Nairaos din nitong nagdaang Sabado ang naunsyaming White Party sa Malate. Surprise, sober ako buong gabi! Under medication kasi ako at bawal ang alcohol kaya hayun, wala akong nilaklak kundi ice tea. Hindi nakumpleto ang barkada pero dumating ang majority kaya masaya pa rin kami. Punumpuno ang Orosa-Nakpil kahit na may entrance fee na one hundred. Dagsa ang mga beki kaya ang hirap ng maneuvering papuntang Bed, as in siksikan at tulakan talaga. Daming nag-go against sa wearing white. Pero kami, naka-white pa rin para mas feel ang okasyon. I was even wearing white shoes! Nagkalat ang mga promo boys ng mga kung anik-anik (napuno ang bulsa ko ng samples ng Bliss lubricant). May mga topless angels pa. Basta, ang guguwapo lahat... ang tatangkad... mga model-modelan. May mga drag queens din na hindi ko alam kung performers sa ginaganap na stage show. Basta, rampa sila nang rampa. Ang gaganda nila!
At kami naman, dahil gusto naming i-avoid ang mahabang pila, maaga kaming pumasok sa Bed (pero mga 1:30 a.m. na rin ‘yun). Maiksi pa ang pila kaya hindi kami na-hassle. At sa loob, kung anik-anik din ang giveaways (neon bracelet, neon ring, neon lollipop). Go muna kami sa rooftop habang hindi pa kainitan sa dancefloor para mag-smoke at magpahangin. Pero ang kinalabasan, doon ipinagpatuloy ang inuman. Blue frog kung blue frog. Pitsel-pitsel. Inggit na inggit ako dahil di nga ako puwedeng uminom. Hanggang sa lasing na sila lahat at ako na lang ang matino. It’s funny na makita mo (nang may malinaw na pag-iisip) ang mga kaibigan mo kung paano malasing. Kadalasan kasi, nakikisabay din ako. Nakakatawa ang kanilang mga kilos at arte, pati pagsasalita. Parang nawalan sila ng koordinasyon sa mga galaw kaya naging tagasalo ako ng mga glasses at bote na nana-knock off nila. At ang lalakas na ng mga loob na chumika sa mga hindi kakilala. Like this group of cute guys from Brunei. Before I knew it, ka-join na namin dahil sa over na pagka-Ms. Congeniality ng mga kaibigan kong lasing. At ang haharot ng mga foreigners na ito, parang mga nakawala sa hawla. Flirt kung flirt. Lampong kung lampong. At kahit type ko yung isa, behave ako. Behave na behave. Pa-smile smile lang. Siyempre naman, dahil ako ay hindi na malaya.
I’m sure you are wondering, asan ang jowa? Nasa Malate rin siya nang gabing iyon. Pero hindi kami magkasama. Huwat? Ganito kasi, as if kailangan ko talagang mag-explain. Bago naman kasi naging kami, nakaplano na ang lakad na ito with my friends. At siya rin with his friends. Bound na kami ng aming mga social obligations. Sure, napag-usapan namin na kami na lang ang magsama nang gabing iyon, but what about our barkadas? At para huwag nang gumulo pa, nagkasundo kami na sige, i-fulfill na lang muna natin ang naipangako sa mga kaibigan. I was hoping na sa Bed din sila pupunta pero mas pinaboran ng mga kaibigan niya ang Chelu. Kaya nagkanya-kanya kami.
Pero nagkita pa rin kami, siyempre. Habang nasa kasagsagan ang lasingan ng mga kaibigan ko sa rooftop, tumawag siya. Nasa baba raw siya, sa labas, at i-meet ko raw siya. Go kaagad ako. Ang dami nang tao sa dancefloor, ang hirap dumaan. Naki-excuse-excuse ako. Sa labas, ang haba na ng pila. Hinanap ko siya. Excited ako pero poised pa rin. At nang makita ko siya, dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nakangiti. Sinalubong niya ako, nakangiti rin. Ang hindi ko inaasahan nang magtagpo kami ay nang bigla niya akong yakapin at i-smack sa lips. Dedma na sa mga nakapaligid. Nagtungo kami sa isang tabi. Nag-usap. Nag-holding hands. Nagpalitan ng mabibilis na mga halik. Nagyakap-yakap. Basta, kakaiba yung moment na iyon. Memorable kahit maiksi dahil very reassuring. And then, we parted. Bumalik na kami sa aming mga grupo. Pero magka-text kami buong gabi. Maya’t maya, mino-monitor niya ako. Baka nga naman matukso ako sa iba. Charoz! Pero masaya ako na meron siyang pag-aalala. Ako rin naman, nag-aalala rin na baka may makilala siyang iba. Pero sa tindi ng man-to-man guarding namin sa isa’t isa, may lulusot pa ba?
Meron. Sa akin. Dahil may nakilala akong bagets. Opps, don’t get me wrong dahil wala naman iyon. Pag-akyat ko kasi sa rooftop, aba, dispersed na ang mga friends at kanya-kanya nang ariba. At dahil heady pa rin ako sa pagtatagpo namin ng jowa, hindi ako jumoin sa kanila sa dancefloor. Naupo ako sa couch sa second floor at nagpahinga. I was busy texting nang dumating si bagets. Ang una kong napansin, ang malago niyang buhok na parang pugad sa unang tingin. Gayundin ang kanyang outfit, dahil naka-shorts siya. Umupo siya malapit sa akin. Medyo madilim kaya hindi ko masyadong makita ang face. Maya-maya, inilabas niya ang kanyang cellphone at nag-text din siya. Dahil doon nailawan ang kanyang mukha at nakita kong may itsura siya. At habang nakasindi pa ang kanyang screen, tumingin siya sa akin at na-take note ko ang mabibilog at makikislap niyang mga mata. Nagbaba ako ng tingin dahil nagbe-behave nga ako. Ni-remind ko ang sarili ko na umiwas sa tukso. May lumapit sa amin na waiter na namimigay ng neon lollipop. Itinabi ko muna iyong sa akin subalit siya, binalatan niya kaagad at isinubo. Then, he started sucking suggestively. Gosh, na-amuse ako at hindi ko naiwasang pagmasdan siya. Napangiti ako and he took it as an invitation to connect. Umusod siya palapit sa akin at biglang nag-“Hi!”. Wala namang masama kaya nag-“Hi!” din ako. Muli, ni-remind ko ang sarili ko na hindi na ako puwedeng lumandi. Pero, malandi ang bagets. Nagpakilala siya at dahil ayoko namang maging bastos, nagpakilala rin ako. Tapos, ask na siya ng mga requisite questions: “Sinong kasama mo? Saan ka nagwo-work? Ilang taon ka na?” na sinagot ko naman nang maayos. At nang magtanong siya ng “May boyfriend ka na ba?”, sinagot ko rin iyon nang tama. Natigilan siya at parang na-discourage. Pero tuloy pa rin ang Q and A: “Asan siya? Bakit di mo kasama?” etc. At para malipat ang focus, ako naman ang nagtanong at napag-alaman ko na may mga kasama rin siya, na 24 na siya (but he looks 18 or 20), na single siya and looking for a relationship or kahit ONS (ganoon ka-prangka!). Smile-smile lang ako. Medyo naging mahawak siya pero hindi ko in-encourage. I just tried to be nice and friendly. Tapos, maya-maya, may lumapit sa amin. Friend niya pala at niyayaya na siya. Ipinakilala niya muna ako tapos nagpaalam na siya. Pero bago siya tumayo, bigla niya akong hinalikan sa lips. Nalasahan ko ang tamis ng kinain niyang lollipop. Hindi na ako nakakibo at pinagmasdan na lamang ang kanyang paglayo. Natawa na lang ako after. Hindi ko na kasalanan yun. Hindi ako ang nag-initiate kaya malinis ang konsensya ko. Hehe!
Tapos bumaba na ako. Nakakalat ang mga kaibigan ko sa dancefloor. Kanya-kanya nang konek. Nagsayaw-sayaw din ako nang patugtugin ang mga pabortio kong “Born This Way” at “Firework”. Nanood din ako sandali ng mga shower boys sa aquarium (no real water this time). And then, naupo akong muli sa couch. The same couch sa first floor kung saan kami nagkakilala three Saturdays ago. At ‘yun, balik ako sa pagiging lovestruck. Muli ko siyang naisip.. namiss… at na-wish na sana kasama ko siya nang mga sandaling iyon. Na-realize ko rin na napaka-importante niya na sa akin at hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino, kahit kay bagets na may malagong buhok at magandang legs, na mukhang magaling (mag-suck ng lollipop hehe!) at magnanakaw ng halik, dahil tiyak na pagsisisihan ko iyon. Muli akong naging abala sa pakikipag-text sa kanya.
At dahil hindi naman namin hawak ang loob ng aming mga kaibigan at pareho lang kaming nakikibagay, hindi namin nagawang magkita at magsabay pauwi. Dahil nauna na sila at hindi ko naman mapaknit sa dancefloor ang mga kasama ko. Jusko, may mga tumawid pa ng Obar at kinailangan kong maghintay sa labas. Maliwanag na nang finally ay ma-ipon ko ang lahat para umuwi. Nevertheless, ang saya-saya pa rin naming naglakad sabay-sabay papuntang Taft. Nagkakaisa sila na isa iyon sa pinakamasasaya naming labas. Well, sa akin din naman dahil nakasama ko sila kahit hindi ako nakasabay sa inuman. Ang kulang nga lang talaga ay ang pinakamamahal ko sa aking tabi.
“Bahay na ako. Nasaan ka na?” ang text niya.
“Pauwi na,” ang sagot ko.
“Ingat. Text mo ako kapag nasa bahay ka na. Di muna ako matutulog. Hihintayin ko.”
Sweet.
Sunday afternoon, nagkita kami. Movie, dinner. ‘Yun, nagkasama na kami nang matagal-tagal at walang iniintindi.
At kahit magulo ang nagdaang gabi, muli akong naging payapa sa mga akbay at halik niya.
21 comments:
ayiiiii!!!!!! :D *kilig!
i love this...
JJRod'z
aww ang sweet naman... hay sana kasing kulay nang lovelife mo ang lovelife ko.. kung sayo rainbow saaken.. black and blue.. rawr!
palong palo ka paren! :D
panu yan magiging family oriented na itong blog? ahehehe congrats!
sana next time makasama kita gumimick... kasama mo bf mo ako din kasama ko si husband ko. would like to pick your brains. hehehehe.
cute!!! hahaha
nice nice..
kilig nga,, hihi
Iba talaga pag inlove ka.. yun tipong di mo na kailangan i-remind ang sarili na may obligation ka na..
and guess what... the only cure para sa lumalanding laman?
Pagmamahal. Love. Commitment.
Cheers to you aris...!
parang sex in the city part 3 lang... =)
@ronronturon: hehehe! :)
@jj rodriguez: thanks, jj. :)
@jhamy whoops!: huwag kang mag-alala, friend. darating din yan. ako, ang tagal kong naghintay. :)
@rygel: ay, hindi naman. dati pa rin hehe! salamat, rygel. :)
@silverwingx: sure, why not. one of these days... :)
@koro: thanks. hehe! :)
@ceiboh: actually. hehe! thanks a lot. :)
@daemonite: korekness. basta't may pagmamahal at commitment, magiging matibay sa tukso. thanks to you. cheers! :)
@arnel: oo nga, my friend. pero di na ako si samantha. si charlotte na. haha! :)
sana hindi lang ako ang bading na di pa nakakagimik sa Malate, I've been there twice, sa dating 711 malapit sa Malate church at sa Starbucks.
never pa ako nakagimik jan. :) sige, ako na si mother superior. hahahaha.
lech.
may your relationship go strong Aris! all the best.
Haay, sweet!
@leo: natawa naman ako sa mother superior. haha! yung napuntahan mo, my friend, straight area yun. nasa nakpil-orosa ang heart ng ating distrito. minsan, subukan nyong mag-drive by ni nimmy para makita n'yo lang. hehe! thanks, leo. :)
@xall perce: ako rin, napapabuntonghininga. hehe! :)
naku hindi pala kumagat yung dating comment ko.
ang saya! at hayyy... nakakakilig!!! ang daming in love ngayon ha!
@sean: oo nga. hehe! parang february. :)
Namiss ko tuloy ang Malate. 2 years na akong di nakakagimik sa Bed. haha!
@kian dela cuesta: subukan mong puntahan uli. malaki na ang pagbabago. :)
nice. :)
@chuckito: thanks. :)
Post a Comment