Saturday, July 30, 2011

Forever Blue



“I am leaving you,” ang sabi ni Yel.

Kahit alam kong mangyayari iyon, nabigla pa rin ako. Hindi ako nakapagsalita.

“Panahon na upang itigil natin ito... upang isaayos ang ating mga buhay.”

Ang daling sabihin dahil may sarili siyang buhay. Ako wala dahil siya ang buhay ko.

“Malapit nang manganak ang asawa ko. At hindi na tamang ipagpatuloy pa natin ang relasyong ito.”

Oo, kabit ako. At pareho kaming lalaki.

“Magpapaka-straight na ako dahil ayokong ikahiya ako ng anak ko.”

Nagsimula akong umiyak.

“I am sorry, mahal kita pero may hangganan ang lahat. Goodbye, Blu.”

Napahagulgol na lamang ako at napayupyop sa aking mga palad.

Bago ko namalayan, nakaalis na siya upang tuluyang maglaho sa aking buhay.

***

Ang saya ko nang makita ko sa delivery receipt ang pangalan niya. Blu.

Ang tagal niya ring hindi tumawag. Akala ko, nagsawa na siya sa pizza namin.

Tandang-tanda ko pa noong una akong nag-deliver sa kanya.

Pagbukas ng pinto, natulala ako. Ang guwapo ng kaharap ko.

Ilang segundo muna bago ako nakapagsalita. “Pizza delivery for Blu.”

Ngumiti siya. “Ako si Blu.”

At mula noon, inulit-ulit ko nang bigkasin ang pangalan niya.

Naging suki namin siya. At naging suki rin siya sa isip at puso ko. Looking forward ako lagi sa pag-o-order niya dahil gusto ko siyang makita.

Yun nga lang, sa naging dalas ng pagpunta-punta ko sa kanya, nalaman ko na may karelasyon na siya. Ilang ulit ko ring nadatnan ang lalaki sa bahay niya.

Subalit hindi iyon naging dahilan upang mawala ang pagtatangi ko sa kanya. Hindi baleng may mahal na siyang iba. Ang mahalaga, mahal ko siya. Kahit sikreto lang.

At ngayon nga, pagkalipas ng ilang araw na na-miss ko ang tawag niya, isinakay ko sa motorsiklo ang pepperoni-mushroom niya.

***

Dalawang taon din halos ang itinagal ng relasyon namin ni Yel at ngayon, sa isang iglap, wala na.

Nang pumayag akong maging kabit niya, well-aware naman ako na in the end, ako ang talo. Pero sumige pa rin ako. Iyon kasi ang mga panahong naghahanap ako at siya ang natagpuan ko. Hindi ko rin inasahang mahuhulog ako sa kanya nang ganito.

Mahal na mahal ko siya at sa kanya na uminog ang mundo ko. Kahit na may kahati, naging maligaya rin naman ako. At ngayong wala na siya, natatakot akong mag-isa at malungkot. Hindi ko kaya.

Wala na ring saysay ang buhay ko.

Kaya mula sa medicine cabinet, inilabas ko ang mga tabletang tatapos sa paghihirap ko.

***

Excited ako habang tumatakbo ang motorsiklo ko. Muli, makikita ko na naman ang mahal ko.

Kung hindi man makukumpleto ng pagmamahal niya ang buhay ko, sapat na sa akin iyong makumpleto niya ang araw ko.

Muli, bumalik sa aking alaala ang mga pangyayaring hindi ko malilimutan.

Noong nadatnan ko siyang nakatuwalya lamang. Napakakinis niya at kaakit-akit. Kung hindi lang ako nagpigil, nayakap ko siya at nahagkan.

Noong nadatnan ko siyang malungkot. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon kami ng conversation.

“Ok ka lang, sir?” Hindi ko napigilang magtanong.

“Yeah,” ang kanyang sagot. “May konting problema lang.”

“Baka makatulong ako.”

Tiningnan niya ako at hindi ko inaasahang mag-o-open up siya. “Buntis na kasi ang misis ng boyfriend ko… at nasasaktan ako.”

Hindi ako nakasagot. Naawa ako sa kanya.

“Pasensya na,” ang kanyang sabi. “Wala kasi akong mapagsabihan.”

“Ok lang. Kung kailangan mo ng kausap, naririto lang ako.”

Pilit siyang ngumiti. “Salamat.”

At sa pagparada ng motorsiklo ko sa tapat ng bahay niya, inasam ko na makausap siyang muli. Magkaroon ng pagkakataon na mas makilala siya at maipakilala ko rin ang aking sarili.

Kumatok ako. Matagal. Subalit walang nagbukas. Pinihit ko ang seradura at hindi iyon naka-lock. Itinulak ko ang pinto sabay tawag. “Tao po. Pizza delivery.”

Walang sagot.

Pumasok ako habang patuloy sa pagtawag. “Tao po. Sir Blu?”

At sa nakaawang na pinto ng kanyang kuwarto, nasilip ko siyang nakahandusay sa lapag.

***

Hindi na ako nagbilang. Basta ibinuhos ko ang mga tableta sa palad ko at nilunok lahat.

Nagsisimula nang maging maulap ang kamalayan ko at nanghihina na ako nang marinig ko ang tunog ng motorsiklo. Sumunod ang mga katok. At ang pagtawag.

“Tao po. Pizza delivery.”

Shet. Nakalimutan ko. Umorder nga pala ako ng pizza.

Subalit bago ko pa nagawang sumagot, tuluyan na akong tinakasan ng ulirat.

***

“Blu!!!” Napasigaw ako pagkakita sa kanya at napatakbo.

Niyugyog ko siya subalit hindi siya tuminag.

Nakita ko sa sahig ang bote ng gamot at ilang tabletang nakakalat. Nahindik ako.

Kaagad ko siyang binuhat palabas ng kuwarto.

“Diyos ko! Diyos ko!” ang paulit-ulit kong sambit. Umiiyak na ako.

Hindi ko na maalala kung paano ko siya nadala sa ospital.

***

Dahan-dahan akong nagmulat. Putimputi ang kapaligiran. Nasa langit na ba ako? Pero nagpakamatay ako. Dapat nasa impyerno ako.

Iginala ko ang aking mga mata. Nasa ospital ako.

“Blu?”

Bumaling ako sa pinanggalingan ng tinig.

Si pizza delivery boy.

Kaagad niyang ginagap ang kamay ko. “Salamat sa Diyos, nagkamalay ka na.”

Napansin kong mugto ang mga mata niya.

“Umiyak ka ba?” ang tanong ko.

Tumango siya.

“Bakit?”

“Dahil sa pag-aalala. Akala ko, mamamatay ka na.”

“Bakit ka naman nag-alala?”

“Dahil…” Pause.

“Dahil ano?”

“Dahil mahal kita.”

Nagulat ako sa kanyang sagot.

“Mahal kita,” ang ulit niya. “Matagal na.”

Napatitig ako sa kanya at hindi nakapagsalita.

Pinagmasdan ko siya. At saka lang ako naging aware na sa kabila ng pagiging disheveled niya, may itsura pala siya. Kaytagal niya nang nagde-deliver sa akin ng pizza, ngayon ko lang napansin.

“Bakit ka nagtangkang magpakamatay?” ang tanong niya.

“Dahil iniwan ako ng boyfriend ko,” ang sagot ko. “Hindi ko kaya ang mag-isa. Natakot akong malungkot. I don’t wanna be forever blue.”

“You won’t be dahil naririto ako, nagmamahal sa’yo. Aalagaan kita. Hinding-hindi iiwan.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Nagtama ang aming mga mata at nag-usap. Hindi na kinailangan ang mga salita upang kami ay magkaintindihan.

“I’ve never asked,” ang sabi ko pagkaraan. “Ano nga pala ang name mo?”

“Redentor,” ang sagot niya. “Just call me Red for short.”



30 comments:

JJ Roa Rodriguez said...

What a story? Good one... I don't wanna be forevernblue din kahit favorite color ko pa...

JJRod'z

Anonymous said...

Blu and Red equals White symbol of pure heanenly love he, he, he

Lasher said...

=)

Unknown said...

Nice story telling. And talagang red and blue sila? hehe

Unknown said...

ayus.... red and blue nga...

btw, ikaw ba yun nasa cover pic?

The Golden Man from Manila said...

what can I say?

amazing!

koro said...

hehe fiction no? :D

Jaypee David said...

"At naging suki rin siya sa isip at puso ko." -- lab this line. hehehe

aru said...

Very touching!

Aris said...

@jj rodriguez: favorite ko rin ang blue pero sa damit lang, never sa pakiramdam. :)

@anonymous: uy, tamang-tama sa symbolism. :)

@lasher: i'm glad this made you smile. :)

Aris said...

@xallthethird: thanks. o di ba, bagay talaga sila? :)

@daemonite: naku, hindi po. hahaha! mukha ba? :)

@the golden man: friend, salamat. buti nagustuhan mo kahit medyo experimental. :)

Aris said...

@koro: yup. kathang-isip lamang. :)

@jaypee: hehe! parang tindahan lang. thanks for dropping by. :)

@aru: thank you very much. natutuwa ako na na-appreciate mo. :)

Anonymous said...

hmmm im redentor aris and my lover for almost 4 years is julius zafiro = blue - hmmm - red and blue - nice one -hehehehe

Aris said...

@anonymous: yours must be a perfect match. :)

Anonymous said...

blu, red and yel...
what can i say?...

Aris said...

@anonymous: and just in case you're curios, blu is for pablo and yel is for ariel. hehe! :)

Wastedpup said...

Whoa. Kainggit na may nagmamahal ng tunay... Pero grabe naman ung pinagdaanan ni blu. Ayoko din nun. Hehehe

Aris said...

@wastedpup: buti na lang may lihim na nagmamahal sa kanya na naging tagapagligtas niya. :)

ANGELO said...

Pinihit ko ang seradura at hindi iyon naka-lock. Nosebleed!! haha

Parang power rangers lang ung characters... A good story indeed ^_^

Aris said...

@gelovsky: nosebleed ba? haha! sorry naman. oo nga ano, parang power rangers lang. hehe! uy, bagong profile pic. ang guwapo! :)

john chen hui long said...

you never cease to amaze me. such clever plot. kiss kiss

Mars said...

Hehehhe...

nice.. red and blu hehehee...

Nice Story!
Gusto ko!

-mars

Aris said...

@john chen hui long: natutuwa ako na iyong naibigan ang munting eksperimento ko sa pagsasalaysay. salamat, john. *kisses back* :)

@mars: thank you, mars. sana patuloy mong magustuhan ang iba ko pang mga kuwento. :)

Nishi said...

nahirapan ako sa perspectives. haha. natatanga ako pag papalit-palit ng pov.

Aris said...

@nishiboy: hehe! i hope readable pa rin siya. :)

Jhamy whoops! said...

hay baket bitin.. anong kasunod.. wagas ang pizza boy na yan.. i will love you from afar ang tema... apir.. LIKE!

the geek said...

off topic: yes, friend, i was in manila last weekend. i so want to meet you na din sana kaso i have no idea where and how to contact you...

perpaps next time pag bumalik ulit ako... hehehe

Aris said...

@jhamy whoops!: korekness, siya ang tunay na nagmamahal. salamat uli, my friend, at sana maging patuloy ang iyong pagkagiliw sa aking mga kuwento. tc. :)

@the geek: oo nga, friend. di bale, sa susunod na lang na pagpasyal mo rito. at saka malay natin, baka isang araw ako naman ang mapadpad diyan sa iloilo. hehe! :)

Orange said...

kakamiss ang forever blue, amp naman... :d

Aris said...

@orange: ganda ng song, di ba? timeless. :)