Tuesday, October 14, 2014

Drink | Dance | Drama

Nitong Sabado, napagplanuhan namin nina Allen at Axel na mag-O. Nagkita muna kami ni Axel sa Shangri-La at sabay na kaming pumunta. Dumating si Allen na may kasamang dalawa pa – sina Elmer at Lee – na first time kong ma-meet. Na-take note ko kaagad na pareho silang may itsura. Uminom muna kami sa Jay-j’s. Maya-maya pa’y dumating ang dalawa pa naming friends – sina Kristoff at Argel. Pito na kaming lahat at habang nalalasing, patuloy ang kuwentuhan at biruan namin. Napansin ko na sina Elmer at Lee ay palaging tawang-tawa sa jokes ko. Bumulong ako kay Allen: “I like your friends.” “Define ‘like’,” ang sagot niya. “Like, as in gusto ko rin silang maging friends.” “Etchosera.” Ayaw maniwala. Ok, fine, ine-etchos ko siya. Dahil ang totoo, ipinapakilala pa lang niya ako sa dalawa, crush ko na silang pareho. Haha! “Parehong single ‘yan,” ang sabi ni Allen. “Mamili ka na. Sino ba sa dalawa?” Sa halip na sumagot ay pinagtakpan ko na lamang ng tawa ang tanong niya.

Later on, naging madali sa akin ang pumili. Nasilip ko kasi si Elmer na nagbukas ng Grindr sa kanyang phone. Ay, ayoko na sa kanya. Maraming kakumpetensya. Haha! Kaya nag-focus ako kay Lee. Chinika-chika ko. Saan ka nagwo-work? Ilang taon ka na? Etc. Sagot naman siya ng sagot, nakangiti pa. At kinalauna’y nagkukuwento na. At habang nag-uusap kami, saka ko lang na-place kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. May hawig ang features niya – ilong, mata, bibig – sa ex ko noong college. Needless to say, lalong nadagdagan ang attraction ko sa kanya.

Bandang ala-una, napagpasyahan na naming pumunta sa O. Lasing na kaming lahat, lalo na ako. Dahil ewan ko naman, masyado akong nalibang at siguro’y dahil ang tagal ko ring hindi lumabas at masyado akong nasabik sa beer kaya hindi ako nagbilang ng bote. Ako yata ang pinakamaraming nainom. Pero okay pa naman ako, nakakalakad pa rin ng diretso. Iyon nga lang inalalayan ako ni Allen dahil alam niya – kilala niya ako – na sa gayong mga pagkakataon kailangan ko ng tulong. At ang ikinagulat ko, aba, nakialalay din si Lee. Hmmm, additional pogi points for him! Hehe! Itong si Allen, masyadong perceptive dahil napansin niya iyon. At masyado ring playful. Ang ginawa, bumitiw sa akin at hinayaan si Lee na mag-isang umalalay sa akin. Ngiting-ngiti si Allen – at napansin kong gayon din si Axel – habang pinagmamasdan kaming naglalakad ni Lee nang magkaakbay.

Pagkapasok sa O, pagkaraang mangalahati ako sa Red Horse na iniabot sa akin ni Axel, doon ko na naramdaman ang extent ng kalasingan ko. Nasusuka ako. Sinabi ko kay Allen. Kaagad niya akong sinamahan sa restroom. Nag-unload ako sa cubicle and I felt better. Nabawasan ang hilo ko at umayos ang pakiramdam ko. Back to normal. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom and we hit the dancefloor. Kaming pito, nagsayaw kami nang nagsayaw. Nag-partner kami ni Lee at makailang-ulit na na-tempt akong siya ay halikan or at least maging forward at ipakita sa kanya ang aking interes. Pero, ewan ko ba, sa kabila ng epekto ng alak ay parang hindi ko iyon magawa. Nahihiya ako na nag-aalangan. Baka magulat. Kulang na yata talaga ako sa practice dahil unsure ako sa susunod na gagawin. Naisip ko rin, this has to be different. If I intend to connect with him, kailangan may respeto. Hindi ko siya dapat biglain dahil baka isipin niya, ang presko ko. Ayaw ko ring isipin niya na player ako dahil matagal na akong gumradweyt doon. And so, nagpatuloy kami nang ganoon. Pakiramdaman lang. Pangiti-ngiti kami pareho at pabulong-bulong upang makalikha ng conversation. Kinalaunan, napansin ko, we’re not getting anywhere. Inisip ko na hanggang ganoon na lang ba kami buong gabi? Si Allen na nasa di-kalayuan at  kanina pa pala kami pinagmamasdan ay lumapit sa akin at nagyayang mag-CR. May sasabihin daw siya sa akin.

“What happened to you? Nawala na ba ang angas mo?” ang sabi niya kaagad sa akin. Hindi kami sa CR tumuloy kundi sa labas. Nagsindi ako ng sigarilyo. “Natotorpe ka ba kay Lee?” ang dugtong pa niya. “Hindi naman,” ang sagot ko. “Then why? Kanina pa kayo nagsasayaw, walang nangyayari.” “Tinatantya ko pa kasi. Baka mabigla.” “Hindi ‘yun mabibigla. Hindi na inosente ‘yun sa mga ganito.” Humithit at bumuga ako ng usok sa sigarilyo ko. Kung nagtataka si Allen, ako rin nagtataka sa sarili ko. Hindi ako dating ganito. Dati, hindi na ako nag-iisip. Go lang nang go. Bakit ngayo’y…? I tried to explain myself kay Allen. “Alam mo naman, tapos na ako sa mga kalandian. Nagbago na ako, friend. Iniisip ko kasi, kung gusto kong magkaroon ng seryosong relasyon, kailangan maging seryoso na rin ako sa mga ways ko. Madaling maghanap ng sex. Madaling makipaghalikan sa kung sino-sino. Pero di na talaga iyon ang gusto ko.” “I know,” ang sagot ni Allen. “Kaya lang, friend, kung ganyang sobrang bagal mo, baka isipin ni Lee, hindi ka interesado. Ewan ko ha. Walang masama sa sinasabi mo. In fact, I agree with you na panahon na talaga para ikaw ay magseryoso.  Kaya lang, sayang naman kung hindi ka magiging maagap. Mahalaga ang timing, you know. Obvious naman na okay ka kay Lee. Ano pa ba ang hinihintay mo? At least you have to assure him na okay rin siya sa’yo, na interesado ka. Don’t bore him waiting for your next move.”

Kahit parang usapang lasing – pareho kaming lumalaklak ng beer – alam kong nagkakaintindihan kami ni Allen. Gets ko ang kanyang point kaya sabay sa pag-ubos ko sa sigarilyo at beer, nakabuo ako ng resolve na sige, I have to be my old self again – ‘yung go-getter, mapangahas at hindi mahiyain. Kailangan eh.

Muli kaming pumasok ni Allen sa loob. Nang sumulyap ako sa kanya, ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nagsasabing: “Ano pa ang hinihintay mo? Kumilos ka na.” Nginitian ko siya to assure him na exactly ‘yun ang aking gagawin. Inihakbang ko ang aking mga paa, papalapit sa kung saan iniwan namin si Lee. Punumpuno ako ng confidence. Tiyak na tiyak ang gagawin. Nanumbalik sa akin ang feeling noong mga panahong walang-wala akong reservations pagdating sa mga ganitong bagay, iyong mga panahong sobrang harot ko sa Bed. Hinanap ko si Lee sa siksikan ng mga nagsisisayaw, expecting him to be there… waiting for me. Noong una, akala ko, namamalikmata lang ako nang mamataan ko siya. Inakala kong hindi siya iyon. Na kasingkatawan lang niya at kapareho ng damit. Nakatalikod sa akin subalit hindi nag-iisa. May kasayaw nang iba. Napahinto ako sa paglapit at sinaklot ng hindi maipaliwanag na damdamin – magkakahalong gulat, disappointment, selos, lungkot, inis at kung anu-ano pang emosyon na tila nagpamanhid sa akin.

Walang anu-ano’y nakita kong naghahalikan na sila ng kanyang kasayaw.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay sa pagguho ng confidence ko at pag-set in ng pagkabigo. Para akong ipinako sa aking pagkakatayo. Nakabibingi ang malakas na music at ang mga drag queens na nagpe-perform sa stage ay tila nanunudyo, nang-iinis.

Naramdaman kong  muli ang epekto ng mga nainom ko. Nahihilo ako, nanghihina at parang lumulutang sa hangin. I was trying to steady myself nang maramdaman ko ang akbay ni Axel. Hindi man siya magsalita alam kong alam niya what's going on. Kanina pa siya nakamasid at kagaya ni Allen, perceptive siya sa mga pagkakataong gaya nito. Kailangan kong umalis at lumayo. Alam ni Axel na kailangan ko siya upang ako ay makakilos.

Pagpihit namin ay naroroon si Allen, nakatingin sa akin. Sa mga mata’y nakita ko ang higit na pakikisimpatiya kaysa paninisi. Umiling-iling siya at pagkatapos ay umakbay din sa akin.

Malamig ang hanging sumalubong sa amin paglabas namin ng O. Naroroon sina Kristoff at Argel, maging si Elmer, na tila naghihintay sa amin.

6 comments:

Mamon said...

Some things are just meant to be experienced. Pero di natin alam ang hinaharap. Malay mo.

Lasher said...

I know how you feel. I think we all have similar experencies, gay or straight, at one point or another. It quite curious though and I think nice to note that the competition did not come from within your circle of friends. I had that before. And that feels more fucked up. LOL!

Cheer up, cheerokee!

Anonymous said...

ok lang yun aris! cheer up!
kaya mo yan... ikaw pa!

red 08

Aris said...

@mamon: true. in a way, makakatulong ang ganitong mga karanasan upang higit na maging matatag. at malay nga natin, baka magbago pa ang ihip ng hangin. hehe! :)

@lasher: nangyari na rin sa akin 'yan. date ko siya supposedly pero nag-gravitate siya towards my friend. sakit nun ha! haha! :)

@red 08: oh yes. don't worry about me, my friend. i'm doing great. ako pa. :)

Anonymous said...

kaya nga siguro everyday open ko lagi blog mo. idol kita eh!

red 08

Aris said...

@red 08: wow naman. maraming salamat. mwahugz! :)