Tuesday, October 21, 2014

The Ugly Duckling

Gusto ko siyang intindihin. Dahil nang makilala ko siya, hindi siya “maganda”. Maitim, ma-pimples, mataba. 

Minsan daw nakipag-EB siya. Namuti na ang mga mata niya, hindi dumating ang ka-EB niya. Duda niya, naispatan na siya mula sa malayo at hindi mineet dahil hindi nagustuhan ang itsura niya. Hindi pa siya nadala. Nakipagkita siyang muli sa isang guwapong nakilala niya sa G4M. Hindi siya pinagtaguan subalit prangka siyang sinabihan na hindi siya type, na iba pala ang itsura niya sa personal at inakusahan pa siyang poser. Hurt na hurt siya noon dahil nagpagupit pa siya at bago ang damit niya. Pinaniwalaan niya tuloy na pangit talaga siya at wala nang pag-asa.

Noong mga panahong iyon na mababa ang tingin niya sa sarili, nagkakilala kami at naging friends. Naging bukas siya sa pagkukuwento ng mga karanasan at insecurities niya (kagaya ng mga nabanggit ko na) at ako’y naawa. Tinulungan ko siyang mag-transform dahil may nakita akong potensyal sa kanya at gusto ko ring magkaroon siya ng sweet revenge sa mga umapi sa kanya. Una’y nag-share muna ako sa kanya ng beauty tips -- tamang paglilinis at pag-aalaga ng skin, tamang pagko-conceal ng blemishes at pagfo-funda na hindi halata. Gayundin ang pag-aayos ng buhok na bagay sa hugis ng kanyang mukha. Sinamahan ko siyang maghanap ng mga damit -- iyong magmumukha siyang tall and slim. Isang gabing lumabas kami upang gumimik, napansin ko kaagad ang difference. It was very encouraging at siya ay tuluyan ko nang prinoject. Dinala ko siya sa aking derma hindi lamang upang maremedyuhan ang kanyang pimples kundi upang kumonsulta na rin tungkol sa skin whitening. Isinama ko siya sa gym at ipinakilala sa aking trainor. Binigyan siya ng programa at diet. To his credit, naging matiyaga naman siya at masigasig. Every two weeks siyang bumisita sa derma at four times a week siyang nagreport sa gym.

At hindi nga nagtagal, makalipas ang tatlong buwan, ayun na, kitang-kita na ang dramatic change. Kuminis na siya at pumuti. At pumayat na. At dahil nagkaroon na ng definition ang katawan niya, totally naiba na ang kanyang tindig. Naiba na rin ang kanyang wardrobe na karamiha’y body fit dahil siguro nais niyang i-show off ang kanyang bagong hugis. Hanggang kinalaunan, napansin ko na kapag kami’y gumigimik, ang dali niya nang kumonek. Ang dami na sa kanyang pumapansin at may mga pagkakataong nararamdaman ko na mas pinapansin na siya kaysa sa akin. Okay lang dahil natutuwa ako na makita ang kanyang metamorphosis and I take pride sa kanyang success.

Ang hindi ko lang ma-take ay ang ginawa niya sa akin na hindi ko inexpect. Inagaw niya ang aking boyfriend!

Summer noon at nagpunta kami sa beach -- buong barkada, kasama siya at ang aking boyfriend. Sa gitna ng aming pagpapakalasing, nahuli ko sila na may ginagawang kataksilan sa akin. They were kissing sa madilim na sulok ng cottage. I confronted them, pareho silang nagpaliwanag at nag-sorry but after that, things were never the same.

The ugly duckling has turned into a swan and what the heck, he’s going to enjoy the pond!

Gusto ko siyang intindihin. Na-overwhelm lang siguro siya ng mga biglaang pagbabago sa sarili niya at nakalimot sa mga bagay na off limits. Subalit masakit na ako ay tuluyan nang iniwan ng boyfriend at sa kanya ay ipinagpalit. Ang pakiramdam ko ngayon, ako na ang pangit.        

10 comments:

Aris said...

fiction. :)

Sepsep said...

"The Ugly Duckling Syndrome" is what I call it. :)

Aris said...

@sepsep: oh yes. hehe! :)

Anonymous said...

but its close to reality...
may Mga taong ganyan matapos mong tulungan ikaw pa ang gagaguhin.
Hindi alam ang salitang RESPETO!
masakit ang gawin sayo ang ganun
SOBRA!

red 08

Anonymous said...

Madami mga ganun sa blue planet

Marlon Mejia Caraan said...

awwwe ;'(

Aris said...

@red 08: totoo. at may mga na-meet na rin akong ganyang tao.

@simon: hmmm... ingat ingat sa pakikipag-konek. :)

@marlon mejia caraan: hello and welcome to my blog. thanks for joining. :)

Marlon Mejia Caraan said...

thanks :") @Aris haha kompleto yung name ko _._

nyoradexplorer said...

ang ugly duckling na naging swan pero mas UGLY pa

Aris said...

@nyoradexplorer: korekness. sana naging maganda hindi lang ang panlabas kundi pati ang panloob na rin.