Ang kantong iyon ng nagku-krus na daan ay abandonado na.
Nilisan na ng mga yapak ng mga naghahanap, nagtatagpo, nagsasaya. Ang mga
gusali roon ay tahimik na, naglaho na ang mga musika at halakhak ng mga nagsisiindak.
Maliban sa mangilan-ngilang bar na ang mga ilaw ay aandap-andap, naglalamay, naghihintay sa muling pagbabalik ng mga
kaluluwa. Malamig ang hangin at wala na
ang init ng mga pagnanasa. Ang hihip ay lipos ng mga alaala. Mga alaalang nagmumulto sa sandali ng pag-iisa at pagkawala sa masalimuot na paghahanap ng ligaya.
2 comments:
so deep. I wonder what thoughts are going through your mind right now :)
@simon: wala naman masyado hehe! basta pumasok lang ito sa isip ko nang malaman kong walang black party sa malate this year. :)
Post a Comment