangan kung kailangan bang muling balikan ang nakaraan.

Subalit pagsapit natin sa batuhan, hindi iyon naiwasan. Napakapamilyar ng lugar na iyon upang balewalain ang naging kahulugan niyon sa atin.

“Parang kailan lang, dito tayo nagkakilala,” ang iyong sambit habang pinagmamasdan ang kulumpon ng malalaking batong nakausli sa buhangin.

“Two summers ago, to be exact,” ang aking tugon.

Nagkakilala tayo noon sa panahon ng paghahanap. Nang magtagpo tayo sa batuhang iyon, hindi na natin kailangang magsalita. Sapat na ang mga titig upang ipahiwatig ang kagustuhang makipagniig.

One night stand lang iyon dapat. Subalit pagkaraan nating mag-alab, niyaya mo akong uminom. Nag-usap tayo at nagkapalagayang loob. Papasikat na ang araw, hindi pa rin tayo naghihiwalay. Nakaupo tayo sa beach, nag-uusap pa rin. At nang magyakap tayo upang magpaalamanan, alam natin na may magic na naganap. Sa isang hindi inaasahang lugar at pagkakataon, natagpuan natin ang pag-ibig.

Lumisan tayo sa isla at ipinagpatuloy sa Maynila ang ating naging simula.

Subalit katulad ng paglalayag sa Batangas Bay, naging maalon ang ating relasyon. Ang hindi natin maintindihan, mahal naman natin ang isa’t isa subalit bakit palaging may unos?

Hanggang sa pareho tayong mapagod at mawalan ng lakas upang labanan ang paulit-ulit na mga pagsubok.

“Bakit mo ako iniwan noon?” ang tanong mo.

“Ikaw ang umiwan sa akin,” ang sagot ko.

“Binalikan kita. Pero may iba ka na.”

“Akala ko, hindi ka na babalik.”

It was our biggest mistake. Ang gumive-up nang ganoon kabilis. Siguro dahil napakabilis din ng mga naging pangyayari sa atin.

Hanggang sa nabalitaan ko, may bago ka na rin.

Hindi ko akalain na magiging ganoon iyon kasakit. Ang intensyon kong saktan ka ay nag-boomerang sa akin.

At ang higit na masakit ay nang muling mag-krus ang landas natin nang sumunod na tag-init. Sa Galera rin, nagkita tayo at pareho nang may kasamang iba.

Nagpaka-civil tayo. Nagbatian at ipinakilala ang mga partner. The four of us even shared a pitcher of Mindoro Sling. Subalit sa likod ng pagpapaka-pleasant, nag-uusap ang ating mga mata. Nagtatanong… nagsusumamo… nasasaktan.

Nang summer na iyon, iisa ang aking naging realisasyon. Mahal pa rin kita.

I continued aching for you after that. At dahil ayokong maging unfair sa partner ko, ginawa ko ang nararapat. Nakipaghiwalay ako sa kanya.

Hinintay ko ang iyong muling pagbabalik. Subalit naghintay ako sa wala.

Pinilit kong kalimutan ka. And just when I thought I was already successful, heto at summer na naman. Hindi yata talaga kita matatakasan dahil muli tayong nagkita. At ngayon nga, nag-uusap tayong dalawa.

“Bakit hindi mo siya kasama?” ang tanong ko.

“May family affair sila,” ang sagot mo.

“Ang tagal n’yo na rin.”

“More than a year.”

“Samantalang tayo noon, hindi man lang umabot ng isang taon.” Hindi ko nagawang ikubli ang pagdaramdam sa aking tinig.

“Bakit kayo naghiwalay?” Ikaw naman ang nagtanong.

“Dahil ayokong dayain ang sarili ko.”

Tumitig ka sa akin, nagtatanong ang mga mata.

Inamin ko ang totoo. “Mahal pa rin kita. Sa paglipas ng panahon, hindi iyon nawala.”

Hindi ka nakapagsalita.

“Hinihintay ko pa rin ang iyong pagbabalik.”

Nanatili kang tahimik.

“Mahal mo pa ba ako?” ang tanong ko.

Lumapit ka sa akin. At binalot mo ako ng iyong mga bisig. Sa iyong mga yakap, muli kong nadama ang pamilyar na init ng iyong dibdib.

“Mahal pa rin kita,” ang sabi mo.

Sa ritmo ng magkasabay na pintig ng ating mga puso, sandali akong nakalimot sa mga sakit na idinulot ng masalimuot nating pag-ibig.

“Bumalik ka na sa akin,” ang sabi ko. “Magsimula tayong muli.”

Muli kang natahimik. At pagkatapos, kumalas ka sa pagkakayakap sa akin.

“Hindi na ganoon kadali,” ang sabi mo.

“Bakit?”

“Dahil masyado na akong committed sa kanya.”

Ako naman ang natahimik.

“Magka-live in na kami,” ang dugtong mo pa. “At nito lang huli, may itinayo kaming business. Masyado nang malalim ang pagsasama namin. Hindi ko na siya maaaring iwan.”

Mula sa karagatan, nadama ko ang ihip ng malamig na hangin. Umahon ang kirot sa aking dibdib at nagsimulang manlabo ang aking paningin.

Muli mo akong niyakap, marahil upang payapain. Yumakap din ako sa’yo at kumapit. Tila nanghihina ako bunsod ng muling pagkabigo na maangkin ang pag-ibig mo.

Hinanap ng mga labi mo ang mga labi ko. At nang magdampi tayo, siniil mo ako nang buong pananabik. Humigop ako ng lakas sa iyong mga halik.

Humigpit ang ating mga yakap at nadama ko ang paggapang ng iyong bibig. Bumilis ang daloy ng aking dugo sa pagkakadarang sa iyong init.

“Mahal pa rin kita,” ang ulit mo habang patuloy sa pagsaliksik sa akin.

Nagpaubaya ako. Kaytagal kong pinanabikan na tayo ay muling magdaop.

“Atin ang mga sandaling ito. Let’s make love,” ang bulong mo.

Napasinghap ako sa pagdako ng iyong bibig sa aking dibdib.

“Maaari pa rin tayong magpatuloy,” ang sabi mo. “Maaari pa rin tayong magkita kahit hindi na maaaring maging tayo.”

Naramdaman ko ang haplos ng iyong mga kamay. Muli akong napasinghap nang matagpuan niyon ang aking kaselanan.

“Will you be my number two?” ang tanong mo.

Tumimo iyon sa aking kamalayan nang higit sa pagtimo ng sensasyon sa aking kalamnan.

Number two. Kabit. Second best.

Para akong biglang natauhan. Tangay man ng agos ng pagnanasa, nanaig ang aking katinuan. Nagpumiglas ako at kumawala.

“Bakit?”

Hindi ako sumagot. Sa halip, unti-unti akong umurong.

“Bakit?” ang ulit mo. “Ayaw mo na ba?”

“Kung hindi ka rin lang lubusang mapapasaakin, ayaw ko na.”

“Akala ko mahal mo pa rin ako.”

“Ayaw kong makiamot ng pag-ibig.”

Natigilan ka, napatingin sa akin nang mataman.

“Kailangang matapos na ang kabaliwang ito. Wala rin tayong patutunguhan. Patuloy lang akong masasaktan.”

“Mahal pa rin kita,” ang giit mo.

“I love you, too. But this is goodbye. For real.”

At bago ka pa nakapagsalita, tumalikod na ako. Ganoon ka-abrupt.

Nagmamadali ang aking mga hakbang. Nauwi iyon sa pagtakbo na parang pagtakas sa ating nakaraan.

Bumalik ako sa Mikko’s at muling uminom. Pinayapa ako ng Mindoro Sling at inalo ng “Firework” ni Katy Perry. Nagsimula akong sumayaw.

At sa likod ng umiindayog na mga katawan at umaalimbukay na usok, namataan ko siya. Isang maulap na imahe na nakangiti sa akin. Isang magandang pangitain upang malimot kita.

Nilapitan ko siya.

Bigla ang naging bayo ng kaba sa dibdib ko nang magtama ang aming mga mata.



23 comments:

Aris said...

fiction. :)

Anonymous said...

wow! fiction pala. sobrang parang totoo ang sikip sa dibdib ko. =)

john chen hui long said...

aris, this is really awesome. it's the best summer reading and the best summer love story for me. you are such a gifted writer and i'm so thrilled to be following your blog. i have no parallel experience - i have a totally rock 'n' roll lifestyle! - but i was moved by your nuanced, elegant language. and the story - OMG! you have no idea how stunned i am. salamat na marami. i'll read this post over and over. xxx

Rygel said...

fiction ba talaga?! next chapter!

Yj said...

may gata ba yang mindoro sling?

or nata de coco kaya?

ahahahaha i miss hanging out here...

and i miss you... walang kupas... :))

Seriously Funny said...

Ang ganda naman nito! Very heartbreaking....

Pero teka, wala pa yung Plantation 7? Hihihi.

Aris said...

@rising mark: kathang-isip lang pero may pinaghugutan. hehe! :)

@john chen hui long: oh wow, my dear john! lumulutang ako ngayon sa hangin. wala akong pagsidlan ng tuwa dahil sa iyong labis na papuri. paulit-ulit ko ring babasahin ang iyong comment higit lalo sa mga pagkakataong may pagdududa sa sarili. maraming maraming salamat from the bottom of my heart. :)

@rygel: fiction talaga, pramis. hehe! at ito lang yun. wala nang continuation. :)

@yj: mindoro sling with nata de coco? hmmm, mukhang puwede at mukhang masarap. haha! i miss you too, my friend. take care always. you know i love you. :)

Aris said...

@seriously funny: thank you very much. susunod na ang plantation 7. inaayos ko na lang. hehe! :)

Lester David said...

ang galing... as in nakakadala..waaaahhh.. Aris, i recommended your blog s aisang friend na mahilig magbasa. at fan na rin sya...hehhee:)

Aris said...

@nicos: wow, thanks, nicos. sana patuloy na mag-enjoy ang friend mo sa mga kuwento ko. pakisabi sa kanya: hello from me. :)

Arnel said...

this is called "the luxury of reading".

Aris said...

@arnel: i am glad you liked it. :)

SilverwingX said...

grabe aris! something light and funny naman dyan...

imsonotconio said...

i miss u bakla, see u in bed soon lol

RoNRoNTuRoN said...

Kinilig ako at bahagya kong nakalimutan ang problema ko. hehe. salamat aris sa pag post ng mga maliliit na bagay na nakakapagpasaya.

JC said...

gusto kong maniwala na fiction nga ito.. pero the tindi ng emosyon habang binabasa parang gusto kong isipin na malalim ang pinaghugutan ng kwento, images are so clear this can't just be another fictional story. hehe

been following since i learned to use blogger pero di pa ako nakapagcomment. ngayon, kelangan ko na magcomment sa post na 'to. hehe

very good writing!

Aris said...

@arnel: thanks, arnel. i am glad you enjoyed it. :)

@imsonotconio: miss you, too. see you soon! hehe! :)

@ron: salamat din sa iyong pagbabasa. natutuwa ako na napapasaya kita. :)

@pepe: may pinaghugutan nga. hehe! natutuwa ako na nakita mo at naramdaman ang paglilipat ko ng mga emosyon sa kuwentong ito. maraming salamat sa pagbabasa. :)

The Golden Man from Manila said...

biglang bayo ng kaba.....

A classic! I have not lost admiration for the play of words.

have not been visiting your blog for the longest time and now, I see I have to catch up reading..

and it is making my day....

congratulations for the nth time, Aris.

Aris said...

@golden man: masaya ako na muli ay nagkapanahon ka na bisitahin ako. i am always looking forward to hear your comments. thank you again, my friend. :)

Anonymous said...

sayang. bitin. sex n sana un., hehe., ang galing ng story grbe.

Aris said...

@anonymous: thank you. sana balik ka uli. :)

kulasa said...

ang galing mong magsulat! napaiyak mo ako, napabilis mo ang takbo ng puso ko at sa isang sulok ng isip ko may isang taong muli ko na namang naalala....

Aris said...

@kulasa: hello, kulasa. maraming salamat sa iyong papuri. nakakataba naman ng puso at nakakapagbigay-inspirasyon. sana ay magustuhan mo rin ang iba ko pang mga kuwento. salamat uli at ingat lagi. :)