Sabay sa pag-uuwian sa Pasko ng mga nasa malalayong lugar
ay ang Alumni Homecoming ng alma mater ko sa probinsya. Dalawang araw bago ang
Homecoming Night, nagkakaroon muna ng sari-saring mga palaro sa campus na kung
saan naglalaban-laban ang mga batch.
“Gusto mo bang manood ng basketball?” ang tanong sa akin
ng pinsan kong si Ron. “Batch n’yo at batch namin ang maglalaban.” Schoolmates
kami ni Ron at one batch ahead ako sa kanya.
“Sige,” ang sabi ko. Ayoko sana dahil hindi naman ako
mahilig sa basketball kaya lang medyo bored na ako sa bakasyon. Kailangan ko ng
distraction.
“Kaklase mo si Alvin Alvarez, di ba?” ang sabi ng pinsan
ko. “Star player noon sa varsity. Isa siya sa mga maglalaro para sa batch n’yo.
Alam mo bang doctor na siya ngayon?”
Natigilan ako. Hindi dahil sa hindi ko maalala si Alvin
Alvarez kundi dahil sa isang pangyayari noong kami ay third year high school.
Isang pangyayaring nakakagulantang at hanggang ngayon ay hindi ko malilimutan.
***
Absent ang teacher namin kaya ang gulo ng klase.
Grupo-grupo at magkakaumpok ang mga “magkaka-uri”.
Matalino. Pasaway. Bading. Tahimik. Bobo. (All-boys school kami, by the way.)
Doon ako sa grupo ng mga tahimik na ang umpukan ay
naka-puwesto sa likod ng mga pasaway. Isa sa mga kagrupo ko ay si Jeremy na
pinakapormal sa klase. Nagbabasa lang
kami habang ang mga pasaway ay maiingay at magugulo. Nasa grupong iyon si Alvin Alvarez na tila siyang
namumuno.
Naging aware ako sa kung ano ang sanhi ng ingay at
pagkakagulo ng grupong Pasaway. May binubuklat silang magasin ng mga hubad na
babae. At dahil nasa likod lang nila kami, dinig namin ni Jeremy ang kanilang
mga komento.
“Ang laki ng dyoga!”
“Ang puti ng singit!”
“Ang sarap pagdyakulan!”
And with that, napansin kong hindi mapakali ang mga gago.
Nag-iinit sila at hindi nila iyon maitago. Pinagdiskitahan nila ang grupo ng
mga bading. Nilapitan nila ang mga ito at pilit na nagpapahipo. Tilian ang mga
bading at takbuhan. Habol sila ng mga pasaway.
Maya-maya’y tumigil din ang mga pasaway sa pangha-hassle
sa mga bading at nagsibalik sa kanilang umpukan. Subalit patuloy pa rin sila sa
kanilang kaguluhan. Hindi pa rin binibitawan ang magasin. Umuulan pa rin ng
dirty comments habang panay ang kambyo. Napansin ko ang higit na pamumukol ng
kanilang mga harapan.
“Tigas na tigas na ako, mga pare!” ang bulalas ni Alvin
Alvarez.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit parang na-excite
ako pagkarinig sa tinurang iyon ni Alvin. Maging si Jeremy ay nasulyapan kong nag-angat
din ng tingin.
At nagulantang ako sa sumunod na ginawa ni Alvin. Bigla
niyang inilabas ang kanyang ari!
Napasinghap ako. It was the most gorgeous thing I have
ever seen! Pink at napakaganda ng hugis. Totoo ngang tigas na tigas siya!
Parang hindi ako makahinga. Naramdaman ko ang biglaang guhit
ng kung anong mainit sa aking loob. Sumikip ang brief ko. Parang sinabunutan
ang pubes ko dahil sa biglaang erection.
Maging ang ibang mga pasaway ay nagulat at namangha. Natigilan
din sila at pagkatapos ay napatawa.
Agad din namang itinago ni Alvin ang ari niya.
Napatingin ako kay Jeremy. Nakamulagat ito. Nakanganga at
namumula.
Nagtama ang aming mga mata at agad na nabulgar ang
sikreto ng pagkatao namin sa isa’t isa.
Mula noon, si Alvin na ang laging laman ng aking
pantasya.
And I assume, gayundin si Jeremy. At ang iba pang mga klosetang
nakasaksi sa pagiging exhibitionist ng star player ng aming varsity.
***
Punumpuno na ang gymnasium nang dumating kami ni Ron. At
dahil maglalaro siya para sa batch nila, naiwan akong mag-isa. Okay lang naman
dahil homecoming nga, marami akong kakilala. Nakipagkumustuhan ako sa mga
nakakasalubong at nadaraanan pero hindi ako nag-stay o nakiumpok sa kanila.
Tuluy-tuloy ako sa paglalakad paakyat sa bleachers. Mas gusto kong doon
pumuwesto, sa lugar na kung saan naka-assign ang aming klase sa tuwing may
assembly kami noong hayskul. Nang marating ko iyon, tumayo muna ako at iginala
ang paningin. Nasa mataas na bahagi ako ng bleachers. Kitang-kita ko ang buong
court at ang buong gymnasium. Ang daming tao na kung hindi man alumni ay mga
kasalukuyang estudyante siguro. Masigla ang amosphere. Lahat masaya. Parang
piyesta.
Nasa court na ang mga maglalaro ng basketball at
nagwa-warm up. Hindi ko na siya kinailangang hanapin pa. Si Alvin Alvarez.
Naroroon siya na kaagad na umagaw sa aking pansin dahil sa kanyang katangkaran
at maliksing mga galaw. After all these years – nagkaedad na kami at lahat –
namumukod-tangi pa rin ang kakisigan niya. Kakaiba pa rin ang dating. Parang
artista. Siguro’y dahil maputi siya at makinis. Ang pangangatawan ay dati pa
rin at walang naiba. Muling nanumbalik sa aking alaala ang pagkakataong iyon na
gumulo sa aking isip at kumumpirma sa aking kasarian. Siya ang secret love ko
noon. So secret na hanggang sa gumradweyt kami, walang ibang nakaalam. Maliban
na lang siguro kay Jeremy.
And speaking of Jeremy, namataan ko siyang nakaupo sa
di-kalayuan. Nakatutok din ang mga mata sa court. Alam ko kung sino ang
sinusundan ng kanyang tingin. Si Alvin, but of course! Pinagmasdan ko ang aking “karibal” at ako’y
nangiti na lamang.
Simpleng-simple si Jeremy. Naka-white polo at black
pants. Naka-leather shoes pa. Samantalang ako – naka-fit na T-shirt, skinny
jeans at rubber shoes. Naka-spikes pa ang buhok. Kung siya’y nagtatago pa rin
hanggang ngayon, ako hindi na.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan at nang ako’y nasa tabi
na niya, saka niya lang ako napansin. Kaagad niya akong nginitian.
Sandaling bumalik ang tingin niya sa court – kay Alvin –
at pagkatapos, sa akin uli.
Sinalubong ko ang kanyang mga mata at muling nanariwa ang
lihim na hanggang ngayo’y pinakaiingatan namin.
Ngumiti ako at inabot ko ang kanyang kamay.
Nagmano ako sa kanya bago umupo.
“Congratulations, ” ang sabi ko.
“Para saan?” ang tanong niya.
“Para sa ‘yong appointment,” ang sagot ko.
Nabalitaan ko kasi, si Jeremy na ang bagong Kura Paroko
ng aming simbahan.
22 comments:
Nice twist at the end! :D
nakakabitin yung lihim na pinaka-iingatan. hoping that there will be another entry about it. :D
@geosef: thanks. hehe! :)
@angel: ang lihim na pinakaiingatan ay ang tunay na pagkatao ni father. hehe! :)
Sigurado nagulat si father nung magmano ang kaklase niya, gaya ng pagkagulat ko sa last sentence hehe.
@aboutambot:oo nga hehe! sa probinsya kasi kahit matatanda nagmamano sa paring bata. :)
HE HE HE HE, surprisingly funny ang last sentence.
@anonymous: puma-punchline lang hehe! :)
Kakaiba... nice one! now reading your other blog entry.
@felmo: thank you. welcome to my blog and please enjoy your stay. :)
I like it :) thanks for sharing
@anonymous: glad you liked it. salamat din sa pagbabasa. :)
nakakatawa silang dalawa pero
awww...
nasaktan ako para kay jeremy, haha.,
@jay calicdan: ok lang naman si jeremy. happy siya sa kanyang bokasyon. :)
What a twist. Bilib na talaga ako sa style mo sa pagsusulat. Sarap basahin. Talagang di mo titigilan hanggang hindi tapos.
@anonymous: thanks. nakaka-inspire naman. :)
this is your style, napasin ko na palaging sa dulo or befoe the end nandoon yung twist o kung anumang intensyon mo sa story, effective and nice but it will be a predictable one later on.
@anonymous: thanks for the feedback. i'll keep that in mind. :)
Bat kulang po? San ko mababa to ng buo. Ty
Kawawa naman si jeremy. If someone from your hometown happens to read your blog, they might read this and then put 2 and 2 together and conclude that their hometown parish priest is gay.
@anonymous 12:08 : buo na po ito. sadyang mukhang bitin lang. :)
@anonymous 6:53 : please don't worry. kung iyong mapapansin, wala akong binanggit na lugar. ang lahat ng pangalan ng mga tauhan ay akin ding pinalitan. :)
Post a Comment