A Guest Post
By MARKY FRIAS
“Are
you alright?” ang tanong ng lalaki sa likuran ko na dali-daling tumulong sa
akin upang makatayo.
“Vince,
ano’ng nangyari sa’yo?” ang tanong ni Greg na eksakto namang papalabas ng elevator.
Pinulot niya ang sumabog na mga papel sabay turo sa isang bagay na tumilapon din
dahil sa pagkakadulas ko.
“Hala, ang salamin ko.” Kaagad ko iyong pinulot at isinuot.
“Hindi
ka kasi nag-iingat.” Si Greg uli.
“May
pagka-lampa kasi talaga ako,” ang sagot ko.
“Naku,
tingnan mo ang nangyari sa salamin mo,” ang sabi pa niya. “Nagkalamat sa
frame.”
Sinalat
ko iyon. “Naku, oo nga. Bad trip!”
Nagprisinta
si Greg na siya nang bumuhat sa mga dala ko.
It’s
been almost two years nang mag-work ako after I graduated and decided to live
on my own. Noong una ayaw pumayag ni Mommy dahil only child ako. But later on,
sa kakukulit ko, napapayag ko rin. Spoiled daw kasi ako at immature pa, but I
wanted to prove myself. Naging malapit ako kay Greg, siguro dahil magkatabi
kami ng desk at dala na rin ng kakulitan ko at pagiging makuwento, instantly ay
nagkaroon ako ng bestfriend at kuya na rin sa katauhan niya.
Breaktime.
As usual, kanya-kanyang puwesto sa lounge ang mga kaopisina ko at nag-uumpisa
nang maghalo-halo ang amoy ng iba’t ibang klase ng kape. Nagpaiwan ako sa desk
ko at pinagmasdan ang salamin ko. Hindi nagtagal, nanariwa na naman sa aking
isipan ang mga pangyayari sa aking buhay kailan lang.
“You
said you love me. Na hindi mo ako iiwan. Bakit ngayo’y…” Namumugto na ang mga
mata ko sa kaiiyak. “Brent, please answer me…,” hawak ko nang mahigpit ang strap
ng nakasukbit niyang bag.
“I’m
really sorry, I thought we could be forever but sadly, we cannot.”
Wala akong nagawa kundi ang bumitiw.
Wala akong nagawa kundi ang bumitiw.
It
was in college nang magkakilala kami ni Brent. Sa campus gazette. Part ako ng
editorial team at siya naman, sa layout department. We became friends kahit
magkaiba kami. I’m quite outgoing, he’s not. I’m into arts at siya naman,
sports. We’re different pero nag-click pa rin kami. We kept our friendship
going until after graduation when we officially became boyfriends.
“A
penny for your thoughts?” Nagulat ako sa tinig ni Greg. Nabitawan ko ang
salamin na bumagsak sa mesa at tuluyang nadisgrasya.
“Oh no!” ang sabi ko habang dinadampot ang
naputol na bahagi ng frame. Kaagad niya itong kinuha sa akin.
“’Yan
na nga ba ang sinasabi ko. Wait here, I’ll try to fix this.” Saglit siyang
umalis.
After
a few minutes bumalik si Greg at naremedyuhan naman niya ang salamin sa
pamamagitan ng scotch tape.
The
day went on na parang lumulutang ako at wala sa sarili.
After
work sabay kami ni Greg na bumaba at nagtungo sa lobby. Tahimik pa rin ako.
Nandoon na si Paul nakatayo sa may reception.
“Kanina
ka pa ba?” tanong ni Greg.
“Hindi
naman masyado,” ang sagot ni Paul. Napatingin siya sa akin sabay tanong: “O,
Vince, anong nangyari sa salamin mo?”
“Nagmamadali
kanina kaya nadulas.” Si Greg ang sumagot.
“Mag-ingat
ka sa susunod…” ang sabi ni Paul.
“Opo,”
ang tangi kong naisagot.
Inakbayan
ako ni Paul. “Good.”
Naglakad
na kami papuntang sakayan. Nasa gitna ako nina Greg at Paul na parehong protective
na nakaakbay sa akin.
Nakatira
ako sa dorm na kalapit ng dorm nina Greg at Paul. Dahil na rin sa kakulitan ko
ay palagi akong nanggugulo sa kanila kapag weekend at kapag sobrang bored ako.
Kilala na rin ako ng ibang boarders doon. Lalo akong naging malapit sa kanila
nang minsan hindi sinasadya ay tuluy-tuloy akong pumasok sa kanilang kwarto at
naabutan kong naghahalikan sila. Akala ko ay magagalit sila pero natawa lang. Hindi
na nila kinailangang magpaliwanag dahil alam ko na at naiintindihan na may
namamagitan sa kanila. At dahil doon, nagbahagi na rin ako ng tungkol sa akin –
na ako ay nasa ganoon ding pakikipagrelasyon. Naging sympathetic sila sa
pakikinig sa aking kuwento. At hindi nagtagal, nagkukulitan na kami. Noong una akala ko suplado at seryoso si Paul pero parang bata rin pala kung
makipagkulitan.
Hindi
lingid kina Greg at Paul ang naging kumplikado kong relasyon kay Brent. Madalas
kaming magtalo at mag-away noon. Napagbubuhatan
niya pa ako ng kamay. Kahit alam kong nanlalamig na siya sa akin, patuloy pa
rin akong nag-effort upang kami ay magkaayos. But it was all for naught.
“Saan
mo gustong kumain?” ang tanong ni Greg.
“Libre
mo ako? Salamat…” Alam ko na ayaw nila akong nakikitang malungkot kaya pilit pa
rin akong nagpapakakalog.
“Doon
na lang sa karinderyang malapit sa’tin,” ang sabi ni Paul.
“Ang
kuripot naman…”
Tumuloy
nga kami sa karienderya at naglibre si Greg.
“Paul,
di ba may kaibigan kang Optometrist?” ang tanong ni Greg.
“Ah,
oo, si Jeoff , may clinic siya sa Quiapo. Maybe we should pay him a visit to
have your glasses fixed, Vince.”
“How
about this weekend? Sa Sabado.”
Saturday
came at maaga akong gumising. Nagmadali akong nag-ayos at pumunta sa dorm nina
Greg at Paul. Nadatnan ko si Aling Josie, ang kanilang landlady, na nagwawalis
sa bakuran.
“Good
morning po,” ang bati ko, nakangiti.
“Good
morning din iho. Maaga ka yata.”
“Mangugulo
lang po dun sa dalawa…” sagot ko sabay tawa.
“Natutulog
pa yata sila. Pero sige, umakyat ka na”
Dali-dali
akong pumasok at umakyat sa second floor. Magkakasunod na katok sa pinto ang
ginawa ko. May narinig akong biglang kumalabog (baka may nahulog sa kama).
Ilang saglit pa at bumukas ang pinto. Laking gulat ko nang makita si Paul na pupungas-pungas
pa at tanging boxers lang ang suot. Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla niya
akong hinatak sa loob. Kiniliti niya ako nang kiniliti hanggang sa
magpagulong-gulong kami sa kama. Tawa kami nang tawa. Maya-maya nakita ko si
Greg na papalabas ng CR. Humingi ako ng tulong pero lumapit siya at kiniliti
rin ako. Ang lalakas ng tawa namin. At dahil weekend, wala masyadong tao sa
dorm kaya walang magrereklamo sa ingay namin. Nang matigilan, sumenyas sa akin si
Paul at si Greg naman ang kiniliti namin. Halos mahubaran siya sa kagugulong at
katatawa. Nang tumigil na kami, agad siyang niyakap ni Paul. At habang pinagmamasdan
sila, naalala ko si Brent at ako ay nalungkot. Napansin yun ni Greg kaya
lumapit siya sa kinauupuan ko at niyakap ako. Lumapit din si Paul at ginulo ang
buhok ko.
“Don’t
be sad. Nandito naman kami ni Greg.”
Ngumiti
na lang ako at sabay silang niyakap, grateful sa kanilang friendship.
“Vince,
I’m sorry. Si Greg na lang ang sasama sa’yo kasi nagkaroon ako ng biglaang
lakad.”
“Ok
lang basta akin na lang ito,” ang sagot ko sabay bukas sa bag ng potato chips
na nahanap ko sa likod ng headboard. Palagi siyang nagtatago ng chips sa kung
saan saan sa kuwarto pero magaling akong maghanap.
“Grabe
ka, Vince.” Natawa na lang si Paul. Humalik si Greg kay Paul na yumakap naman sa
kanya. Ang sweet! Sa totoo lang, kinikilig ako sa kanila.
Umalis
na kami ni Greg at dahil weekend, wala gaanong traffic. Kaagad kaming nakarating
sa Quiapo at makaraang suyurin ang kalye ng mga optical clinics, supplies and
laboratories, natagpuan din namin ang clinic ni Jeoff. Pumasok kami at
sinalubong ng isang babae na nagpupunas ng mga display sa estante.
“Good
morning,” ang masaya niyang bati.
“Good
morning din,” ang sagot namin.
“We’re
looking for Jeoff. Ni-refer siya sa amin ng kaibigan ko,” ang sabi ni Greg.
“Sorry
sir, but he’s on leave.”
Isang
lalaki ang lumapit sa amin.
“Good
morning. Can I help you?” ang sabi. Sabay kaming napatingin at natigilan ni
Greg. Nakangiti sa amin ang lalaki na hindi naglalayo ang edad sa amin. Moreno,
matangkad, guwapo.
“I’m
Mon,” ang pakilala sa sarili.
“I’m
Vince,” ang pakilala ko rin.
Nagkamay
kami.
Siniko
ako ni Greg at doon ko namalayan na
hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Mon.
“I’m
Greg,” ang pakilala ni Greg. Nagkamay din sila ni Mon. “Ni-refer kami ni Paul
kay Jeoff. Magpapagawa kasi ng bagong salamin si Vince.”
“Wala
si Jeoff. Okay lang ba na ako na lang ang mag-attend sa inyo?”
Nakamasid
lang ako habang nag-uusap sina Greg at Mon. Maya-maya’y bumaling sa akin si Mon
at ngumiti. Agad akong umiwas at nagkunwaring tumitingin sa mga frames sa estante. Halos
hindi ko namalayan ang kanyang paglapit.
“Let me get a good look at those…,” ang sabi sabay
kuha sa suot kong salamin. Nanlaki ang mga mata ko at nang
mapansin niya ang reaksyon ko, bahagya siyang natawa.
“Ano’ng
nangyari dito?”
“Naupuan
niya,” ang sagot ni Greg sabay tawa.
“Naupuan?”
Nagtatanong pati mga mata ni Mon.
“Hindi,”
ang sagot ko. “Tumilapon nang madulas ako.”
“Oh.”
Muli kong nasilayan ang kanyang ngiti. “Anyway, you need a new frame. I also
need to check kung nagbago na ang grado ng mga mata mo.”
Matapos
niyon ay ipinakita niya sa akin ang iba’t ibang klase ng frames. Ang dami
niyang suggestions, at hindi ko maiwasang mapasulyap-sulyap sa kanya habang
ipinapakita sa akin ang mga frame sa estante.
“I
think bagay sa’yo ito.” Isinuot niya sa akin ang isang simpleng Diesel navy
blue frame. “See? You look cute!” He was again smiling.
Pakiramdam
ko nagba-blush ako kaya agad kong tinanggal ang frame at sinabi: “It fits well,
pero sana may grey.”
“Unfortunately,
out of stock na ito sa ibang kulay. But I can order and have your glasses ready
by next week,” sagot niya.
“That
will be great. Thanks, Mon.” Nagbayad ako pagkatapos niyang mag-issue ng job
order. At pagkatapos, nagpaalam na kami ni Greg at lumabas ng clinic.
Hindi
pa nakakalayo ay umakbay si Greg at pabirong nagtanong: “May sasabihin ka ba sa
akin?”
“Wala naman. Bakit, may dapat ba akong sabihin?”
“Wala naman. Bakit, may dapat ba akong sabihin?”
Ngumiti
lang siya. “Sige. Sinabi mo eh.”
Nagyaya
si Greg na gumala muna kami. Lakad-lakad, patingin-tingin sa mga paninda sa bangketa
hanggang sa makarating kami sa may simbahan. Maya-maya’y bigla akong natigilan.
Sa
di-kalayuan, sa gitna ng hugos ng maraming tao, isang pamilyar na mukha ang
aking namataan.
Si
Brent. At hindi siya mag-isa. May kasamang iba, nakaakbay sa kanya. Lalaki na
hindi ko kilala. Ito pala ang ipinagpalit niya sa akin.
Akala
ko ako lang ang nakapansin, pero napansin din pala siya ni Greg. “Vince, we
have to go,” ang hila niya sa akin palayo.
Nakatingin
pa rin ako kay Brent. At habang papalapit, napansin kong nakatingin na rin siya
sa akin. Hinawakan ako ni Greg sa braso at hinila papasok sa isang masikip at
mataong building na tindahan ng mga swarovski beads. Nagpasikot-sikot kami sa
mga pasilyo para lang makalayo at hindi masundan ni Brent.
Saglit
kaming nag-stay sa loob at nang sa palagay namin ay nakaalis na si Brent,
lumabas na kami sa kabilang exit at muli naming tinunton ang daan pabalik sa
LRT. Nagsimulang tumulo ang luha ko habang nakatingin lang sa akin si Greg.
“Vince!”
Sabay
kaming napalingon ni Greg. Si Mon, nasa kanto ng “optical” street. Mabilis
siyang humakbang papalapit sa amin. “Nalaglag mo kanina sa clinic,” ang sabi
habang iniaabot ang aking wallet.
“Ha?”
ang sabi ko, sabay kapa sa aking back pocket. “Naku, hindi ko napansin.”
“Buti
na lang, nakita ko kaagad sa sahig.”
Natigilan
si Mon, nakatingin sa akin nang mataman. “Is something wrong? Are you crying?”
Hindi
ako sumagot. Gayundin si Greg.
Sandaling
namagitan ang katahimikan sa amin.
“Naku,
muntik ko nang makalimutan,” ang biglang bulalas ni Greg. “May bibilhin nga
pala akong cake boxes.” Tumingin ito sa akin at pagkatapos ay kay Mon. “Ok lang
ba, Mon, iiwan ko muna sa’yo si Vince? Ako na lang ang pupunta sa bilihan para
mas mabilis.”
At
bago pa nakasagot si Mon – o ako – dali-dali na itong umalis.
“Vince,
siguro doon muna tayo sa clinic para makaupo tayo,” ang sabi ni Mon sa akin.
Tumango
ako at nag-text kay Greg na doon na lang kami maghihintay sa clinic. Doon lang
kami sa labas na kung saan may bench.
“Is
there something wrong?” ang marahang tanong ni Mon nang matagal-tagal na rin
kaming nakaupo. Hindi ako sumagot, sa halip ay muling namuo ang mga luha sa
mata ko.
“It’s
alright...nandito lang ako.”
Napatingin
ako sa kanya.
Ngumiti
siya. “Hindi bagay sa’yo umiiyak. Sige, lalong lalabo ang iyong mga mata,”ang
biro pa niya.
Napangiti na rin ako. “Thanks Mon,” ang sabi ko habang pinupunasan ang mga mata.
Makalipas
ang mahaba-haba ring sandali, dumating na rin si Greg, at tama ako andami na naman
niyang biniling boxes para sa cake at cookies.
“What
did I miss?” ang sabi, at napansin ko na natawa si Mon. Nagpaalam na kami kay
Mon at muli, nasilayan ko ang kanyang ngiti.
No
choice ako kung hindi ang tulungan si Greg sa pagbubuhat ng kanyang mga
pinamili. Pagdating sa dorm nila, saglit kaming nagpahinga at namapak ng chips
na nahanap ko na naman sa taguan ni Paul. Maya-maya pa’y dumating na si Paul.
At ang bungad kaagad sa kanya ni Greg: “Paul, may ikukuwento si Vince!”
“Ano
‘yun?” pag sabi ni Paul sabay agaw sa hawak kong Pringles na nakakalahati ko na.
“Wala…”
ang sagot ko.
“O
nagkita ba kayo ni Jeoff?” ang tanong ni Paul habang nagpapalit ng shirt.
“Nope.
Wala siya, naka-leave. Pero may gagawa pa rin ng salamin ni Vince.”
“Si
Mon,” ang sabi ko.
“Mon?”
Tumaas ang kilay ni Paul, napatingin sa akin.
“Why
are you looking at me like that?” ang paseryoso kong tanong.
“Wala lang, bakit masama?” may kasamang pang-aasar
na sagot. “Pero ang masama ay ang pagkain ng sobrang chips lalo na ‘yung hindi ipinagpaalam.”
Lumapit siya sa akin at umakmang mangingiliti. Paiwas akong tumakbo patungo sa
may pinto. Natawa na lang si Greg.
Lumipas
ang mga araw at hindi maalis sa isip ko si Mon lalo na kapag hinahawakan ko ang
salamin ko. Naaalala ko siya at ang kabaitan
niya at para bang gustong-gusto ko siyang makita. Kung dati-rati, si Brent ang
laging laman ng aking isip, ngayon ay si Mon na.
Friday
night, habang nasa dorm ako nina Greg, naka-receive ako ng message. Unregistered
number.
Good evening, Vince. Your glasses are ready for pick up tomorrow. See you. – Mon.
Nag-iisip
ako ng magandang sagot nang mapansin ni Paul ang kakaibang pagkakangiti ko.
Bigla niyang inagaw ang cellphone ko at binasa nang malakas kay Greg ang
mensaheng natanggap ko.. Inasar nila ako nang todo dahil doon.
“Sino
ba ‘yang Mon na’yan?” ang tanong ni Paul sabay akbay sa akin. Alam ko,
nagba-blush ako.
“Hmp,
ba’t ka ba nakikialam?” ang sagot ko.
“Naku,
mukhang tinamaan ang kaibigan natin,” ang sabi ni Greg. Siankal ako kunwari ni
Paul bago muling piangtripan ang buhok ko. As usual, ginulu-gulo. Kaya minsan
ayoko nang maglagay nang wax eh!
Dumating
ang kinabukasan – Sabado – at ako’y maagang gumising at nag-prepare. Sinundo ko
si Greg upang magpasama uli sa Quiapo.
“Vince,
I’m sorry, hindi kita masasamahan,” ang bungad ni Greg pagbukas ng pinto. “Medyo
masama kasi ang pakiramdam ko.”
Tumingin
ako kay Paul, nagbabakasakaling pwede siya. “Kawawa naman si Greg kung iiwanan
ko. Kailangan niya ng mag-aalaga sa kanya.”
Napakibit-balikat
na lamang ako.
“Ayaw
mo nun, walang istorbo sa inyo ni Mon?” ang pabirong dugtong pa ni Paul.
Wala
akong nagawa kundi ang lumakad nang mag-isa. Nag-FX ako sa halip na mag-LRT.
Nakarating pa rin ako nang maaga dahil maluwag ang trapik. Sobrang napaaga
naman yata ako dahil napansin ko na sarado pa ang karamihan sa mga clinic at tindahan
na nadraanan ko. At medyo konti pa ang tao. Habang naglalakad, nagulat ako nang
may biglang pumigil sa braso ko. Mapapasigaw sana ako dahil akala ko snatcher pero natigilan ako at saglit na natuliro nang mapagsino ko ito. Si Brent.
“Pwede
ba tayong mag usap?” ang sabi habang pigil pa rin ang braso ko.
“About
what?” ang sagot ko. Pinilit kong kumawala sa kanyang hawak subalit hindi ko magawa, masyadong
mahigpit.
“About
us. Bakit, ayaw mo na bang pag-usapan ang tungkol sa atin? Kinalimutan mo na ba
ako?”
“Wala
akong dapat ipagpaliwanag sa’yo!”
“Dahil
ba sa nakita mo last week? He’s just a friend.”
“Ok,
fine. But it’s over between us. Naka-move on na ako. So, let me
go.” Muli ay nagpumiglas ako upang makawala sa pagkakapigil niya sa aking braso.
“Pare,
may problema ba?”
Sabay
kaming napatingin sa pinaggalingan ng tinig.
Si
Mon.
Binalingan
siya ni Brent. “Stay out of this!”
“Mon,”
ang nag-aalala kong sambit.
“You
know him?” ang sabi ni Brent. “Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong makipag-usap
sa akin?”
Hindi
ako umimik. Nag-alala sa maaaring mangyari sa pagitan nina Mon at Brent.
“Paano
kung sabihin kong oo?” seryoso ang sagot ni Mon.
Hinarap
siya ni Brent at inundayan ng suntok. Nakaiwas si Mon at nagawa nitong itulak
si Brent. Mabuti na lang at may mga tambay na kaagad na umawat at namagitan. Umalis
si Brent na nagmumura, galit na galit.
“Vince,
are you alright?” ang tanong sa akin ni Mon.
“Yeah.
Sorry, nadamay ka pa,” ang nahihiya kong sabi, halos hindi makatingin sa kanya.
“Kalimutan
mo na ang gagong iyon. Halika sa clinic, tingnan mo na ang bago mong salamin.”
Pagkapasok
sa clinic, kaagad niyang kinuha sa isang drawer ang bago kong salamin. At bago
pa ako nakahuma, isinuot na niya iyon sa akin.
Napangiti
ako nang makita ko ang aking repleksiyon sa mirror na iniabot niya sa akin.
“It
fits perfectly. Napakaganda. I like it, Mon,” ang masaya kong sabi.
“I
like you too,” ang biglang sabi niya sa akin. Nagulat ako.
Humarap
ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata.
“Vince,
magpapakatotoo na ako,” ang kanyang sabi. “The moment I saw you, hindi ka na nawala
sa isip ko. Do you believe in love at first sight?”
Hindi
na rin ako nakapagkaila. “Yes, I do. At dahil nagpakatotoo ka,
magpapakatotoo na rin ako. Ganoon din ang nararamdaman ko para sa’yo.”
Natigilan
si Mon subalit kaagad ding napangiti.
“You
mean, you like me, too?”
Tumango
ako.
At
bugso marahil ng nag-uumapaw na damdamin, niyakap niya ako.
“I
shouldn’t be doing this but I can’t help it,” ang sabi ko pagkaraan. “Kagagaling
ko lang sa isang magulong relationship. Kay Brent, ‘yung naka-engkuwentro mo kanina.
Ayoko na sana munang magmahal dahil natatakot akong muling masaktan…”
“I
promise not to hurt you, Vince.”
I
looked straight into his eyes at doon, nakita ko ang sincerity ng kanyang
tinuran.
“Thanks
for the glasses,” ang sabi ko. “Mas malinaw na ngayon ang tingin ko. Mas nakatitiyak na ako at hindi na nabubulagan.”
Napangiti
kami nang sabay, hindi pa rin nagbibitiw sa pagkakayakap.
===
Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga manunulat na nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ang kuwento ay kailangang naaayon sa tema ng blog na ito. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com.
Be my guest. Ang blog na ito ay bukas sa mga manunulat na nais magbahagi ng kanilang kuwento. Ang kuwento ay kailangang naaayon sa tema ng blog na ito. Ipadala ang inyong akda sa: akosiarisblog@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment