Thursday, August 4, 2011

Plantation Resort 13

Pista sa karatig-bayan. At dahil kaibigan ni Don Miguel ang alkalde, hindi niya natanggihan ang imbitasyon nito.

Buong pamilya sana silang dadalo subalit nagdahilan si Miguelito na masakit ang kanyang ulo. Kaya nang umalis sina Don Miguel, Doña Anastasia at Isabel, naiwan siya.

Pero ang totoo, wala naman siyang sakit. Ayaw niya lang pumunta dahil mababagot lang siya. Ayaw niya ring makihalubilo sa mga taong hindi niya kilala.

Nagkulong siya sa kuwarto at nagpaakyat ng pagkain at juice. Ipinatawag niya rin si Alberto.

“May sakit ka raw?” ang bungad ni Alberto pagkapasok. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakaakyat siya roon at nasilayan ang loob. Wala ang inaasahan niyang karangyaan, maliban sa mga antigong kasangkapan. Marahil dahil silid iyon ng lalaki. Subalit maayos at napakakumportable ng kabuuan niyon.

“Wala, nagkunwari lang ako,” ang sagot ni Miguelito. “Halika, dito ka,” sabay muwestra sa tabi ng kamang kinauupuan niya.

Pag-upo ni Alberto, nadama niya ang lambot ng kama. Kaagad niyang naisip, ano kaya ang pakiramdam niyon kapag hinigaan?

“Bakit hindi ka sumama sa pista?” ang tanong niya kay Miguelito habang umuuga-uga sa kutson.

“Hindi rin ako mag-e-enjoy doon,” ang sagot.

“Maraming masasarap na pagkain doon.”

“Masasarap din naman ang mga pagkain na iniluluto ng Nanay mo.”

Napangiti si Alberto sa narinig na papuri sa ina. “Sabagay.”

“At saka mula nang dumating si Isabel, ang tagal na rin nating hindi nagkakasama na tayo lang. Ngayong wala sila, maaari tayong magkasarilinan.”

Nadagdagan ang ngiti ni Alberto. “At ano naman ang iyong naiisip gawin?”

Napangiti na rin si Miguelito. “Marami.”

“Katulad ng…?”

“Katulad ng mga sikretong ginagawa natin kapag tayong dalawa lang.”

“Nandito tayo sa bahay n’yo, baka mahuli tayo.”

“Wala nga sina Papa. At walang tagapagsilbi na mangangahas pumasok dito nang hindi ko ipinapatawag.”

“Pero alam nilang naririto ako… sa silid mo.”

“E ano naman? Walang mag-iisip sa kanila na may ginagawa tayo nang higit sa ginagawa ng magkaibigan.”

At bago pa siya makapaghayag ng karagdagang pangamba, pinatahimik na si Alberto ng mga labi ni Miguelito na kaagad dumampi sa mga labi niya.

Nagdumiin iyon na malugod niyang tinanggap. Ilang sandali pa ay nagsalitan na sila sa pagngabngab. Nagpalitan sa pagsipsip, pagkatas at paglasap sa tamis ng kanilang mga bibig.

Bago pa sila tuluyang magrikit, bumitiw si Miguelito. “Sandali,” ang sabi. “May ipakikita ako sa’yo…”

May kabiguan man sa pagkakatigil, nanaig ang kuryusidad ni Alberto na malaman kung ano iyon.

Mula sa ilalim ng kutson ng kama ay may hinugot si Miguelito. Isang luma at gusut-gusot na magasin. Macho, ang sabi sa cover. Napamulagat si Alberto sa hubad na lalaking nakalarawan doon.

“Saan galing ‘yan?” ang kanyang tanong.

“Kay Leandro. Binili niya sa Quiapo.”

Kaagad niyang binuklat iyon. Higit na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa mas bulgar na nilalaman niyon. Mga mestisong lalaki, pulos guwapo, nakahubad at walang pakundangang nakabuyangyang. Pagkatitikas hindi lamang ng mga katawan kundi pati ng mga ari. First time niyang makakita nang ganoon at naalinsanganan siya sa excitement.

“May sorpresa pa ako sa’yo,” ang sabi ni Miguelito kapagkuwan.

Saglit na naudlot ang kanyang pagpipista sa mga larawan.

Mula sa ilalim ng kama ay inilabas ni Miguelito ang isang bote. Kahit walang etiketa, alam na ni Alberto kung ano ang laman niyon. Lambanog. Sa itsura at kulay, hindi siya maaaring magkamali.

“Saan mo kinuha ‘yan?” ang tanong niya kay Miguelito.

“Ipinapuslit ko kay Temyong,” ang sagot.

“Iinom tayo?”

“Bakit hindi?”

“Baka malasing tayo.”

“Konti lang. Mas masarap tumingin sa magasin habang umiinom. At mas masarap ding mag-ano kapag nakainom.”

“Anong mag-ano?”

“Alam mo na ‘yun.” Naroroon ang kapilyuhan sa mga mata ni Miguelito habang nakatingin at nakangiti sa kanya.

Muli siyang napangiti dahil nagmamaang-maangan lang naman siya na hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng ano.

Kinuha ni Miguelito ang baso ng ininom niyang juice at nagsalin ng lambanog. Siya ang unang tumikim.

Napangiwi siya pagkaraang uminom ng kaunti. At pagkatapos ay iniabot kay Alberto ang baso.

Uminom si Alberto at napangiwi rin. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang matapang na ispiritu ng alak at siya ay nasamid.

Subalit kinalaunan, sa pagpapalit-palit nila sa pagsimsim ay nagsimula na nilang makasanayan ang lasa nito, sabay sa higit na pag-iinit ng kanilang pakiramdam na bukod sa alak ay dulot din ng magasin na kanilang binubuklat.

Sa mga huling pahina niyon ay naroroon ang mga larawan ng dalawang lalaking nagtatalik. May mga posisyon itong hindi pa nila nasusubukang gawin.

Lasing na sila at libog. Kung kaya ang mga sumunod nilang kilos ay idinikta na ng kanilang maulap na isip at pagnanasa ng katawan.

Hinubaran nila ang isa’t isa. Walang itinira kahit isang saplot. Naghalikan muna sila at nagyakap, naghawakan ng maseselang bahagi, tapos nahiga. Nadama rin ni Alberto ang kutson sa kanyang likod. At nang siya ay paibabawan ni Miguelito at paghahalikan sa iba’t ibang dako ng kanyang katawan, hindi lang lambot kundi pagduruyan ang kanyang naramdaman.

Ginaya nila ang nasa magasin. At dahil bago iyon sa kanilang karanasan, bukod pa sa pagpapatalas ng alak sa kanilang pandama, nalasap nila ang kakaibang sarap at nakamit ang walang kahulilip na ligaya.

Makalawa silang umabot sa rurok at tatatlo pa sana kung hindi lang sila hapong-hapo na.

At dahil sa pagkasaid ng lakas at tuluyang pagkalasing, nakatulog silang magkayakap, magkadaop ang mga kaselanan na hindi pa rin humuhupa ang pag-uumigting.

***

Bandang hapon, dumating sina Don Miguel, Doña Anastasia at Isabel. Nadatnan nila sa balkonahe si Mang Berting.

“O Berting, ano’t naririto ka?” ang tanong ni Don Miguel pagkababa ng kotse.

“Sadyang hinihintay ko po kayo, Don Miguel,” ang sagot ni Berting. “May nais po sana akong ikonsulta sa inyo tungkol sa pagdaragdag ng mga punla at pataba sa nalalapit na pagtatanim.”

“Ganoon ba? Sige, maupo ka at pag-usapan natin.”

Si Isabel ay tumungo sa hardin at hinagilap si Temyong.

“Ipamitas mo ako ng mga rosas para sa aking silid,” ang kanyang utos. “Ang gusto ko sana ay iyong mga pabukadkad pa lamang.”

“Opo, Señorita,” ang sagot ni Temyong na kaagad umiwas ng tingin.

Si Doña Anastasia naman ay tumuloy na sa loob ng bahay. Inaalala niya si Miguelito at gusto niyang alamin ang kalagayan nito.

Binati siya ng mga katulong na kinabibilangan ni Aling Rosa pagbungad niya sa salas.

“Rosa,” ang kanyang sabi. “Ipagpaakyat mo ako ng tsaang maiinom.”

“Opo, Señora.”

“Siyanga pala, kumusta si Miguelito?”

“Maayos naman po. Nagpapahinga sa kanyang silid. Naroroon po si Alberto, ang aking anak. Ipinatawag po ni Señorito upang siya ay samahan.”

Napataas ang isang kilay ni Doña Anastasia. Sa loob-loob niya, bakit pinapasok ni Miguelito sa kanyang silid ang anak ng muchacha?

Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan. At sa halip na pumasok sa silid nilang mag-asawa, dumiretso siya sa dulo ng pasilyo na kung saan naroroon ang silid ni Miguelito.

Huminto siya sa tapat ng pinto at kumatok.

“Miguelito?” ang tawag niya.

Walang tugon.

Muli siyang kumatok at tumawag.

“Miguelito?”

Tahimik pa rin sa loob.

Hindi mawari ni Doña Anastasia kung bakit kinakabahan siya, kung bakit biglang-bigla ay nagkaroon siya ng pangamba.

Hinawakan niya ang seradura at sinubukang pihitin iyon. Hindi naka-lock. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto.

At siya ay nagitla sa kanyang nabungaran.

Ang tahimik na hapon ay binulabog ng kanyang malakas na palahaw.

(Itutuloy)

Part 14

27 comments:

zeke said...

Ano kaya ang namasdan ni Doña Anastasia? :P

JJ Roa Rodriguez said...

Oh my gosh! my mother for sure cannot even scream if she saw me in that situation. hahaha! knowing im gay is enough for her...

JJRod'z

Rygel said...

next! next!

nubadi said...

page turner cpmes to mind, Aris. don't tire, we're waitong hehehe

Anonymous said...

nakaka-excite naman ang story na to... kakabitin at the same time... waiting for the continuation...=D

Anonymous said...

paktay!mahuhuli ata! :)

Arnel said...

my heart is beating fast for the next scene...

Wastedpup said...

X-citing ang susunod na mangyayari...

Aris said...

@green breaker: malalaman natin sa next chapter. :)

@jj rodriguez: actually, maaaring matulala rin sa shock. pero si doña anastasia, napasigaw talaga siya. siguro dahil din sa galit. :)

@rygel: coming. coming. :)

Aris said...

@dsm: i'm working on the continuation now. di kayo maghihintay nang matagal. promise. :)

@anonymous: susunod na kaagad para di ka mabitin. :)

@jay rulez: abangan! hehe! :)

Aris said...

@arnel: breathless din ako habang ginagawa ang karugtong. :)

@wastedpup: don't miss it. :)

Anonymous said...

aris:

kinakabahn ako lagi pag may plantation resort akong nakikitang entry.ganun ang effect niya. ung sunod na please.jan

RainDarwin said...

Oh-em-ji ! Nayanig ang aking Sunday! matagal ako nito bago maka-get over.

Ayokong basahin ang chapter 14!

(ching)

Aris said...

@jan: talaga? hehehe! naku, yung susunod, mas nakakakaba. :)

@raindarwin: naku, papa p., huwag mong palalampasin yung next chapter. mas exciting! :)

Lasher said...

So exciting!

=)

Anonymous said...

Hi my friend,

i have been silently following this story. really nice! can't wait for the next part.

how've you been? i hope things are going ok with you.

much love,
Bewired

Aris said...

@lasher: naku, mas exciting ang karugtong. hehe! :)

@bewired: friend!!! i am so happy to hear from you. ok naman ako. ikaw, kumusta na? salamat naman, binabasa mo pa rin ako. hehe! i hope everything's well with you and your loved ones. ingat ka lagi diyan. love you too. mwah! :)

Jhamy whoops! said...

hala ka! nakaka excite ang eksena... nako ano kaya ang nadatnan no donya?


san nang susunod na kabanata?

Anonymous said...

I am doing great. thanks much. yeah, my loved ones are doing great, too - thanks God.

i think i should meet up with you on my next visit? haha!

of course... of course... i still visit your blog everyday. it has become my routine already.

you take care always, yeah?

much love,
Bewired

Eli said...

kuyaaaa naaalala mo pa ko?? wala lang.. followed you imy kuya! :D

Aris said...

@jhamy whoops!: abangan! lapit na kasunod. :)

@bewired: sure, my friend, why not? salamat. ingat ka rin always. :)

@elay: siyempre naman, my little bro, naaalala pa rin kita. ikaw nga diyan, akala ko, nakalimutan mo na ako kasi sikat na dancer ka na. joke! hehe! ano, kumusta na? :)

Unknown said...

Ngaun lang ako magkocomment.interesting yung kwento.Mukhang mahaba haba pa..Ano kaya yung mangyayari kina Alberto at Miguelito. Hay mukhang indi ata ito maganda.Abangan ko yung susunod. Nakakaexcite tuloy.

Aris said...

@jayfinpa: hello. maraming salamat. korek, mahaba-haba pa ang kuwento. actually, book one pa lang ito. at ang balangkas ng kuwentong ito ay hanggang book three. nabigla nga ako nang simulan ko kasi nobela talaga ito. but anyway, para mapasaya kayo, itutuloy-tuloy ko na. sana higit n'yo pang magustuhan ang mga susunod na kabanata. :)

Eli said...

hahaha grabe naman yung sikat! kuya friend na ba kita sa facebook? haha ano email mo dali

Aris said...

@elay: maniniwala ka ba na wala akong facebook? anyway, i'm always here naman and we can still keep in touch. ingat always. :)

Anonymous said...

hay kelan ang karugtong.... bitin wahhhhhhhhhhhh nakakainlove ang story.... ramy of qatar

Aris said...

@anonymous: hello ramy. i am posting part 15 soon. hope you've already read part 14. thanks and enjoy! :)