Friday, July 15, 2011

Unfolding

“I can’t even remember. Ganoon na katagal,” ang sagot ko nang tanungin niya ako kung kailan ang huling relationship ko.

Nakatingin siya sa akin habang marahang bumubuga ng usok. Nasa smoking area kami sa labas ng Robinsons. Nag-puff din ako bago tumingin sa kanya, uneasy sa unti-unting pagsisiwalat ng sarili.

“Bakit naging ganoon?” ang kanyang dagdag-tanong.

“Siguro nadalà ako,” ang aking sagot na sinundan ng maiksing tawa in an attempt na pagtakpan ang pagka-seryoso niyon.

“Bakit ka naman nadalà?”

“Paulit-ulit na lang kasi. Palagi na lang failure. Palagi na lang akong nasasaktan.” Muli akong humithit sa aking sigarilyo. Hindi na maiiwasan ang aking pagpapakatotoo, ang pagbubukas ng damdamin ko.

Hindi lumalayo ang kanyang mga mata sa akin, naroroon sa kanyang mga titig ang interes sa sinasabi ko, ang paghimok na magpatuloy ako.

“Kaya ipinagpasya kong tumigil na lang,” ang aking dugtong. “I have my friends, anyway, and a job I love. I guess, maaari naman akong makuntento kahit walang lovelife. Kahit nag-iisa.”

“Pero naging masaya ka ba?”

“Hindi ko masasabing naging masaya ako pero hindi naman ako naging malungkot. Nakikipagdate pa rin naman ako pero hanggang doon na lang. Wala nang expectations.”

Natahimik siya. Medyo matagal. It became uncomfortable na hindi ko naiwasang magtanong. “Why?”

He took another puff from his cigarette. May nakita akong tila pagdaramdam sa kanyang mga mata.

“Why?” ang ulit ko.

“Ang date ba nating ito ay katulad din ng iba mo pang mga date? Na parang paglilibang lang para hindi ka malungkot?”

Ako naman ang natahimik. Palihim kong sinisi ang aking sarili sa hindi maingat na pagsasalita. Ewan ko ba, everytime na nagpapaka-honest ako, nagiging tactless ako. Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin.

At bago pa mabigyan ng maling interpretasyon ang tinuran ko, itinuwid ko iyon. “Kung makipag-date ako, kadalasan sa Malate. ‘Yung mga walang patutunguhan… ‘yung for fun lang. Inom, sayaw, flirtation. Pero pagkagising ko, wala na akong maalala.” I took one last drag from my cigarette bago ko iyon tuluyang idinitch.

Nakatingin lang siya sa akin, nakikinig. May bahagyang pagkakakunot ng noo na nadagdag sa kanyang ekspresyon.

Nag-sip muna ako ng Coke sa basong hawak ko bago nagpatuloy. “The last time I dated like this was what… I can’t remember. Antagal na rin. Sintagal na rin siguro ng hindi ko pagkakaroon ng relationship.” Tinitigan ko siya nang diretso. “I haven’t done this in a long time and I am not anymore sure if I am doing this right. But you are different… special. I want to take my chances again… with you. I don’t even know how to say these things anymore… but I know you understand.”

Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, gayundin ang tenderness sa kanyang mga mata. “Naiintindihan ko…”

Pinatay niya muna ang kanyang sigarilyo bago muling humarap sa akin.

“Look, maaaring two months ago lang ang last relationship ko but it doesn’t make any difference,” ang sabi niya. “Nasaktan din ako. Nadalà. Ayoko na rin sana. Pero dumating ka. Unexpectedly. At hindi ko rin inaasahan na makakaramdam ako nang ganito.”

Ako naman ang napangiti. Pero hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang magpatuloy.

“Pagod na rin ako. Gusto ko sa relationship, ‘yung totoo… ‘yung magtatagal. If you’re willing to take that chance, I want to prove it to you.”

Saglit na katahimikan. Nilunod niyon ang iba pang mga salitang mahirap bigkasin. Subalit sa katahimikang iyon ay natagpuan din namin ang kahulugan ng mga ibig naming sabihin.

I took another sip sa Coke na hawak ko. “Ayoko nang masaktan,” ang sabi ko.

Kinuha niya ang baso sa kamay ko. Nag-sip din siya. “Hindi ka na masasaktang muli. Pangako.”

Ginagap niya ang aking kamay. Napatingin sa amin ang guwardiya na nasa di-kalayuan. Pero hindi na namin iyon pansin.

Muli kaming pumasok sa mall at naglakad-lakad. Nakaakbay siya sa akin. I could feel him so close… so warm.

Huminga ako nang malalim. Nalanghap ko ang kanyang cologne. It was very comforting, parang haplos sa puso.

I looked at him and he smiled at me. Naroroon pa rin ang tenderness sa kanyang mga titig.

Ngumiti rin ako at kumapit sa kanyang baywang.

I have decided to let go of myself. Susubukan kong muli.

17 comments:

caloy said...

friend! go ka na diyan! pag niloko ka sabihin mo sakin, upakan ko. :) i miss you!

JJ Roa Rodriguez said...

i love that... i can feel the sincerity on both parties. wishing you guys the best.

JJRod'z

Jhamy whoops! said...

wow.. well kung totoo naman ang nararamdaman mo ayus lang yan.. pero shempre one step at a time dba.. wag mag madali.. :)

koro said...

ayiii.. ayun nman pala eh.. go lang ng go! go aris go!

Aris said...

@caloy: wow, friend, touched naman ako. salamat. i miss you too. :)

@jj rodriguez: thank you, jj. feel ko rin ang sincerity niya kaya optimistic ako sa aming dalawa. :)

@jhamy whoops!: i agree, my dear friend. hinay-hinay lang. one day at a time. enjoy every single moment. masaya naman kami. :)

@koro: yup. go! go! go! i've given it a shot and so far, happy naman. :)

RainDarwin said...

gorabels papa aris!

masaya yan, na masakit sa ulo na nakakalokah! bwhahahahaha.

RainDarwin said...

pahabol:

at nasaan na ang plantation 12 aber?

Marvin said...

Congrats! :-)

Again, nasan na nga ba yung next episode ng Plantation Resort?? :D

Anonymous said...

thumbs up! good luck c:

Aris said...

@rain darwin: korek ka jan, papa p.! kanina lang may loka moment ako. pero masaya pa rin. hehe! padating na ang plantation 12. :)

@marvin: thanks. ginagawa ko na ang plantation 12. susunod na. :)

@anonymous: thank you. salamat din sa iyong pagbisita. balik ka ha? :)

Rygel said...

Congrats!

Aris said...

@rygel: thanks. wish me luck. :)

JJ Roa Rodriguez said...

thanks for dropping by today and clicking follow...

made me happy!

JJRod'z

Arnel said...

go with the flow friend..

Aris said...

@jj rodriguez: the pleasure is mine. :)

@arnel: i will, friend. so far, so good. :)

Sean said...

This is so true: "Ewan ko ba, everytime na nagpapaka-honest ako, nagiging tactless ako."

Nakakilig, Aris!!! Nahaplos din ang puso ko. Goodluck and sana ito na!

Aris said...

@sean: actually, totoo, di ba? hehe!

sana nga, sean. salamat. :)