Monday, August 29, 2011

Ulan



Isinara ko na ang bintana
Pumapasok pa rin ang ulan
Parang ikaw sa buhay ko
Ipininid ko na ang puso
Pinapasok pa ng alaala mo.

Ang lamig pa naman ng patak
Nanunuot pati sa aking kumot
Wala na nga akong kayakap
Pinananabik pa ang katawan
Sa init ng iyong paglingap.

Palagi na lang kasing maulan
Hindi lang sa labas ng aking silid
Kundi pati sa aking kaloob-looban
Kaya kahit nais ko nang lumimot
Basa pa rin ako sa lungkot.

Friday, August 26, 2011

Live Show

Tinayp ni Angelo ang URL ng website.

Welcome to LiveJasmin, ang sabi sa screen. The World’s #1 Most Visited Video Chat Community – Hot Live Sex Shows!

Nag-log-in siya. Hindi bilang member kundi bilang performer.

Welcome 2PinoyHotBoys!, ang sabi sa screen. Enjoy your performances today! Good luck!

Inayos niya ang webcam. At pagkaraang maghubad na tanging brief lamang ang naiwan, humarap siya rito at pinindot sa screen ang Go Live Now.

Online na siya at maya-maya, nagsimula nang magpasukan sa kanyang video chat room ang mga viewers. Karamihan ay mga guests na gusto lang makasilip nang libre, pero may mga members din naman na may hawak na credits.

Pinaglaruan niya ang sarili upang tuksuhin ang mga viewers. Nakaanggulo ang camera na nakikita ang pagtaas-baba ng kanyang braso pero hindi ang kanyang ari. Kung gusto mong makita, may bayad.

Makukulit ang mga guests sa pagre-request ng “show your penis” pero ini-ignore niya ang mga iyon. Ni hindi niya sinasagot ang mga chat questions. Ang pinag-uukulan niya ng pansin ay ang mga members dahil sila ang paying customers. Dito siya magiliw at nag-aaya ng “Let’s go private, BB” dahil kikita siya sa credits.

Isa sa mga members na pamilyar na sa kanya ang chat name ang nagtanong: “Hey, where is your partner?”

At siya ay natigilan. 2PinoyHotBoys nga naman ang chatroom niya pero mag-isa lang siya. Ang lungkot na kanina niya pa iwinawaksi ay muling bumalot sa damdamin niya.

“He’s not in today, BB,” ang kanyang sagot. “I’m performing solo.”

“Oh, too bad. I enjoy watching you two make out.”

“Don’t worry, I can still make you happy. Let’s go private, BB,” ang pagpapaka-propesyonal niya. Trabaho ito at hindi kailangang maapektuhan ng anumang personal na bagay.

“I like you both and I miss your partner.”

I miss him, too, ang gusto niya sanang isagot. Pero pinigil niya ang sarili. Kung anuman ang totoong nasa damdamin niya ay walang dapat makaalam lalong-lalo na ang mga viewers na wala namang ibang hanap kundi sex. Totally out of place ang anumang emosyon, higit lalo ang panibugho na nagpapasikip sa kanyang dibdib ngayon.

Si Warren ang other half ng 2PinoyHotBoys, ang nagbulid sa kanya sa LiveJasmin.

“Maaari tayong mag-partner kung gusto mo,” ang alok nito sa kanya noon. “First in the Philippines. Sa Colombia, maraming ganyan. Mabiling-bili sa mga viewers.”

Dahil sa mahigpit na pangangailangan, napapayag siya. Trabaho lang, walang personalan. Sex na walang damdamin.

Subalit sa kabila ng pagpapakamanhid, ang gabi-gabing panunuot ni Warren sa kanyang katawan ay naging daan upang manuot din sa kanyang puso ang pag-ibig.

***

Room For Rent.

Kumatok siya sa pinto na kung saan nakasabit ang karatulang iyon.

Isang payat, matangkad, maputi at may itsurang lalaki ang nagbukas ng pinto at hindi pa man niya nasasabi ang kanyang pakay, pinatuloy na siya nito.

“Kailan ka lilipat?” ang tanong kaagad nito sa kanya.

Napamaang siya. “Ha? Itatanong ko pa lang sana kung magkano ang upa.”

“Estudyante ka?”

“Working student.”

“Isang libo. Okay na sa’yo?”

Medyo mataas pa rin sa budget niyang eight hundred pero iyon na ang pinakamura sa lahat ng napagtanungan niya kaya pumayag na siya. “Okay.”

“Kailan ka lilipat?” ang ulit na tanong.

“Ngayon na,” ang sagot niya. “Umalis na kasi ako sa tinitirahan ko.”

Saglit na sinulyapan ng lalaki ang bag na bitbit niya. “Wala kang ibang gamit?”

“Wala. Dala ko na lahat. Saan ang magiging kuwarto ko?”

“Dito na ang magiging kuwarto mo,” ang tugon na ang tinutukoy ay ang kinatatayuan nila nang mga sandaling iyon.

“Ha?” Napakunot-noo siya. “Akala ko, may separate room.”

“Ito na ang room na paghahatian natin. Dalawa ang kama, tig-isa tayo. Maglalagay na lang ako ng kurtina sa pagitan natin para may privacy.”

Hindi na siya nakapag-reklamo. Malapit na rin kasing gumabi at kailangan niya ng matutuluyan. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid at nakita niya namang maayos iyon at kumpleto sa essentials. Banyo, mesang kainan, dalawang upuan, maliit na kusina, kalan. Sa kabila ng kapayakang iyon, napansin niya ang computer malapit sa kama ng magiging roommate niya. May webcam pa at modem.

“Siyanga pala, ano’ng pangalan mo?” ang tanong sa kanya ng lalaki.

“Angelo,” ang sagot niya.

“Ako si Warren.”

Nagkamay sila.

Kaagad namang tinupad ni Warren ang sabi na magkakabit ito ng kurtina sa pagitan nila. At ilang sandali pa, nagka-privacy na siya habang inaayos ang mga gamit niya.

Sabay silang naghapunan ng ginisang sardinas.

“Share-share na lang tayo sa pagkain, kung okay lang sa’yo. Basta’t equal sharing lang. Sa pagbili at sa pagluluto,” ang prangkang sabi nito.

Dahil doon, nagtanong na siya tungkol sa mga rules nito sa bahay. Mas mabuti na iyong habang maaga, maliwanag para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

“Wala naman,” ang sagot ni Warren. “Basta’t respetuhan lang at walang pakialamanan.”

Maaga siyang nakatulog nang gabing iyon subalit bandang hatinggabi, nagising siya at nakita niyang may ilaw pa sa lugar ni Warren. Dinig niya ang manaka-nakang pagtipa nito sa keyboard ng computer.

Maya-maya, natahimik ito. Naaninag niya ang mga kakatwang galaw sa likod ng kurtinang naghihiwalay sa kanila. Hindi niya alam kung bakit na-curious siyang sumilip.

At siya ay nagulat.

Nakaharap sa webcam si Warren. Nasa computer screen ang imahe.

Hubo’t hubad na nagpapaligaya ng sarili.

(May Karugtong)

Part 2

Sunday, August 21, 2011

Bad

The knock came while I was in the shower. Maalinsangan ang gabi at pilit kong pinapawi ang init, gayundin ang hapis, sa aking pagkakapirmi sa malamig na daloy ng tubig. He just walked away from me after a fight. At dahil inakala kong bumalik siya, marahil upang mag-sorry at makipagbati, dali-dali akong nagtapi.

I was dripping wet nang buksan ko ang pinto. Subalit hindi siya ang bumungad sa akin. Natigilan ako, nagulat, sabay sa pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ako makapagsalita habang pinagmamasdan ang kaharap, tinitiyak na hindi ako nananaginip.

It was my ex. Isang dating pag-ibig na hinding-hindi ko na inaasahang magbabalik.

Hinintay ko siya noon. Kaytagal. Hanggang sa ako ay mainip, magpasyang lumimot at mag-move on. At ngayong ako ay nasa gitna ng isang emosyonal na sitwasyon, mahina at vulnerable, saka siya walang kaabog-abog na susulpot.

“Hey,” ang bati niya, nakangiti. Sa kabila ng malamlam na ilaw, lutang ang kanyang features na kinabaliwan ko noon at higit na pinag-light up ng ngiting iyon. “Can I come in?”

Wala akong lakas na tumutol, itaboy siya at pagsarhan. Nadatnan niya akong malungkot at nangangailangan ng aliw, huwag nang banggitin pa ang hindi ko mapigil na pag-alagwa ng aking puso, kaya pinatuloy ko siya.

“Magbibihis lang ako,” ang sabi ko sabay talikod upang ikubli hindi lamang ang aking kahubdan kundi pati na ang pagkasabik ko sa kanya na kaagad lumukob sa akin.

“Huwag na,” ang pigil niya. Hinawakan niya ako sa balikat at marahang pinaharap sa kanya. Bago pa ako nakahuma, nagawa niya nang tanggalin ang aking tuwalya at ako ay niyakap. Dumampi ang mga labi niya sa leeg ko at nadama ko ang mga halik niya. Hindi lang pala ako ang nanabik, kundi pati siya. Napayakap na rin ako sa kanya. “God, I miss you so much,” ang sabi niya pa.

Nagtagpo ang aming mga labi at ako ay lubusan nang nagpatangay sa agos ng pagnanasa. Nanaig sa akin ang damdaming matagal kong sinupress. Itanggi ko man, I never really stopped loving him. At wala talaga akong ibang hinanap-hanap, inasam-asam, kundi siya lamang. At sa muli naming pagdadaupang, nalimutan ko ang hinagpis, ang pangungulila, ang kaibahan ng mali sa tama.

It felt so right being with him. Lalo na nang banggitin niya na parang echo ng aking damdamin ang mga katagang: “Mahal pa rin kita. I need you back.”

Tumugon ako sa pamamagitan ng paghigpit ng aking mga yakap at pagsiil sa kanyang mga labi.

Binuhat niya ako at dinala sa kama. Inilapag niya ako nang maingat. At pagkatapos, siya ay naghubad. Muli kong nasilayan ang katawan niyang ilang ulit ding nagpaligaya noon sa akin, naging bukal ng luwalhating nag-akyat sa akin sa langit. Muling naging maalinsangan ang aking pakiramdam sa kabila ng matagal na pagkakababad sa shower.

At kami ay nagniig. It was like the first time na ang bawat halik, haplos, himod, sundot, ulos ay puno ng pagnanasang tila apoy na dahan-dahang tumutupok, tumatagos sa katawan, nagpapahibang sa isip at nagpapalimot. Ang lahat ng bagay ay on hold, pati na ang guilt at reason.

Maya-maya, narinig ko ang mga katok. Gumising iyon sa aking kamalayan. Kinabahan ako at kinutuban.

Narinig ko ang tawag mula sa labas. “Hon, let me in. I’m sorry.” I froze.

It was my boyfriend.

At ako ay nasa kama, may iba nang kasiping.

Friday, August 12, 2011

Plantation Resort 14

Hubo’t hubad.

Magkasiping.

Magkayakap.

Nagulantang sina Miguelito at Alberto at kaagad na napabalikwas.

“Mga punyeta! Mga mahahalay! Mga walanghiya!”

Sinugod sila ni Doña Anastasia at pinaghahampas.

Napatakbo sa itaas sina Don Miguel at Mang Berting. Kasunod sina Aling Rosa at Isabel. Pati na si Temyong at ang iba pang mga katulong.

At sa isang iglap, naharap sina Miguelito at Alberto sa isang malaking kahihiyan sabay sa pagkabunyag ng kanilang lihim.

Hinablot ni Don Miguel si Alberto at malakas na sinampal. “Hijo de puta!”

Tumilapon si Alberto at napahandusay.

Nang akmang tatadyakan siya ng Don, napasigaw si Miguelito. “Papa! Huwag!”

Maagap din ang naging pagpigil ni Isabel. “Tama na! Maawa kayo sa kanya.”

“Sinverguenza!” ang sigaw sa kanya ni Don Miguel. “Idinamay mo pa ang anak ko sa kabaklaan mo!”

Napatiim-bagang si Mang Berting at napaiyak si Aling Rosa.

“Lumayas ka!” ang dugtong ni Don Miguel. “Huwag na huwag ka nang magpapakita rito sa hacienda!”

“Don Miguel, huwag po,” ang samo ni Aling Rosa.

“Gusto mo bang pati kayo ni Berting ay palayasin ko?” ang baling sa kanya ng Don.

Napahagulgol si Aling Rosa. Si Mang Berting naman ay hindi kumibo.

Tumayo si Alberto. Bahagya nang nakapagdamit nang takbuhin ang pinto.

“Alberto!” ang narinig niyang sigaw ni Miguelito subalit hindi na siya lumingon.

Tuluy-tuloy siya sa hagdan. At habang bumababa, nakatunghay sa kanya ang mga tagapaglingkod. Nakabadha sa mga mukha ang pag-aalimura.

Tinakbo niya ang landas patungo sa kanilang kubo. Nakayapak siya at bitak-bitak ang tuyong lupa. Masakit iyon sa paa subalit hindi niya alintana. Higit na masakit ang sugat sa damdamin niya.

Pagdating sa kubo, wala nang panahong mag-isip o maghinagpis. Kaagad siyang naghagilap ng bag at nagsilid ng ilang pirasong damit. Binasag niya ang kanyang alkansya at ibinalot ang perang inipon mula pagkabata. At pagkatapos, nagbihis siya, nagsapatos at nagmamadaling lumabas, bitbit ang bag. Hindi na siya dapat maabutan pa ng kanyang ina o ng kanyang ama dahil wala siyang mukhang maihaharap sa kanila.

Paglabas niya ng bakuran, nagulat siya dahil naroroon si Temyong.

“Saan ka pupunta?” ang tanong sa kanya.

“Hindi ko alam. Bahala na,” ang kanyang sagot.

“Magpapakalayo ka ba?”

“Kailangan. Isang malaking kahihiyan ang aking nagawa.”

“Ano ang iyong dapat ikahiya? Nagpakatotoo ka lang. Binigyang-laya mo lang kung ano ka.”

Napatingin siya kay Temyong. Hindi niya inaasahan ang pakikisimpatiya nito sa kanya.

“Naiintindihan kita,” ang dugtong pa. “At saka matagal ko nang alam.”

“Ang alin?”

“Ang tungkol sa inyo ni Señorito Miguelito.”

Nanatili syang nakatingin kay Temyong, nasa mga mata ang pagtatanong.

“Nasaksihan ko ang mga naganap sa inyo. Sa ilog… sa kamalig. Kaya hindi na lingid sa akin ang inyong relasyon.”

Ayaw niya nang mapag-usapan iyon. “Temyong, Kailangan ko nang umalis.”

“Sandali…”

Napatigil siya sa kanyang paghakbang.

May inabot sa kanya si Temyong na nakabilot sa panyo.

“Ano ito?” ang tanong niya.

“Konting naipon ko,” ang sagot. “Kunin mo na. Makakatulong ‘yan sa’yo kahit paano.”

Nabagbag siya sa kabaitan ni Temyong subalit pinigil niya ang maging emosyonal.

“Salamat,” ang muli ay nasambit niya. “Sige, paalam na.”

“May dapat ka pang malaman…”

Muli, napigilan ang kanyang paghakbang.

“Pagkaalis mo sa malaking bahay, nagbitiw ng pasya si Don Miguel.”

“Anong pasya?”

“Kailangang mapagtakpan ang tunay na pagkatao ni Miguelito. Kailangang mapigilan ang pagkalat ng usap-usapan. Kailangang maibangon ang pangalang Montemayor mula sa kahihiyan.”

Napakunot-noo siya.

“Si Miguelito at si Isabel…”

“Ano ang tungkol sa kanila?”

“Ipakakasal sila ni Don Miguel.”

***

Habang binabagtas ni Alberto ang daan palabas sa highway, nagsimula niyang mapagtanto ang bigat ng mga pangyayari.

Pinaghiwalay na sila ni Miguelito nang tuluyan. At siya ay itinakwil.

Nagsimula siyang umiyak hindi lamang dahil sa lungkot kundi dahil sa pagkabigo.

Pagsapit sa highway, matagal siyang tumayo sa tabing-daan. Said na ang luha at gulo ang isip, hindi alam kung saan pupunta.

Maya-maya, isang karag-karag na bus ang pumara.

Cubao, ang sabi sa signboard.

May pag-aatubili man, siya ay lakas-loob na sumampa.



(Itutuloy)

Part 15

Thursday, August 4, 2011

Plantation Resort 13

Pista sa karatig-bayan. At dahil kaibigan ni Don Miguel ang alkalde, hindi niya natanggihan ang imbitasyon nito.

Buong pamilya sana silang dadalo subalit nagdahilan si Miguelito na masakit ang kanyang ulo. Kaya nang umalis sina Don Miguel, Doña Anastasia at Isabel, naiwan siya.

Pero ang totoo, wala naman siyang sakit. Ayaw niya lang pumunta dahil mababagot lang siya. Ayaw niya ring makihalubilo sa mga taong hindi niya kilala.

Nagkulong siya sa kuwarto at nagpaakyat ng pagkain at juice. Ipinatawag niya rin si Alberto.

“May sakit ka raw?” ang bungad ni Alberto pagkapasok. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakaakyat siya roon at nasilayan ang loob. Wala ang inaasahan niyang karangyaan, maliban sa mga antigong kasangkapan. Marahil dahil silid iyon ng lalaki. Subalit maayos at napakakumportable ng kabuuan niyon.

“Wala, nagkunwari lang ako,” ang sagot ni Miguelito. “Halika, dito ka,” sabay muwestra sa tabi ng kamang kinauupuan niya.

Pag-upo ni Alberto, nadama niya ang lambot ng kama. Kaagad niyang naisip, ano kaya ang pakiramdam niyon kapag hinigaan?

“Bakit hindi ka sumama sa pista?” ang tanong niya kay Miguelito habang umuuga-uga sa kutson.

“Hindi rin ako mag-e-enjoy doon,” ang sagot.

“Maraming masasarap na pagkain doon.”

“Masasarap din naman ang mga pagkain na iniluluto ng Nanay mo.”

Napangiti si Alberto sa narinig na papuri sa ina. “Sabagay.”

“At saka mula nang dumating si Isabel, ang tagal na rin nating hindi nagkakasama na tayo lang. Ngayong wala sila, maaari tayong magkasarilinan.”

Nadagdagan ang ngiti ni Alberto. “At ano naman ang iyong naiisip gawin?”

Napangiti na rin si Miguelito. “Marami.”

“Katulad ng…?”

“Katulad ng mga sikretong ginagawa natin kapag tayong dalawa lang.”

“Nandito tayo sa bahay n’yo, baka mahuli tayo.”

“Wala nga sina Papa. At walang tagapagsilbi na mangangahas pumasok dito nang hindi ko ipinapatawag.”

“Pero alam nilang naririto ako… sa silid mo.”

“E ano naman? Walang mag-iisip sa kanila na may ginagawa tayo nang higit sa ginagawa ng magkaibigan.”

At bago pa siya makapaghayag ng karagdagang pangamba, pinatahimik na si Alberto ng mga labi ni Miguelito na kaagad dumampi sa mga labi niya.

Nagdumiin iyon na malugod niyang tinanggap. Ilang sandali pa ay nagsalitan na sila sa pagngabngab. Nagpalitan sa pagsipsip, pagkatas at paglasap sa tamis ng kanilang mga bibig.

Bago pa sila tuluyang magrikit, bumitiw si Miguelito. “Sandali,” ang sabi. “May ipakikita ako sa’yo…”

May kabiguan man sa pagkakatigil, nanaig ang kuryusidad ni Alberto na malaman kung ano iyon.

Mula sa ilalim ng kutson ng kama ay may hinugot si Miguelito. Isang luma at gusut-gusot na magasin. Macho, ang sabi sa cover. Napamulagat si Alberto sa hubad na lalaking nakalarawan doon.

“Saan galing ‘yan?” ang kanyang tanong.

“Kay Leandro. Binili niya sa Quiapo.”

Kaagad niyang binuklat iyon. Higit na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa mas bulgar na nilalaman niyon. Mga mestisong lalaki, pulos guwapo, nakahubad at walang pakundangang nakabuyangyang. Pagkatitikas hindi lamang ng mga katawan kundi pati ng mga ari. First time niyang makakita nang ganoon at naalinsanganan siya sa excitement.

“May sorpresa pa ako sa’yo,” ang sabi ni Miguelito kapagkuwan.

Saglit na naudlot ang kanyang pagpipista sa mga larawan.

Mula sa ilalim ng kama ay inilabas ni Miguelito ang isang bote. Kahit walang etiketa, alam na ni Alberto kung ano ang laman niyon. Lambanog. Sa itsura at kulay, hindi siya maaaring magkamali.

“Saan mo kinuha ‘yan?” ang tanong niya kay Miguelito.

“Ipinapuslit ko kay Temyong,” ang sagot.

“Iinom tayo?”

“Bakit hindi?”

“Baka malasing tayo.”

“Konti lang. Mas masarap tumingin sa magasin habang umiinom. At mas masarap ding mag-ano kapag nakainom.”

“Anong mag-ano?”

“Alam mo na ‘yun.” Naroroon ang kapilyuhan sa mga mata ni Miguelito habang nakatingin at nakangiti sa kanya.

Muli siyang napangiti dahil nagmamaang-maangan lang naman siya na hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng ano.

Kinuha ni Miguelito ang baso ng ininom niyang juice at nagsalin ng lambanog. Siya ang unang tumikim.

Napangiwi siya pagkaraang uminom ng kaunti. At pagkatapos ay iniabot kay Alberto ang baso.

Uminom si Alberto at napangiwi rin. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang matapang na ispiritu ng alak at siya ay nasamid.

Subalit kinalaunan, sa pagpapalit-palit nila sa pagsimsim ay nagsimula na nilang makasanayan ang lasa nito, sabay sa higit na pag-iinit ng kanilang pakiramdam na bukod sa alak ay dulot din ng magasin na kanilang binubuklat.

Sa mga huling pahina niyon ay naroroon ang mga larawan ng dalawang lalaking nagtatalik. May mga posisyon itong hindi pa nila nasusubukang gawin.

Lasing na sila at libog. Kung kaya ang mga sumunod nilang kilos ay idinikta na ng kanilang maulap na isip at pagnanasa ng katawan.

Hinubaran nila ang isa’t isa. Walang itinira kahit isang saplot. Naghalikan muna sila at nagyakap, naghawakan ng maseselang bahagi, tapos nahiga. Nadama rin ni Alberto ang kutson sa kanyang likod. At nang siya ay paibabawan ni Miguelito at paghahalikan sa iba’t ibang dako ng kanyang katawan, hindi lang lambot kundi pagduruyan ang kanyang naramdaman.

Ginaya nila ang nasa magasin. At dahil bago iyon sa kanilang karanasan, bukod pa sa pagpapatalas ng alak sa kanilang pandama, nalasap nila ang kakaibang sarap at nakamit ang walang kahulilip na ligaya.

Makalawa silang umabot sa rurok at tatatlo pa sana kung hindi lang sila hapong-hapo na.

At dahil sa pagkasaid ng lakas at tuluyang pagkalasing, nakatulog silang magkayakap, magkadaop ang mga kaselanan na hindi pa rin humuhupa ang pag-uumigting.

***

Bandang hapon, dumating sina Don Miguel, Doña Anastasia at Isabel. Nadatnan nila sa balkonahe si Mang Berting.

“O Berting, ano’t naririto ka?” ang tanong ni Don Miguel pagkababa ng kotse.

“Sadyang hinihintay ko po kayo, Don Miguel,” ang sagot ni Berting. “May nais po sana akong ikonsulta sa inyo tungkol sa pagdaragdag ng mga punla at pataba sa nalalapit na pagtatanim.”

“Ganoon ba? Sige, maupo ka at pag-usapan natin.”

Si Isabel ay tumungo sa hardin at hinagilap si Temyong.

“Ipamitas mo ako ng mga rosas para sa aking silid,” ang kanyang utos. “Ang gusto ko sana ay iyong mga pabukadkad pa lamang.”

“Opo, Señorita,” ang sagot ni Temyong na kaagad umiwas ng tingin.

Si Doña Anastasia naman ay tumuloy na sa loob ng bahay. Inaalala niya si Miguelito at gusto niyang alamin ang kalagayan nito.

Binati siya ng mga katulong na kinabibilangan ni Aling Rosa pagbungad niya sa salas.

“Rosa,” ang kanyang sabi. “Ipagpaakyat mo ako ng tsaang maiinom.”

“Opo, Señora.”

“Siyanga pala, kumusta si Miguelito?”

“Maayos naman po. Nagpapahinga sa kanyang silid. Naroroon po si Alberto, ang aking anak. Ipinatawag po ni Señorito upang siya ay samahan.”

Napataas ang isang kilay ni Doña Anastasia. Sa loob-loob niya, bakit pinapasok ni Miguelito sa kanyang silid ang anak ng muchacha?

Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan. At sa halip na pumasok sa silid nilang mag-asawa, dumiretso siya sa dulo ng pasilyo na kung saan naroroon ang silid ni Miguelito.

Huminto siya sa tapat ng pinto at kumatok.

“Miguelito?” ang tawag niya.

Walang tugon.

Muli siyang kumatok at tumawag.

“Miguelito?”

Tahimik pa rin sa loob.

Hindi mawari ni Doña Anastasia kung bakit kinakabahan siya, kung bakit biglang-bigla ay nagkaroon siya ng pangamba.

Hinawakan niya ang seradura at sinubukang pihitin iyon. Hindi naka-lock. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto.

At siya ay nagitla sa kanyang nabungaran.

Ang tahimik na hapon ay binulabog ng kanyang malakas na palahaw.

(Itutuloy)

Part 14