Lunes nang umaga, nagulat si Alberto nang madatnan niya si Temyong sa malaking bahay.
“Anong ginagawa mo rito?” ang kanyang tanong.
“Ipinatawag ako ni Don Miguel,” ang sagot.
“Bakit?”
“Ako na kasi ang pinag-aasikaso sa hardin.”
“Bakit, nasaan si Mang Arturo?” ang tanong niya na ang tinutukoy ay ang hardinerong pumalit noong mawala si Delfin.
“May sakit. Matanda na rin kasi at ang sabi ay pinagretiro na raw.”
“Ganoon ba? E di magkakasama na tayo dito sa malaking bahay,” ang kanyang sabi. Sumasama-sama at tumutulong-tulong pa rin kasi siya sa ina.
“Oo nga. Pero di ba sa darating na tag-ulan ay magtatrabaho ka na sa pataniman?”
“Oo nga pala.” Bigla niyang naalala at nalungkot siya. “Hanggang ngayong bakasyon na lang pala ako rito.”
“Bakit hindi ka na lang dumito?”
“Yun ang gusto ng itay, ang sa kanya naman ako tumulong. Sasanayin niya raw kasi ako sa pamamahala. Iyon din daw kasi ang utos sa kanya ni Don Miguel.”
“Sabagay, nakatapos ka ng hayskul at matalino pa. Wala na ngang iba pang maaaring pumalit sa iyong ama bilang katiwala.”
Nagkibit-balikat na lamang si Alberto. “Kailan ka magsisimula sa paghahardinero?”
“Bukas na bukas din.”
“Pauwi ka na?”
“Oo. Ikaw, saan ang iyong punta?”
“Sa bayabasan. Nagpapasama si Miguelito.”
“Gusto mo, samahan ko na kayo. Ako na ang aakyat sa puno.”
“Naku, huwag na. Maaabala ka pa. Kami na lang. Kayang-kaya ko rin namang umakyat.”
Si Temyong naman ang nagkibit-balikat. “Sige, tutuloy na ako. Magkita na lang uli tayo bukas.”
“Sige. Ingat, ‘insan.” At tumuloy na siya sa loob. Doon ay dinatnan niyang naghihintay na sa kanya si Miguelito. Subalit naroroon din si Don Miguel, nakaupo sa salas.
“Magandang umaga po, Don Miguel,” ang kaagad niyang bati na may bahagya pang pagyukod.
“Saan ang punta n’yo?” ang tanong ng Don.
“Sa bayabasan po,” ang kanyang sagot.
“Bakit hindi mo dalhin si Miguelito sa pataniman ng mais at tubo upang makita niya kung gaano kalawak ang mga lupaing balang araw ay mapapasakanya.”
“Opo. Sige po, dadalhin ko siya roon.”
“At ikaw naman, Alberto. Pag-aralan mo na sa iyong ama kung paano pamahalaan ang pataniman dahil kapag nag-retiro siya, ikaw ang gusto kong pumalit sa kanya. Darating ang panahon na kayo ni Miguelito ang magiging magkatuwang sa pagpapatakbo ng plantasyon.”
“Opo.” Napakasarap pakinggan niyon at pangarapin. Lihim siyang nangiti sa pangakong iyon ng hinaharap.
Tumayo na si Miguelito. “Aalis na kami, Papa.”
“Sige. Mag-iingat kayo.”
Naglalakad na sila patungo sa bayabasan, nangingiti pa rin si Alberto. Naglalaro kasi sa kanyang isipan ang sinabi ni Don Miguel – na darating ang araw, si Miguelito na ang magiging panginoon ng plantasyon at siya naman ang katiwala. Ano na kaya ang itsura nila noon? At sila pa rin kaya? Magagawa pa rin kaya nila ang mga ginagawa nila ngayon?
“Bakit?” napansin siya ni Miguelito.
Higit na lumuwag ang kanyang ngiti subalit umiling siya. “Wala.”
“Bakit nga,” ang ulit ni Miguelito na ayaw maniwala sa sagot niya.
“Wala nga.”
Bigla siya nitong kiniliti. Napapitlag siya, sabay tawa.
“Sabihin mo na kasi kung ano ang iyong iniisip.”
Tumingin siya rito, nakangiti pa rin. “Yung sinabi ng Papa mo. Na balang araw, tayong dalawa ang magpapatakbo sa plantasyon – ikaw ang boss, ako ang assistant. Natutuwa lang akong isipin na mangyayari ‘yun.”
Napangiti na rin si Miguelito. “Oo nga. Pero matagal pa iyon. Kailangan ko munang magtapos at ikaw ay magsanay.”
“Tayo pa rin kaya nun?” ang tanong niya.
“Siyempre naman. Pero secret pa rin. Walang dapat makaalam.” At pagkatapos ay inakbayan siya nito.
Hindi na nagsalita si Alberto at sinarili na lamang ang sayang nararamdaman.
Patuloy sila sa paglalakad patungo sa bayabasan. Kapansin-pansin na higit na naging malago ang kakahuyan na kanilang dinaraanan. Sa paglipas ng panahon, yumabong nang yumabong ang mga puno at higit itong nagbigay-lilim. Tila higit ding dumami ang mga ibong nagkakanlong sa mga sanga nito.
At hindi maiiwasan na bago nila sapitin ang patutunguhan ay madaraanan muna nila ang kamalig na imbakan ng mais. Sa halip na lampasan, napahinto sila. Nagkatinginan at parang iisang taong humakbang palapit dito.
Dahan-dahan itinulak ni Miguelito ang pinto at umingit ang mga bisagra nito. Gayon pa rin ang itsura sa loob, magkakapatong na nakasalansan ang mga sako ng mais. Mula sa mga siwang sa bubong at dingding ay lumulusot ang sinag ng liwanag na nanggagaling sa labas.
Muli silang nagkatinginan. At kahit hindi man nila sabihin, iisa ang imaheng lumarawan sa kanilang isip. Sina Miss Josephine at Delfin. Mainit na nagtatalik sa ibabaw ng mga sako ng mais. Imaheng hindi mabura-bura sa kanilang alaala kahit iyon ay kanilang nasaksihan sampung taon na ang nakalilipas.
Pumasok sila sa loob. At sa paglalapat ng pinto ng kamalig, nilukuban sila ng kakaibang alinsangan. Kaagad na hinila ni Miguelito si Alberto, niyakap at hinalikan. Walng usap-usap, dali-dali silang naghubad.
Wala silang itinirang saplot sa katawan. At pagkaraang hagurin ng tingin ang kabuuan ng isa’t isa, pinahiga ni Miguelito si Alberto sa salansan ng mga sako at pinaibabawan. Muli siya nitong niyakap at hinalikan. Higit na nag-init ang kanyang pakiramdam habang gumagapang pababa ang mga labi nito sa kanyang katawan. Napasabunot na lamang siya sa buhok nito.
At nang sila ay kapwa antig na antig na, pinadapa siya nito. Hinalik-halikan sa likod, pababa nang pababa hanggang sa marating nito ang kanyang buko. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagsundut-sundot ng dila nito. Maya maya pa, nakatutok na sa kanya si Miguelito.
Napakagat-labi siya sa paunang ulos. May sakit na pumunit sa kanya subalit tiniis niya iyon. Sinalubong niya ang bawat kadyot hanggang si Miguelito ay tuluyang makapasok.
Saglit itong tumigil upang damhin ang init sa kanyang loob. Namumuwalan ang kanyang likod at mahigpit, masikip ang kanyang pagkakasaklot. Nagsimulang maglabas-masok si Miguelito. At hindi naglaon, idinuyan na siya ng kakaibang sensasyon na pumawi sa paunang-kirot.
Higit na naging mabilis at madiin ang mga paghugot-baon ni Miguelito. Higit na naging marahas ang mga kadyot. At maya-maya pa, nanginig na ito at napaungol. Nadama niya sa kanyang kaibuturan ang pagsirit ng mainit na katas nito.
At doon sa kamalig, na kung saan una silang namulat sa kamunduhan, ay napagtagumpayan ni Miguelito na angkinin siya nang lubusan.
Ang hindi nila alam, sa mga siwang ng dingding, muli ay may mga matang sa kanila ay nagmamasid.
***
Miyerkules nang umaga, dumating sa plantasyon sina Doña Anastasia at Isabel.
Galak na galak si Isabel pagkakita kay Alberto. Kaagad siya nitong niyakap na parang walang namagitang mga taon mula nang sila ay huling magkita.
“Kumusta ka na?” ang bati habang pinagmamasdan siya. “Ang laki-laki mo na.”
“Mabuti,” ang kanyang sagot. “Ikaw rin, dalagang-dalaga na.”
“Parang kailan lang... mga munting bata tayo,” ang sabi ni Isabel. “Pero wala pa rin namang nababago. Pakiramdam ko, bata pa rin ako.”
“Oo nga. Pwede pa rin naman tayong maglaro, di ba?”
“Tama ka. Kaya magbibihis lang ako. Hintayin ninyo ako. Miss na miss ko na ang lugar na ito at samahan ninyo akong maglibot.”
At parang nanumbalik nga ang mga panahon noon. Muli silang nabuong tatlo at kahit malalaki na, muli silang naglaro ng habulan… ng taguan… ng pasahan ng bola.
At sa mga paglalaro nila sa hardin, napasali si Temyong na naninilbihan na sa malaking bahay.
Naalala ni Alberto kay Temyong ang dating hardinerong si Delfin. Lagi rin kasi sila nitong ipinangunguha ng mga prutas. At napansin niya rin ang mga pasulyap-sulyap nito kay Isabel. Parang si Delfin noon kay Miss Josephine. Ang kaibahan nga lang, wala siyang makitang pagtugon mula sa dalaga.
Umusad ang mga araw sa plantasyon na tahimik, masaya at normal.
Sumapit ang Mayo at nagbadya ang tag-ulan. Wala silang kamalay-malay na may dala itong unos na babago sa buhay nilang lahat.
(Itutuloy)
Part 13
19 comments:
sino kaya ang nakasilip na iyon?
kaabang abang talaga :)
good eve ARIS!
next na! now na! hehe
pinapaexcite mo kami ah. tsk tsk
U are amazing. Can't wait for the continuation..
JJRod'z
Oh my god! Nahuli ako ni Aris na naninilip kila Miguelito! Afraid!
HAHAHAHAHA.
ayan na ang pagsisimula ng bagong kumplikasyon sa kwento. kaabang-abang na naman 'to, Aris.
bilisan! hehehe.
ahaha nice aris... ang ganda!
maganda ang pagkakagawa...
tila ikay isang makata ehhehehe...
salamat dito..
-mars
Talaga naman Ariston. Galing mong mambitin. Lintik na unos yan.....Give it to me now.
sino kaya ang silip nang silip na yan! baka magkakuliti! chos!
exciting! :D
Naiintriga ako sa kung sino ang sumisilip sa kanila. At kung ano ang nagbabadyang malaking unos na magpapabago sa buhay nila... Galing mo aris. Til nxt update. Ingatz!
@jay rulez: gandang umaga sa'yo, jay. malapit na nating malaman kung sino. :)
@rygel: ginagawa ko na. lapit na uli. hehe! :)
@ester: mas exciting ang mga susunod na kabanata. abangan! musta ka na, friend? :)
@jj rodriguez: thanks, jj. i am now working on the continuation. excited din akong ituloy ang kuwento. :)
@iamsuperbash: naku, ikaw talagang bata ka. magkakakuliti ka niyan sa iyong ginagawa. lol! :)
@dsm: korek ka jan. papasok na tayo sa higit na makukulay na mga tagpo sa ating kuwento. :)
@mars: salamat din sa'yo... sa walang sawang pagsubaybay. :)
@anonymous: parating na ang unos. hindi na magtatagal. hehe! :)
@jhamy whoops!: korekness. yun ang magiging clue kung sino ang maninilip. sa next chapter, aapir siyang may kuliti. choz! hahaha! salamat, friend. :)
@wastedpup: malalaman na natin sa susunod na kabanata. huwag bibitiw. thank you. you take care too. :)
More TWISTS and TURNS! Dapat maisa pelikula na to. (PJ and Sam / with Zanjo) wahahaha
"Sumapit ang Mayo at nagbadya ang tag-ulan. Wala silang kamalay-malay na may dala itong unos na babago sa buhay nilang lahat."
INAANTAY KO NA ANG UNOS ARIS, hehe. jan, ur number 1 fan here.hehe.
sino yung sumilip na nagpalubog ng libog ko. Lalabasan na sana ako kaya lang may sumilip hehehe.
Cguro si Isabel yun.
@arnel: hmmm... magandang idea yan sa casting. hehe! :)
@jan: padating na. abangan kung ano ang unos na yan. thanks, jan. :)
@raindarwin: mas may thrill yung may naninilip. hehe! naku, papa p., hindi si isabel yun. :)
hummm sino b yung nagmamasid ????
galing mo talaga aris !!!!
@anonymous: huwag mainip. malalaman na natin. hehe! salamat sa iyong pagsubaybay. :)
Post a Comment